Friday, June 23, 2023

Junior Citizens, bibigyan ng benipesyo ng pamahalaan


Sa ilalim ng HB00092 ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers at HB08312 ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na tatawaging Junior Citizens Act, ang mga batang edad 0 to 12 years old na ang pamilya ay kumikita ng P250,000 kada taon ay ipinapanukalang bigyan ng health benefits at mga diskwento.


Kabilang dito ang 20% discount at vat exemption sa gamot, bakuna, milk supplements para sa mga edad 4 hanggang labindalawa, professional fee ng mga doktor mula pribadong ospital at health care facilities, professional fee ng mga homecare service providers, gayundin sa mga medical at dental services at laboratory sa pribadong pasilidad at iba pang kahalintulad na serbisyo.


Magiging libre naman ang naturang health services kung ito ay sa pampublikong health facility.


May diskwento rin ang mga junior citizen sa admission fee sa sinehan at iba pang uri ng leisure at amusement pati sa funeral at burial services sakaling ito at pumanaw.


Para naman maging kwalipikado, ang magulang o guardian ay kailangan magsumite ng birth certificate ng junior citizen mula sa sa Philippine Statistics Authority at Income Tax Return na nagpapakita na annual income ng pamilya ay hindi hihigit sa P250,000


Magkakaroon naman ng Junior Citizen ID at booklet na maaaring kunin sa barangay o LGU


Otomatiko ring mapapasailalim sa Philhealth coverage ang junior citizens anoman ang halaga ng family income.


Bubuo ng isang national coordinating and monitoring board na mangunguna sa pagpapatupad ng panukala na pamumunuan ng DOH at DSWD. wantta join us? sure, manure...

Suportado ng isang partylist group ang panukala ni newly appointed Department of Health  o DOH Secretary Ted Herbosa na bigyan ng pansamantala lisensya ang mga nursing board takers na nakakuha ng score na 70 to 74%. 


Ayon sa Kabayan Partylist, nauunawaan nila ang pangangailangan ng karagdagang mga nursing personnel sa mga government hospitals kayat naniniwala sila na matutugunan pansamantala ng hakbang na ito ang problemang kinakaharap ng sektor ng kalusugan.


pero dapat umanong magkaroon muna ng mga kondisyon bago pagkalooban ng temporary licenses ang mga non-board passers.


mahalaga kasi anila na masigurong may kakapusan ng qualified board passers bago i-hire at bigyan ng pansamantalang lisensya ang mga di nakapasa sa pagsusulit. wantta join us? sure, manure...

____________________

Speaker, Tingog kinilala Pinoy surfer na wagi sa int’l competition

____________________

KINILALA nina House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez at TINGOG Party List Congresswoman Yedda Maria K. Romualdez ang world-class surfer na si Rogelio “Jay-R” Esquivel, Jr. na nagwagi ng gintong medalya sa World Surf League (WSL) Qualifying Series Padrol Longboard Classic na ginanap sa Bali, Indonesia noong Hunyo 3-4.


“Jay-R Esquivel continues to make our country proud by winning international competitions one after another. His contributions to putting the Philippines in the world surfing map is not only honoring our country, but encouraging tourists to visit our surfing spots,” ani Speaker Romualdez.


Tumutulong ang mag-asawang Romualdez upang mabawasan ang gastos ni Esquivel sa kanyang pagsali sa mga kompetisyon gaya ng WSL.


Sa kanyang panalo sa WSL, si Esquivel ay makakalahok na sa WSL World Longboard Tour at naging kauna-unahang Pilipino na nakagawa nito.


Sinabi ni Rep. Yedda Marie Romualdez na noong Pebrero ay personal nitong binati si Esquivel nang manalo ito sa WSL La Union International Pro Longboard Qualifying Series.


“And now here we are again, in awe of Jay-R’s achievements in world surfing competitions, making history not only for himself but for the rest of the Filipino nation. Your accomplishments truly deserve praise and recognition,” ani Rep. Yedda Marie Romualdez.


Noong Mayo, si Esquivel ay bahagi rin ng team na nagtapos sa ikaapat na puwesto sa International Surfing Association (ISA) World Longboard Championship na ginanap sa El Salvador.


Ito ang debut ng Philippine Longboard Team sa naturang kompetisyon.


“Jay-R deserves all the support and recognition he can get, after making history after history in the world stage of surfing. We hope his example is followed by the youth of today and one day reach for their dreams,” sabi ng mag-asawang Romualdez.


