KOMITE NG CONSTITUTIONAL AMENDMENTS SA KAPULUNGAN, NAGDAOS NG UNANG PAMPUBLIKONG KONSULTASYON PARA SA REPORMA SA LABAS NG MAYNILA
Idinaos ngayong Biyernes ng Komite ng Constitutional Amendments sa Kapulungan ng mga Kinatawan, sa pamumuno ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, ang unang out-of-town na pampublikong konsultasyon sa panukalang reporma sa Konstitusyon, na ginanap sa University of Science and Technology sa Lungsod ng Cagayan de Oro sa Timog ng Pilipinas.
Sa kanyang pambungad na mensahe, ipinaliwanag ni Rep. Rodriguez na layon ng out-of-town na pampublikong talakayan na maipaabot ng Komite sa mga mamamayan ng Lungsod ng Cagayan de Oro, lugar ng Misamis Oriental at ng Region X hinggil sa mga nakabinbing panukala at resolusyon sa naturang usapin.
Ang konsultasyon ay pangatlo na sa mga aktibidad na isinagawa, upang pusuan ang pangkalahatang sentimyento ng publiko sa mga panukala na humihiling ng amyenda sa ilang mga probisyong pang-ekonomiya ng 1987 Konstitusyon.
Ang nakaraang dalawa ay idinaos sa National Capital Region (NCR). Matapos ang Lungsod ng Cagayan de Oro, sinabi ni Rodriguez na magsasagawa rin ang lupon ng mga pampublikong konsultasyon sa Iloilo, Pampanga at Lungsod ng San Jose Del Monte sa Bulacan, “We’re going to make sure that all regions in the country will be visited by the Members of Congress and the Committee on Constitutional Amendments. We will continue to meet our people as the need arises. We can add more places to visit as we want to have more comments and participation of the people.”
Ang mga dumalo ay binigyan ng paliwanag sa mga mungkahing nananawagan para sa isang constitutional convention, na maglalatag ng mga amyenda sa Konstitusyon. Ito ang mga People’s Initiative (PET) 1; mga House Bills 4926, 6698, 6805, 6920 at House Joint Resolution (HJR) 12. Ang mga kalahok ay binigyan rin ng paliwanag hinggil sa Resolution of Both Houses (RBH) 2 at RBH 3, na nagmumungkahi ng mga amyenda sa ilang mga probisyong pang-ekonomiya ng 1987 Konstitusyon.
Samantala, iprinisinta ni Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo ang mga epekto ng mga mahihigpit na probisyon ng Konstitusyon sa buhay ng sambayanang Pilipino, at ang posibleng mga benepisyo na makukuha sakaling luwagan ang mga probisyong ito.
Mahigit na 340 na kalahok na kumakatawan sa iba’t ibang sektor – kalakalan, akademya, kabataan, at mga ahensya ng pamahalaan, at mga lokal na pamahalaan, at iba pa, ang dumalo sa konsultasyon.
Binigyan sila ng pagkakataon na makibahagi at isiwalat ang kanilang mga opinyon sa mga sumusunod: (1) kung kinakailangan ba o hindi na amyendahan ang Konstitusyon; 2) Kung oo, ano ang nais nilang pamamaraan ng pag-amyenda; at 3) ano’ng mga partikular na amyenda ang nais nilang ipanukala, kung meron man.
Sang-ayon naman si Mr. Raymundo Talimio Jr., Presidente ng Cagayan de Oro Chamber of Commerce and Industry Foundation, Inc., sa pangangailangan na maayendahan ang Konstitusyon sa lalong madaling panahon.
Dapat ring gawin ito sa pamamagitan ng constitutional convention, at idinagdag na, “And if viable, the election of the delegates should be done together with the barangay elections.” Idineklara rin ni Talimio ang pagbubukas sa pagbugso ng foreign direct investments (FDIs) at mga dayuhang kompanya dito sa bansa, na sa susunod pang panahon ay magiging kostumer na rin ng mga MSMEs para sa kanilang mga lokal na raw materials, “We look at it as an opportunity for MSMEs to grow and support the FDIs and the new businesses through the FDIs that will come in.”
Ang mga alalahanin na tinalakay sa konsultasyon ay ang mga pangangailangan na, (1) paunlarin ang mga kalagayan ng mga seafarers; (2) isama ang mga probisyon na magbibigay ng atensyon sa kapakanan ng mga magsasaka; (3) amyendahan ang mga probisyong pang-ekonomiya para mapalakas ang National Labor Relations Commission at ang National Commission of Muslim Filipinos; at (4) magdagdag ng seksyon sa Konstitusyon na partikular na tutugon sa lahat ng uri ng diskriminasyon, at iba pa.
Kasamang dumalo konsultasyon sina Committee on Constitutional Amendments Vice Chairpersons at Romblon Rep. Eleandro Madrona at Quezon City Rep. Marivic Co-Pilar; Deputy Minority Leader France Castro; Cagayan de Oro City Rep. Lordan Suan; SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta; Davao de Oro Rep. Ruwel Peter Gonzaga; Camiguin Rep. Jurdin Jesus Romualdo, Misamis Occidental Rep. Sancho Fernando Oaminal; Bukidnon Rep. Jonathan Flores; Agusan del Norte Rep. Dale Corvera; and Misamis Oriental Rep. Yevgeny Emano, para tumugon sa mga usaping tinalakay sa pampublikong konsultasyon.
Nakita ni ACT Partylist Rep. Castro ang kahalagahan ng pampublikong konsultasyon upang mabigyan ng impormasyon ang mga mamamayan sa mga pabor at kontrang pananaw sa pag-aamyenda ng Konstitusyon, habang sinabi naman ni Corvera na dapat ay may maayos na konsultasyon sa iba’t ibang sektor upang malaman ng mga mamamayan at kanilang maintidihan ang mga usapin, nang sa gayon ay magkaroon sila ng maayos na pagpapasya.
Sinabi naman ni Rep. Madrona na dapat lamang na matiyak ng mga kinatawan ng mga mamamayan na maunawaan nila ang hinahangad na pag-asa ng nakararaming Pilipino, ay ganap na makamtam.
Inaasahan rin ni Rep. Co-Pilar na ang mga opinyon ng mga mamamayan ay makatutulong sa mga mambabatas kung papaano babalangkasin ang pag-amyenda, na titiyak na mga susog na ito ay papakinabangan ng sambayanang Pilipino.