Thursday, February 15, 2024

Rye

Pagbabago sa ekonomiya makakatulong upang mapabuti ang pamumuhunan sa Pilipinas -ayon sa ekonomista


Napapanahon na ang pagkakaroon ng estratehikong mga pagbabago sa 1987 Constitution at pagtanggap ng komprehensibong mga reporma sa ekonomiya upang mapabuti ang klima ng pamumuhunan sa bansa.


Ito ang ipinaliwanag ni National Scientist Raul Fabella, isang Professor ng University of the Philippines School of Economics, sa kalipunan ng mga mambabatas sa isang forum kamaikailan, kung saan ipinipresenta ang kaniyang inakdang pag-aaral na may titulong “PH Investment Rate: Why are we far behind? How do we rebound?”.


Ang pagtitipon ay inorganisa ng House of Representatives Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD) na pinamumunuan ni Deputy Secretary General Dr. Romulo Emmanuel Miral Jr. kasama si Markina City Rep. Stella Quimbo, senior vice chairperson ng House Committee on Appropriations.


Sa kanyang presentasyon, ipinakita ni Professor Fabella ang nakakabahalang katotohanan ng investment rate ng Pilipinas, na nasa pinakamababa kumpara sa mga bansa sa ASEAN, na nasa 22.4 porsyento.


Kabilang na ang mga bansa tulad ng Thailand, Indonesia, at Vietnam na may mas mataas na investment rate, habang ang investment rate ng China ay umabot sa pagitan ng 34-50 porsyento sa mga nakaraang taon.


Binanggit niya na ang pagkakaibang ito ay nagpapakita ng mas malaking pagkonsumo sa halip na sa pamumuhunan, na nagreresulta sa mababang antas ng pag-iimpok at isang "anti-investment ecology."


“All economic progress boils down to investment. Countries that invest less will over time eat the dust of countries that invest more,” paliwanag pa ni Fabella.


Una na ring kinilala ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at ng mga ekonomista ng pamahalaan ang higit na pangangailangan ng pagbabago sa mga limitadong probisyon sa ekonomiya ng 1987 Constitution bilang pangunahing hakbang na iangat ang bansa mula sa ibabang position sa larangan ng pagpasok ng pamumuhunan. 


Layunin ng mga pagbabagong ito na paluwagin ang mahahalagang sektor, nagbibigay daan sa mas maraming foreign direct investments (FDIs), at magtataguyod ng isang masiglang kapaligiran sa ekonomiya para sa pag-unlad at pagbabago.


Binigyang-diin ni Prof. Fabella ang mga hamong kinakaharap ng ekonomiya ng Pilipinas, kabilang na ang mataas na gastusin sa kuryente, bureaucratic inefficiency, katiwalian, at kakulangan sa mga imprastruktura.


Aniya, sa tatlong taon matapos ipatupad CREATE 2 tax law, na layuning palakasin ang pamumuhunan, ay hirap pa ring umabot sa 25 porsiyento ang investment rate ng bansa.


Sinabi pa ni Fabella na ang tungkulin ng kasalukuyan at susunod na administrasyon, ay "maibalik ang bansa sa kompetisyon ng investment.


Ang anti-investment ecology, aniya, ay ang dahilan ng economic cluster closures.


Ang sektor ng agrikultura ay nagsara sa malalaking pribadong mamumuhunan dahil sa kaguluhan sa mga karapatan sa ari-arian na nagmula sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) at nagresulta sa paghihiwa-hiwalay ng mga lupain. Binago rin ng CARP, ang proseso sa paraan pagbili ng mga lupain at pagpapautang.


Ipinagbawal din ang pagmimina at forestry para sa pribadong mamumuhunan sa bansa at sa mga banyaga sa mga nakalipas na dekada.


Isang halimbawa ang $6B Tampakan gold at copper mine project na hanggang ngayon ay nasa balag pa rin alanganin makaraan ang 40 taon dahil sa mga hindi pa nasosolusyunang usapin.


Makikita rin ang anti-investment ecology ng bansa sa pananatili ng mataas na presyo ng kuryente. Ang Pilipinas ang may pinakamataas na halaga ng kuryente sa ASEAN para sa malalaking negosyo maliban sa Singapore, ngunit may pinakamababang presyo ng kuryente sa mga kabahaya.


Gayundin ang umiiral na burukrasya  at katiwalian kung saan ang mga investor ay kailangang dumaan sa 172 lagda at pagkaantala ng pagpaparehistro ng kanilang mga kumpanya.


