Friday, January 26, 2024

hajji Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez ang buong suporta at pagbibigay ng prayoridad sa local jeepney manufacturers sa harap ng ikinakasang implementasyon ng PUV Modernization Program.


Sa pakikipagdayalogo ni Romualdez sa eFrancisco Motor Corporation at Sarao Motors, sinabi nitong mananatiling prayoridad ang gawang Pilipino dahil magbubunga ito ng maraming trabaho at iba pang pakinabang.


Kinikilala naman aniya ang kahalagahan ng foreign investments ngunit dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang maaasahan, matatag, ligtas at abot-kayang pamasadang jeepney na gawang Pinoy.


Binigyang-diin din ng House leader na mahalagang suportahan ang talentong Pilipino at ang pagkilala sa innovation na kayang gawin ng local manufacturers.


Malaki umano ang papel ng local jeepney manufacturers sa modernisasyon ng public transport.


Sa naturang dayalogo ay ibinahagi ni Elmer Francisco ang kanilang pakikipag-usap sa Maharlika Investment Corporation para sa posibleng pamumuhunan upang mapabilis ang PUV Modernization Program.


Kinumpirma ni Francisco na nagkaroon sila ng konsultasyon kasama si MIC Chief Executive Officer Joel Consing upang makakuha ng 200 million US Dollars o katumbas ng labing-isang bilyong pisong puhunan mula sa Maharlika Investment Fund.

wantta join us? sure, manure...

hajji Makasisiguro si Senate Minority Leader Koko Pimentel na walang partisipasyon ang mga kongresista sa isinusulong na People’s Initiative para maamiyendahan ang 1987 Constitution.


Ito ang tugon ni House Speaker Martin Romualdez matapos ihayag ni Pimentel sa isang panayam na may agam-agam ang mga Senador kung talagang “grassroots movement” ang ginagawang pangangalap ng pirma para sa PI.


Ayon kay Romualdez, walang pakialam ang mga senador at kongresista sa PI dahil hiwalay ito sa tatlong paraan ng pag-amiyenda sa Saligang Batas kung saan kabilang ang Constituent Assembly at Constitutional Convention.


Bahagi aniya ng kapangyarihan ng taumbayan ang PI at hindi kailangan ng Kongreso na magpasa ng resolusyon at panukalang batas pati na pagtatakda ng pagdinig.


Buwelta ni Romualdez, marahil ay mga multo ang nakikita ng mga senador na nagpapahayag ng pagtutol sa PI at sa signature campaign.


Dapat umano ay hayaan ang mamamayan na magpasya at kung may problema ang mga miyembro ng Mataas na Kapulungan ay maaari naman silang dumulog sa “proper venue” gaya ng Commission on Elections at mga korte.


Wala namang nakikitang problema ang House leader kung tutulong ang mga senador at kongresista na ipaliwanag ang PI sa kanilang constituents basta’t walang ginagamit na pondo ng gobyerno.

wantta join us? sure, manure...

rpp Speaker Romualdez tiniyak na Kamara walang kinalaman sa People’s Initiative 


Tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kay Senate Minority Leader Aquilino "Koko" Pimentel III na walang kinalaman ang mga kongresista sa isinusulong na People’s initiative (PI).


Gaya ng tawag dito, sinabi ni Speaker Romualdez na ang PI ay isang “purely civilian matter”. 


"The People’s Initiative is not Initiated out of the Congress eh. As you know there are three modes. 'Di ba, may Constituent Assembly (Con-Ass), where the House and the Senate convene as one; electing delegates, 'di ba, to a Constitutional Convention (Con-Con). Pero wala namang pakialam 'yung senador o 'yung miyembro ng Congress sa People’s Initiative," ani Speaker Romualdez sa isang press briefing nitong Biyernes kung saan siya natanong kaugnay ng sinabi ni Pimentel na nag-uugnay sa Kamara sa PI.


“We haven't pass any resolution, we don't have to pass any bill, we don't have to set anything for hearings. There are no formal functions or participation of congressmen or senators. 'Yan ay PI. The PI contemplates the power of the people. Di ba? So that's it,” sabi pa nito.


"Walang partisipasyon ang mga congressmen d'yan, so I dont know what they're making reference to," dagdag pa ni Speaker Romualdez. 


