Thursday, September 14, 2023

Kinumpirma ni Appropriations Committee Chair Elizaldy Co na nagpadala ng liham si DBM Sec. Amenah Pangandaman upang ipaliwanag ang naging paglalabas ng nasa P125 million na pondo sa Office of the Vice President noong 2022.


Ayon kay Co, sa naturang sulat ay nilinaw ng kalihim na hindi nalabag ang power of the purse ng Kongreso sa naturang release ng pondo.


Batay aniya sa paliwanag ni Sec. Pangandaman, ang halagang ibinigay ng Office of the President sa OVP ay mula sa P7 billion na Contingent Fund bilang suporta sa Good Governance Engagements and Social Services Projects ng tanggapan ng bise presidente.


Bahagi lamang din aniya ito ng kabuuang  P221.42 million na naibigay sa OVP mula sa Contingent Fund na nakapaloob sa 2022 General Appropriations Act.


Hindi rin umano ito augmentation o transfer of fund na una nang idineklara ng Korte Suprema bilang unconstitutional.


“While it is understandable that, at the outset, the release of funds to the OVP may be perceived as a transfer, the same was not technically so, for such release was funded from Contingent Fund under the FY 2022 GAA and not from the budget of the OP,” saad sa liham ni Pangandaman kay Co.


Ipinunto rin ng kalihim sa House panel chair na hindi nililimatahan ang paggamit ng contingent fund sa isang partikular na ahensya o tanggapan maliban na lamang sa pagbili ng motor vehicles.


Una nang nilinaw ng Office of the Executive Secretary na ang naturang pondo ay inilabas alinsunod sa Special Provision No. 1 sa ilalim ng 2022 Contingent Fund, na nagbibigay kapangyarihan sa OP na aprubahan ang pagri-release ng pondo na magko-cover sa funding requirements ng bago o urgent activities na kailangang maipatupad. 


#wantta join us? sure, manure...

Garin sa CHED: Gawing prayoridad ang scholarships 


Sinabi ni Deputy Majority Leader at Iloilo First District Representative Janette Garin sa Commission on Higher Education (CHED) na unahin ang pagbibigay ng scholarship sa mga estudyante sa halip na gamitin ang pondo para sa mga non-essential expenditures. 


Hinimok ni Garin si CHED Chairperson Prospero De Vera III na ibigay ang pangangailangan ng mga estudyante, at igniit na mas maraming pondo ang dapat ilaan para sa scholarship program.


“There’s a big difference between wants and needs. Maybe eto ‘yung checklist niyo pero mas kailangan siguro ng ating mga kabataan ngayon na mabayaran [ang tuition fees],” aniya ni House committee vice chairperson.


“Bilyon bilyon ang ginagamit natin dito sa mga paggawa ng guidelines, biyahe, bisita, research kunyari, pang-evaluate ng performance. Do we really need this huge expense?” dagdag pa ni Garin.


Ayon pa kay Garin, maaaring makipagtulungan ang CHED sa iba pang ahensya sa mga programang tulad ng Integration of Natural Green and Renewable Energy sa mga eskwelahan, na binanggit na may kaparehong proyekto ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Energy (DOE).


“Ang napapansin lang namin, CHED always says ang daming kailangan ng mga estudyante [but] apparently you are not that keen on directly giving the assistance to our students because we are at a point na ang dami ngayon na hirap na hirap na gumastos ng pang tuition because we are in the midst of challenging times,” sinabi ng mambabatas.


Noong 2023, iminungkahi ng CHED ang kabuuang expenditure program na P30.7 bilyon, na may P29.3 bilyon o 98.5 porsiyento na itinalaga para sa pagpopondo ng mga scholarship sa pamamagitan ng Higher Education Development Program (HEDP). 


Para sa 2024, tumaas ang panukalang badyet ng ahensya sa P31 bilyon; gayunpaman, nagkaroon ng bahagyang pagbaba sa alokasyon para sa HEDP, na ngayon ay nasa P29 bilyon.




