Sunday, November 27, 2022

SPEAKER ROMUALDEZ, KUMPYANSA NA SASANG-AYON ANG SENADO SA PRO-PEOPLE INSTITUTIONAL AMENDMENTS SA ILALIM NG 2023 PAMBANSANG BADYET

Nagpahayag ngayong Linggo si Speaker Martin G. Romualdez ng tiwala, na papayag ang Senate contingent sa bicameral conference committee, sa panukalang P5.268-trilyon 2023 General Appropriations Bill (GAB), sa hinihiling na institusyunal na amyenda na P77-bilyon para madagdagan ang pondo para sa edukasyon, kalusugan, transportasyon at iba pang mga mahahalagang serbisyong panglipunan.


“We really feel that these institutional amendments will redound to the benefit of the people. Hinding-hindi tayo magkakamali kung ang kapakanan ng mamamayan ang ating uunahin,” ani Romualdez.


“And we are confident that the Senate and the House bicam members will see eye-to-eye on this. Our objectives are the same: to pass a people’s budget that reflects President Marcos Jr.’s 8-point economic agenda that will help the country bounce back from the pandemic,” dagdag niya.


Inulit ni House Appropriations Committee chairman at Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co ang pahayag ni Speaker, at sinabing prayoridad ng Kapulungan ang kapakanan ng mga mamamayan, nang kanilang isinama ang P77-billion institutional amendments.


“Our amendments can speak for themselves. You can see that is indeed pro-people and pro-development as we prioritized health, education and transportation. We are confident that if the Senate and the House approve these amendments, we can recover well from the pandemic in 2023,” ani Co.


Maingat na binalangkas ng Kapulungan, ang institutional amendments ay mga programang “ayuda” na direktang pakikinabangan ng mga mamamayan, tulad ng alokasyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) P12.5-bilyon na hinati-hati sa: Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS (P5B); pagtataas ng pensyon ng mga senior citizens sa pamamagitan ng National Commission of Senior Citizens (P5B); at Sustainable Livelihood Program (P2.5B).


Binanggit din ni Co ang pondo ng Department of Transportation's (DOTr) na P5.5-bilyon para sa mga programa na tutugon sa pataas ng halaga ng gasolina, tulad ng fuel subsidy program (P2.5B), Libreng Sakay (P2B) at bike lane construction (P1B) at programa ng Department of Labor and Employment (DOLE’s) na P5-bilyon para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) (P3B) at livelihood (P2B) na bahagi ng direktang benepisyo sa mga mamamayan.


Ang ilan pang bahagi ng P77-bilyon institutional amendments ay ang mga sumusunod:


Department of Health (DoH), P20.25-bilyon alokasyon para sa iba’t ibang programa tulad ng Medical Assistance for Indigent Patients (P13B), healthcare at non-healthcare workers at frontliners (P5B); suporta sa mga specialty hospitals (P2B); at Cancer Assistance Program (P250M).


Department of Education (DepEd), P10-bilyon alokasyon para sa pagtatayo ng mga paaralan at silid-aralan, at special education programs (P50M).


Technical Education Skills and Development Authority (TESDA), P5-bilyon alokasyon para sa mga programang pagsasanay at scholarship.


Commission on Higher Education (CHED), P5-bilyon alokasyon para sa Tulong Dunong Program.


Department of Public Works and Highways (DPWH), P10-bilyon alokasyon para sa pagtatayo ng mga sistema ng patubig sa mga hindi gaanong napagsisilbihang upland na barangay;


Department of Information and Communications Technology (DICT), P1.5-bilyon alokasyon para sa national broadband project.


Commission on Elections (COMELEC), P500-milyon para sa pagtatayo ng bagong gusali.


Philippine National Police (PNP), P300-milyon alokasyon para sa pagsasanay ng mga opisyal na nagpapatupad ng batas sa pakikipag-ugnayan sa Department of Justice (DOJ).


Department of Trade and Industry (DTI), P250-milyon alokasyon para sa pagtulong sa industriya ng malikhain, alinsunod sa Republic Act (RA) No. 11904.


Energy Regulatory Commission (ERC), P150-milyon.


