Thursday, February 08, 2024

In a significant step towards the swift realization of the Philippine National Railway's North-South Commuter Railway (NSCR) system, the inauguration of the Site Office in Santa Rosa, Laguna, marks a milestone for Contract Package S-05 (CP S-05). The 12.80-kilometer railway structure with elevated stations is now set for accelerated construction, with a target completion date of April 2028.


Read: https://www.advocatesomi.com/2022/dotr---pnr-south-office-boosts-progress-for-swift-rail-project-completion


wantta join us? sure, manure...

rye Speaker Romualdez pinuri pagsulong ni PBBM sa economic reform sa Konstitusyon



Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng kahalagahan na agad maamyendahan  ang “restrictive” economic provision ng Konstitusyon.


“The President made it clear that these provisions hinder the entry of foreign investments and the potential for faster and inclusive economic growth, which in turn could translate into a better life for every Filipino,” ani Speaker Romualdez.


“We are happy that he also took note of our consistent advocacy in the House of Representatives for changing those restrictive provisions for more than three decades since the 8th Congress, or since 36-37 years ago,” dagdag pa ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro.


Pinuri rin ni Speaker Romualdez ang pagtiyak ng Pangulo na suportado nito ang reporma na limitado lamang sa economic provisions at wala ng iba pa.


Ang pagsuporta ng Pangulo sa pagreporma sa Konstitusyon ay ipinahayag nito sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng Constitution Day na inorganisa ng Philippine Constitution Association (Philconsa) at Manila Overseas Press Club nitong Huwebes ng gabi sa Shangrila Hotel sa Makati City. 


“At the risk of being makulit, we have been saying that we do not advocate any political amendment,” sabi ni Speaker Romualdez, pangulo ng Philconsa. (END)


wantta join us? sure, manure...

isa Ikinatuwa ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pag-endorso ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na maamyendahan ang “restrictive economic provisions” ng 1987 Constitution.


Ginawa ng Punong Ehekutibo ang pahayag sa kanyang pagdalo bilang Guest of Honor and Speaker sa “Constitution Day” na pinangunahan ng Philippine Constitution Association o Philconsa sa Makati City.


Ayon kay Romualdez, na siyang pangulo ng Philconsa --- mismong ang Presidente na ang nagtiyak na suportado niya ang repormang pang-ekonomiya at wala nang iba pa, at hindi rin hahadlang o manghihimasok sa mga proseso ng pagbabago sa Saligang Batas.


Dagdag ng Speaker, sila’y nalulugod dahil binanggit ni Pang. Marcos Jr. ang “consistent advocacy” ng Kamara na baguhin ang mga restrictive provision sa loob ng higit tatlong dekada.


Iginiit naman ni Romualdez, kahit masabihan pang “makulit” --- paulit-ulit na ididiin ng Kamara na hindi nila itinutulak ang anumang amyendang politikal sa Saligang Batas.

wantta join us? sure, manure...

isa BINASAG NA NI HOUSE ASSISTANT MAJORITY LEADER AT PBA PARTYLIST REPRESENTATIVE MARGARITA NOGRALES ANG KANYANG KATAHIMIKAN, KAUGNAY SA ALEGASYONG SIYA ANG MAY PAKANA NG PEOPLE’S INITIATIVE O P-I PARA SA CHARTER CHANGE O CHA-CHA SA DAVAO CITY. 


SA ISANG VIDEO MESSAGE, TINAWAG NI NOGRALES ANG MGA AKUSASYON SA KANYA BILANG "FAIRY TALES" KUNG SAAN PINALALABAS NA SIYA ANG "WICKED QUEEN OF THE SOUTH." 


AYON KAY NOGRALES, HINDI TOTOO ANG NA SIYA ANG MASTERMIND NG P-I AT NAMAHAGI NG PERA KAPALIT NG PIRMA. 


