Friday, January 06, 2023

PANAWAGANG MAGHAIN NG COURTESY RESIGNATION ANG MGA OPISYAL SA PNP, SUPORTADO NI BARBERS

Nagpahayag ng suporta si Surigao del Norte Representative at House Committee on Dangerous Drugs Chairman Robert Ace Barbers sa panawagan ni Department of Interior and Local Government DILG Secretary Benhur Abalos na maghain ng courtesy resignation ang mga police colonels at generals na layong linisin ang kanilang hanay laban sa mga police scalawags.


Sinabi ni Barbers na siya ay naniniwala na sa nasabing istratehiya, malilinis ng pambansang pulisya ang kanilang hanay laban sa mga tiwaling opisyal lalo na ang mga sangkot sa illegal drug trade.


Dagdag pa ng beteranong mambabatas  isang magandang panukala ang pag resign dahil mabibigyan ng full trust and confidence sa sistema na ipatutupad ni Sec Abalos sa paglilinis sa PNP.


Una nang inihayag ni Barbers na talagang may mga PNP colonels at generals ang sangkot sa illegal drug trade kaya dapat lamang na magpatupad ng mga hakbang para tuluyang malinis ang hanay ng pambansang pulisya.

Gayunpaman hindi malinaw kung ang resignation ng mga police colonels ay sa pwesto o sa serbisyo.


Sa kabilang dako, positibo naman ang tugon ng Philippine National Police (PNP) sa panawagan ni Secretary Abalos, una ng maghain ng kaniyang courtesy resignation si PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin at sinundan ito ng iba pang mga regional police directos sa buong bansa.

Paliwanag naman ni Congressman Barbers na bubuo ng isang body na siyang tatanggap sa lahat ng isinumiteng courtesy resignation ng mga top ranking PNP officers.


Ayon sa mambabatas, sa gagawing vetting process, dito na tutukuyin kung kaninong resignation ang tatanggapin base sa mga ebidensiya laban sa isang police official.


wantta join us? sure, manure...