###wantta join us? sure, manure...

Isinusulong sa Kamara ang isang panukala na layong i-upgrade ang sistema ng paglilipat ng mga puno na apektado ng iba’t ibang mga proyektong imprastraktura at katulad. 


Ito ang House Bill 9124, na inihain ni Leyte Rep. Richard Gomez. 


Kapag naging ganap na batas --- bibigyan ng taunang pondo ang Department of Public Works and Highways o DPWH para bumili, mag-mentina, at gumamit ng “earth balling equipment” sa kada rehiyon para sa mga “road improvement” at iba pang katulad na proyekto. 


Ayon kay Gomez, masyado nang luma ang earth balling system ng gobyerno sa gitna ng mga banta ng “climate change.” 


Sa katunayan, ani Gomez --- mano-mano at tradisyunal pa ang ginagawa ng DPWH na relokasyon ng mga puno tungo sa ibang lugar, dahil sa kawalan ng budget para makabili ng earth balling machines. 


At kung tutuusin din aniya ay mas matrabaho at mas mahal ang kasalukuyang paraan ng pamahalaan. 


Kaya ayon kay Gomez, napapanahon nang ma-upgrade ang sistema upang mas maraming puno ang mailigtas, habang mas matitiyak ang maayos na mga proyekto nang maliit lamang ang dulot na epekto sa kalikasan. wantta join us? sure, manure...

Nanawagan si Manila 6th District Representative Bienvenido Abante Jr. sa National Youth Commission na isailalim sa values-centered training programs ang mga mahahalal na opisyal ng Sangguniang Kabataan.


Ito'y bahagi ng inisyatiba na magtataguyod sa "Bagong Pilipinas" campaign ng administrasyong Marcos.


Ayon kay Abante, karaniwang malapit sa tukso ang SK leaders habang ginagampanan ang tungkulin at karamihan sa kanila ay bumibigay umano rito.


Dahil dito, ipinunto ng kongresista na dapat bumuo na ang NYC ng mga programa na magpapatibay sa "moral compass" ng mga opisyal ng SK upang magsilbi silang magandang halimbawa sa mga kabataan.


Magiging matagumpay aniya ang Bagong Pilipinas initiative kung ituturo sa SK leaders hindi lamang ang usaping teknikal sa pagganap sa tungkulin kundi ang pagpapaalala na ang kabataan ang nananatiling pag-asa ng bayan.


Sa nagdaang budget deliberations ng NYC sa Kamara ay tiniyak ni NYC Chairperson Ronald Cardema na ipatatawag nila ang mga bagong halal na SK officials matapos ang eleksyon sa Oktubre upang isabak sa pagsasanay na may kinalaman sa moral values. wantta join us? sure, manure...

PANUKALANG EXPANDED TERTIARY EDUCATION EQUIVALENCY, APRUBADO SA IKALAWANG PAGBASA


Bilang pagkilala sa kahalagahan ng pagkakaroon ng pantay na pag aaral sa mataas na edukasyon, inaprubahan ngayong Miyerkules ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa pangunguna ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang House Bill 9015 o ang panukalang "Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) Act." 


Sina TINGOG Party-list Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre ang pangunahing nag-akda ng panukala. 


Sa kanyang isponsorship na talumpati, sinabi ng Chairperson ng Komite ng Higher at Technical Education at Baguio City Rep. Mark Go na ang mga taong may kakayahan ay dapat magkaroon ng pagkakataon sa edukasyon, upang mapagtanto ang kanilang buong potensyal at maghanda para sa mahalagang bagay na landas na kailangan para sa pandaigdigang kompetisyon. 


“We all know that the acquisition of knowledge and skills does not only take place within the confines of the classroom," aniya. 


Ang ETEEAP ay isang equivalency at accreditation pathway para sa pagkuha ng bachelor's degree para sa mga nagtapos sa high school, post-secondary technical-vocational graduates, at college undergraduates na may hindi bababa sa limang taon ng propesyonal na karanasan. 


