Friday, August 18, 2023

19 AUGUST 2023 SCRIPT

🍎🍎🍎🍎🍎🍎 

𓄁𓃠𓆉𓅿𓃰𓃟𓆏 


HELLO, GOOD MORNING MGA KATROPA / GOOD MORNING, PILIPINAS / GOOD MORNING CAMP AGUINALDO, / MAGANDANG UMAGA  LUZON, MAAYONG BUNTAG VISAYAS / AT BUENAS DIAZ MINDANAO!


Maupay nga aga / Mayak a abak / Marhay na aga / Maabug ya kaboasan / Mapiya kapipita


YES, SABADO NA NAMAN PO, AT / NANDITO NA NAMAN PO KAMI / PARA MAGTANGHAL / O MAGSASA-HIMPAPAWID / NG ATING PALATUNTUNANG / KATROPA SA KAMARA NI TERENCE MORDENO GRANA. 

 

BAGO TAYO LUMAON, / UNAHIN MUNA NATING MAGPAHAYAG / NG ATING MGA PASASALAMAT. / MAGPASALAMAT O PASALAMATAN NATIN / OF COURSE ANG ATING PANGINOONG MAYKAPAL / SA KANYANG PAGBIBIGAY NG GRASYA’T KALOOB / LALO NA SA NAKALIPAS NA MGA ARAW / NA TAYO AY  PUNONG-PUNO / NG MGA BIYAYANG ATING TINAMASA / AT TAYO AY BINANIGYAN NIYA NG PAGKAKATAON / NA MAKAPAGSAGAWA / NG ATING MGA ATAS / SA ARAW ARAW / PARA SA KANYANG KALUWALHATIAN.


SUNOD NATING PASALAMATAN / AY ANG ATING MGA OPISYAL / SA ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES: UNANG-UNA ANG ATING COMMANDER IN CHIEF PRESIDENT FERDINAND BONGBONG MARCOS, JR / SI NATIONAL DEFENSE DEPARTMENT SECRETARY ATTY. GILBERT GIBO C. TEODORO, JR. / ANG ATING BAGONG HIRANG PA LAMANG NA AFP CHIEF OF STAFF, SI GEN ROMEO S. BRAWNER, JR. / AT ANG ATING COMMANDER NG CRS, SI BGEN ARVIN LAGAMON / AT OF COURSE, / SA ATING MCAG GROUP COMMANDER & DWDD STATION MANAGER MAJ CENON PANCITO III / AT ANG LAHAT NG MGA BUMUBUO / NG ATING PRODUCTION STAFF / - THANK YOU VERY MUCH PÔ.


NGAYON / NAIS KO PO MUNANG MAKI USAP SA INYO / NA KUNG PUWEDE / PAKI-LIKE AT PAKI-SHARE / NITONG ATING PROGRAMA.


YES, / TERENCE MORDENO GRANA PO / ANG INYONG LINGKOD, / ANG INYONG KAAGAPAY AT GABAY SA ATING PALATUNTUNAN.,


MOBILE PHONE NUMBER NA: +63 916 500 8318‬ AT +63 905 457 7102


ANG KATROPA SA KAMARA AY MATUTUNGHAYAN, EKSKLUSIBO, DITO LAMANG PO SA DWDD, KATROPA RADIO, ONSE TRENTA'Y KUWATRO SA TALAPIHITAN NG INYONG MGA RADYO, SA ATING FACEBOOK PAGE, LIVE TAYO SA KATROPA DWDD-CRS VIRTUAL RTV (RADIO AND VIRTUAL TELEVISION) AT SA YOUTUBE AT I-SEARCH LANG ANG DWDD KATROPA.'


—————


OKEY, NARITO NA PO ANG ATING MGA NAKALAP NA IMPORMASYON MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES:


----------------


OKEY, HUWAG PO LAMANG KAYONG BUMITIW AT KAMI PO AY BABALIK KAAGAD MATAPOS ANG ILANG MGA PAALAALA MULA SA ATING HIMPILAN.


