Sunday, February 11, 2024

milks Chief Presidential Legal Counsel JPE, isa sa makatatanggap ng P100K centenarians gift mula sa gobyerno…



Isa si Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa makatatanggap ng 100-thousand pesos bilang benepisyo sa ilalim ng Centenarians Law of 2016.


100 years old na si Enrile sa February 14.


Ayon kay Congressman Marvin  Rillo, miembro ng House Committee on Appropriations, 186-million pesos ang inilaan sa 2024 national budget para sa tax free cash gift sa mga Filipino centenarians.


Sa ilalim ng Centenarians Law of 2016, lahat ng natural born Filipinos,  maging naninirahan sa Pilipinas o sa abroad, pagsapit ng 100 years old ay entitled na makatanggap ng 100-thousand peso one time cash gift bukod sa letter of felicitation sa Pangulo.


Sabi ni Rillo, sa records ng Department of Social Welfare and Development, umaabot na sa 1.2-billion pesos ang nai-released na cash gift sa 12,187 centenarians mula noong 2017.


Samantala, lagda na lang ni Pangulong Bongbong Marcos ang hinihintay para sa dagdag pang benepisyo sa ating mga nakatatanda.


Sa bill, 10-thousand peso one time cash gift ang matatanggap ng mga senior citizen na sumapit na sa 80, 85, 90 at 95 years old.


wantta join us? sure, manure...

rye Sagot ng PhilHealth sa gastos ng mga pasyente lakihan—Speaker Romualdez



Dapat umanong lakihan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang sinasagot nitong bayarin ng mga pasyente sa pribadong ospital, ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.


Ayon kay Speaker Romualdez nais nitong pulungin ang mga opisyal ng PhilHealth at ng Department of Health (DoH) upang talakayin kung papaano mapalalawak ang mga benepisyo ng mga miyembro, kabilang na ang pagtaas ng saklaw na bayarin sa mga pribadong ospital. 


“Marami ang nagtatanong sa atin kung puwedeng dagdagan ang sasagutin ng Philhealth sa billing at doctors’ fees kapag private ang kinuha na k'warto o sa pay ward,” ayon kay Speaker Romualdez.


Ayon pa sa pinuno ng Kamara pangunahing inirereklamo ng mga pasyente lalo na ng mga mahihirap na umaabot lamang sa 15% hanggang 20% ang sinasagot ng PhilHeath sa hospital bills.


Ayon pa sa natanggap na reklamo ni Speaker Romualdez, 30% lamang ng bayarin ang sinasakop na subsidiya ng PhilHealth sa mga pasyenteng nasa pribadong ospital kabilang na ang professional fees ng mga doktor at espesyalita.


“Hindi naman lahat na na-aadmit sa ospital ay nasa free o charity ward. Mabilis kasi maubos ang mga charity beds,” ayon pa sa pinuno ng Kamara.


Ayon sa mambabatas nais niyang malaman sa mga opisyal ng Philhealth kung magkano ang dapat na matanggap ng mga miyembro na naka-admit sa pribadong ospital.


“Hiling ng mga tao na kalahati ng bill nila sana kapag na-admit sa private ay sagutin ng Philhealth para kalahati na lang ang bayaran ng miyembro,” ayon kay Romualdez. 


Sinang-ayunan din Dr. Jose Degrano, pangulo ng Private Hospital Association of the Philippines (PHAP), ang mungkahi Speaker Romualdez. 


Ayon kay Degrano, napakalaking tulong sa publiko kung maisasakatuparan ang pagpapalawak ng saklaw ng Philhealth sa mga bayarin, lalo’t marami ang mahihirap na naa-admit sa payward dahil naubusan na ng ‘beds’ sa charity ward.


“Mabigat din para sa kanila ang doctors’ fees” ayon pa kay Degrano.


Sinabi ni Speaker Romualdez na bilang pinuno ng Kamara ay maghahanap ito ng solusyon upang matugunan ang mga reklamo.


“Maghahanap tayo ng solusyon kung papaano magawan na paraan itong kahilingan ng taumbayan na hindi na dadaan sa paggawa pa ng batas dahil medyo matagal ito,” ayon pa kay Speaker Romualdez.


“Definitely, we hear our constituents. Therefore, we have to do something about it,” giit ng mambabatas. (END)


wantta join us? sure, manure...

rye Mga senador hinimok na suportahan economic reform ni PBBM


 

Hinimok ng isang mambabatas mula sa Bicol ang Senado na ipakita ang kanilang dedikasyon sa pagsuporta sa isinusulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na agarang pag-amyenda sa ‘restrictive economic provisions ng 1987 Constitution.