Nangako rin ang dalawa na patuloy nasusuportahan ang surfing sa bansa at hinimok ang mga kabataan na sundan ang yapak ni Esquivel.


##wantta join us? sure, manure...

____________________

Speaker: Kongreso tutulong kay PBBM sa pagsulong ng kapakanan ng manlalayag, pagpapa-unlad ng maritime sector

____________________

TINIYAK ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez ang suporta ng Kongreso sa inisyatiba ni President Ferdinand "Bongbong" R. Marcos Jr. na pangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga manlalayag na Pilipino at ipagpatuloy ang pagpapa-unlad sa maritime sector.


“Under President Marcos' leadership, we are committed to fostering an enabling environment that promotes the welfare of seafarers, supports the growth of the maritime industry, and advances sustainable practices,” ani Speaker Romualdez sa kanyang mensahe sa International Transport Workers’ Federation (ITF) Seafarers’ Expo na ginanap sa CCP Complex sa Pasay City.


Dumalo rin sina Department of Migrant Worker (DMW) Secretary Susan Ople at House Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza sa pagtitipon na inorganisa ng ITF, na kinikilala bilang boses ng may 2 milyong manlalayag sa mundo.


Ayon kay Speaker Romualdez ang mga Filipino seafarer ang buhay ng maritime industry, na mayroong malaking kontribusyon sa ekonomiya ng bansa.


Noong 2022, nasa 489,852 Filipino seafarer ang nakakalat sa iba’t ibang bansa. Ito ay 25 porsyento ng seafarer sa mundo. Noong 2019, ang mga Filipino seafarers ay nakapagpadala ng USD 6.5 bilyon sa Pilipinas, o tinatayang 1.7 porsyento ng gross domestic product ng bansa sa naturang taon.


“One of the significant milestones that we intend to achieve in Pres. Marcos' tenure is the enactment of the Magna Carta of Filipino Seafarers,” sabi ni Speaker Romualdez.


Ang Magna Carta of Seafarers o House Bill (HB) No.7325, ay isa sa mga priority measure ng administrasyong Marcos. Ito ay bahagi ng 33 sa 42 priority bills na naaprubahan ng Kamara de Representantes sa unang regular session ng 19th Congress.


Paliwanag ni Speaker Romualdez ang Magna Carta of Filipino Seafarers ay isang komprehensibo at progresibong batas na tumutugon sa maraming isyu sa maritime sector ng bansa.


“It ensures fair and just working conditions, provides for reasonable compensation, guarantees access to quality healthcare and education, and promotes the welfare of seafarers and their families. This legislation stands as a testament to President Marcos' dedication to creating a conducive environment for seafarers to thrive,” ani Speaker Romualdez.


Binigyan-diin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan na mabigyan ng mga bagong kasanayan ang mga marunong Pilipino upang manatiling competitive kasabay ng pagbabago sa teknolohiya at paraan na kanilang ginagamit.


“By empowering seafarers with the necessary knowledge and skills, we not only enhance their professional capabilities but also ensure the sustained growth and competitiveness of our maritime sector,” dagdag pa ng lider ng Kamara.


Matatandaan na noong Marso ay pumayag ang European Commission na huwag ipagpatuloy ang ban sa mga marinong Pilipino dahil hindi nakasunod ang bansa sa mga pamantayang itinakda ng European Maritime Safety Agency (EMSA). Aabot sa 50,000 Pilipino ang maaapektuhan nito.


Nangako si Pangulong Marcos na tutugunan ang mga tinukoy na isyu ng EMSA na ang layunin ay tiyakin ang kasanayan ng mga marunong Pilipino bago payagang makapaglayag ang mga ito.


“To the seafarers present here today and those serving at sea, I offer my heartfelt appreciation for your tireless efforts and unwavering commitment,” sabi pa ni Speaker Romualdez. 


“Let us continue working hand in hand, with President Marcos' guidance, to propel the maritime industry forward, ensuring the well-being and prosperity of our seafarers,” dagdag pa nito.


### wantta join us? sure, manure...

____________________

Pagpapataw ng malaking tax para sa mga mayayaman o very rich people. Tututukan ng Committee on Way and Means

____________________


TUTUTUKAN at gagawing priority ng House Committee on Ways and Means ang pagpapataw ng malaking buwis o tax para sa mga mayayaman partikukar na sa mga tinatawag na "very rich people" na nagma-may ari ng malalaking negosyo para mas lalo pa nitong mapalago ang ekonomiya ng bansa.