Napag-iiwanan din ang mga imprastruktura sa Pilipinas kumpara sa mga bansa sa ASEAN.


Bilang tugon da mga problemang ito, iminumungkahi ni Fabella ang ilang mga hakbang, tulad ng pagbaba ng presyo sa kuryente, pagsusulong ng mga pamumuhunan sa agrikultura sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga limitasyon sa pag-aari ng lupa, at pagtutok ng mga estratehiyang pinansyal sa pagpapalakas ng mga maliit na sakahan.


Isa sa mahalagang hakbang sa pagpabuti ng investment climate aniya, ay sa pamamagitan ng pagtatanggal ng mga limitasyon sa dayuhang pagmamay-ari sa mga business enterprise, na kabilang sa isinasaad sa Section 11 ng Article 12 ng 1987 Constitution. 


Ang mga nabanggit, at sa tulong ng pagsisikap ng lehislatura na mapadali ang pakikilahok ng mga dayuhan sa ekonomiya ang makapagbibigay ng tiwala sa mga potensyal na mamumuhunan at maengganyo sa paglalagay ng negosyo sa Pilipinas para sa pangmatagalang pagpapalago at pag-unlad ng mga negosyo sa bansa. Ito ay nagbibigyang-diin sa paglipat mula sa mga pamumuhunan sa portfolio tungo sa FDIs.


Hinimok ni Professor Fabella ang lahat ng stakeholders, kabilang na business community, civil society, at ang publiko, na suportahan ang mga hakbang na naglalayong baguhin ang sistema tungo sa pag-unlad. 


Sa pamamagitan ng nagkakaisang pagsisikap, aniya, maaaring palakasin ng Pilipinas ang isang pro-investment ecology, mapatatg ang pag-unlad ng ekonomiya, paglikha ng mga trabaho, at pagsulong sa teknolohiya. (END)


wantta join us? sure, manure...

Rye

Panahon na upang pakinggan ang puna ng mga dayuhang mamumuhunan sa mga pagbabago sa ekonomiya- Rep. Roman, Bongalon 


Bagama’t iginagalang ng mga miyembro ng Kamara ang naging pahayag ni dating Supreme Court (SC) Associate Justice Antonio Carpio sa iysu ng pag-amyenda sa ilang restrictive economic provisions ng Konstitusyon, hindi naman maikakaila ang pangangailangan na pakinggan ang puna ng mga dayuhang mamumuhunan na nais magnegosyo sa Pilipinas. 


Ayon kay Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman, chairperson ng House Committee on Women and Gender Equality, na dapat ding mapakinggan ang mga potensyal na mamumuhunan. Dahil sila ang nakakaranas ng mga hamong kinakaharap bago makapagtayo ng negosyo sa Pilipinas.


"Syempre we respect former justice Carpio. He's a man of great experience. But between theory and practical, practically you know and real talk ika nga sinasabi natin, pakinggan natin 'yung mga investors and I think it doesn't take much to be observant no and compare our situation and that of other countries," ayon kay Roman. 


Tinutukoy ni Roman ang naging pahayag ni Carpio, na aniya’y tila kakulangan sa pag-unawa ng ating mga pinuno sa lawak ng dayuhang pagmamay-ari, sa ilalim ng batas, ng mga negosyo sa ating bansa.


Ayon sa dating mahistrado, marami nang naisabatas ang Kongreso na nagbibigay daan sa dayuhang pagmamay-ari, na isa sa mga pangunahing argumento ng mga nagsusulong ng reporma sa Konstitusyon, na aniya ang nagpapahina sa argumento para sa Cha-cha


"But between theory and practical, practically you know and real talk ika nga sinasabi natin, pakinggan natin 'yung mga investors and I think it doesn't take much to be observant no and compare our situation and that of other countries," paliwanag ni Roman. 


"Sabi nga nila we have a Constitution that is so specific and unfortunately its too specific when it comes to the economic provision. When in general you go around the world, ang Constitution is just a decoration of principles filled with motherhood statements your ultimate objectives and it gives leeway and space for Congress to legislate the laws," dagdag pa ng mambabatas. 


Sumasang-ayon din si House Assistant Majority Leader at Ako Bicol Party-list Rep. Jil Bongalon, sa mga ipinunto ni Roman sa mga pahayag ng dating mahistrado. 


"With regard to that issue, what we have is a retired Justice who is saying that we have already enough laws that would answer to these problems, but pakinggan ho natin 'yung foreign investors, sinasabi nila we have restrictive economic provisions under [the] 1987 Constitution," ayon kay Bongalon. 


