Friday, September 29, 2023

30 SEPTEMBER 2023

30 SEPTEMBER 2023 SCRIPT

🍎🍎🍎🍎🍎🍎 

𓄁𓃠𓆉𓅿𓃰𓃟𓆏 


HELLO, GOOD MORNING MGA KATROPA / GOOD MORNING, PILIPINAS / GOOD MORNING CAMP AGUINALDO, / MAGANDANG UMAGA  LUZON, MAAYONG BUNTAG VISAYAS / AT BUENAS DIAZ MINDANAO!


Maupay nga aga / Mayak a abak / Marhay na aga / Maabug ya kaboasan / Mapiya kapipita


YES, SABADO NA NAMAN PO, AT / NANDITO NA NAMAN PO KAMI / PARA MAGTANGHAL / O MAGSASA-HIMPAPAWID / NG ATING PALATUNTUNANG / KATROPA SA KAMARA NI TERENCE MORDENO GRANA. 

 

BAGO TAYO LUMAON, / UNAHIN MUNA NATING MAGPAHAYAG / NG ATING MGA PASASALAMAT. / MAGPASALAMAT O PASALAMATAN NATIN / OF COURSE ANG ATING PANGINOONG MAYKAPAL / SA KANYANG PAGBIBIGAY NG GRASYA’T KALOOB / LALO NA SA NAKALIPAS NA MGA ARAW / NA TAYO AY  PUNONG-PUNO / NG MGA BIYAYANG ATING TINAMASA / AT TAYO AY BINANIGYAN NIYA NG PAGKAKATAON / NA MAKAPAGSAGAWA / NG ATING MGA ATAS / SA ARAW ARAW / PARA SA KANYANG KALUWALHATIAN.


SUNOD NATING PASALAMATAN / AY ANG ATING MGA OPISYAL / SA ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES: UNANG-UNA ANG ATING COMMANDER IN CHIEF PRESIDENT FERDINAND BONGBONG MARCOS, JR / SI NATIONAL DEFENSE DEPARTMENT SECRETARY ATTY. GILBERT GIBO C. TEODORO, JR. / ANG ATING BAGONG HIRANG PA LAMANG NA AFP CHIEF OF STAFF, SI GEN ROMEO S. BRAWNER, JR. / AT ANG ATING COMMANDER NG CRS, SI BGEN ARVIN LAGAMON / AT OF COURSE, / SA ATING MCAG GROUP COMMANDER & DWDD STATION MANAGER MAJ CENON PANCITO III / AT ANG LAHAT NG MGA BUMUBUO / NG ATING PRODUCTION STAFF / - THANK YOU VERY MUCH PÔ.


NGAYON / NAIS KO PO MUNANG MAKI USAP SA INYO / NA KUNG PUWEDE / PAKI-LIKE AT PAKI-SHARE / NITONG ATING PROGRAMA.


YES, / TERENCE MORDENO GRANA PO / ANG INYONG LINGKOD, / ANG INYONG KAAGAPAY AT GABAY SA ATING PALATUNTUNAN.,


MOBILE PHONE NUMBER NA: +63 916 500 8318‬ AT +63 905 457 7102


ANG KATROPA SA KAMARA AY MATUTUNGHAYAN, EKSKLUSIBO, DITO LAMANG PO SA DWDD, KATROPA RADIO, ONSE TRENTA'Y KUWATRO SA TALAPIHITAN NG INYONG MGA RADYO, SA ATING FACEBOOK PAGE, LIVE TAYO SA KATROPA DWDD-CRS VIRTUAL RTV (RADIO AND VIRTUAL TELEVISION) AT SA YOUTUBE AT I-SEARCH LANG ANG DWDD KATROPA.'


—————


OKEY, NARITO NA PO ANG ATING MGA NAKALAP NA IMPORMASYON MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES:


----------------


OKEY, HUWAG PO LAMANG KAYONG BUMITIW AT KAMI PO AY BABALIK KAAGAD MATAPOS ANG ILANG MGA PAALAALA MULA SA ATING HIMPILAN.