Sang-ayon din si Ako Bicol Partylist Representative Raul Angelo "Jil" D. Bongalon, miyembro ng House Committee on Constitutional Amendments, sa obserbasyon ni Pangulong Marcos na ang kasalukuyang Konstitusyon ay naglalaman ng mga probisyon na naglilimita sa paglago ng ekonomiya, pagpasok ng dayuhang pamumuhunan, at kahandaan ng pamahalaan.


"We urge the esteemed members of the Senate to take into account the statement of our President, who emphasized the need to facilitate the entry of significant foreign investments. This will pave the way for faster and more inclusive economic growth, which can ultimately lead to a better quality of life for all Filipinos,” ayon kay Bongalon. 


Sa kanyang talumpati noong Pebrero 8 sa harap ng mga dumalong mambabatas, opisyal ng pamahalaan at miyembro ng Philippine Constitution Association (Philconsa), inihayag ng Pangulo ang hangarin na mapa-unlad ang bansa at maging handa ito sa mga hamon ng ika-21 siglo sa pamamagitan ng mahahalagang repormang konstitusyonal.


Iginiit naman ng Pangulo na ang sinusuportahan lamang nito ay ang pagbabago sa mga probisyong may kinalaman sa ekonomiya.


Sinabi ng Punong Ehekutibo na bagamat may halos 16 porsyentong pagbaba sa net foreign direct investment (FDI) inflows, patuloy pa ring lumalago ang ekonomiya ng Pilipinas at inaasahang magpapatuloy pang lumago sa pagitan ng anim at kalahating porsyento hanggang pito at kalahating porsyento ngayong taon.


“Our country’s economic well-being is a distinctly important concern. Many sectors of our society, particularly business, have pointed to certain economic provisions in the Constitution that inhibit our growth momentum,” ayon pa kay Pangulong Marcos. 


Sa parehong pagtitipon, inihalimbawa naman ni retired Supreme Court (SC) Chief Justice Reynato S. Puno ang naging karanasan ng Estados Unidos, na sinasabing walang Konstitusyon na likha ng mga tao at para sa mga tao na perpekto, walang kamalian, at hindi nangangailangan ng mga pagbabago.  (END)



wantta join us? sure, manure...

hajji Plano ni House Speaker Martin Romualdez na pulungin ang mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth at Department of Health upang talakayin kung paano mapapalawak ang coverage ng benepisyo para sa mga miyembro.


Isinusulong kasi ni Romualdez na maitaas ang sinasagot na bayarin ng PhilHealth sa mga pasyenteng nasa pribadong ospital.


Nais nitong malaman sa mga opisyal kung magkano ang dapat matanggap ng mga miyembro na naka-admit sa pribadong ospital.


Marami aniya ang nagtatanong kung maaaring dagdagan ang sasagutin ng PhilHealth sa billing at doctors’ fees kapag pribado ang kinuhang kwarto o ward.


Sinabi ng House leader na karaniwang inirereklamo ng mga mahihirap na pasyente na umaabot lamang sa 15 hanggang 20 percent ang sinasagot ng PhilHealth sa hospital bills.


30 percent lamang umano ng mga bayarin ang sinasakop na subsidiya ng PhilHealth sa mga pasyenteng nasa pribadong ospital kabilang ang professional fees ng mga doktor at espesyalista.


Dagdag pa ni Romualdez, hindi lahat ng na-a-admit sa pagamutan ang nasa free o charity ward lalo’t mabilis na nauubos ang charity beds.


Hahanap umano ng solusyon ang Kamara na matugunan ang hiling ng taumbayan nang hindi na dumadaan sa paggawa ng batas.


wantta join us? sure, manure...

hajji Pinuri ni House Speaker Martin Romualdez ang mga magsasaka kasunod ng pagtaas ng produksyon ng bigas sa 20 million metric tons noong nakaraang taon.


Ayon kay Romualdez, ang pagsusumikap ng mga magsasaka ang naghatid ng solusyon sa kakulangan ng suplay ng bigas sa bansa.


Ipinunto ng House leader na ang 1.5 percent na pagtaas ng rice production kumpara noong 2022 ay nagdulot ng mas malaking combined value ng agriculture at fisheries sectors na naitala sa 1.763 trillion pesos noong 2023.