"Ibig sabihin, hindi ho sapat 'yung mga batas na ipinapasa ho ng Kongreso para ma-encourage po ang ating foreign investors na mag-negosyo sa ating bansa. 'Yun lamang po ang dapat na malinaw sa atin pong mga sambayanang pilipino na, we have to amend the restrictive economic provisions, it is now the best time to amend our fundamental of the land," binigyan diin pa ng mambabatas. 


Sina Roman, Bongalon, at ang iba pang mga mambabatas na sumusuporta sa Cha-cha ay naniniwala na ang pag-alis sa economic restrictions ng Saligang Batas ay magbubunga ng pag-usbong ng dayuhang pamumuhunan sa Pilipinas. (END)


wantta join us? sure, manure...

Rye

SEC Registration ng PIRMA, hindi kailangan ayon sa mambabatas 


WALANG kinalaman ang hindi pagpaparehistro ng People’s Initiative for Modernization and Reform Action (PIRMA) sa Securities and Exchange Commission (SEC) para isulong ang hinaing ng mga tao na naghahangad ng pagbabago sa 1987 Constitution.


Ayon kay 1-RIDER Rep. Rodge Gutierrez na ring abogado at miyembro ng House minority bloc, hindi kinakailangan ang sertipikasyon SEC sa isinusulong na people’s initiative. 


“Just a personal opinion, PI is an exercise on sovereignty. It’s the will of the people,” Gutierrez, a member of the House minority, ayon kay Gutierrez sa ginanap na press conference noong Miyerkules. 


“So, it will not necessarily require an SEC certificate. Hindi naman kailangan na meron tayong certificate to go around or so,” ayon pa sa mambabatas, na hindi sumasang-ayon na ang usapin ng soberanya ay dapat patunayan sa pamamagitan ng mga regulasyon. 


“SEC certificates are therefore protection on business. But for you to go around and campaign for genuine change, karapatan po iyan ng tao,” ayon kay Gutierrez.


Ang pahayag ni Gutierrez ay kaugnay na rin sa testimonya ng isang opisyal ng SEC na nagsabing 2004 pa nang kinansela ng tanggapan ang registration ng PIRMA 


Ang PIRMA ay kasalukuyang pinamumunuan ng negosyanteng si Noel Oñate, isa sa grupong bahagi sa nagsusulong ng peoples’ initiative.


Sa pagdinig sa Senado, sinabi naman ng legal counsel ng PIRMA na si Alex Avisado na kasalukuyan pa ring nilang kinokumpleto ang proseso para sa corporate registration ng PIRMA sa SEC. 


Ayon kay Avisado na naisumite na nila ang mga dokumento sa pamamagitan ng online portal ng SEC noong nakaraang buwan.(END)


wantta join us? sure, manure...

Rye

25 lokal na opisyal ng Surigao del Norte local leaders, nagpahayag ng suporta kay Speaker Romualdez 


KABUUANG 25 pinuno ng lokal na pamahalaan sa Surigao del Norte ang lumagda sa manifesto ng pagsuporta kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa gitna ng mga walang basehan na akusasyon ng ilang mga Senador kaugnay sa isinusulong na pag-amyenda ng restrictive economic provisions ng Saligang Batas.


Pinangunahan ni Surigao del Norte Rep. Francisco "Bingo" Matugas at Atty. Francisco Matugas, dating gobernadora at dating mambababatas 1st District of Surigao del Norte, ang paglagda ng suporta sa kasalukuyang pinuno ng Kamara. 


“We, the Local Chief Executives and leaders of Surigao del Norte express our wholehearted and unwavering support for the leadership of Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez amidst the issues being raised against him in the context of the People's Initiative to amend the 1987 Constitution,” ayon pa sa mga opisyal na lumagda sa manifesto. 


“Speaker Martin's vision of a prosperous Philippines by shepherding measures that, in his own words, are ‘calculated to alleviate poverty, trigger economic progress and harness competencies in government for the delivery of the highest degree of service,’ has greatly benefitted Surigaonons,” dagdag pa nila. added.


Kabilang sa mga lumagda sa manifesto ang pitong Board Members, 10 alkalde at anim na konsehal. 


“Speaker Martin has assisted in funding social services for our constituents such as medical, cash, burial and educational assistance. He has also ensured the budget for major infrastructure projects in Siargao Island that are sure to catapult it into one of the prime tourist destinations in the world,” ayon sa mga opisyales.