----------------


SA ATING PAGBABALIK, KAYO PO AY NAKIKINIG SA PATATUNTUNANG KATROPA SA KAMARA NI TERENCE MORDENO GRANA DITO LAMANG SA HIMPILANG DWDD, KATROPA RADIO, AT TAYO AY SINASAMAHAN NINA ENGINEERS (RONALD ANGELES, PHERDEE BLUES, LEONOR TANAP, REGINE ASCAÑO, JAYTON DAWATON,  JOHN MARK MOLINA, ETC) SA ATING TECHNICAL SIDE.


OKEY, TULOY-TULOY NA PO TAYO SA IILAN PANG MGA BALITA NA ATING NAKALAP. 


(READ AGAIN THE OTHER NEWS AND INFORMATION)


——————


SA PUNTONG ITO, MGA KATROPA AY DADAKO NA PO TAYO SA ATING PAGBABALIK-TANAW O RECAPITULATION NG LAHAT NA ATING TINALAKAY NA MGA PAKSA AT MGA BALITA NA AKING IBINIGAY SA INYO KANINA BAGO TAYO MAGTAPOS NG ATING PALATUNTUNAN...


-------------------


HAAY, UBOS NA NAMAN PO ANG ATING DALAWANG ORAS NA PAGTATANGHAL NG ATING PALATUNTUNAN AT WALA NA NAMAN PO TAYONG ORAS. KAMI AY MAMAMAALAM NA NAMAN MULI MUNA PANSAMANTALA SA INYO.


MARAMING SALAMAT AT KAMI PO AY INYONG PINAHINTULUTANG PUMASOK SA INYONG MGA TAHANAN SA PAMAMAGITAN NG ATING PALATUNTUNANG KATROPA SA KAMARA.


DAGHANG SALAMAT USAB SA ATONG MGA KAHIGALAANG BISAYA NGA NAMINAW KANATO KARONG TAKNAA. 


ITO PO ANG INYONG LINGKOD – KINI ANG INYONG KABUS NGA SULUGUON, TERENCE MORDENO GRANA..


SA NGALAN DIN NG LAHAT NA MGA BUMUBUO NG PRODUCTION STAFF SA ATING PALATUNTUNAN, AKO PO AY NAGSASABING: PAGPALAIN SANA TAYONG LAHAT NG ATING PANGINOONG MAYKAPAL, GOD BLESS US ALL, AT PURIHIN ANG ATING PANGINOON! GOOD MORNING.


𐐆ᏋᏒᏋᏁ ᎷᎧᏒᎴᏋᏁᎧ ᎶᏒᏗᏁᏗ wantta join us? sure, manure...

*Inaprubahan na ng Mababang Kapulungan sa ikatlo at huling pagbasa ang 2024 General Appropriations Bill o GAB. 


Sa botong 296-pabor; 3-tutol; at 0-abstain --- pinagtibay ng Kamara ang House Bill 8980 o ang panukalang P5.768 trillion na pambansang pondo para sa susunod na taon. 


Matatandaan na sinertipikahang “urgent” ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang 2024 GAB, kaya naaprubahan sa ikalawa hanggang ikatlong pagbasa sa loob lamang ng isang araw. 


Bubuo naman ng isang “small committee” na silang kakalap at magsasapinal ng mga ilalatag na mga amyenda ng mga kongresista. 


Ang small committee ay bubuuin nina House Committee on Appropriations chair Zaldy Co, Appropropriations senior vice chair Stella Quimbo, House Majority Leader Mannix Dalipe, at House Minority Leader Marcelino Libanan. Ang deadline ay itinakda sa Sept. 29, 2023. 


Bago ang botohan sa 3rd reading, umalma pa si Kabataan PL Rep. Raoul Manuel. Kanyang alegasyon, pinatayan siya ng mikropono. 


Sa isang pahayag, pinuri ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang nasa tamang oras na pag-apruba ng panukalang budget na hindi lamang aniya pagtugon sa mandato ng Kamara kundi pagpapakita ng dedikasyong magsilbi nang may “transparency at accountability” sa mga Pilipino. 


