umaasa si Bicol Saro Partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan na mapapabilis ang pagpasa sa mga panukalang batas na magbibigay proteksyon sa Pilipinas laban sa cyberattacks.
Pahayag ito ni Yamsuan makaraang ilabas ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang Executive Order 58 na kinapapalooban ng (NCSP) o National Cybersecurity Plan ng pamahalaan.
tinukoy ni Yamsuan ang pahayag ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na mas bukas ngayon ang Pilipinas sa mga cyberattacks.
ayon kay yamsuan, patunay nito ang naitala ng National Computer Emergency Response Team na 57,400 cybersecurity threats, habang umabot naman sa 3,470 ang mga insidente ng cyberattacks mula 2021 hanggang February 28, 2023.
pangunahing biktima aniya nito ang mga government emergency response systems, academe, telecommunications sector kasama din ang mga websites ng Kamara at Senado, Philhealth, Department of Science and Technology, Philippine Statistics Authority at iba pang ahensya ng gobyerno.
tiwala si Yamsuan na ang mahusay na pagpapatupad ng NCSP, kaakibat ang pagpapalakas ng ating multilateral ties sa mga kaalyadong bansa at agarang pagpasa ng Kongreso sa mga kaukulang panukalang batas ay daan para tayo ay maging ligtas ngayong digital era.
#######