Sinabi ni Albay 2nd Dist. Congressman Joey Sarte Salceda, Chairman ng Ways and Means Committee sa Kamara, na kasalukuyan na nilang pinag-aaralan ang pagpapataw ng buwis o malaking tax para sa mga mayayamang pamilya sa bansa lalong lalo na ang mga nagma-may ari ng malalaking negosyo o ang mga tinatawag na "big time" businessmen. 


"The Committee will prioritize tax measures that are clearly progressive and hit the rich first. Tax panel is open to junk food, but will prioritize taxes that hit reach people," ayon kay Salceda.


Kabilang sa mga mayayamang pamilya o very rich family ay nagma-may ari ng malalaking shopping malls, restaurants, mga sikat na supermarkets o groceries, fast food chains at iba pang malalaking negosyo sa Pilipinas.


Kasabay nito, ipinahayag din ni Salceda na bukod sa pagpapataw ng buwis sa mga mayayamang pamilya. Nais din tutukan ng nasabing Komite ang pagpapataw naman ng buwis o tax sa mga junk foods o chicheria na kinahuhumalingan ng mga kabataan batay sa isusumiteng formal proposal ng Department of Finance (DOF).


"We have not received the proposal yet. But when we do, it will go through the usual tests the committee applies. Who pays for it? What are its macro-economic impacts? What are the costs and benefits? What are other countries doing? And what do we do if something goes wrong?" Sabi pa ni Salceda.


Ipinaliwanag ng Bicolano congressman na ang magiging desisyon ng House Committee on Ways and Means kaunay sa imposition ng tax sa mga junk foods ay dedepende aniya sa datos na makukuha nila kasabay din ng pagpapataw ng buwis sa mga matatamis na inumin po "sweetened beverages". 


"The decision of course will depend on data. We are just in the median of obesity rates in the region. While having the highest sweetened beverage levels in ASEAN," Dagdag pa ni Salceda. wantta join us? sure, manure...

Speaker: Kongreso tutulong kay PBBM sa pagsulong ng kapakanan ng manlalayag, pagpapa-unlad ng maritime sector


Tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang suporta ng Kongreso sa inisyatiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga manlalayag na Pilipino at ipagpatuloy ang pagpapa-unlad sa maritime sector.


“Under President Marcos' leadership, we are committed to fostering an enabling environment that promotes the welfare of seafarers, supports the growth of the maritime industry, and advances sustainable practices,” ani Speaker Romualdez sa kanyang mensahe sa International Transport Workers’ Federation (ITF) Seafarers’ Expo na ginanap sa CCP Complex sa Pasay City.


Dumalo rin sina Department of Migrant Worker (DMW) Secretary Susan Ople at House Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza sa pagtitipon na inorganisa ng ITF, na kinikilala bilang boses ng may 2 milyong manlalayag sa mundo.


Ayon kay Speaker Romualdez ang mga Filipino seafarer ang buhay ng maritime industry, na mayroong malaking kontribusyon sa ekonomiya ng bansa.


Noong 2022, nasa 489,852 Filipino seafarer ang nakakalat sa iba’t ibang bansa. Ito ay 25 porsyento ng seafarer sa mundo. Noong 2019, ang mga Filipino seafarers ay nakapagpadala ng USD 6.5 bilyon sa Pilipinas, o tinatayang 1.7 porsyento ng gross domestic product ng bansa sa naturang taon.


“One of the significant milestones that we intend to achieve in Pres. Marcos' tenure is the enactment of the Magna Carta of Filipino Seafarers,” sabi ni Speaker Romualdez.


Ang Magna Carta of Seafarers o House Bill (HB) No.7325, ay isa sa mga priority measure ng administrasyong Marcos. Ito ay bahagi ng 33 sa 42 priority bills na naaprubahan ng Kamara de Representantes sa unang regular session ng 19th Congress.


Paliwanag ni Speaker Romualdez ang Magna Carta of Filipino Seafarers ay isang komprehensibo at progresibong batas na tumutugon sa maraming isyu sa maritime sector ng bansa.


