SIBUYAS- SPEAKER ROMUALDEZ, NAGBABALA LABAN SA MGA ABUSADONG MANGANGALAKAL AT HOARDERS NG SIBUYAS AT BAWANG
“Your days are numbered.”
Ito ang babala ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ngayong linggo laban sa mga abusadong mangangalakal at hoarders ng sibuyas at bawang, na pinaniniwalaang nasa likod ng patuloy na napakataas na halaga ng mga produktong agrikultura sa merkado.
“We received information that these people are hoarding onion, and more recently even garlic, to create an artificial scarcity in supply and induce price increases,” ani Speaker Romualdez.
Binanggit niya ang mga ulat na, sa kabila ng panahon ng anihan at pagpasok sa bansa ng mga inangkat na sibuyas, ay nananatili pa rin ang napakamahal na sibuyas sa merkado.
Sinabi ni Speaker Romualdez na kanyang inutusan ang Komite ng Agrikultura at Pagkain sa Kapulungan na magsagawa ng pagsisiyasat at kung kinakailangan ay sampahan ng mga kasong kriminal ang mga taong nasa likod ng mga iskemang ito.
“This is economic sabotage,” ani Speaker Romualdez.
Ayon kay Speaker Romualdez, ang lupon sa Kapulungan ay, “will study the option of recommending to the President the calibrated importation of onion and garlic as a means to force these unscrupulous individuals to unload their stocks and drive down the prices to alleviate the burden on the consumers.”
Subalit ipinunto ni Speaker Romualdez na ang pag-aangkat ng nasabing produkto ay hindi dapat na makaapekto sa mga kapakanan ng mga lokal na magsasaka.
“It is very important to ensure that any importation should consist of such quantity and be done well ahead of the harvest season to avoid any adverse effect on the livelihood of our local farmers," giit ni Speaker Romualdez.
Bukod sa imbestigasyon, nais ni Speaker Romualdez mamonitor bawat araw ang halaga ng sibuyas at bawang sa mga palengke.
“People are still trying to recover from the pandemic. The last thing we need is an unreasonable rise in food prices,” ayon pa kay Speaker Romualdez.
Samantala, sinabi rin ni Speaker Romualdez na ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan ay dapat na tinutugunan ang pagpupuslit ng mga sibuyas at iba pang mga produkto ng agrikultura na labis na nakakaapekto sa lokal na industriya.