GIIT NI NOGRALES, PAPAANO SIYA MAKAKAPAMIGAY NG PERA AT MAKAPAG-PAPAKALAT NG MGA TAUHAN GAYUNG NASA ABROAD SIYA NOONG PUMUTOK ANG AKUSASYON. 


DAGDAG NG KONGRESISTA, MADALI LAMANG MAGPRINT NGAYON AT IBINTANG NA IBA ANG GUMAWA. 


HAMON NIYA SA MGA NAG-AAKUSA SA KANYA --- KUNG MAY NAGAWA MAN SIYANG MALI AY KASUHAN SIYA SA KORTE. 


SA KABILA NG LAHAT, SINABI NI NOGRALES NA KAHIT MARAMING INTRIGA, KASIRAAN AT PAMBUBULLY NA GINAGAWA SA KANYA, PATULOY SIYANG MAGLILINGKOD SA MGA TAO.


wantta join us? sure, manure...

medAff KARAPATAN NG MGA MANGGAGAWA NA MAGWELGA, APRUBADO SA KOMITE


Inaprubahan ng Komite ng Labor and Employment sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Rizal 4th District Rep. Juan Fidel Felipe Nograles ngayong Miyerkules, ang draft substitute bill sa House Bill (HB) 7043, na naglalayong palakasin ang karapatan ng mga manggagawa na magwelga. 


Ipinaliwanag ni Deputy Speaker at TUCP Party-list Rep. Democrito Mendoza (Partylist, TUCP), may-akda ng panukala na, “The right to strike and to engage in concerted peaceful activity is a constitutional right,” at idinagdag niya na ang 1987 Konstitusyon ay isa lamang sa kakaunting konstitusyon na naggagawad ng naturang karapatan. 


Sa ilalim ng panukala, ang pagpapatalsik sa manggagawa ay tatanggalin bilang ‘immediate disciplinary action for non-compliance of orders of the Secretary of Labor and Employment; ang mga manggagawa na nakagawa ng mga iligal na aksyon lamang ay hindi matatanggal sa trabaho, at ang paglahok nito sa welga ay hindi maaaring maging dahilan para ipataw ang disciplinary action; ang parusang pagkabilanggo sa mga paglabag ay hindi na kasama rito, at iba pa. 


Binigyang diin ni Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) vice chairman Luis Manuel Corral na ang mga panukalang reporma ay may implikasyon sa pandaigdigang merkado ng negosyo at pagtatrabaho. 


Ayon sa kanya, ang US global labor policy ay workers-centered, na siyang batayan sa mga negosasyon sa Indo-Pacific economic framework trade map. 


Aniya, ikokonsidera ng US Congress ang mga polisiya ng workers-centeredness kapag muli nitong pinahintulutan ang generalized system of preferences (USGSP). Magpapairal rin ang European Union na kanilang generalized system of preferences (EUGSP) sa kanilang bahagi. 


“So the pivot of President Marcos to a workers-centered trade regime is what we should take a look at because it is now consistent with international trade practices outside of course of the model of China,” paghimok pa ni Corral sa lupon. 


Nagpahayag naman ng suporta ang mga kinatawan ng National Conciliation and Mediation Board (NCMB) at ang National Anti-Poverty Commission (NAPC) sa 7043. Sumang-ayon rin ang Komite na pagsama-samahin ang mga HBs 839, 1678, 2291, 2547, 3242, 4191 at 6273, na inihain nina Reps. Christian Tell Yap, Patrick Michael Vargas, Eduardo ‘Bro. Eddie’ Villanueva, Keith Micah ‘Atty. Mike’ Tan, Yedda Marie Romualdez, Eric Go Yap, at Teodorico Haresco Jr. ayon sa pagkakasunod, na lahat ay naglalayong isainstitusyon ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced workers (TUPAD) Program ng Department of Labor and Employment. 