Ayon sa Speaker, dumaan sa masinsing diskusyon at paghimay ang pagtalakay sa pondo, partikular sa confidential at intelligence funds o CIF, upang masiguradong tama at naaayon ang gagawing paggugol sa limitadong pondo ng gobyerno. wantta join us? sure, manure...

Ipinanukala ni House Health Committee Chair at Batanes Rep. Ciriaco B. Gato Jr. sa mababang kapulungan ng kongreso ang pagbuo ng National Immunization Program para sa mga buntis sa ilalim ng Department of Health o DOH.


Layon ng House Bill 9354 na matiyak ang proteksyon ng mga ina at sanggol laban sa mga sakit sa pamamagitan ng bakuna tulad ng Influenza, Pertussis, Tetanus, at Diphtheria. 


Oras na maisabatas libre lamang itong ipagkakaloob sa mga pampublikong ospital at komunidad sa ilalim ng kanilang community-based immunization programs maging sa mga pribadong health facility  kung kasama sa PhilHealth benefit package


Nabatid na batay sa  datos ng Philippine Statistic Authority noong 2021 , aabot sa 2. 478 na mga babae ang namamtay dahil sa pagbubuntis na posbileng mas mataas pa ayon sa kongresista dahil sa mga hindi naitatalang kaso ng maternal death mula sa malalayong lugar sa bansa wantta join us? sure, manure...

Nais ni House Committee on Human Rights Chairman at Manila 6th district Rep. Benny Abante na maimbestigahan na rin ng Kamara ang kontrobersiya laban sa Socorro Bayanihan Services Inc. o SBSI sa Sitio Kapihan, Surigao del Norte.


Naghain si Abante ng House Resolution 1326 upang siyasatin  ng mga kongresista ang mga posibleng paglabag ng SBSI sa mga karapatang-pantao ng kanilang mga miyembro.


Giit ni Abante, layon ng imbestigasyon na makatukoy din ng mga lehislasyon na titiyak ng dignidad at respeto sa mga karapatang-pantao.


Batay sa mga naunang ulat, ang SBSI na pinamumunuan ngayon ni Jey Rence Quilario o "Senyor Agila" ay may mga aktibidad na mala-kulto, at nakaka-apekto sa mga miyembro.


Halimbawa rito ang impormasyon hinggil sa matinding paghihigpit ng "Kapihan Gatekeeper" sa mga ordinaryong miyembro, at maaari lamang silang makalabas isang beses kada buwan lamang pero kailangang umuwi bago mag-4:00 ng hapon.


Habang ang mga lider at kanilang pamilya, nakakabiyahe at malaya.


Mayroon ding nasiwalat ukol sa pwersahang " early marriage" o maagang kasal sa pagitan ng mga menor-de-edad.


Pati ang karapatan ng mga bata sa edukasyon, nahahadlangan, batay sa reports ng School Division Office ng Surigao.


Nauna nang nagsagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang Senado tungkol sa mga alegasyon laban sa SBSI. wantta join us? sure, manure...

2Speaker Romualdez ikinatuwa pahayag ng IMF sa inaasahang paglago ng ekonomiya 


Ikinatuwa ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pahayag ng bumisitang grupo mula sa International Monetary Fund (IMF) na nagsabing inaasahan nito ang mabilis na paglago ng ekonomiya sa huling semestre ng taon at sa susunod na taon.


Nakapagtala ang bansa ng 4.3 porsyentong paglago sa gross domestic product ng bansa sa ikalawang quarter ng taon dahilan upang maitala ang 5.3 porsyentong GDP growth sa unang semestre ng 2023, mas mababa sa inaasahan ng economic manager na 6-7 porsyentong paglago.


Kumpiyansa naman ang mga economic manager na maaabot pa rin ng bansa nag kanilang inaasahan.


