KAPALARAN NG ECONOMIC CHACHA, IPAUUBAYA NI SPEAKER ROMUALDEZ KAY SP ESCUDERO
Kumpiyansa si House Speaker Martin Romualdez talakayin ng Senado ang pag-amyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution.
Sa pahayag ni Romualdez sa pagkakatalaga kay Senator Chiz Escudero bilang bagong Senate President, sinabi niya na ipauubaya niya ang kapalaran ng economic chacha sa Senada dahil napagtibay na ng Kamara ang Resolution of Both Houses o RBH7.
Sabi ni Romualdez, naniniwala siya na ikukunsidera ng Senado ang mga isinusulong na reporma at amyenda sa ating saligang batas dahil ang mabebenepisyuhan nito ay ang ating mga kababayan.
Umaasa si Romualdez na magpapatuloy ang magandang relasyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa kabila ng pagbabago ng liderato sa Senado.
Naniniwala si Romualdez na alam ni Escudero ang mga priority bills na dapat aksiyunan lalo na kapag nagsimula ang third regular session ng 19th Congress.
Dagdag pa ng House Speaker, wala pa silang pagkakataon ni Escudero na makapag-usap simula nang maitalaga ito bilang Senate President.