Tuesday, May 16, 2023

REVENUE PROVISIONS NG PANUKALANG OFW HOSPITAL, APRUBADO NA SA KAMARA

Pasado na ang panukalang iniakda ni dating Pangulo at ngayo’y House Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na nagtatakda ng revenue privisions sa bill na nagsusulong na magtayo ng Overseas Filipino Workers Hospital o OFWH at tinakay ng House Ctte on Ways and Means.


Sinabi ni DS Macapagal-Arroyo na ang substitute bill ng panukala ay kapwa na nakapasa na sa House Cttes on Health at Appropriations.


Kabilang sa revenue provisions na nakalusot sa komite ay ang kapangyarihan ng OFWH gaya ng: pagpapataw, pag-assess at pagkolekta ng mga bayarin at katulad na kailangan para masuportahan, mapondohan at ma-maintain ang operasyon ng ospital.


Gayundin ang mag-solicit at tumanggap ng mga donasyon, pondo at kapareho na “cash o in kind” mula sa pribado at pampublikong sektor, pero “subject” ito sa budgeting, accounting at auditing rules and regulations.


Ayon sa Department of Finance o DOF, suportado nila ang probisyong nakasaad sa panukala dahil alinsunod naman ang mga ito sa kasalukuyang batas.


Sa oras na maitayo ang OFW Hospital, magkakaloob ito ng iba’t ibang serbisyong medikal para sa mga OFW, pati sa kanilang mga pamilya. 

Isa Umali / May 16 wantta join us? sure, manure...