Friday, December 15, 2023

16 DECEMBER 2023 SCRIPT

🍎🍎🍎🍎🍎🍎 

𓄁𓃠𓆉𓅿𓃰𓃟𓆏 


HELLO, GOOD MORNING MGA KATROPA / GOOD MORNING, PILIPINAS / GOOD MORNING CAMP AGUINALDO, / MAGANDANG UMAGA  LUZON, MAAYONG BUNTAG VISAYAS / AT BUENAS DIAZ MINDANAO!


Maupay nga aga / Mayak a abak / Marhay na aga / Maabug ya kaboasan / Mapiya kapipita


YES, SABADO NA NAMAN PO, AT / NANDITO NA NAMAN PO KAMI / PARA MAGTANGHAL / O MAGSASA-HIMPAPAWID / NG ATING PALATUNTUNANG / KATROPA SA KAMARA NI TERENCE MORDENO GRANA. 

 

BAGO TAYO LUMAON, / UNAHIN MUNA NATING MAGPAHAYAG / NG ATING MGA PASASALAMAT. / MAGPASALAMAT O PASALAMATAN NATIN / OF COURSE ANG ATING PANGINOONG MAYKAPAL / SA KANYANG PAGBIBIGAY NG GRASYA’T KALOOB / LALO NA SA NAKALIPAS NA MGA ARAW / NA TAYO AY  PUNONG-PUNO / NG MGA BIYAYANG ATING TINAMASA / AT TAYO AY BINANIGYAN NIYA NG PAGKAKATAON / NA MAKAPAGSAGAWA / NG ATING MGA ATAS / SA ARAW ARAW / PARA SA KANYANG KALUWALHATIAN.


SUNOD NATING PASALAMATAN / AY ANG ATING MGA OPISYAL / SA ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES: UNANG-UNA ANG ATING COMMANDER IN CHIEF PRESIDENT FERDINAND BONGBONG MARCOS, JR / SI NATIONAL DEFENSE DEPARTMENT SECRETARY ATTY. GILBERT GIBO C. TEODORO, JR. / ANG ATING BAGONG HIRANG PA LAMANG NA AFP CHIEF OF STAFF, SI GEN ROMEO S. BRAWNER, JR. / AT ANG ATING COMMANDER NG CRS, SI BGEN RAMON P ZAGALA / AT OF COURSE, / SA ATING MCAG GROUP COMMANDER & DWDD STATION MANAGER MAJ CENON PANCITO III / AT ANG LAHAT NG MGA BUMUBUO / NG ATING PRODUCTION STAFF / - THANK YOU VERY MUCH PÔ.


NGAYON / NAIS KO PO MUNANG MAKI USAP SA INYO / NA KUNG PUWEDE / PAKI-LIKE AT PAKI-SHARE / NITONG ATING PROGRAMA.


YES, / TERENCE MORDENO GRANA PO / ANG INYONG LINGKOD, / ANG INYONG KAAGAPAY AT GABAY SA ATING PALATUNTUNAN.,


MOBILE PHONE NUMBER NA: +63 916 500 8318‬ AT +63 905 457 7102


ANG KATROPA SA KAMARA AY MATUTUNGHAYAN, EKSKLUSIBO, DITO LAMANG PO SA DWDD, KATROPA RADIO, ONSE TRENTA'Y KUWATRO SA TALAPIHITAN NG INYONG MGA RADYO, SA ATING FACEBOOK PAGE, LIVE TAYO SA KATROPA DWDD-CRS VIRTUAL RTV (RADIO AND VIRTUAL TELEVISION) AT SA YOUTUBE AT I-SEARCH LANG ANG DWDD KATROPA.'


—————


OKEY, NARITO NA PO ANG ATING MGA NAKALAP NA IMPORMASYON MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES:


----------------


OKEY, HUWAG PO LAMANG KAYONG BUMITIW AT KAMI PO AY BABALIK KAAGAD MATAPOS ANG ILANG MGA PAALAALA MULA SA ATING HIMPILAN.


