Monday, April 17, 2023

PANDEMIC GENERATION GRADUATES, NAHIHIRAPAN TALAGANG HUMANAP NG TRABAHO SA KASALUKUYAN

Naniniwala si Albay Rep Joey Salceda na mahirap talagang makahanap ng trabaho ang mga bagong graduates ngayon na nabibilang sa pandemic generation.


Ngunit sinabi naman niya na hindi ito dapat isisi lang sa kakulangan ng soft skills ng mga bagong nastapos lalu na at malinaw sa obserbasyon ng international studies na nagkaroon talaga ng epekto ang lockdown at isolation sa pag-aaral ng mga estudyante kung saan wala silang kahalubilo.


Diin ni Salceda, may malaking ambag din ang inflation kaya nahihirapan sa paghahanap ng trabaho ang nakararami sa pangkalahatan.


Kaya ayon sa kanya, dapat mapababa ang presyo ng pagkain, petrolyo at kuryente upang makalikha ng dagdag pang trabaho para sa bagong miyembro ng workforce.


Dagdag pa ng mambabatas, kung ang pagbabatayan ay ang job figures, masasabing may problema rin sa hard skills ang sektor ng paggawa.


Ibinabase ng solon sa datus mula February 2022 hanggang February 2023 na nakapagtala ng pagtaas sa empleyo ang lahat ng propesyon maliban na lamang ang managers, skilled agriculture, forestry at fisheries at crafts, trades and related works.


Bunsod nito ay iminungkani ni Salceda na makabubuting pag-aralan kung anong mga skills ang kailangan sa ating ekonomiya na dapat taglayin ng mga naghahanap ng trabahao sa bansa.


######wantta join us? sure, manure...

PARTNERSHIP NG PILIPINAS, ESTADOS UNIDOS AT INDIA SA PAGTATAYO NG DIGITAL INFRASTRUCTURE SA BANSA, IPINAPANUKALA NG HOUSE SPEAKER

Posibleng magkaroon ng partnership ang Pilipinas, United States (US), at India sa pagtatayo ng digital public infrastructure sa bansa.


Ito ang ipinapanukala ni House Speaker Martin Romualdez matapos dumalo sa Digital Public Infrastructure lecture nuong Sabado (ora sa Pilipinas) na ginanap sa International Monetary Fund (IMF) headquarters sa Washington D.C. 


Nagkaroon ng pagkakataon na makausap ng lider Kamara si Mr Nandan Nilekani, isa sa mga founders ng Indian multinational information technology company, ang Infosys.


Ang nasabing aktibidad ay parte ng World Bank (WB)-IMF Spring Meetings.


Binigyang-diin ni Speaker Romualdez na ang pagtatayo ng public digital platforms  ay napaka angkop at naka linya sa campaign promise ni Pangulong Marcos na palakasin ang digital transformation ng bansa.


Sinabi ni Speaker na ito ang dahilan sa pagpasa ng House of Representatives sa E-Governance/E-Government Bill, na layong ilipat ang buong burukrasya sa digital space para sa mas mabilis at transparent na pagbibigay serbisyo  at pagka karoon ng magandang pakikipag ugnayan sa publiko.


Binati naman ni Speaker ang economic team ng Pangulong Marcos na matagumpay na naiprinisinta ang economic situation ng Pilipinas sa isinagawang Philippine Economic Briefing sa Washington D.C. wantta join us? sure, manure...