PAGPAPAIGTING NG SA PAGBABANTAY NG BPI SAMGA COLD STORAGE FACILITIES, HINILING SA KAMARA
kath
Umapela si House Majority Leader Mannix Dalipe sa Bureau of Plant Industry at iba pang kauukulang ahensya na paigitingin ang pagbabantay sa cold storage facilities ng agri-products gaya ng sibuyas.
Ayon sa kinatawan, oras na hindi mabantayan ang totoong suplay ng sibuyas ay madali nang imanipula ang presyo nito.
Maaari kasi aniya na sabihing puno ang cold storage kahit hindi at oras na kulangin ang suplay ay maaari nang samantalahin ng smugglers ang iligal na pagpapasok ng produkto.
Ganito rin aniya ang kalalabasan kung mayroon naman pala talagang suplay ng sibuyas ngunit itinatago para magkaroon ng artipisyal na pagtaas sa presyo nito.
“What will happen to the market? Kung sinasabi punong-puno, na wala namang laman? That can be taken advantage off by some people…When that happens here comes now the situation na papasok na yung mga smugglers, kasi pinaglaruan na yung presyo. Dun pa lang sa data ng supply, marami nang pwedeng mag take advantage.” diin ni Dalipe.
Dapat din aniyang ayusin ng ahensya ang mekanismo sa pag-monitor ng cold storage at isama ang local producers.
Sa kasalukuyan kasi, tanging ang imbakan lamang ng mga may import permit ang nababantayan ng BPI.
Pagtiyak naman ng ahensya na ang datos na kanilang ipinipresinta tungkol sa suplay ng sibuyas ay mula sa sarili nilang monitoring team, local government unit at consultation mula sa stakeholders.
Katunayan, nitong nakaraang kada dalawang linggo ang isinasagawang monitoring maliban at nagsasagawa rin ng special monitoring.
“May monitoring po kaming ginagawa, humihingi rin po kami ng datos from the LGUs at yun pong stakeholders consultation, pinapaverify po natin ito. Ito naman ay dumadaan po sa konsultasyon before po naming ibigay po lahat ng ating pong mga daots.” paliwanag ni National Plant Quarantine Services Division OIC Chief Shereene Samala.
##