Pagsasama-samahin rin ang mga HBs 2600, 3387 at 4757, o ang panukala na mag-aamyenda sa RA 8759, o ang Public Employment Service Office (PESO) Act of 1999, na inamyendahan, na isasama ang entrepreneurship sa ilalim ng sakop ng batas.


wantta join us? sure, manure...

medAff MGA PAG-AARAL SA PAGGAWA SA BANSA, INTER-ISLAND CONNECTIVITY AT SCORECARDS SA LIVABLE COMMUNITIES, IPRINISINTA SA PAGSASALIKSIK NG KONGRESO  


Sa ikalimang roundtable discussions (RTD) ng “Evidence-based Research Project," nakipagpulong ang mga miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa mga mananaliksik sa akademya ngayong Miyerkules, upang talakayin ang posibleng epekto ng imprastrakturang Roll-On / Roll-Off (RO-RO) sa lokal na ekonomiya, at oportunidad sa trabaho. Nakita ni Negros Occidental Rep. Francisco Benitez ang inter-island connectivity, sa imprastrakturang RO-RO, bilang lubos na napakahalaga sa rehiyon ng Visayas. 


Iminungkahi niya tingnan rin ang iba pang modelo, at ikonsidera ang mga mabibigat na kalagayan sa panahon, mga emergency sa kalusugan, at iba pa, na maaaring gamitn sa evidence-based policymaking. Ipinunto ni Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD) Deputy Secretary General (DSG) Dr. Romulo Miral Jr., PhD, na bineberipika ng pagsasaliksik ang mga positibong epekto ng programa ng RO-RO, kabilang ang oportunidad sa trabaho sa iba’t ibang antas. 


Idinagdag niya na sa kasalukuyan ay may 50 ruta ng RO-RO na hindi pa nadadaanan, at nagprisinta ng potensyal na paraan para sa karagdagang trabaho para sa mga Pilipino. 


Ayon kay Philippine Institute for Development Studies (PIDS) Research Fellow Dr. Kris Francisco, ginawang mas mabisa ng programang RO-RO ang transportasyon. Hinimok niya ang mga mambabatas na isainstitusyon ang pakikipag-ugnayan ng mga ahensya ng pamahalaan sa transportation infrastructure project planning, pagpapaunlad, at implementasyon, partikular na sa lokal at pambansang transport subsectors. 


Tinalakay rin nina Ateneo School of Government Dean Philip Arnold Tuaño at Professor Joselito Sescon ang "Outlook and Policy Options for Philippine Employment towards 2040," na nagsusulong ng pagpapaunlad ng national employment plan sa pamamagitan ng mga panukala mula sa Kongreso. 


Sa ikalawang bahagi ng RTD, iprinisinta ng Congress Fellow Researchers mula sa University of the Philippines na sina, Drs. Charina Amedo-Repollo, Jefferson Arapoc at Asa Jose Sajise ang kanilang pagsasaliksik sa "Scorecards for Livable and Sustainable Communities." 


Sinabi ni Repollo na ang bansa, sa kabila ng kakaibang ecosystems, ay nahaharap pa rin sa maraming balakid sa pandaigdigang environmental sustainability rankings. 


Tinukoy niya ang oil spills, pagkaubos ng endemic endangered species, at polusyon ng plastik bilang ilan sa panganib sa ecosystem ng bansa. 


Ayon pa sa kanya, may kahirapan ang pagtugon sa mga panganib na ito dahil sa kakulangan ng mga datos, at kailangan pang tukuyin ang mga ahensyang responsable sa naturang tungkulin. Iminungkahi ni Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo ang scoring system na parehong deretso at mabisang tumutuos sa kalidad ng mga livable communities. 


Ang Congressional Research Fellows ay kinabibilangan ng mga dalubhasa mula sa CPBRD, PIDS, Ateneo de Manila University at University of the Philippines.


wantta join us? sure, manure...

rye Panukala na palawakin Philippine Science High School, inaprubahan ng Kamara


Inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagpapalawak ng saklaw at operasyon ng Philippine Science High School (PSHS) sa bansa.


Sa ilalim ng House Bill (HB) No. 9726 o ang “Expanded Philippine Science High School System Act” ay maglalagay ng tig-dalawang campus ng PSHS sa bawat rehiyon ng bansa.