Ayon pa kay Rep. Go ang pagtatatag ng ETEEAP bilang isang alternatibong programa sa pag aaral ay magpapahintulot sa mga manggagawa, empleyado, propesyonal, at iba pang mga undergraduate adult na may nakuha na mga competencies upang makakuha ng isang degree sa pamamagitan ng pagkilala sa kanilang karanasan sa trabaho, kaalaman, kakayahan, at kadalubhasaan bilang mga kredito sa paaralan. 


Ang iba pang mga panukala na inaprubahan sa Ikalawang Pagbasa ay 1) HB 6933, na naglalayong ideklara ang Pampanga bilang "Christmas Capital of the Philippines;" 2) HB 9045, na magbibigay ng mas magandang akses sa mga Muslim Filipino sa Shari'a courts; at 3) Idedeklara ng HB 4641 ang General Santos City bilang "Tuna Capital of the Philippines." 


Pinangunahan nina Senior Deputy Speaker Aurelio "Dong" Gonzales Jr. at Deputy Speaker Vincent Franco "Duke" Frasco ang sesyon sa plenaryo. wantta join us? sure, manure...

Umaasa si House Committee on Labor and Employment chairman at Rizal Rep. Fidel Nograles na magtuloy-tuloy ang mga hakbang ng Department of Education o Deped, para sa kapakanan ng mga guro sa bansa.


Ang pahayag ni Nograles ay kasabay ng pagdiriwang ng National Teacher’s Month ngayong Setyembre.


Ayon kay Nograles, kabilang sa magandang ginawa ng Deped sa pamununo ni Vice Pres. Sara Duterte ay ang 30-day break para sa mga pampublikong guro, at ang pagbabawas ng “administrative tasks” sa 11 mula sa 56.


Ang mga ito aniya ay napapanahong “interventionsa” para sa mga teacher.


Isa pang tinukoy ng kongresista ay ang nakatakdang paglulunsad ng “website” upang asistihan ang mga guro kaugnay sa mga problema sa kanilang financial contract loan.


Sinabi ni Nograles na kanyang ikinalulugod na masigasig ngayon ang Deped sa paghahanap ng mga paraan upang maibsan ang mga pasang responsibilidad ng ating guro. 


Hindi rin aniya lingid sa lahat na may mga guro na nabibiktima ng iba’t ibang sitwasyon gaya ng “loan sharks” kaya kailangang bigyan sila ng financial education, legal assistance at iba pa upang maputol na ang “cycle” ng utang at kahirapan sa kanilang hanay.


Sa panig naman ng Kamara, tiniyak ni Nograles na patuloy silang gagawa ng mga batas o patakaran para matulungan ang mga teacher sa ating bansa. wantta join us? sure, manure...

PAGDINIG SA ULAT PINANSIYAL, MGA PLANO, AT MGA PROGRAMA NG PCSO PARA SA TAONG 2024, TINAPOS NA

 

Tinapos na ngayong Martes ng Komite ng Appropriations sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni AKO BICOL Rep. Elizaldy Co, ang pagdinig sa mga nagawa ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), kaugnay ng pagdepensa nito ng badyet ng ahensya para sa taong 2024. 


Sinubukang alamin ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang tungkol sa mga aksyon ng PCSO laban sa iligal na sugal, at ipinunto niya na may tendensiya ang ahensya na ituring ang problema bilang responsibilidad ng pulisya. 


Binigyang diin niya na ang mga sangay ng Small Town Lottery sa Visayas at Mindanao ay ginagamit na pantakip sa iba pang uri ng iligal na sugal, tulad ng "swertes." 


Tumugon naman si PCSO Assistant General Manager (AGM) Lauro Patiag na nakikipag-ugnayan ang ahensya sa mga alagad ng batas tulad ng National Bureau of Investigation at Philippine National Police dahil walang kapangyarihang manghuli ang PCSO. 


"We are also asking our partner agents to report (these) illegal numbers games so we can report accordingly to law enforcement agencies,” aniya. 