----------------


SA ATING PAGBABALIK, KAYO PO AY NAKIKINIG SA PATATUNTUNANG KATROPA SA KAMARA NI TERENCE MORDENO GRANA DITO LAMANG SA HIMPILANG DWDD, KATROPA RADIO, AT TAYO AY SINASAMAHAN NINA ENGINEERS (RONALD ANGELES, PHERDEE BLUES, LEONOR TANAP, REGINE ASCAÑO, JAYTON DAWATON,  JOHN MARK MOLINA, ETC) SA ATING TECHNICAL SIDE.


OKEY, TULOY-TULOY NA PO TAYO SA IILAN PANG MGA BALITA NA ATING NAKALAP. 


(READ AGAIN THE OTHER NEWS AND INFORMATION)


——————


SA PUNTONG ITO, MGA KATROPA AY DADAKO NA PO TAYO SA ATING PAGBABALIK-TANAW O RECAPITULATION NG LAHAT NA ATING TINALAKAY NA MGA PAKSA AT MGA BALITA NA AKING IBINIGAY SA INYO KANINA BAGO TAYO MAGTAPOS NG ATING PALATUNTUNAN...


-------------------


HAAY, UBOS NA NAMAN PO ANG ATING DALAWANG ORAS NA PAGTATANGHAL NG ATING PALATUNTUNAN AT WALA NA NAMAN PO TAYONG ORAS. KAMI AY MAMAMAALAM NA NAMAN MULI MUNA PANSAMANTALA SA INYO.


MARAMING SALAMAT AT KAMI PO AY INYONG PINAHINTULUTANG PUMASOK SA INYONG MGA TAHANAN SA PAMAMAGITAN NG ATING PALATUNTUNANG KATROPA SA KAMARA.


DAGHANG SALAMAT USAB SA ATONG MGA KAHIGALAANG BISAYA NGA NAMINAW KANATO KARONG TAKNAA. 


ITO PO ANG INYONG LINGKOD – KINI ANG INYONG KABUS NGA SULUGUON, TERENCE MORDENO GRANA..


SA NGALAN DIN NG LAHAT NA MGA BUMUBUO NG PRODUCTION STAFF SA ATING PALATUNTUNAN, AKO PO AY NAGSASABING: PAGPALAIN SANA TAYONG LAHAT NG ATING PANGINOONG MAYKAPAL, GOD BLESS US ALL, AT PURIHIN ANG ATING PANGINOON! GOOD MORNING.


𐐆ᏋᏒᏋᏁ ᎷᎧᏒᎴᏋᏁᎧ ᎶᏒᏗᏁᏗ wantta join us? sure, manure...

PANUKALA NA NAGTATAAS SA AWTORISADONG GASTOS NG MGA KANDIDATO SA PANGANGAMPANYA SA PANAHON NG HALALAN, APRUBADO SA KAPULUNGAN


Sa pabor na botong 268 laban sa tatlo at isang abstensyon, inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang panukala na magtataas sa awtorisadong gastos sa pangangampanya ng mga kandidato sa lokal at pambansang halalaan.


Ang pagtataas ay nakasaad sa House Bill (HB) No. 8370, na mag-aamyenda sa Section 13 ng Republic Act (RA) No. 7166, na may titulong, “An Act providing for synchronized national and local elections and for other electoral reforms, authorizing appropriations therefor, and for other purposes.”


Ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ang limitasyon sa gastos na P3 hanggang P10 sa bawat rehistradong botante sa ilalim ng kasalukuyang batas, “is no longer realistic.”


“This cap was set almost 32 years ago, in November 1991 when the law was enacted. Factoring in annual inflation, a candidate’s P3 or P10 three decades ago may amount to nothing today. Thus, the need to adjust the expense limit,” ayon kay Speaker Romualdez, pinuno ng 312-miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan.


Ilan sa mga pangunahing may-akda ng panukala ay sina Reps. Yedda Marie K. Romualdez, Jude Acidre, Marlyn Primicias-Agabas, Olga Kho, Loedy Tarriela, Augustina Dominique Pancho, Maximo Dalog, Francisco Jose Matugas II, Ma. Rene Ann Lourdes Matibag, Drixie Mae Cardema, at Manuel Jose Dalipe.