Office of Solicitor General (OSG), P147-milyon.


National Electrification Administration (NEA), P50-milyon alokasyon para sa programang elektripikasyon ng mga barangay at sitio.


“What we did was allocate more budget to pro-people programs without need to sacrifice our national programs and projects for job creation. We are confident that there will be no contentions with our amendments here,” ayon pa kay Co.


wantta join us? sure, manure...

MABILIS NA AYUDANG PINANSYAL PARA SA MGA PERSONS IN CRISIS SITUATION, HINILING NG MGA KINATAWAN NG TINGOG PARTYLIST

Naghain ng panukala sina TINGOG Party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude A. Acidre para sa madaliang probisyon ng quarterly na ayudang medikal, na nagkakahalaga ng P1,000 hanggang P150,000 sa mga indibiduwal at/o mga pamilyang mahihirap, madaling mahawaan ng mga sakit, nasa panganib, o ang mga nakakaranas ng krisis. 


“The 1987 Constitution mandates the State to ‘free the people from poverty through policies that provide adequate social services.’ To uphold this, this bill seeks to institutionalize the Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program of the Department of Social Welfare and Development (DSWD),” anila Reps. Romualdez at Acidre sa kanilang paliwanag sa House Bill (HB) No. 1940, na ngayon ay nakabinbin sa House Committee on Social Services. 


“AICS is social safety net or stopgap measure to support the recovery of individuals and families who are indigent, vulnerable, disadvantaged or are otherwise in crisis situation. It provides psychosocial intervention through therapies, direct financial or material assistance which enables such individuals and families to meet their basic needs in the form of food, transportation, medical educational, or burial assistance, and, referral to other services of other national government agencies,” dagdag pa nila.


Ipinapanukala sa ilalim ng Section 4 ng panukala na ang programang AICS ay maggagawad ng iba't ibang serbisyo sa mga indibiduwal at mga pamilya, na nakakaranas ng krisis o nasa mahirap na kalagayan na nangangailangan ng psychosocial intervention, o direktang pinansyal at ayudang materyal, partikular na ang ayudang transportasyon, ayudang medikal, ayuda sa pagpapalibing, ayudang pang edukasyon, ayudang pagkain, ayudang pinansyal, psychosocial intervention, o rekomendasyon para sa iba pang serbisyo. Sasailalim sila sa pagsusuri, beripikasyon, at pagtaya ng mga pangangailangan ng benepisaryo, na isasagawa ng mga social workers.


Sa ilalim ng panukala, ang halaga ng ayudang pang transportasyon ay ibabatay sa aktuwal na quotation ng tiket, at maaaring maigawad minsan sa isang taon.


Ang ayudang medikal ay maaaring mula P1,000 hanggang P150,000, at maaaring mahiling kada ikatlong buwan. 


Samantala, para sa ayudang pagpapalibing ay mula P5,000 hanggang P25,000. 


Ayudang pinansyal naman na nagkakahalaga ng P1,000 hanggang P10,000 ay maaaring maigawad kada semestre,  depende sa antas ng edukasyon ng mag- aaral. 


Ang ayudang pagkain, ayudang pinansyal para sa iba pang suportang serbisyo at probisyon para sa PPE ay maaari ring hilingin sa ilalim ng panukala. 


Susuriin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga benepisaryo, at siyang mangangasiwa sa programa.


Ayon sa panukala, kasama sa rekisitos para sa mga humihiling ng ayuda ang mga sumusunod na dokumento, depende sa uri ng ayuda na hihilingin sa social worker: a) may bisang identification card; b) Police blotter; c) Police certification; d) Medical case study report, medical certificate, o medical abstract; e) Hospital billing statement o statement of account; f) resetang medikal; g) Death certificate; h) Funeral contract; i) School enrolment assessment form o certificate of registration; j) School identification card; k) mga dokumento sa pagbiyahe; o, anumang sumusuportang dokumento, na maaaring kailanganin sa ipinatutupad na tuntunin at patakaran ng naturang panukala.(END)


wantta join us? sure, manure...