Ayon kay PCSO Board Secretary Atty. Reymar Santiago, bagama't walang partikular na polisiya ang PCSO sa pagpuksa sa iligal na sugal, ipinapaabot nito sa mga alagad ng batas ang anumang impormasyon na kanilang makalap, gamit ang mga kumpidensyal na pondo ng PCSO.  


Sa paghikayat ni Komite Senior Vice Chairperson at Marikina Rep. Stella Quimbo, inihayag ni AGM Patiag na may inilaan sa PCSO na halagang P100 milyon para sa taong 2023, kung saan ang P25 milyon ay nagamit na sa kasalukuyan. 


Ipinaliwanag ni Rep. Barbers na may inilaan na kumpidensyal na pondo sa PCSO upang matiyak ang pagtulong nito sa pagpuksa sa iligal na sugal. 


“They probably are not performing well because there’s still illegal gambling existing in the country today,” aniya. 


Humingi ng kumpirmasyon si Rep. Quimbo kung ang kumpidensyal na pondo ba ng PCSO ay ginagamit para sa mga aktibidad ng paniniktik. 


Ipinahayag ni AGM Patiag na ang Joint Circular na inilabas noong Enero 2015 ay nagbibigay ng mga panuntunan kung paano gagamitin ang kumpidensyal na pondo. wantta join us? sure, manure...

MGA TANONG HINGGIL SA HINDI NAGAMIT NA PONDO NG CHED, NAGTAGAL SA PAGDINIG NG KANILANG BADYET

 

Hindi pa rin nasasagot ang mga tanong ng mga miyembro ng Komite ng Appropriations sa Kapulungan ng mga Kinatawan, hinggil sa mga nagastos at hindi nagamit na pondo ng Commission on Higher Education (CHED) sa pagdinig ng badyet ng ahensya ngayong Martes. 


Tinanong ni Komite Senior Vice Chairperson at Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo kung paanong nabawasan ang alokasyon ng CHED sa private higher education institutions (HEIs) mula P10.1 bilyon sa nakaraang ulat at naging P7.7 bilyon na lamang sa pinakahuling ulat nito, "I need to know paano tayo napunta sa 10.1 to 7.7 na walang naibang parameter. Hindi po tayo uuwi hangga't mapaliwanag po sa amin dito ang utang (sa private HEIs). Bakit siya nagbabago araw-araw?" 


Nabanggit din ni Komite Vice Chairperson at Iloilo Rep. Janette Garin na ang CHED, sa unang pagdinig ng badyet nito, ay ipinalagay na ang ilang hindi nagamit na pondo ay isinoli. Binigyang diin ni CHED Chairman Prospero De Vera III na P70 milyong pondo lamang ang inilaan ngunit hindi nagamit. 


Ipinaliwanag ni CHED Administrative, Financial and Management Service (AFMS) Director Dr. Rogelio Galera Jr. na ang mga datos na kanilang nakalap bago ang unang pagdinig ng kanilang badyet ay kailangang isangguni nila sa sentral at rehiyonal nilang mga tanggapan, dahil may ilang mga aytem na nabayaran na ngunit hindi kasama sa ulat. 


Sa isa pang paliwanag, sinabi ni CHED Executive Director Cinderella Filipina Benitez-Jaro na mayroon inilaan sa kanila na P16 bilyon ngunit hindi nagastos na pondo mula 2018 hanggang 2022. 


Nalungkot naman si Rep. Garin kung papaanong hindi pa nakakatanggap ng tulong ang mga iskolar ng CHED sa kabila ng pagkakaroon pa rin ng pondong hindi nagamit ang ahensya. 


Nagtanong din ang mga mambabatas tungkol sa Higher Education Development Fund (HEDF). Sinabi ni Chairman De Vera sa Komite na ang HEDF ay ginamit para sa: 1) mga batas na kamakailan lamang napagtibay ngunit walang alokasyon upang ito ay maipatupad; 2) mga espesyal na inisyatiba o programa ng ahensya; 3) pagbibigay ng mga kagamitan sa paaralan at pagpapaganda ng aklatan at; 4) paulit-ulit na mga programa sa scholarship. 