Walang tumutol sa pag-apruba sa panukala sa ikatlo at huling pagbasa. Nakakuha ito ng 215 boto.


Layunin ng panukalang batas na palakasin ang PSHS bilang nangungunang paaralang pang-sekondarya sa larangan ng Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) education.


 “Our Philippine Science High School System (PSHS) campuses offer secondary courses with special emphasis on STEM students with high aptitude or who are gifted in science and mathematics on a free scholarship basis,” sabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez. “Through this bill, we aim to expand the number of PSHS campuses per region, making world-class education even more accessible to more deserving Filipino students across the country.”


“The bill will not just improve the management of PSHS but also accommodate more government scholars, and increase the access to quality, free and globally competitive education for the country's science, technology and innovation manpower,” ayon kay Speaker Romualdez, ang pinuno ng Kamara na may mahigit 300-miyembro.


Ilan sa pangunahing nag-akda ng panukala sina: Reps. Carlito Marquez, Joey Sarte Salceda, Zaldy Co, Fedinand Alexander Marcos, Divina Grace Yu, at ilang pang mambabatas. 


Ang panukala ay nagbibigay kapangyarihan sa PSHS Board of Trustees na bumuo ng mga patakaran, gabay, at mga panuntunan na kinakailangan upang mapanatili ang kalidad at pantay na pamantayan sa edukasyon sa lahat ng PSHS Campuses.


Sinasaad din ng panukala ang pagtatakda ng saklaw, pamantayan, lugar ng paaralan, at iba pang gabay para sa mga aplikante ng science and technology scholarship program. 


Tinukoy din sa Section 18 ng HB 9726 na ang kita na nagmumula sa mga bayarin sa paaralan na kinokolekta ng mga campus ng PSHS ay isusumite at ideposito sa bangkong otorisado ng pamahalaan bilang trust fund ng PSHS System na gagamitin para sa mga pangunahing programa at aktibidad ng paaralan. (END)


wantta join us? sure, manure...

rye Panukalang magpapalakas sa tungkulin ng parent-teacher, community associations, pasado na sa Kamara



Inaprubahan ng Kamara ang panukala na magtatakda at magpapalakas sa tungkulin ng Parent-Teacher and Community Associations (PTCA) sa pangkalahatang pagpapaunlad ng mga bata.


Sa botong 202 pabor at walang tumutol, pinagtibay ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill (HB) No. 9670 na layong amyendahan ang Presidential Decree (PD) No. 603 o ang Child and Youth Welfare Code.


“Promoting the welfare and protecting the rights of children is one of our utmost priorities in terms of legislation and we hope to achieve this through the passage of this bill,” ani Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez. “We acknowledge the reality that it takes a village to raise a child so through this bill, we aim to harness collaboration among parents, teachers, school officials, and the communities, in ensuring that the welfare and rights of children are protected at all times.”


Kabilang sa mga may-akda ng panukala sina Tingog Partylist Reps. Yedda K. Romualdez at Jude Acidre, BHW Partylist Angelica Natasha Co, Quezon City Rep. Franz Pumaren, TGP Partylist Rep. Jose “Bong” Teves, Cavite Rep. Lani Mercado Revilla, Parañaque City Rep. Edwin Olivarez, at ilang pang mambabatas.


Layunin ng panukalang batas ang pagkakaroon ng early child development center sa mga basic education school na mag-organisa ng PTCA na bubuohn ng mga magulang, parent-substitutes, guro, community development workers, at mga kinikilalang grupo sa pamayanan mula sa iba’t ibang sektor.


Hinihikayat din ng panukala ang mga tatay at mga kalalakihang tagapag-alaga sa lumahok sa gawain ng PTCA.


