Thursday, April 27, 2023

PAG-IISYU NG LTO NG PAPEL NA DRIVER’S LICENSE, MARIING TINUTULAN SA KAMARA

Mariing kinontra ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee ang pag-iisyu ng papel na driver’s license sa harap ng kakapusan ng plastic na drivers' license cards.


Sinabi ni Lee na sapat na ang official receipt dahil magiging dagdag gastos at pagsasayang ng pera kung mag-print pa sa papel ng temporary driver's license.


Ayon kay Lee, hindi unli ang pera ng pamahalaan kaya hindi sagot sa problema ng driver’s license ang pagsasayang ng milyun-milyong papel, ink, kuryente at effort sa pag-print ng mga ito.


Kaya, panawagan ni Lee sa Land Transportation Office o LTO at sa iba pang card-issuing agencies na kung kaya naman nang patunayan ng official receipt, ay huwag nang gumawa ng temporary card.


Dahil dito, iminungkahi din ni Lee na mabigyan ng mas malaking pondo ang LTO upang maresolbahan nito ang mga problemang kinakaharap tulad ng kawalan ng plastic para sa driver’s license at backlog sa license plate.


#####wantta join us? sure, manure...

P21.3M BUDGET PARA SA TUPAD PROGRAM NG DOLE SA AGUSAN NORTE, IPINAMAHAGI NI REP CORVERA

Halos nasa apat na libong benepisyaryo ng TUPAD program ng Department of Labor and Employment o DOLE ang nakatanggap ng ayuda mula sa dalawang munisipyo ng ikalawang distrito ng Agusan del Norte.


Mismong si Congressman Dale Corvera ang nanguna, kasama sina Carmen Municipal Mayor Ramon Calo, Nasipit Municipal Mayor Roscoe Democrito  Plaza at ilang lokal na opisyal sa pag-distribyut ng financial assistance para sa kani-kanilang mga lugar.


Sinabi ni Corvera na aabot sa kabuuang P21.3M ang halagang naipamahagi sa mga benepisyaryo ng DSWD-Tupad program sa 2nd District ng lalawigan para sa taong 2022 at 2023.


Si DOLE Agusan del Norte Staff Janice Andallo ang nanguna sa pamamahagi ng tig-P5,250.00 financial aid para sa labing limang araw na pagtatrabaho ng mga Tupad beneficiaries sa ilalim ng programa ng ahensya.



————



Halos nasa apat na libong benepisyaryo ng TUPAD program ng Department of Labor and Employment o DOLE ang nakatanggap ng ayuda mula sa dalawang munisipyo ng ikalawang distrito ng Agusan del Norte.


Mismong si Congressman Dale Corvera ang nanguna, kasama sina Carmen Municipal Mayor Ramon Calo, Nasipit Municipal Mayor Roscoe Democrito  Plaza at ilang lokal na opisyal sa pag-distribyut ng financial assistance para sa kani-kanilang mga lugar.


Sinabi ni Corvera na aabot sa kabuuang P21.3M ang halagang naipamahagi sa mga benepisyaryo ng Departmet of Social Welfare and Development o DSWD-Tupad program sa 2nd District ng lalawigan para sa taong 2022 at 2023.


Ang DOLE Agusan del Norte Staff na si Janice Andallo ang nanguna sa pamamahagi ng tig-P5,250.00 financial aid para sa labing limang araw na pagtatrabaho ng mga Tupad beneficiaries sa ilalim ng programa ng ahensya. wantta join us? sure, manure...