Binanggit din nito na malaki ang kontribusyon ng commitment ng gobyerno sa pagkakaloob ng dekalidad na seedlings at fertilizers.


Bukod pa rito ang umano’y dedikasyon nina Pangulong Bongbong Marcos at Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na palakasin ang modernisasyon ng agrikultura at paigtingin ang food production sa harap ng banta ng El Niño.


Dagdag pa ni Romualdez, patunay ito ng pagsibol ng pag-asang maresolba ang rice shortage na kinaharap noong nakaraang taon.


Una nang tiniyak ni Romualdez na itataguyod ng Kamara ang consistent, stable at abot-kayang suplay ng pangunahing bilihin para sa mga Pilipino.


wantta join us? sure, manure...

rye Pagkaka-isa hindi paghiwalay ng Mindanao sa PH ang kailangan—solon



Hinimok ng isang mambabatas si dating Pangulong Rodrigo Duterte na maging makabayan at suriing mabuti ang panawagan nito na humiwalay ang Mindanao mula sa Pilipinas.


Ipinaalala ni La Union Rep. 1st District Rep. Francisco Paolo V P. Ortega, miyembro ng House Committee on Public Order ang nakasaad sa Bibliya na ang hating bahay ay hindi magtatagal at isang paalala na ang pagkakaisa ay mahalaga upang matamo ang katatagan at tagumpay.


"Let us remember the wisdom of the Scriptures: 'Every kingdom divided against itself will be ruined, and every city or household divided against itself will not stand.' It is crucial that we uphold the unity and integrity of our nation," ayon kay Ortega. 


Binigyan diin pa ng mambabatas na ang pagsusulong ng paghihiwalay ay higit pang magpapalalim sa pagkakaiba ng mga Filipino na patuloy pa ring humaharap sa mga pagsubok matapos ang pandemya.


"The call for Mindanao's separation at this critical juncture will only exacerbate the divisions and challenges our country is facing. Instead, we should be focusing on fostering unity and rebuilding our nation," giit pa ni Ortega.


Sinabi pa ng mambabatas na mahalagang pagtuunan ng pansin ang pagpapanatili ng pagkakaisa, lalo na sa iba’t ibang suliraning kinakaharap ng bansa.


“As we navigate through these challenging times, it is imperative that we stand together as one nation, regardless of our differences. Division only weakens us, while unity strengthens our resolve to overcome adversity," ayon pa sa mambabatas. 


Tinukoy pa ng mambabatas ang mahalagang bahagi ng Mindanao sa kasaysayan ng Pilipinas, mayamang kultura at ambag sa kaunlaran ng bansa.


Moreover, Ortega highlighted the historical context of Mindanao's integral role in the Philippines, emphasizing its rich cultural heritage and contributions to the nation's development. 


“Mindanao has been an integral part of the Philippines since its inception, contributing significantly to our nation's cultural diversity and economic prosperity. Any attempt to separate it from the rest of the country undermines its historical and cultural significance," ayon pa kay Ortega. 


Sa halip na paghihiwalay, sinabi ni Ortega na ang pagkakaroon ng dayalogo at pagpapabuti sa pamamahala upang tugunan ang mga hinaing at ambisyon ng mga taga-Mindanao. 


"Instead of resorting to divisive measures, we should engage in constructive dialogue and address the legitimate concerns of Mindanaoans through inclusive governance and meaningful reforms," ayon pa kay Ortega. (END)


wantta join us? sure, manure...

rey Mindanao secession taliwas sa Konstitusyon— Gutierrez



Taliwas sa isinasaad ng Konstitusyon ang panawaga na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.


Ito ang paalala ni 1-Rider Partylist Representative Rodge Gutierrez kaugnay ng isinusulong nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Davao de Norte Rep. Pantaleon Alvarez.

 

"The constitution is clear, Article I provides for our National Territory, we are one archipelago. There is no constitutional provision or any other legal means that would allow for Mindanao to unilaterally secede," ani Gutierrez, miyembro House Committee on Constitutional Amendments.


Bukod sa hindi naaayon sa Konstitusyon, sinabi ni Gutierrez na walang dahilan para humihiwalay ang Mindanao bilang bahagi ng Pilipinas.  


“If we allow our nation to be divided, it would undermine our solidarity with each other as Filipinos. It would disrupt economic stability and hinder growth opportunities for both Mindanao and the rest of the country,” paliwanag ni Gutierrez. 


Ipinagtataka rin ni Gutierrez ang naging pahayag ni Alvarez at dating Pangulong Duterte na kapwa mula sa Mindanao.

