Monday, June 26, 2023

INSURANCE NA ₱15 LIBONG PARA SA BIKTIMA NG VEHICULAR ACCIDENT, MAS MURA PA SA ISANG LETSONG BAKA, AYON KAY REP. LEE

Dismayado si AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee na mas mura pa sa presyo ng isang lechong baka ang 15,000 pesos na insurance para sa mga nasawi o nagtamo ng pinsala na pasahero o tumatawid sa lansangan na nabangga ng sasakyan.


Isang pamilya na namatayan ng 22-anyos na miyembro nito na nagtagpos na cum laude makaraang siya at ang kamyang kasintahan ay mabangga ng isang trak habang pauwi sa kanilang bahay.


Ayon kay Lee, sa kasalukuyang batas, talong talo ang mga pamilya ng mga biktima ng vehicular accident.


Hindi makatarungan, ani Lee, ang nasabing halaga kaya inihain niya ang HB08498 na nagsusulong na itaas sa P1 million ang kasalukuyang P15,000.00  na indemnity payout kung ang nakabangga sa biktima ay commercial motor vehicle na may gross vehicle weight na hanggang 4,500 kgs.


Layunin ng panukala ni Lee na maprotektahan at matugunan ang pangangailangan ng mga biktima ng vehicular accident habang tinitiyak ang pananagutan ng mga may-ari ng commercial vehicle. wantta join us? sure, manure...

PARDON NA IGINAWAD SA TATLONG CONVICTED OFW SA UEA, PINAPURIHAN SA KAMARA

Nagpahayag ng pagpuri ang isang partylist group sa lahat ng grupo na nagtulong-tulong para mabigyan ng pardon ang tatlong convicted Overseas Filipino Workers sa United Arab Emirates, na dalawa sa mga ito ang naghihintay na lamang ng execution.


Dahi dito, pinasalamatan  ng OFW partylist si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa ginawang apela sa pamahalaan ng UAE, na nagresulta sa pagkakaloob ng pardon sa ating mga kababayan.


Ayon sa partylist group, nasa bingit na ang buhay ng tatlong OFW ngunit naisalba dahil sa masigasig na pakikipag-ugnayan ng punong ehekutibo sa pamahalaan ng UAE.


Nagpapakita ang kasong ito ng kahalagahan na mabantayan ang kapakanan ng mga OFW na nasa 'death row' sa mga bansang kanilang pinagtatrabahuan. wantta join us? sure, manure...