----------------


SA ATING PAGBABALIK, KAYO PO AY NAKIKINIG SA PATATUNTUNANG KATROPA SA KAMARA NI TERENCE MORDENO GRANA DITO LAMANG SA HIMPILANG DWDD, KATROPA RADIO, AT TAYO AY SINASAMAHAN NINA ENGINEERS (RONALD ANGELES, PHERDEE BLUES, LEONOR TANAP, REGINE ASCAÑO, JAYTON DAWATON,  JOHN MARK MOLINA, ETC) SA ATING TECHNICAL SIDE.


OKEY, TULOY-TULOY NA PO TAYO SA IILAN PANG MGA BALITA NA ATING NAKALAP. 


(READ AGAIN THE OTHER NEWS AND INFORMATION)


——————


SA PUNTONG ITO, MGA KATROPA AY DADAKO NA PO TAYO SA ATING PAGBABALIK-TANAW O RECAPITULATION NG LAHAT NA ATING TINALAKAY NA MGA PAKSA AT MGA BALITA NA AKING IBINIGAY SA INYO KANINA BAGO TAYO MAGTAPOS NG ATING PALATUNTUNAN...


-------------------


HAAY, UBOS NA NAMAN PO ANG ATING DALAWANG ORAS NA PAGTATANGHAL NG ATING PALATUNTUNAN AT WALA NA NAMAN PO TAYONG ORAS. KAMI AY MAMAMAALAM NA NAMAN MULI MUNA PANSAMANTALA SA INYO.


MARAMING SALAMAT AT KAMI PO AY INYONG PINAHINTULUTANG PUMASOK SA INYONG MGA TAHANAN SA PAMAMAGITAN NG ATING PALATUNTUNANG KATROPA SA KAMARA.


DAGHANG SALAMAT USAB SA ATONG MGA KAHIGALAANG BISAYA NGA NAMINAW KANATO KARONG TAKNAA. 


ITO PO ANG INYONG LINGKOD – KINI ANG INYONG KABUS NGA SULUGUON, TERENCE MORDENO GRANA..


SA NGALAN DIN NG LAHAT NA MGA BUMUBUO NG PRODUCTION STAFF SA ATING PALATUNTUNAN, AKO PO AY NAGSASABING: PAGPALAIN SANA TAYONG LAHAT NG ATING PANGINOONG MAYKAPAL, GOD BLESS US ALL, AT PURIHIN ANG ATING PANGINOON! GOOD MORNING.


𐐆ᏋᏒᏋᏁ૮Ꮛ ᎷᎧᏒᎴᏋᏁᎧ ᎶᏒᏗᏁᏗ

wantta join us? sure, manure...

Isusulong ng Mababang Kapulungan ang "Bagong Konstitusyon ng Bagong Pilipinas" sa Bagong Taon. 


Ito ang inihayag ni House Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales II, sa isang ambush interview. 


Bago ito ay sinabi ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na sa 2024 ay desidido ang Kamara na pag-amyenda sa 1987 Constitution o tinatawag na Charter Change. 


Iginiit ni Romualdez na ito ay nakatutok sa "economic provisions," at  para matiyak na magkakaroon ng "continuity" sa pamamahala. 


Ayon kay Gonzales, papaano magtra-trabaho sa Bagong Pilipinas kung luma naman ang Konstitusyon. 


Sa bagong taon aniya o sa ikatlong regular session ay tatrabahuhin ng Kamara ang pag-amyenda sa Saligang Batas. wantta join us? sure, manure...

Lokal na pamahalaan mas malaki matatanggap na pondo sa ilalim ng 2024 budget—Speaker Romualdez



Mas malaki umano ang pondong makukuha ng mga lokal na pamahalaan sa ilalim ng P5.768-trilyong panukalang pambansang pondo para sa 2024, ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.


Sa kanyang mensahe sa awarding ng Seal of Good Local Governance para sa mga natatanging lokal na pamahalaan sa Manila Hotel, sinabi ni Speaker Romualdez na bukas ang kaniyang tanggapan para sa mas pinaigting na kolaborasyon sa pagitan ng LGU at Kamara de Representantes.