PAGLALAAN NG P10B PONDO PARA SA MGA MAMAMAYANG LUMALABAN SA SAKIT NA CANCER, IMINUNGKAHI NI DS VILLAR

Nais ni Deputy Speaker at Las Pinas Rep. Camille Villar na maisulong ang 10-billion peso fund para sa mga nangangailangang Pilipino na lumalaban sa sakit na cancer.


Batid ni Villar na ang cancer ang isa sa mga nangungunang dahilan ng pagkamatay ng ilan sa ating mga kababayan.


(Iginiit ng lady solon na talagang nakakaubos ng pananalapi o ipon ang paglaban sa sakit na ito, lalo na para sa mga mahihirap.)


Ito ang dahilan kung bakit inihain niya ang House Bill No. 5686 na layung matulungan ang mga kapuspalad na mabigyan ng lifeline upang malabanan kanser.


(Sa katunayan, isa ani Villar sa mga hangarin ng national economy ang mabigyan ng pantay na pagkakataong mabuhay at magkaroon ng maginhawang pamumuhay ang lahat ng mga Pilipino.)


Dagdag pa ng kongresista, kahit ang mga middle income patient, hirap at nabibigatan sa gastusin para sa kanilang chemotherapy, dahil umaabot ito ng halos 100k pesos per session.


Base sa datus ng Dept of health,  189 out of 100,000 na mga Pilipino ang tinatamaan ng kanser, habamg apat na indibidwal naman ang binabawian ng buhay kada oras.


wantta join us? sure, manure...

KAMARA, KUMPIYANSANG SUSUPORTAHAN NG SENADO ANG PRO-PEOPLE INSTITUTIONAL NA MGA AMIYENDA NITO SA GAB 2023

Tiwala si House Speaker Martin Romualdez na susuportahan ng Senado ang P77B Institutional amendments na ginawa ng Kamara sa mahigit P5.2T General Appropriations Bill o GAB para sa susunod na taon.


Layun nito na mapaglaanan ng karagdagang pondo ang education, health, transportation at iba pang critical social services ng bansa.


Sinabi ni Romualdez na naniniwala siyang pakikinabangan ng mga mamamayan ang ginawa nilang pag-amiyenda sa panukalang pambansang pondo para sa taong 2023.


Iginiit ng House Speaker na walang pagkakamali sa kanilang naging aksyon lalo na't kung para sa kapakanan ng taumbayan.


Kumpiyansa si Romualdez na makikita ng mga miyembro ng Senate at House bicameral conference committee ang mga bagay na ito.


Wala aniyang ibang hangad ang dalawang kapulungan ng kongreso, kundi ang maipasa ang pambansang budget na nakapaloob ang 8-point economic agenda ni Pang. Ferdinand Bong2 Marcos Jr, na makatutulong para sa tuluyang pagbangon ng ekonomiya mula sa dagok ng pandemya.


wantta join us? sure, manure...

MAHIHIRAP AT VULNERABLE NA MGA INDIBIDWAL, PAGKAKALOOBAN NG QUATERLY MEDICAL ASSISTANCE

Hinikayat nina TINGOG Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez at Rep. Jude Acidre ang kanilang mga kapwa mambabatas na agad ipasa ang panukalang magkakaloob ng quarterly medical assistance na nagkakahalaga ng P1,000 hanggang P150,000 sa mga indibidwal o pamilyang mahihirap, vulnerable, disadvantaged, o kaya'y mga nasa crisis situation.


Sinabi nila na iminamandato ng 1987 Constitution na dapat natutugunan nito ang isyu ng kahirapan na nararanasan ng kanyang mga mamamayan sa pamamagitan ng mga polisiyang magbibigay sa ng sapat at akmang social services.


Iginiit ng dalawang solon na magbibigay daan ang kanilang isinusulong na panukala upang maitatag ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.


Kabilang sa mga dapat anilang agad na maipagkaloob ang psychosocial intervention, direct financial and material assistance, at pagbibigay sa kanila ng referral para sa iba pang social services ng gobyerno.


Subalit, marapat lamang na sumailalim muna sa screening, verification, at assessment ng social workers ang lahat ng mga magiging kwalipikadong benepisyaryo.

wantta join us? sure, manure...