“We now express the same kind of support he has provided for the people of Surigao, especially Siargao. More importantly, Surigaonons share Speaker Martin's vision for development by opening up the economy to foreign investment, removing existing economic restrictions, and improving healthcare and education,” saad pa sa manifesto.


Lumagda rin ng kanilang pagsuporta sina Rep. Bingo Matugas kasama ang pitong Board Members ng Surigao del Norte na sina: Julecs C. Sunico, Constantini B. Navarro IV, Allan A. Turtur, Kent L. Yuipco, Nathaniel A Plaza, Juan Fernando Larong, at Elvira Egay


Gayundin ang 10 alkalde na sina: Mayor Wallace Senaca of Malimono, Mayor Elvira Matugas ng Gen. Luna, Mayor Arwela Dolar ng Sta. Monica, Mayor Angie Arcena ng Burgos, Mayor Elizabeth Matugas ng Dapa, Mayor Alfredo Coro Jr. ng Del Carmen, Mayor Maria Liza Resurreccion ng Pilar, Mayor Ma. Gina Menil ng San Benito, Mayor Lamberto Domiños Jr. ng San Isidro, at Mayor Riza Rafonselle Timcang ng Soccoro.


Lumagda rin ng suporta para sa pinuno ng Mababang Kapulungan ang mga anim na konsehal ng Surigao City na sina: Jose Expeditus "Jex" Bayana, Joel Echin Tinio, Cacel R. Azarcon, Sebastian Ric Nagas, Joshua Emilio Geli, at Joseph Joey Yuipco.


“We understand that some of these changes may be effected through amendments of the Constitution and we commit to ensure that our constituents' voices are heard on this matter and that we will abide by the same,” ayon pa sa sinasaad sa manifesto.


“In the end, we are one with Speaker Martin in striving for a bright and prosperous future for all Filipinos, especially our fellow Surigaonons. We extend our full support to Speaker Martin, all branches of government and all relevant sectors towards achieving these goals,” dagdag pa ng mga opisyal ng lalawigan.


“We hope that all involved stop the bickering, cease personal attacks on the good Speaker and instead, unite in accomplishing the task of nation-building. Padajon sa progreso!” (END)


wantta join us? sure, manure...

ISA “ANG AKAP AY HINDI HAO-SIAO.” 


YAN ANG IGINIIT NI HOUSE DEPUTY MAJORITY LEADER AT ILOILO 1ST DISTRICT REP. JANETTE GARIN, BILANG DEPENSA SA MGA NAG-UUGNAY SA AYUDA PARA SA KAPOS ANG KITA PROGRAM O AKAP SA PEOPLE’S INITITAVE O P-I UKOL SA CHARTER CHANGE O CHA-CHA. 


AYON KAY GARIN, NIRERESPETO NG KAMARA ANG “WISDOM” NG SENADO, PERO KAILANGAN ANIYANG TUMINTIG NG MGA KONGRESISTA DAHIL HINDI TAMA NA BINIBIGYANG-MALISYA ANG ISANG MABUTING PROGRAMA. 


DIIN NI GARIN, ANG AKAP AY TULONG SA MGA TAONG KINAKAPOS ANG KITA, AT MGA KAWANI NA HIRAP SA BUHAY DAHIL SA MATAAS NA PRESYO NG MGA BILIHIN. 


MALAYO RIN ANIYA SA KATOTOHANAN ANG PARATANG NA NAGAMIT ANG AKAP PARA SA P-I. 


PAALALA NAMAN NI GARIN, POSIBLENG MAGKAROON NG BAHID O MALING PAG-INTINDI ANG ATING MGA KABABAYAN SA AKAP, KUNG PATULOY ITONG MAMASAMAIN NG ILANG SENADOR. 


SAMANTALA, KINILALA NI GARIN ANG PAGSUSUMIKAP NG ADMINISTRASYONG MARCOS JR. AT NG LIDERATO NG KAMARA NA MAGHANAP NG MGA PARAAN UPANG MAGKAROON NG PROGRAMA NA MAKAKATULONG SA MGA PINOY, KASAMA ANG MINIMUM WAGE EARNERS HABANG BUMABANGON NA PA RIN ANG LAHAT MULA SA PANDEMYA NG COVID-19.


wantta join us? sure, manure...