Sinabi ni Speaker Romualdez sa may 1,000 lokal at nasyunal na opisyal na dumalo sa pagbibigay parangal na nakatakdang lagdaan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang pondo para sa susunod na taon sa mga susunod na araw.


Binuo aniya ng Kamara ang pambansang pondo “to bring about balanced development, propagating progress not just in urban areas but across the archipelago, so that every Filipino, from the northernmost provinces to the southernmost islands, can thrive with peace and abundance.”


Inilaan aniya ito para sa mga proyektong pang imprastraktura, reporma sa edukasyon, pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan, pagpapaunlad ng mga negosyo at suporta sa edukasyon.


“It also contains provisions for the effective implementation of the Mandanas ruling, ensuring that local governments have the resources at the local level. We hope that the inclusion of these provisions will encourage more LGUs to endeavor to take on the challenge of attaining the Seal of Good Local Governance,” sabi ni Speaker Romualdez.


Batay sa Mandanas ruling ng Korte Suprema, na itinulak ni Batangas Gov. Hermilando Mandanas, lumaki ang parte na nakalaan para sa mga LGU mula sa kita ng pamahalaang nasyunal.


Hinimok ng lider ng higit 300 mambabatas ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan na asaming makakuha ng Seal of Good Local Governance na iginagawad ng Department of Interior and Local Government (DILG).


“We understand that undertaking this endeavor may seem difficult for first-timers. What today’s awardees show is that it can be done,” wika niya


Nangako rin ito ng suporta sa mga opisyal na inaasam na bigyang kapangyarihan ang mga kapwa Pilipino para makamit ang mga inaasam sa buhay.


“My office is open to establishing an institutional mechanism that will enable and facilitate better coordination between the House of Representatives and local government units,” saad niya


Binati naman ni Speaker Romualdez ang may 493 na LGU at kanilang mga opisyal sa pagpaso sa good governance seal ngayong taon.


“I can only imagine the challenges you faced in meeting all the criteria for the award, but through perseverance, ingenuity and grace from the Almighty, you were able to successfully clear these hurdles. Your success at institutionalizing good governance in your respective jurisdictions is a bright beacon illuminating the trail for other LGUs to follow,” aniya.


Kasabay nito ay pinuri at pinasalamatan  ang DILG para sa mga natatangi nitong mga programa.


“The Seal of Good Local Governance Awards is a welcome break from the ineffective punitive method through which traditional public administration enforced compliance. With the Seal, the establishment of good governance has been incentivized, providing qualified LGUs with the wherewithal by which more and better citizen-centric reforms may be pursued and sustained,” sabi pa ni Speaker Romualdez.


Hinikayat ng lider ng Kamara ang mga national at local officials na ipagpatuloy ang pagtutulungan at  gawing inspirasyon ang bawat isa para sa isang matatag at inklusibong ekonomiya ng bansa.


“With everyone’s cooperation, I am confident that we will reach our shared national aspirants in the very near future,” aniya (END) wantta join us? sure, manure...

SUBSTITUTE BILL NA NAGSUSULONG NG PAGLAGO NG PANLIPUNANG NEGOSYO, INAPRUBAHAN NG KOMITE

 

Inaprubahan ngayong Miyerkules ng Komite ng Micro, Small and Medium Enterprise (MSME) Development sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Misamis Oriental Rep. Christian Unabia, ang inamyendahang unnumbered substitute bill sa mga panukala na nagtataguyod ng paglago at pag-unlad ng mga negosyong panlipunan, upang maibsan ang kahirapan. 


Pinalitan ng substitute bill, na may titulong "Poverty Reduction through Social Entrepreneurship (PRESENT) Act," ang mga House Bills 2112, 4566, 4911, 5554, 6091, 6952 at 8192, na naglalayong mag-alok ng mga programa, tulong pinansyal, mapagkukunan, at mga insentibo sa paglago, pagpapalawak, at pagpapanatili ng mga negosyong panlipunan. 


Ang substitute bill ay resulta ng Technical Working Group (TWG) na nilikha, upang suriin at pagsamahin ang mga panukala na ito, na kung saan ang HB 6091ay nagsisilbing balangkas na panukala. 