Inatasan ni Rep. Quimbo si Chairman De Vera na magsumite ng sinumpaang salaysay na nagdedetalye ng kanilang mga obligasyon sa pondo, mga nagastos at mga alokasyon. wantta join us? sure, manure...

Nais ni Davao City Rep. Paolo Duterte na mabigyan ng P15,000 na “production subsidy” ang mga magsasaka at mangingisda sa ating bansa. 


Kaya naman kanyang inihain sa Kamara ang House Bill 9053. 


Kapag naging ganap na batas ito --- masasakop ang nasa siyam punto pito (9.7) milyong magsasaka at mangingisda na apektado ng mataas na presyo ng produktong langis at “farm inputs” gaya ng pataba; “economic downturn,” at serye ng mga kalamidad sa gitna ng COVID-19 pandemic. 


Pagkakalooban ang bawat pamilyang benepisyaryo ng tig-labing limang libong piso (P15,000) na “one-time production subsidy.” 


Ang listahan ng benepisyaryo ay isasapinal at isusumite ng Department of Agriculture o DA at ng Philippine Statistics Authority o PSA, katuwang ang mga lokal na pamahalaan, sa Kongreso; habang nasa P145.5 billion ang panukalang pondo. 


Sa kanyang explanatory note, ipinaliwanag ni Duterte na layon ng kanyang House Bill na makatulong para sa recovery o pagbangon ng mga magsasaka at mangingisda mula sa iba’t ibang suliranin, na kadalasang nagreresulta ng kanilang pagka-lugi, hirap sa pera at pagkaka-utang. 


Kaya naman sa pamamagitan aniya ng isang Production Subsidy Program para sa target beneficiaries ay malaking-bagay para sa naturang sektor. wantta join us? sure, manure...

Speaker Romualdez binati si PBBM sa kaarawan nito, pinuri ang kanyang pamumuno sa bansa


Binati ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagdiriwang nito ng kanyang ika-66 na kaarawan kasabay ng pagpapaalala sa mga mabubuting nagawa nito sa bansa.


"Happy Birthday, President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.!" ani Speaker Romualdez sa kanyang mensahe. 


"Your leadership reflects a strong commitment to improving the lives of Filipinos, a dedication we deeply admire. As Speaker of the House of Representatives and a staunch advocate for your vision, I have the privilege of witnessing your unwavering commitment to progress," sabi pa ni Speaker Romualdez, ang ikaapat na pinakamataas na opisyal ng bansa.


Si Speaker Romualdez ay palaging kasama ng Pangulo sa mga opisyal na lakad nito sa bansa at sa ibang bansa mula ng magsimula ang 19th Congress noong Hunyo 30, 2022. May ilan na nagsasabi na si Speaker Romualdez ang pinaka pinagkakatiwalaang kaalyado ng Pangulo.


Dahil dito nakita ni Speaker Romualdez ang dedikasyon at pagpupursige ng Pangulo upang maalis ang mga Pilipino mula sa epekto ng Covid-19 pandemic sa pamamagitan ng pagsusulong nito ng kanyang 8-point socio-economic agenda. 


Subalit nararapat din umanong maramdaman ng Pangulo ang kanyang espesyal na araw, ani Speaker Romualdez.


"On this special day, remember the positive impact you have on our country. Your determination to uplift the lives of every Filipino is truly inspiring, and I am honored and privileged to work alongside you in achieving these goals," sabi pa ni Speaker Romualdez, lider ng 311 miyembro ng Kamara de Representantes.


Dagdag pa ng lider ng Kamara, “Wishing you a birthday filled with joy, surrounded by your loved ones, and may the years ahead be filled with success and fulfillment in your mission to better our nation." 


Si Pangulong Marcos ay ipinagdiwang noong Setyembre 13, 1957. (END) wantta join us? sure, manure...