Sa ilalim ng HB 9670, ang PTCA ay makikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan ng lalawigan, lungsod, munisipalidad, at school officials sa pagtataguyod ng adbokasiya at pagpapatupad ng mga programa na magtatanggol sa karapatan at mangangalaga sa kapakanan ng mga bata, gayundin ang paglikha ng programang makakatulong sa kanilang pag-unlad.


Bahagi din ng tungkulin ng PTCA ang pagtiyak ng pakikipagtulungan ng mga magulang, parent-substitutes, mga guro, at grupo sa komunidad; pakikipag-ugnayan sa mga bata, sa pamamagitan ng student councils, magulang, parent-substitutes, at samahang pangkabataan sa pagpaplano ng mga naangkop na programa, proyekto at mga gawain.


Sakaling maging ganap na batas, ang PTCA ay magiging daan para sa mga stakeholder na magdisenyo ng mga naaangkop na programa, talakayan, at magrekomenda ng hakbang o solusyon; at suportahan ang pagpapatupad ng mga patakaran sa pangangalaga sa mga bata sa mga paaralan at pamayanan. (END)


wantta join us? sure, manure...

rye Kamara inaprubahan ang conversion ng Eastern Samar State University-Arteche campus


Pasado na sa Kamara de Representatives ang panukala para gawing isang regular na campus ang extension campus ng Eastern Samar State University (ESSU) sa bayan ng Arteche Eastern Samar.


Walang tumutol at nakakuha ng 222 pabor na boto ang House Bill (HB) No. 9772, o ang panukalang “Eastern Samar State University-Arteche Campus Act.”


Binigyan-diin ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, isa sa pangunahing may akda ng panukala, ang malaking epekto ng panukala sa pagsusulong ng edukasyon at pag unlad sa rehiyon.


"This bill signifies a significant step towards enhancing educational opportunities in Eastern Samar. The establishment of the ESSU-Arteche Campus will contribute to the human resource development needs of the province and Region VIII,” sabi ni Speaker Romualdez, lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro.


Kasama sa mga may-akda ng panukala sina Representatives Yedda Marie Romualdez and Jude Acidre (Tingog Party-list), Maria Fe Abunda (Eastern Samar), Mark Go (Baguio City), at apatnapu’t dalawang iba pa.


"The proposed law outlines key provisions, including the conversion of the extension campus into a regular campus offering short-term, technical-vocational, undergraduate, and graduate courses," sabi naman ni Rep. Yedda Romualdez


Ayon kay Rep. Yedda Romualdez inaasahan na tututok ang campus sa mga kasanayan at specializations na kailangan para sa pagpapaunlad ng rehiyon.


Binigyang halaga nito ang papel ng ESSU-Arteche Campus sa pagsulong ng socio-economic pag-unlad sa pamamagitan ng pagsasaliksik, extension services, and production activities.


“This campus is not just about education; it's about becoming a catalyst for progress in the region. It will play a vital role in providing leadership in research and development," dagdag ni  Rep. Yedda Romualdez


Sa ilalim ng panukala, ang campus ay pamamahalaan ng Campus Administrator ng Board of Regents.


Nakalatag na rin sa panukala ang pagtalima sa panuntunan ng Commission on Higher Education (CHED) pagdating sa paglilipat ng assets, personnel, at records mula sa extension campus patungo sa ESSU.


Ang Munisipalidad ng Arteche muna ang sasagot sa kakailangang pondo para sa transition at operasyon ng extension campus hanggang sa maisama ang kailangan nitong pondo sa taunang General Appropriations Act ng national government.


"Financial support is crucial for the smooth transition and sustained operation of the ESSU-Arteche Campus. We appreciate the commitment of the Municipality of Arteche in this regard. Congress also stands ready to provide support in this endeavor,” sabi ni Speaker Romualdez.


"This legislation is a testament to our commitment to advancing education and regional development. We anticipate the positive impact of the ESSU-Arteche Campus on the future of Eastern Samar and its residents,” aniya.


Ipapadala naman ang panukala sa Senado para sa pagtalakay at pag-apruba ng mga senador. (END)


wantta join us? sure, manure...