Detalyadong tinalakay ni TWG Chairperson at Bukidnon Rep. Jose Manuel Alba ang mga isaping iniharap sa mga pagpupulong ng TWG, upang makabuo ng isang pinagsama-samang panukalang batas. 


Iminungkahi ni ABANG LINGKOD Rep. Joseph Stephen Paduano na magdagdag ng isang probisyon na nag-aatas sa mga lokal na pamayanan (LGUs), na isama ang mga posibleng istratehiya para sa pagpapaunlad ng mga negosyong panlipunan sa kanilang pagpaplano ng lokal na pag-unlad. 


Ipinanukala ni Batangas Rep. Mario Vittorio Mariño na isama sa substitute bill, ang paglikha ng isang programang pang-iskolar na susuporta sa modernong edukasyon ng mga negosyanteng panlipunan, upang itaguyod ang pagpapanatili nito at pagyamanin ang paglago ng isang mas inklusibo at aktibong sektor ng lipunan. wantta join us? sure, manure...

ANIM NA PRAYORIDAD NA PANUKALA NG LEDAC AT IBA PA, PINAL NA INAPRUBAHAN NG KAPULUNGAN


Sa pagsisikap ng Kapulungan na maiahon ang kabuhayan ng sambayanang Pilipino, inaprubahan sa bulwagan na pinamumunuan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ngayong Martes sa ikatlo at huling pagbasa, ang anim (6) pang prayoridad na panukala na kabilang sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) na common legislative agenda ng administrasyong Marcos. 


Nagkakaisang inaprubahan ng Kapulungan ang  House Bill (HB) 8525, o ang panukalang "Tatak Pinoy Act," na inaprubahan sa pabor na botong 251, na magbabalangkas ng Tatak Pinoy Strategy (TPS), upang pasiglahin ang lokal na kalakalan at ang kanilang ugnayan sa value chains. 


Sa botong 251-0-1 naman, inaprubahan ang HB 9648, o ang panukalang “New Government Procurement Reform Act" sa ikatlo at huling pagbasa, na magpapawalang bisa ss Republic Act 9184, o ang "Government Procurement Reform Act.” 


Layon ng panukala na gawing mas malinaw ang government procurement, mapagkumpitensya, maayos, tuloy-tuloy at inklusibo. 


Ang iba pang mga prayoridad na panukala na inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ay: 1) HB 9662, o ang panukalang "Blue Economy Act," sa botong 254-3; 2) HB 9663, o ang panukalang “National Water Resources Act," sa botong 254-3; 3) HB 9673, o ang panukalang "Philippine Cooperative Code of 2023," sa botong 254-3; at 4) HB 9674, o ang panukalang "Revised Government Auditing Act," sa botong 258. 


Bukod pa sa mga prayoridad na panukala ng LEDAC, inaprubahan din ng Kapulungan ang iba pang mahahalagang panukala: 1) HB 9682, o ang panukalang "Teaching Supplies Allowance Act;” 2) HB 9588, o ang panukalang "Graduation Legacy for Reforestation Act;” 3) HB 9587, o ang panukalang "Family Tree Planting Act;” 4) HB 9647, na magpapalit sa pangalan ng Motor Vehicle User's Charge sa Motor Vehicle Road User's Tax, at itaas ang halaga nito upang makakalap ng pondo para sa public utility vehicle modernization at road safety programs; 5) HB 9034, o ang panukalang "Philippine Archipelagic Sea Lanes Act;” 6) HB 9430, o ang panukalang "Union Formation Act;” at 7) HB 9506, o ang panukalang "Rental Housing Subsidy Program Act.” Pinangunahan nina Deputy Speakers Vincent Franco “Duke” Frasco at Antonio “Tonypet” Albano ang sesyon sa plenaryo ngayong Martes. wantta join us? sure, manure...

PAG-AARAL HINGGIL SA MOTORCYCLE TAXI, IPINABATID SA KOMITE NG TRANSPORTASYON

 

Nagpulong ngayong Martes ang Komite ng Transportasyon sa Kapulungan ng mga Kinatawan na pinamumunuan ni Antipolo City Rep. Romeo Acop upang dinggin ang resulta ng Motorcycle (MC) Taxi Pilot Study mula sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO). 


