PH handang makipagtulungan sa ibang bansa para sa rules-based order, gagamit ng diplomasya para maresolba mga hindi pagkakaintindihan
Muling iginiit ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang kahandaan ng Pilipinas na makipagtulungan sa mga regional at global partners nito para sa isang rules-based order at maituloy ang pag-uusap sa mga hindi pagkakaintindihan.
Ginawa ni Speaker Romualdez ang pahayag nitong Huwebes sa pagsimula ng 31st Asia-Pacific Parliamentary Forum (APPF), kung saan ang Pilipinas ay nagho-host.
Lumahok sa naturang forum ang mga parliamentarian mula sa iba’t ibang bansa sa rehiyon.
“Peace remains a paramount objective. We are firm in our support for a rules-based international order, governed by the principles of international law and informed by the principles of equity and justice,” ani Speaker Romualdez.
“We recall the 1982 Manila Declaration on Peaceful Settlement of Disputes, which emphasizes that all disputes should be settled through peaceful means. Let us remember that resorting to judicial procedures, including arbitration, is not an unfriendly act, but a practice of responsible global citizenship,” dagdag pa nito.
Muling pinagtibay ni Speaker Romualdez ang pangako ng Pilipinas sa UN-centered multilateralism sa pandaigdigang pamamahala at ang mga prinsipyo ng sentralidad ng ASEAN at mga organisasyong pang-rehiyon katulad ng APEC, kasabay ng pagbibigay nito sa resolusyon ng Pilipinas upang palakasin ang mga parliyamento para sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
“As we navigate the complex waters of international relations, we stress the importance of enhancing maritime security and adherence to the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS),” wika ni Speaker Romualdez
Kasabay nito ay hiniling din ni Speaker Romualdez sa mga kasaping bansa sa APPF na magkatuwang na tugunan ang transnational crimes kasama ang trafficking in persons, lalo na ng mga kababaihan at kabataan.
Nanawagan din ang lider ng 300 kongresista ng Kamara de Representantes sa mga mambabatas sa Asia-Pacific na pagtulungang solusyunan ang mga problemang kinahaharap ng rehiyon lalo na ang kahirapan ng nasa 4.8 bilyon nitong mamamayan.
Binanggit din ni Romualdez ang kahalagahan ng pagkakaisa para sa pagtaguyod ng isang matatag at sustainable na Asia-Pacific region.
“This 31st APPF meeting is an opportunity to take stock of the gains achieved in the past years, to look ahead on how to sustain the relevance of Asia-Pacific relations in the post-pandemic era, and to foster deeper social cohesion and resilient global and regional economies,” aniya.
Para naman makamit ang kapayapaan at seguridad sa rehiyon, iginiit ni Speaker Romualdez ang pangangailangan na matagumpay na resolbahin ang mga hindi pagkakaintindihan at pagibayuhin ang seguridad at kakapakan ng mga tao.
“As such, reducing poverty and addressing development gaps, such as in health and education, and working to mitigate climate change are crucial to regional peace and stability…As of 2021, 1.02 billion people among APPF countries were left out of the social protection system,” sabi pa niya.
Tinukoy din ng House leader ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), na niratipika ng Senado ng Pilipinas kamakailan, bilang halimbawa ng kooperasyon sa ekonomiya at kalakalan sa pagitan ng mga bansa
“This historic deal covers 30 percent of the global population and trade, the world’s largest free trade area in terms of the parties’ combined gross domestic product (GDP), and is poised to become the new center of gravity for world trade,” saad pa nya.
Sinabi pa ni Speaker Romualdez na ang pagpasok ng RCEP ng isang estado ay malinaw na pagpapakita ng pagsuporta nito sa isang bukas at malayang pang-rehiyong ekonomiya na tumatalima sa rules-based multilateral trading system
Aniya, aabot sa $32.6 trilyon ang pinagsamang GDP ng mga bansa sa Asia-Pacific.
Nanawagan din si Romualdez na isama sa APPF ang young parliamentarians.
“These dynamic individuals bring a deep understanding of modern challenges, an unwavering dedication to the principles of democracy, and a fervent desire to contribute to the achievement of our shared goals. We must recognize and amplify the voices of this vibrant generation, providing them with the platforms, mentorship, and support they need to thrive as leaders and change-makers,” aniya.
Aniya, ipinanukala ng delegasyon ng Pilipinas sa APPF na amyendahan ang panuntunan ng Forum upang maisama na ang young parliamentarian sa kanilang taunang pulong.
Hiniling din ni Speaker Romualdez sa mga miyembro ng APPF- na suportahan ang Pilipinas para maging non-permanent member ng United Nations Security Council para sa mga taong 2027-2028.
Sinabi pa ng lider ng Kamara na handa na ang Pilipinas para balikatin ang responsibilidad ng naturang posisyon dala ng maigting na pagnanais nito na maitaguyod ang kapayapaan at paglaban sa terorismo.
“Our nation's steadfast dedication mirrors the rich and enduring tradition of Philippine diplomacy, and we are eager to harness this tradition to make meaningful contributions to the cause of global peace,” sabi pa niya.
Sa kaniyang pagsalubong sa mga kasamahang mambabatas sa rehiyon ay hinikayat ni Speaker Romualdez ang mga ito na saksihan at damhin ang mainit na pagtanggap at pakikipagkaibigan ng mga Pilipino.
“The eagerness of the Filipino people to ensure your comfort and well-being will undoubtedly create an atmosphere of inclusivity and warmth, fostering meaningful connections and dialogue among us all,” paglalahad niya.