 

“Sabi nila, napabayaan daw ang Mindanao. This is surprising, coming from a former President and former Speaker. Wasn't Mindanao well represented during their terms?” Giit ni Gutierrez. 


"Why would former President Duterte advocate for the dismemberment of the Republic that he himself led for six years? Huwag naman po tayong watak-watakin bilang isang bansa at mga Pilipino. We urge the former President and former Speaker to reconsider their stance on the matter,” saad pa ni Gutierrez.  


Binigyang-diin pa ng kongresista ang kahalagahan ng pagpapanatili ng pambansang pagkakaisa alang-alang sa kaunlaran sa ekonomiya at lipunan.


"We need a united nation, which is crucial for collective progress and development," dagdag pa ng mambabatas. (END)


wantta join us? sure, manure...

rye Muslim solon hinimok sina Duterte, Alvarez na tigilan na unconstitutional na paghiwalay ng Mindanao sa PH



Isa pang lider mula sa Mindanao ang nanawagan kina dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at dating Speaker Pantaleon Alvarez na tigilan na ang kanilang pagnanais na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.


Ang pahayag ni Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong, miyembro ng House Committees on Mindanao Affairs and on Muslim Affairs, ay katulad ng pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.


"This attempt to separate Mindanao from the Philippines is not only unconstitutional but also a blatant disrespect to our duly constituted authority. We cannot allow the integrity of our nation to be compromised by such reckless actions,” ani Adiong.


Ayon kay Adiong hindi dapat muling isadlak sa panibagong hidwaan ang Mindanao na halos hindi pa gumagaling mula sa sugat ng nakaraang mga karanasan nito.


Nanawagan si Adiong na irespeto ang Konstitusyon at ang demokratikong proseso na siyang humubog sa bansa.


Iginiit ni Adiong, miyembro ng House Committee on National Defense and Security, na ang paghiwalay sa Mindanao ay taliwas sa nakasaad sa Konstitusyon.


“President Marcos has unequivocally stated that such an undertaking is unconstitutional, and as a nation, we must honor and respect his position as the duly elected leader,” dagdag pa nito.


Iginiit din ni Adiong na malayo na ang narating ng prosesong pangkapayapaan na ginawa ng gobyerno sa Mindanao.


Ipinunto rin ng mambabatas na makalipas ang dekada ng madugong kaguluhan, inihinto na rin ng MNLF at MILF ang kanilang rebolusyonarong kilusan at sumali sa hakbang upang magkaisa ang Pilipinas.


Ayon kay Adiong ang Mindanao, ang ikalawang pinakamalaking isla sa bansa ay bahagi ng Pilipinas kasama ang mayamang kultura at populasyon nito na nakatutulong ng malaki sa pagkakakilanlan ng mga Pilipino.


Ipinunto ni Adiong na ang rehiyon ay mayroong mga kinatawan sa gobyerno gaya nina Duterte at Alvarez na kapwa nagmula sa Mindanao, gayundin si Senate President Juan Miguel Zubiri, na isang maimpluwensyang personalidad mula sa rehiyon.


Si dating Senate Minority Leader Aquilino "Koko" Pimentel III, na isa ring Mindanaoan, ay dating Senate President.


“The fact that Mindanaoans have held prominent positions in the highest offices of the land is a testament to their integral role within the Philippine nation," sabi pa ni Adiong. “To entertain notions of secession undermines the unity and stability that our country has worked so hard to maintain.”


Sinabi ni Adiong na nanggaling din sa Mindanao si Vice President Sara Duterte gayundin si dating Vice President Teofisto Guingona Jr., na ipinanganak sa San Juan pero sa Mindanao lumaki.


Ayon pa kay Adiong, si dating Senate President Aquilino  "Nene" Pimentel Jr., na nag-ugat din sa Mindanao at kampeon ng demokrasya at pagkakaisa, ay paala-ala ng kahalagahan ng pagpapanatili ng integridad ng bansa.


"We must honor the vision of our forefathers who fought for a united Philippines,” sabi ni Adiong. “Unity in diversity is not just a slogan but a fundamental principle that binds us together as a nation."


Sinabi ni Adiong, miyembro ng House Committee on Peace, Reconciliation, and Unity, na dapat talikuran na nina Duterte, Alvarez, at kanilang mga suporter ang isinusulong na paghiwalay ng Mindanao at sa halip ay tumulong upang magka-isa ang bansa. (END)


wantta join us? sure, manure...