IGNORANCE OF THE LAW EXCUSES NO ONE, ESPECIALLY THOSE WHO MADE THEM



Sinabi ni Deputy Speaker David "Jay-jay" C. Suarez ng lalawigan ng Quezon na ignorance of the law excuses no one, lalo na kung ang nagsasabi nito ay yung mismong gumawa at lumagda sa batas. 


Ayon kay DS Suarez, sinasabi umano nina Senators Imee Marcos, Ronald dela Rosa at Risa Hontiveros na hindi daw nila alam ang tungkol sa ayuda program nang aprubahan at pirmahan nila ang 2024 General Appropriations Bill. Ito ang dokumentong naglalaman ng AKAP o Ayuda para sa Kapos ang Kita Program. 


Pumirma sila sa Bicam report at nandun ang lagda nila hindi lang sa special provision on AKAP kundi sa buong Bicam report.


Inaprubahan din ng buong Senado ang Bicam report bago nila ipinasa ang 2024 General Appropriations Bill para pirmahan ni Pangulong Marcos.


Tanong tuloy ni Suarez kung ugali ba talaga ng mga senador pumirma kahit hindi nababasa ang dokumentong pinirmahan nila? Paano na ang ibang batas na ipinasa nila sa Senado? Hindi rin kaya nila binasa bago sila pumirma?


Dagdag pa ng mambabatas na kahit walang katibayan, pilit kinukulayan at dine-demonize ang isang proyektong tutulong sa mahihirap nating kababayan.


Kunsabagay, yan na yata ang uso ngayon sa Senado: mag-akusa lang nang mag-akusa kahit walang pruweba. 


Isa lang ang tanong: Ano po ba ang bawal, masama o mali sa isang batas tulad ng AKAP na magbibigay ng one-time assistance na P5,000 sa mga grab drivers, service crew, factory workers at iba pang manggagawa? 'Di ba silang mahihirap ang nililigawan ng mga senador tuwing halalan? Di ba sila rin ang bumoto para ma-enjoy ng mga senador ang kapangyarihan nila ngayon? Bakit ngayon ang ayuda para sa kanila, bawal daw? Masama daw?


Basta kami sa Kongreso, tatayuan namin ang batas na ito na tutulong sa ating mga kababayan. Tungkulin natin yan sa bayan. At sa mga senador na kumukwestyon sa AKAP, kayo na lang ang magpaliwanag sa 12-milyong pamilyang Pilipino na umaasang matatanggap nila ang ayudang ito.


(END)


wantta join us? sure, manure...

Hajji 

Isinusulong ni Cagayan De Oro City Representative Lordan Suan ang panukalang batas na layong pagkalooban ng "heartbreak leave" at emotional support resources ang mga kawaning nasawi sa pag-ibig.


Batay sa House Bill 9931 o ang Heartbreak Recovery and Resilience Act, bibigyan ng magkakaibang leave periods ang mga empleyado base sa edad bilang pagkilala sa kanya-kanyang pangangailangan at sirkumstanya.


Para sa mga manggagawang 25 years old pababa, isang araw ang ibibigay na unpaid heartbreak leave kada taon habang hanggang tatlong araw sa mga kawani na 36 years old pataas.


Upang maging kwalipikado sa heartbreak leave, ang mga empleyado ay dapat magpasa ng pirmadong statement na kumukumpirma na galing sila sa breakup sa nakalipas na tatlumpung araw.


Sa pamamagitan nito ay itataguyod ang resource development at support measures sa opisina kung saan pangungunahan ng DOLE at Civil Service Commission ang paglikha ng programa.


Paliwanag ni Suan, tutugunan ng panukala ang mabigat na pinagdadaanan ng mga empleyadong sawi sa pag-ibig na kadalasang nakakaapekto sa performance.


Base sa mga pag-aaral, ang epekto aniya sa mental well-being ng isang indibidwal na nakaranas ng breakup ay maaaring mauwi sa mas mababang productivity sa trabaho, laging absent at may emotional distress.

wantta join us? sure, manure...

Anne Kinumpirma ni Deputy Majority leader, Appropriations Vice Chair at Iloilo Representative Janette Garin na nakatanggap ang kaniyang distrito ng P10 million AKAP funds.


Sinabi ni Garin sinisimulan na nila ang pagkuha sa  data base at pagtukoy sa mga target beneficiaries.

Para sa kaniyang distrito mga katulong o kasambahay ang magiging recipient ng AKAP.  


Ayon sa lady solon, layunin ng AKAP na bigyan ng tulong ang mga manggagawa na nasa katergoya ng near-poor families na may monthly income na P23,000 pababa.


