PAG-AALIS NG PLACEMENT FEE PARA SA MGA FILIPINONG NAIS MAGTRABAHO SA JAPAN, HINILING NI SPEAKER ROMUALDEZ
grace
Hiniling ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa Department of Migrant Workers o DMW na alisin ang placement fee para sa mga Piliinong nais magtrabaho sa Japan.
Hirit ito ni Romualdez makaraang ihayag ng mga Japanese companies and employers ang pagkuha ng mas maraming manggagawang Pilipino tulad ng seafarers, professionals at non-skilled workers.
Sinabi nila ito sa kanilang dayalogo kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na ngayon ay bumibista sa Tokyo.
Si Romualdez ay kabilang sa delegasyon ni PBBM at kanyang ikinalugod ang kwento ng mga OFWs sa Japan na sila ay tinatrato ng maayos ng kanilang mga employers.
Kaugnay nito ay tiniyak ni Romualdez ang pakikipagtulungan ng Kongreso sa DMW para palakasin ang mga batas at patakaran na magpapanagot sa mga umaabuso at naniningil ng sobra sa mga OFWs.
hinikayat din ni Romualdez ang mga manggagawang Pinoy sa Japan at nga job applicants sa Manila na agad i-report sa DMW at Migrant Workers Offices sa Osaka at Tokyo ang labis o hindi makatwirang singil sa kanila.
######