Isinalaysay ni Rep. Acop na nagsimula ang pag-aaral noong 2017 bilang anim na buwang programa para sa operasyon ng aabot sa 27,000 motorcycle taxis sa Metro Manila. 


Ang pilot study ay opisyal na nagsimula noong 2019 kasama ang Angkas, MoveIt at Joyride bilang mga kalahok. 


Iniulat ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II na ang pilot study ay patuloy pa rin, kung saan ang University of the Philippines (UP) - National Center for Transportation Studies ay nagsasagawa ng masusing pagsusuri sa kapasidad sa merkado ng mga MC taxi. 


Ayon kay ASec. Mendoza, isasaalang-alang ng pagsusuri ang epekto ng mga bagong kalahok sa programa, katulad ng Cloud Panda, Taxi Philippines Inc., E-PickMeUp Inc., Easyway Transport Service, Para Express Technology Services, Grab Philippines at Market Innovators Inc. 


Sa kaniyang pagtantiya, matatapos ang pinal na ulat sa loob ng 60 hanggang 90 araw. “Because of the need for further in-depth study specifically for the market capacity, as well as the results of the entry of new participants to the program, the TWG is asking for an extension of the program until such time that the committee is ready to pass a bill related to the operations of MC taxis," tanong ni ASec. Mendoza. 


Hinimok ni Bulacan Rep. Augustina Dominique Pancho ang LTO na isama ang Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa patuloy na pag-aaral dahil sila ay maaapektuhan kapag ang bagong paraan ng transportasyon ay magagamit na sa publiko. 


Hiniling din ng Komite na isama sa pag-aaral ang epekto ng mga MC taxi sa ibang mga negosyo sa transportasyon. 


Inaprubahan din ng Komite ang mga sumusunod na lokal na panukalang batas: House Bills 9416, 9433, at 9546, na naglalayong magtatag ng mga tanggapan ng LTO sa distrito ng Maayon Capiz, at Ticao Island Masbate, ayon sa pagkakasunod. wantta join us? sure, manure...

Pinagtibay na ng Kamara ang mga House Concurrent Resolutions o HCRs para sa “amnesty proclamations” ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. para sa mga dating rebelde, komunistang grupo at katulad.


Sa botong 221 na pabor, at walang tumutol o nag-abstain --- inadopt ng Kapulungan ang HCR no. 19 para sa paggawad ng amnestiya sa mga miyembro ng Rebolusyunaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas-Revolutionary Proletarian Army-Alex Boncayao Brigade o RPMP-RPA-ABB.


Habang sa botong 225 na pabor, 3 na kontra, at walang abstention --- pinagtibay ang HCR no. 20 na amnestiya para sa mga dating miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front o CPP-NPA-NDF.


Adopted na rin sa botong 230 na sang-ayon at walang tutol ang HCR no. 21 na amnestiya para sa mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front o MILF; at sa botong 229 na pabor, 1 na tutol --- pinagtibay ang HCR no. 22 na para naman sa mga miyembro ng Moro National Liberation Front o MNLF.


Nauna nang sinabi ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ang adoption ng mga HCR na ito ay napapanahon sa diwa ng pag-asa, kapayapaan, at kaligayahan ngayong Kapaskuhan. wantta join us? sure, manure...

Sa botong 247 na pabor, at walang sinumang tutol…


Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 9682 o pagsasabatas ng pagkakaloob ng “teaching supplies allowance” para sa mga guro sa mga pampublikong paaralan sa bansa.


Layon ng panukala na mabawasan ang pasanin sa pera ng mga teacher, at para mapagbuti ang kanilang kundisyon sa trabaho.


Kapag naging ganap na batas, ang bawat guro ay bibigyan ng P7,500 para sa school year 2024-2025.


Habang P10,000 naman ang ipagkakaloob sa kada teacher, para sa school year 2025-2026 at mga susunod na taon.


Nakasaad pa sa House Bill na ang teaching supplies allowance ay libre mula sa income tax. wantta join us? sure, manure...