“It ensures fair and just working conditions, provides for reasonable compensation, guarantees access to quality healthcare and education, and promotes the welfare of seafarers and their families. This legislation stands as a testament to President Marcos' dedication to creating a conducive environment for seafarers to thrive,” ani Speaker Romualdez.


Binigyan-diin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan na mabigyan ng mga bagong kasanayan ang mga marunong Pilipino upang manatiling competitive kasabay ng pagbabago sa teknolohiya at paraan na kanilang ginagamit.


“By empowering seafarers with the necessary knowledge and skills, we not only enhance their professional capabilities but also ensure the sustained growth and competitiveness of our maritime sector,” dagdag pa ng lider ng Kamara.


Matatandaan na noong Marso ay pumayag ang European Commission na huwag ipagpatuloy ang ban sa mga marinong Pilipino dahil hindi nakasunod ang bansa sa mga pamantayang itinakda ng European Maritime Safety Agency (EMSA). Aabot sa 50,000 Pilipino ang maaapektuhan nito.


Nangako si Pangulong Marcos na tutugunan ang mga tinukoy na isyu ng EMSA na ang layunin ay tiyakin ang kasanayan ng mga marunong Pilipino bago payagang makapaglayag ang mga ito.


“To the seafarers present here today and those serving at sea, I offer my heartfelt appreciation for your tireless efforts and unwavering commitment,” sabi pa ni Speaker Romualdez. 


“Let us continue working hand in hand, with President Marcos' guidance, to propel the maritime industry forward, ensuring the well-being and prosperity of our seafarers,” dagdag pa nito.


##wantta join us? sure, manure...

PANGUNGUNA NG TACLOBAN COLLEGE SA PT LICENSURE EXAM SA BUONG BANSA, BINATI NI SPEAKER ROMUALDEZ


Binati ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ngayong Miyerkules ang Doña Remedios T. Romualdez Medical Foundation (DRTRMF) ngayong Miyerkules, na nakabase sa Tacloban, na kilala rin bilang Remedios T. Romualdez (RTR), sa kanilang katangi-tanging tagumpay na natamo matapos na manguna sa talaan ng mga paaralan sa buong bansa, sa pagsusulit sa Physical Therapists Licensure ngayong buwan. 


Sinabi rin ni Speaker Romualdez na lubos siyang nagagalak dahil nagbigay ito sa kanya ng “great pride” nang malaman niya na dalawa sa 10 top examinees sa naturang pagsusulit ay nagmula sa Tacloban school: sina Dodievic Arma, na panglimang puwesto, at Fatima Therese Doyon, na pang sampu.


“It gives me great pride whenever a school in my hometown achieves a remarkable feat in any event. And Doña Remedios T. Romualdez Medical Foundation or simply RTR as it is called in Tacloban, have made all Taclobanons proud by placing first nationwide in the PT board exams,” ayon kay Speaker Romualdez, habang binabati ang tagumpay ng RTR, lalo na ang college of physical therapy na pinamumunan ni Dean Jay Anthony Cañete.


“And it also gives me great pleasure to know that we have topnotchers in the city! This calls for a double celebration!” dagdag niya.


Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), 708 sa 1,026 ang pumasa sa pagsusulit para sa physical therapists na idinaos ngayong Hunyo. 


Nagrehistro ang RTR ng 92.11% passing rate nang 35 sa 38 board takers ay pumasa sa pagsusulit, na nagtala sa kanila upang maging nangungunang paaralan sa buong bansa sa kategorya ng 30 o mas maraming examinees. 


Kapansin-pansin na nagtala ito ng 100% na antas ng pumasa para sa mga unang kumuha ng pagsusulit.


“I congratulate the officials, faculty, employees and students of RTR for this wonderful achievement! It really goes to show the top-notch caliber of education in your institution. Keep up the good work of training excellence for years to come!” ani Speaker Romualdez.


Itinatag ang RTR noong 1980 sa pamamagitan ng inisyatiba ng ama ng mga Romualdez, si dating Leyte Governor Benjamin Romualdez, at ipinangalan ito sa kanyang ina na si Remedios T. Romualdez. wantta join us? sure, manure...

SPEAKER ROMUALDEZ, NANAWAGAN NG MAS MARAMING PROYEKTONG PPP NA SUSI SA MODERNISASYON NG IMPRASTRAKTURA, AT MAKAKAPAGPAANGAT SA KABUHAYAN NG MGA PILIPINO


Nanawagan ngayong Miyerkules si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ng mas maraming proyekto sa pamamagitan ng public-private partnership, at sinabing ito ang susi sa modernisasyon ng mga kinakailangang imprastraktura sa bansa, na magdadala sa kaunlaran at maiangat ang kabuhayan ng sambayanang Pilipino.