Sinabi niya na ang pagtataas ng halaga na maaaring gastahin ng mga kandidato sa kanilang pangangampanya ay magpapahintulot sa mga nangangarap na makapaglingkod sa publiko ay mas maipiprisinta nila ang kanilang mga sarili sa mga botante, at sa publiko sa pangkalahatan, sa pamamagitan ng mainstream media, social media at iba pang mga plataporma o uri ng pangangampanya.


“In that sense, the bill would widen the opportunity for the electorate to scrutinize the aspirants and to eventually choose the best, the brightest and the most qualified. The proposed law would enhance the exercise of the freedom of suffrage and strengthen democracy,” dagdag niya.


Ipinunto ng pinuno ng Kapulungan na hihimukin ng panukala ang kalinawan at katapatan ng mga kandidato, at mga partido politikal na iulat ang kanilang mga nagastos sa kampanya sa Commission on Elections (Comelec).


“The present unrealistic limits may force aspirants and political groups to submit untruthful reports,” aniya.


Sinabi niya na ang pagtataas sa awtorisadong gastos ay magreresulta rin sa mas maraming aktibidad sa ekonomiya dahil mas gagastos ang mga kandidato para sa kanilang pangangampanya.


Ang HB No. 8370 ay pinasama-samang anim na panukalang magkakaugnay, kabilang ang HB No. 2702, na iniakda nina Representatives Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre ng Tingog Sinirangan Party-list.


Sa kanilang paliwanag sa panukala, sinabi nina Romualdez at Acidre, na nang maisabatas ang kasalukyang batas noong 1991, ang halaga ng peso ay “has changed significantly and the campaign expense limits are no longer suitable or applicable.”


“The existing cap poses a problem for candidates as inflation affects services, as well as necessary materials, advertisements and transportation expenses. Aside from those, the salary of campaign personnel has also increased,” anila.


Sa ilalim ng HB No. 8370, ang limitasyon sa gastos sa kampanya ng mga kandidato ay gagawing P50 para sa Pangulo, P40 sa Pangalawang Pangulo at P30 para sa senador, kinatawan ng distrito, gobernador, bise gobernador, board member, alkalde, bise alkalde, konsehal, at kinatawan ng party-list para sa bawat rehistradong botante na nasasakupan ng kandidato kung saan niya inihain ang kanyang kandidatura.


Ang kasalukuyang batas ay nakatakda sa P10 para sa mga kandidato sa pagkapangulo at pangalawang pangulo, at P3 para sa ibang mga aspirante. 


Ang panukalang amyenda ay hindi nagpapalit sa paglilimita sa mga independyenteng kandidato na P5 para sa bawat botante.


Para sa mga partido politikal, itataas naman awtorisadong halaga mula P5 hanggang P30 para sa bawat botante na kanilang nasasakupan kung saan ay mayroon silang mga opisyal na kandidato.


Inaawtorisa ng panukala ang Comelec, sa pakikipag-ugnayan sa Bangko Sentral ng Pilipinas, National Economic and Development Authority at ng Philippine Statistics Authority, na ayusin ang limitasyon sa gastos para sa bawat rehistradong botante batay sa antas ng inflation at consumer price index.


Iminamandato rin sa Comelec ang pag-iisyu ng implementing rules and regulations. wantta join us? sure, manure...

PANUKALA NA MAGTATATAG SA MGA IMBAKAN NG MGA NAIPON UPANG MAPABILIS ANG PAGTUGON SA KALAMIDAD, APRUBADO SA KAPULUNGAN


Sa pabor na botong 274, inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang panukala na magtatatag ng disaster food banks and stockpiles sa buong kapuluan, upang mapabilis ang paghahatid ng mga relief goods at iba pang mag suplay sa panahon ng mga kalamidad.


Ipinanawagan sa House Bill (HB) No. 8463 ang pagtatayo at konstruksyon ng Disaster Food Bank and Stockpile sa bawat lalawigan at mga highly urbanized city sa buong bansa, at ang pagmamantine ng mga ito, at paglalaan ng pondo para sa kanilang operasyon.


Ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, pinuno ng 312-miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan, ang mungkahi ay nagmula sa katunayang ang bansa ay madalas na dinadaanan ng mahigit sa 20 bagyo kada taon, na mas naging mas malalakas pa dahil sa pagbabago ng klima ng panahon.


“This reality requires us to prepare for the eventuality of storms and similar calamities displacing residents of affected areas. We have to have a faster, a more efficient and a more effective system of responding to disasters and helping our people,” aniya.


Ilan sa mga pangunahing may-akda ng panukala ay sina Michael Morden, Kristine Alexie Tutor, Ivan Howard Guinto, Alan 1 Ecleo, Bryan Revilla, Dale Corvera, at Manuel Jose Dalipe.


Aniya, ang pagtugon ay maaaring maisa-institusyon sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga strategic food banks at stockpiles sa buong bansa.


“A single life we can save through the timely delivery of medicine, food and critical items in the event of a calamity is worth more than the effort and money that will go into setting up these food and supply reserves,” giit ng pinuno ng Kapulungan.


Ang HB 8463 ay pinagsama-samang tatlong magkakaugnay na panukala na iniakda nina Representatives Michael Morden ng API Party-list, Ivan Howard Guinto ng PINUNO Party-list at Alan Ecleo ng Dinagat Islands.


Inendorso ito ng Komite ng Disaster Resilience at ng Komite ng Appropriations.


Sa ilalim ng panukala, ang disaster food bank and stockpile ay magsisilbing pangkalahatang imbakan ng pagkain, tubig, mga gamot, mga bakuna, mga antidotes, at iba pang mga mahahalagang produktong medikal, medical kits, portable power and light source, mga damit, mga tents, at mga gamit pangkomunikasyon.


Ang mga buhay ng mga naipong produkto na ito ay dapat na tumagal ng hanggang dalawang taon.


Ang pagtatatag ng mga naipon ay sa pagsisikap ng iba’t ibang mga ahensya, na pamumunuan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pakikipagtulungan ng mga kagawaran ng public works and highways, trade and industry, agriculture, science and technology, at mga lokal na pamahalaan.


Tutukuyin ng NDRRMC ang mga lokasyon ng mga naipon, na isasaalang-alang ang pantay na pamamahagi sa mga rehiyon, madaling maakses, kaligtasan at seguridad mula sa natural at kalamidad na gawa ng tao, at mabilisang pagpapalabas ng mga suplay sa panahon ng kalamidad o kagipitan. Ang lokasyon ay dapat na manatiling lihim.


Iminamandato ng panukala sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na magtayo ng mga calamity-proof na bodega, kung saan ay ilalagak ang mga naipong pagkain at suplay.


Titiyakin rin ng NDRRMC, DSWD at iba pang may kaugnayang ahensya na ang mga naipon ay regular na minomonitor at napapalitan.


Sa panahon ng kalamidad, pangangasiwaan ng NDRRMC at DSWD ang paggamit at pamamahagi ng mga naipon. Sakaling ang kalamidad ay nahulaan, ay dapat na ipinupwesto na ng NDRRMC ang mga suplay sa mga lugar na malapit sa mga apektado.


Ang NDRRMC, sa pakikipagkonsultasyon sa mga may kaugnayang ahensya, ay magpapatupad ng mga patakaran at tuntunin. Ang mga pondong ilalaan sa pagtatatag ng pinaplanong ipon ay magmumula sa mga badyet ng mga ahensyang nabanggit. wantta join us? sure, manure...

Desidido si Albay 2nd district Rep. Joey Salceda na ituloy ang isinusulong na reporma ng Military and Uniformed Personnel o MUP pension system.


Ito ay sa kabila ng pagkwestyon ni Department of National Defense o DND Sec. Gilbert Teodoro sa “substitute bill” ng MUP pension system reform na inaprubahan ng House Ad Committee na pinamumunuan ni Salceda.


Ayon sa kongresista, ang lahat, kasama ang DND, ay nabigyan ng pagkakataon para ihayag ang kanilang komento, sa hearings man o sa pamamagitan ng “transmited statements” sa komite.