Sa pakikipagpulong kay Romualdez noong Miyerkoles, sinabi ng IMF team na pinangungunahan ni mission chief Mr. Jay Pereis na inaasahan nito na makakahabol pa ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa huling bahagi ng 2023. Kanila rin umanong inaasahan ang mas mabilis na pag-unlad ng ekonomiya ng bansa sa susunod na taon.


“This forecast is not only encouraging but also a testament to the resilience and hard work of our nation's people, as well as the sound economic policies and reforms implemented by the administration of President Ferdinand R. Marcos, Jr.,” ani Speaker Romualdez.


“This positive outlook from the IMF should serve as motivation for us all to redouble our efforts in revitalizing our economy. It is a reminder that our nation has the potential to rebound and emerge stronger from any adversity,” dagdag pa ng lider ng Kamara na may 310 miyembro.


Ayon sa IMF team makatutulong sa paglago ng bansa ang inaasahang pagpasa ng panukalang 2024 budget bago matapos ang taon at ang mga batas at panukala na makakahatak ng mga dayuhang mamumuhunan.


Ang pagsasabatas umano ng panukalang budget sa oras ay mangangahulugan na agad na maipatutupad ang mga proyekto sa unang bahagi pa lamang ng 2024.


Binanggit naman ng IMF team na ang pagsasabatas ng Foreign Investment Act, Retail Trade Liberalization Act, at Public Services Act ay makakahatak ng dagdag na mamumuhunan sa bansa.


Makakaakit din umano ng mga mamumuhunan ang pagsasabatas ng mga panukalang pag-amyenda sa Build-Operate-Transfer (BOT) /Public-Private Partnership (PPP) Act, at Fiscal Regime for the Mining Industry Act.


Ayon sa IMF ang panukalang pagbubuwis sa pagmimina ay makatutulong upang madagdagan ang pondo ng gobyerno habang napananatili nito ang pagiging competitive ng bansa.


Ang Pilipinas ay ikalimang pinaka-mineralized country sa mundo at tinatayang US$1 trilyon ang hindi pa nakukuhang mineral dito gaya ng ginto, nickel, zinc, cooper at silver.


Sinabi ni Speaker Romualdez na mahalaga rin na mapaganda ang kakayanan ng bansa na magproseso ng mga miniminang mineral.


Ayon sa IMF team magandang ideya rin para sa Pilipinas kung palalakasin ang kaalaman ng mga mamamayan sa paggamit ng Artificial Intelligence, lalo na sa Business Process Outsourcing (BPO) industry kung saan mayroong competitive advantage ang bansa.


Inirekomenda rin ng IMF team na lalo pang pagandahin ang regulasyon kaugnay ng pagproseso ng mga permit at kinakailangang dokumento sa pagnenegosyo.


“We understand that there is still work to be done to ensure this projection becomes a reality. The government will continue to focus on policies that promote economic stability, job creation, and sustainable growth,” sabi pa ni Romualdez.


“We will also work to improve the investment climate and further enhance our economic resilience in the face of external shocks,” dagdag pa ng lider ng Kamara. (END) wantta join us? sure, manure...

Inatasan ni House Speaker Martin Romualdez ang lahat ng standing at special committees na magsagawa ng hearings sa kasagsagan ng congressional break.


Sa mosyon ni House Deputy Majority Leader Marlyn Agabas sa plenaryo, nais nitong pahintulutan ang lahat ng komite na magtrabaho pa rin sa break mula September 28 hanggang November 5 upang maisulong ang "pieces of legislation".


Pinatututukan ni Romualdez sa mga komite ang mga makabuluhang panukala partikular na ang mga inaasahang tutugon sa mataas na presyo ng pangunahing bilihin.


Kailangan pa rin aniyang matiyak na mapapabilis ang pagpasa sa nalalabing priority legislations kahit naaprubahan na ang target ng Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC at mga nabanggit sa State of the Nation Address ng pangulo.


Nasa proseso na ang Kamara ng pag-review sa mga batas na may kinalaman sa foreign direct investments lalo't ito ang pinakamalaking source ng external financing sa mauunlad na bansa.


