MAGKAKAIBANG DATOS NG DA AT NDRRM HINGGIL SA EL NIÑO PHENOMENON, IKINABAHALA NI REP LEE
Nabahala si AGRI PL Rep. Wilbert Lee sa umano’y nakakalito at magkaibang datos patungkol sa epekto ng El Niño phenomenon sa ating bansa magmula sa Department of Agriculture o DA at National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Sinabi ni Lee na mahalaga na “consistent” at wasto ang mga numero na inilalabas ng DA at NDRRMC.
Ayon kay Lee, hindi aniya nagtutugma at malaki ang deperensya ng inilalabas na datos ng dalawang tanggapan.
Tinokoy ni Lee ang sinabi ng DA na umabot na sa halos P6 billion ang pinsala sa sektor nga agrikultura sa bansa dahil sa El Niño noong April 30 ngunit sa report ng NDRRMC noong April 29, higit P1.6 billion ang tinatayang pinsala sa sektor.
Giit ni Lee, dapat linawin ito ng DA at NDRRMC at kung alin ba ang dapat na sundin.
Paalala ng solon na sa datos nakabatay ang ayuda o tulong na inilalabas ng pamahalaan para sa mga apektado ng El Niño, gayundin ang pagtugon sa lawak ng pinsala.
Apela ni Lee sa DA at NDRRMC, magkaroon ng mas maayos na komunikasyon, at maglabas na tamang datos.