Thursday, March 07, 2024

PAGSAMA SA 2025 PROPOSED BUDGET NG WEST PHILIPPINE SEA SECURITY AGENCIES, IMINUNGKAHI SA KAMARA

Milks


Ang alokasyon ng mga security agencies sa pagbabantay sa West Philippine Sea o WPS ay dapat maisama na sa pagtalakay ng 2025 proposed national budget.


Ito ang rekumendasyon ni Mandaluyong Representative Neptali Gonzales II, Chairman ng House Special Committee on the West Philippine Sea, dahil sa kalagitnaan ng taon ay tatalakayin na ang pambansang budget para sa 2025.


Sinabi ni Gonzales na dapat isama na sa 2025 proposed national budget ang pondo sa mga security agencies na nagbabantay sa WPS.


Ayon sa kanya, sa pamamagitan nito, maiiwasan na ang iringan ng Senado at Kamara de Representantes at ang kuwestiyon sa realignment ng mga pondo.


Matatandaang malaking isyu ang ginawang realignment ng Kamara sa pondo ng civilian agencies kung saan inalisan ng confidential and intelligence funds ang limang ahensiya ng gobyerno sa pangunguna ng Office of the Vice President at Department of Education para ilipat sa Philippine Navy, Philippine Coast Guard at iba pa.


Sabi ni Gonzales, dapat may alokasyon na sa security agencies para sa pagpapalakas ng kanilang mga gamit sa harap ng patuloy na banta ng China sa West Philippine Sea.





Pakinggan natin si House Deputy Majority Leader Neptali Gonzales II…


RHTV : insert audio/video of Gonzales…

Out cue: what is supposed to be ours..


Matatandaan, nabuhay na naman ang mga panawagan ng dagdag na pondo sa Philippine Navy, Philippine Coast Guard at iba pang security agencies dahil sa pinakahuling insidente sa Ayungin Shoal.

wantta join us? sure, manure...