Giit pa ng House Speaker, naipakita ang sipag ng mga mambabatas sa pagtupad sa parliamentary duties hindi dahil trabaho nila ito kundi dulot ng pagiging maaasahang katuwang ng Executive Department sa pagsusulong ng mahahalagang polisiya. wantta join us? sure, manure...

Kahit LEDAC priorities natapos na, Kamara magtatrabaho kahit break—Speaker Romualdez


Pinayagan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga komite ng Kamara de Representantes na magsagawa ng mga pagdinig kahit na naka-break ang sesyon ng Kongreso.


Sa huling araw ng sesyon noong Miyerkoles, naghain ng mosyon si House Deputy Majority Leader at Pangasinan 6th District Rep. Marlyn L. Primicias-Agabas na payagan ang mga komite na magpatuloy sa pagtatrabaho upang matapos umano ang mga mahahalagang panukala sa panahon ng break mula Setyembre 28 hanggang Nobyembre 5, 2023.


“I move that we authorize all committees to conduct meetings and/or public hearings, if deemed necessary, during the House recess from September 28, 2023 to November 5, 2023,” ani Primicias-Agabas.


“Is there any objection? The chair hears none, motion is approved,” sabi naman ni House Deputy Speaker at Ilocos Sur 2nd District Rep. Kristine Singson-Meehan.


Ayon kay Speaker Romualdez, lider ng Kamara na may 310 miyembro, inatasan nito ng liderato ng Kamara na magsagawa ng pagdinig upang maipasa ang mga mahahalagang panukala kasama ang mga makatutulong na matugunan ang mataas na presyo ng mga bilihin.


“While we already passed almost all of our priority bills listed under LEDAC (Legislative-Executive Development Advisory Council) and SONA (State of the Nation Address), we want to accelerate the passage of other House priority legislations,” ani Speaker Romualdez.


“We still have a lot on our legislative table and other urgent measures are in various stages of deliberation,” dagdag pa ni Speaker Romualdez sa kanyang talumpati bago nag-adjourn ang sesyon.


Sa ilalim ng kanyang pamumuno, sinabi ni Speaker Romualdez na patuloy na magsusumikap ang Kamara na maipasa ang mga panukalang batas na kailangan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang matugunan ang mga pangangailangan ng publiko.


Sinabi ni Speaker Romualdez na pinagsusumikapan ng Kamara na magampanan ang mga trabaho nito at nananatiling katuwang ng Ehekutibo sa paglikha ng mga polisiya na makapagpapabuti sa kalagayan at kakayanan ng mga Pilipino.


"I am confident that with our steady and stable pace, driven by our eagerness to fulfill our duties, the rest of our targets are achievable. Let us do our best and prove that through our solid efforts, the nation is in good hands… Let us continue working to fulfill our obligation and tackle the lawmaking process with greater fervor,” saad pa nito.


Inulat ni Speaker Romualdez noong Miyerkoles ng gabi sa kanyang mga kapwa mambabatas na naipasa na ng Kamara ang lahat ng 20 panukala na prayoridad na maisabatas ng LEDAC. Ito ay mas maaga ng tatlong buwan sa napagkasunduang deadline sa Disyembre.


“We are three months ahead of target…Salamat sa tulong ninyong lahat. Mission accomplished po tayo - tatlong buwan bago matapos ang deadline na nakagkasunduan ng Senate, House of Representatives at Executive department,” wika ni Speaker Romualdez.


Pinuri rin ni Speaker Romualdez ang secretariat at congressional staff sa kanilang pagsusumikap na nagresulta sa record-breaking accomplishment ng Kamara.


"Again, I thank all of you, including our hardworking secretariat and congressional staff, for a commendable job. Congratulations on the hard work, support, and efficiency," dagdag pa ni Speaker Romualdez.


Ipinaabot din ni Speaker Romualdez ang kanyang taus-pusong pasasalamat sa kanyang mga kapwa mambabatas, kasama ang mga nasa minorya sa tagumpay na naabot ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. (END) wantta join us? sure, manure...