Aniya, kung mayruon mang programa para sa mga mahihirap nating kababayan, mayruon din para duon sa mga nagtatrabaho pero hindi sapat ang kita.


Sinabi ng Kongresista na kanila din pinag-aaralan na imbes P5,000.00 one time cash assistance ang kanilang ibibigay sa mga beneficiaries ay gawin na lamang itong P3,000.00 para mas marami pa ang mabigyan. 


Una ng pina-alalahanan ng Kamara si Senator Marcos na inaprubahan ng Senado ang pondo para sa AKAP program.

Samantala, inihayag din ni Garin na may karapatan si Senator Imee Marcos na magpatawag ng imbestigasyon kaugnay sa isyu ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP).


Pero ayon sa lady solon sana hindi maapektuhan ang pagpasa ng mga makabuluhang batas sa gagawing imbestigasyon.


Ipinunto ni Garin na maganda ang intensiyon ng AKAP na sana huwag ng lagyan ng kulay ng ilang mga opisyal ng pamahalaan.


wantta join us? sure, manure...

Hajji Pinagsabihan na ni House Speaker Martin Romualdez ang mga kongresista na huwag nang patulan ang anumang ilalabas na pahayag ng mga senador.


Ito ang kinumpirma ni House Deputy Majority Leader sa isang pulong balitaan matapos magkasundo sina Romualdez at Senate President Juan Miguel Zubiri na itigil na ang "word war" o bangayan sa gitna ng ng isyu sa People's Initiative para isulong ang Charter Change.


Sinabi ni Garin na ang direktiba ni Romualdez ay ituloy lang ang pagtatrabaho at iwasan ang mga distraction o maaaring makaabala.


Pero may mga mambabatas aniya na nagsabing sasagot pa rin sila sa mga patutsada ng ilang senador.


Ang importante sa ngayon ani Garin ay nagkaroon na ng "ceasefire" sa pagitan ng dalawang kapulungan sabay giit na iginagalang nila ang karunungan o wisdom ng Senado.


Bukod sa hindi umano magandang halimbawa ang hidwaan, naaaksaya rin ang pera ng mamamayan na nagbabayad ng buwis.


Dagdag pa nito, dapat tuparin ng Mataas na Kapulungan ang bawat sinasabi lalo na ang pangakong timeline na tatapusin sa Marso ang Resolution of Both Houses Number 6.


wantta join us? sure, manure...

Christian Yosores

Location: House of Representatives 

Mats: sent videos

Description:

Restrictions:

Instructions:


Lead in:

Ilang kongresista dinepensahan ang pondo ng Ayuda Kita sa Kapos Program (AKAP) ng DSWD matapos iugnay sa People’s Initiative.


Script:

Itinanggi ng ilang kongresista na may kinalaman sa People’s Initiative kaugnay ng isinusulong na Charter Change ang mahigit ₱26.7-bilyong pondo ng Ayuda Kita sa Kapos Program (AKAP) ng DSWD.


Ito’y matapos kwestyunin ni Sen. Imee Marcos at ilang senador ang nasabing pondo at akusahang ginamit para pondohan ang People’s Initiative.


Pinabulaanan ni Bataan Rep. Geraldine Roman na para sa People’s Initiative ang pondo ng AKAP dahil malinaw aniyang tapos na ang PI, matapos itigil ng Comelec ang proceedings kaugnay ng inisyatibo, gayundin na ipinatigil na ito ni Pang. Marcos, Jr.


Malaking kasinungalingan naman para kay Ako-Bicol Rep. Jil Bongalon ang pahayag ni Sen. Marcos dahil aprubado sa ilalim ng bicameral conference report ang AKAP.


Ganito rin ang pahayag ni 1-Rider Rep. Rodge Gutierrez na duda sa pagkagulat ng mga senador dahil may mga pirma sila sa bicam report.


Umapela rin sila sa mga senador na huwag sirain ang magandang layunin ng programa na makapagbigay ng dagdag na ayuda sa mahihirap at nangangailangang Pilipino.


Nanawagan si Roman sa mga senador na itigil na ang pagkaladkad sa kanila sa isyu ng People’s Initiative at tumutok sa trabaho para makapaghatid ng serbisyo sa publiko.


Nanindigan naman ang mga kongresista sa pagsusulong ng amyenda sa economic provisions ng Saligang Batas dahil tiyak na magbubukas ito sa maraming oportunidad at paglago ng ekonomiya ng bansa.


END


wantta join us? sure, manure...