PONDO PARA SA PAGPAPAGAWA NG REGIONAL SPECIALTY MEDICAL CENTERS TINIYAK
Matapos na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa RA11959 o ang Regional Specialty Centers Act, tiniyak ni Speaker Martin Romualdez ang pagsama sa aaprubahang P5.768-trillion proposed 2024 national budget ang kaukulang pondo para sa pagpapagawa ng ‘special medical centers’ sa iba’t-ibang regional hospitals.
Dahil dito, pinapurihan ni House Committee on Health Vice-Chairman at Anakalusugan party-list Rep. Ray Reyes ang pag-apruba ni Pangulong Marcos sa naturang batas.
("Ipinapakita lamang nito na prayoridad ng administrasyon ang pagkakaroon ng accessible at abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa lahat," pagbibigay-diin pa ni Reyes.
"Maraming salamat po sa ating pangulo at sa ating mga kapwa mambababatas sa inyong pagtugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan," dagdag ng Anakasulugan party-list solon.)
Si Reyes ay isa sa mga co-author ng HB07751, na isinama sa nilalaman ng Senate Bill No. 2212 at siya namang naging bersiyon ng nasabing batas.
Ayon kay Reyes, ang Anakalusugan party-list ay patuloy na isulong ang paglalagay ng specialty centers sa bawat lalawigan sa bansa sa layuning mas maging accessible at madali sa mga pasyente ang pagpapagamot at hindi na kinakailangan pang bumiyahe patungong sa Metro Manila.
Sa panig ni Speaker Romualdez, sinabi nitong batid niyang hindi naisama sa isinumite ng Department of Budget and Management (DBM) na proposed 2024 national budget ang kakailanganin pondo para sa pagpapagawa ng specialty medical centers.
Kaya naman kakausapin umano niya ang House Committee on Appropriations na siguruhing mapapasama sa 2024 General Appropriations Bill (GAB) ang badget para sa implementasyon ng RA 11959.
“In any case, we in the House will ensure that the necessary initial appropriations are allocated for the implementation of the law and the setting up, equipping and staffing of the special medical care units in regional hospitals,” pagtitiyak ni Romualdez, pinuno ng 311-strong House of Representatives.
“Once these special care facilities are established, people in the provinces, in rural areas, no longer need to travel to Metro Manila to receive specialized treatment and care. They will be spending less for transportation and other related costs. We are bringing the centers closer to our people,” sabi pa ng House Speaker.
Pondo para sa regional specialty medical centers siniguro ni Speaker Romualdez
Siniguro ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na mapopondohan ang mga specialty center na ilalagay sa mga regional hospitals upang mailapit sa mga Pilipino, lalo na sa mga mahihirap, ang maayos na serbisyong pangkalusugan.
Ginawa ni Speaker Romualdez ang pagtitiyak matapos na lagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act (RA) No. 11959, o Regional Specialty Centers Act.
Sinabi ni Speaker Romualdez na sisilipin ang panukalang P5.768 trilyong budget para sa 2024 upang malaman kung may nakalaang pondo para sa pagpapatupad ng RA 11959.
“In any case, we in the House will ensure that the necessary initial appropriations are allocated for the implementation of the law and the setting up, equipping and staffing of the special medical care units in regional hospitals,” sabi ni Speaker Romualdez, lider ng 311 mambabatas ng Kamara.
Aatasan umano ni Speaker Romualdez ang Committee on Appropriations upang tiyakin na mapopondohan ang bagong batas sa 2024. Kasalukuyang tinatalaya ng komite ang panukalang budget.
Pinuri naman ni Speaker Romualdez si Pangulong Marcos sa kanyang paglagda sa bagong batas.
“Once these special care facilities are established, people in the provinces, in rural areas, no longer need to travel to Metro Manila to receive specialized treatment and care. They will be spending less for transportation and other related costs. We are bringing the centers closer to our people,” dagdag pa ni Speaker Romualdez
Sa kasalukuyan, ang specialty hospitals na Heart Center, Kidney Center, Lung Center, Children’s Medical Center, at Orthopedic Hospital – ay matatagpuan lahat sa Metro Manila.
Ang panukalang specialized regional centers ay lalagyan umano ng mga angkop na kagamitan at tauhan.