Giit ng mambabatas, ang panukalang reporma ng MUP pension ay ibabatay sa prinsipyo ng kapwa pakinabang at pinagsasaluhang sakripisyo. At ang “constitutional implications” ng reporma ay napag-aralang mabuti mula sa Legal Affairs and Parliamentary Counselling units ng Kamara.


Paalala ni Salceda, mismong si Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang nasabi na may pangangailangan na masolusyon ang isyu ng MUP pension. At ang bagay na ito ay ilalaban aniya ng Kapulungan.


Sa isang statement, sinabi ni Teodoro na hindi siya pabor sa “mandatory contribution” ng military personnel lalo na sa mga nakakumpleto ng 20 taong pagseserbisyo.; habang wala aniyang dapat mabago sa pensyon at entitlement ng mga nagretiro sa militar; at dapat manatili ang 100% indexation, o pagsabay ng pagtaas ng pensyon sa pagtaas ng sahod ng mga aktibo sa serbisyo. 


Dagdag ni Teodoro, ang dagdag-pasanin sa mga sundalo sa pamamagitan ng itinutulak na pension scheme ay makaka-apekto sa pagtupad ng kanilang misyon. wantta join us? sure, manure...

MAS MARAMING BENEPISYARYO, EPEKTIBONG SERBISYONG PANLIPUNAN, HANGAD NG MGA MAMBABATAS SA PAGDINIG NG BADYET NG DSWD

 

Tinapos na ngayong Huwebes sa pagpupulong ng Komite ng Appropriations sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinangunahan ni Vice Chairperson Negros Oriental Rep. Jocelyn Sy Limkaichong ang pagdinig sa panukalang P209.92 bilyong alokasyon para sa taong 2024 ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at mga sangay nitong ahensya, ngunit hindi kasama ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP). 


Binigyang diin ni Rep. Limkaichong, na siyang magdedepensa ng badyet ng DSWD sa plenaryo, ang kahalagahan ng serbisyong panlipunan at pagbuo ng kapasidad sa pangangalaga ng mga mamamayang nasa laylayan. 


Aniya, layunin ng Kongreso na matugunan ang pangangailangan ng publiko nang hindi nakokompromiso ang paggastos ng pondo ng pamahalaan. 


Nabanggit din niya na titingnan ng Komite kung papaano madaragdagan ang badyet ng DSWD kung kinakailangan. Nagpahayag ng suporta sa DSWD ang ilang mambabatas, gayundin sa pagpapalaki pa ng 2024 badyet nito upang mas maraming Pilipino ang makinabang sa mga serbisyong panlipunan at programa ng ahensya. 


Tiniyak naman ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa mga mambabatas na nakatuon ang ahensya sa pagsusulong ng pagpapalakas ng kagalingang panlipunan at proteksyong panlipunan para sa lahat ng Pilipino. 


Aniya, ang mga inisyatiba ng DSWD ay nakatuon sa "pagtataguyod ng isang lipunan kung saan ang bawat indibidwal, anuman ang kanyang kalagayan, ay maaaring umunlad at makatulong sa ikabubuti ng bansa." 


Hinimok naman ni GABRIELA Rep. Arlene Brosas ang DSWD na dagdagan ang bilang ng mga benepisyaryo sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) nito. Bagama’t sinusuportahan niya ang panukala ni Rep. Brosas, ipinaliwanag ni Sec. Gatchalian na ang bilang ng mga benepisyaryo sa ilalim ng 4Ps na may badyet na P112.83 bilyon ay nakalaan sa 4.4 milyong kabahayan. 


Naglaan ang DSWD ng P1.25 bilyon para sa Quick Response Fund (QRF), P49.8 bilyon para sa Social Pension for Indigent Senior Citizens, at P900.11 milyon para sa PAyapa at MAsaganang PamayaNAn (PAMANA) Program. 


Iniulat ni Sec. Gatchalian na magpapatupad din ang ahensya ng mga bagong programa, tulad ng WALANG GUTOM 2027: Food Stamp Program, ang Tara, BASA! Tutoring Program, at OPLAN Pag-Abot para sa mga walang tirahan. wantta join us? sure, manure...