Pinanawagan ito ni Speaker sa kanyang mensahe, sa okasyon ng pagpapasinaya ng proyekto ng Third Candaba Viaduct ng Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) at NLEx Corp. na idinaos sa Brgy. Dulong Malabon sa Pulilan, Bulacan.


Tinarget na makumpleto ito sa Nobyembre 2024, palalawakin ng proyekto ang kasalukuyang istraktura ng viaduct sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga inner at outer shoulder sa tatlong linya sa bawat direksyon, at inaasahang magpapabilis ng pagbyahe ng mga motorista mula sa kasalukuyang 40-60 kph hanggang 60-80 kph.


“The Candaba Third Viaduct serves as a symbol of the fruitful partnership between the government and the private sector. It is a testament to what we can achieve when we work together towards a common goal,” ayon sa kaniya.


Ipinahayag niya ang kanyang pasasalamat kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa kanyang hindi natitinag na suporta para sa kaunlaran ng imprastraktura ng bansa.


“Under his visionary leadership, we have witnessed a renewed commitment to the Build Build Build program, which aims to propel our nation towards progress and inclusive growth,” aniya.


Binanggit rin niya ang walang humpay na pagsusulong ng mga kinatawan ng Pampanga ng ika-19 na Kongreso, kabilang na sina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales, Jr., Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, at Representatives Jon Lazatin at Anna York Bondoc, gayundin ang pakikipagtulungan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Bulacan at Pampanga, upang maging makatotohanan ang proyekto sa pinakamadaling panahon.


Binanggit ni Speaker Romualdez na ang Candaba Viaduct, na nagsisilbing strategic expressway link na kumokonekta sa Metro Manila at Central at North Luzon corridor ng ilang dekada, ay naging naging bahagi para sa pagpapasilidad sa pagkilos ng mga tao, produkto at serbisyo.


“However, as our population grows and our economy expands, it is imperative that we invest in the modernization and expansion of our infrastructure,” punto niya. 


Itinayo noong 70’s, dinaanan ng 5-km viaduct ang Candaba Swamp, at dumudugtong sa mga lalawigan ng Bulacan at Pampanga. Naunang itinayo na 2 X 2 configuration lamang o dalawang linya sa bawat direksyon, ito ay ginawang 2 X 3 noong 2017 para i-maximize ang kakayahan nito, at ngayon ay sineserbisyuhan nito ang tinatayang 80,000 motorista sa bawat araw.


“The construction of the Candaba Third Viaduct is a testament to our collective commitment to meet these growing demands head-on. This project, with the support of President Bongbong Marcos, is a significant component of the government's Build Build Build program,” aniya.


“It exemplifies our determination to enhance connectivity, promote economic development, and uplift the lives of our people,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.


Binanggit niya na hindi lamang pahuhusayin ng proyekto ang network ng transportasyon kungdi mag-aambag rin ito sa kabuuang kaunlaran ng ekonomiya ng lipunan sa rehiyon, dahil makakalikha ito ng maraming trabaho, makakahikayat ng pamuhunan, at magpapalago ng ekonomiya.


“As we break ground today, we are not just laying the foundation for a new structure; we are paving the way for progress, prosperity, and a brighter future for our nation. The Candaba Third Viaduct will stand tall as a symbol of our aspirations, our commitment to sustainable development, and our unwavering dedication to the welfare of our people,” punto ni Speaker Romualdez.


Noong Mayo, inaprubahan ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa ikatlong pagbasa ang House Bill No. 8078, na naglalayong pagtibayin ang 30-taong National Infrastructure Program (NIP).


Ipinapanukala sa batas na pagtuunan ang mga pagsisikap sa transportasyon, enerhiya, mapagkukunan ng tubig, impormasyon, at teknolohiya sa komunikasyon, modernisasyon sa agri-fisheries at food logistics, at social infrastructure.


Ang NIP ay popondohan sa pambansang badyet, public-private partnership (PPP) arrangements, kabilang na ang hybrid PPPs, o lokal na pamahalaan, o kombinasyon ng mga sources na ito.  wantta join us? sure, manure...