Ayon sa kongresista na kinatawan ng unang distrito ng Leyte, mistulang nakakakita ng multo si Pimentel at kanyang mga kapwa senador kaugnay ng PI at sa pangangalap ng pirma kaugnay nito.


“They're seeing ghosts all over the place. Let the people decide. We expect the process of the PI--all the senators' problems with the PI, the conduct of which they can take it up with the Comelec or raise whatever allegations that I see are quite baseless in the proper courts,” dagdag pa nito.


Kasabay nito, sinabi ni Romualdez na wala itong nakikitang masama kung sasagot ang mga kongresista at senador kaugnay ng PI upang maipaliwanag ito sa publiko.


"Pero at the end of the day, senators and congressmen are people no? So as long as you are not using government funds, you are not using your offices in pursuit of these purely civilian activities, you're in good stead," dagdag panni Speaker Romualdez. (END)

wantta join us? sure, manure...

27 January 2024 SCRIPT

🍎🍎🍎🍎🍎🍎 

𓄁𓃠𓆉𓅿𓃰𓃟𓆏 


HELLO, GOOD MORNING MGA KATROPA / GOOD MORNING, PILIPINAS / GOOD MORNING CAMP AGUINALDO, / MAGANDANG UMAGA  LUZON, MAAYONG BUNTAG VISAYAS / AT BUENAS DIAZ MINDANAO!


Ilocano - naimbag na bigat

Hiligaynon - maayo nga aga

Waray - maupay nga aga

Kapangpangan - mayak a abak

Bicolano - marhay na aga

Pangasinenese - maabug ya kaboasan

Maranaoan - mapiya kapipita


YES, SABADO NA NAMAN PO, AT / NANDITO NA NAMAN PO KAMI / PARA MAGTANGHAL / O MAGSASA-HIMPAPAWID / NG ATING PALATUNTUNANG / KATROPA SA KAMARA NI TERENCE MORDENO GRANA. 

 

BAGO TAYO LUMAON, / UNAHIN MUNA NATING MAGPAHAYAG / NG ATING MGA PASASALAMAT. / MAGPASALAMAT O PASALAMATAN NATIN / OF COURSE ANG ATING PANGINOONG MAYKAPAL / SA KANYANG PAGBIBIGAY NG GRASYA’T KALOOB / LALO NA SA NAKALIPAS NA MGA ARAW / NA TAYO AY  PUNONG-PUNO / NG MGA BIYAYANG ATING TINAMASA / AT TAYO AY BINANIGYAN NIYA NG PAGKAKATAON / NA MAKAPAGSAGAWA / NG ATING MGA ATAS / SA ARAW ARAW / PARA SA KANYANG KALUWALHATIAN.


SUNOD NATING PASALAMATAN / AY ANG ATING MGA OPISYAL / SA ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES: UNANG-UNA ANG ATING COMMANDER IN CHIEF PRESIDENT FERDINAND BONGBONG MARCOS, JR / SI NATIONAL DEFENSE DEPARTMENT SECRETARY ATTY. GILBERT GIBO C. TEODORO, JR. / ANG ATING BAGONG HIRANG PA LAMANG NA AFP CHIEF OF STAFF, SI GEN ROMEO S. BRAWNER, JR. / AT ANG ATING COMMANDER NG CRS, SI BGEN RAMON P ZAGALA / AT OF COURSE, / SA ATING MCAG GROUP COMMANDER & DWDD STATION MANAGER SI FRANCEL MARGARETH PADILLA  / AT ANG LAHAT NG MGA BUMUBUO / NG ATING PRODUCTION STAFF / - THANK YOU VERY MUCH PÔ.


NGAYON / NAIS KO PO MUNANG MAKI USAP SA INYO / NA KUNG PUWEDE / PAKI-LIKE AT PAKI-SHARE / NITONG ATING PROGRAMA.


YES, / TERENCE MORDENO GRANA PO / ANG INYONG LINGKOD, / ANG INYONG KAAGAPAY AT GABAY SA ATING PALATUNTUNAN.,


MOBILE PHONE NUMBER NA: +63 916 500 8318‬ AT +63 905 457 7102


ANG KATROPA SA KAMARA AY MATUTUNGHAYAN, EKSKLUSIBO, DITO LAMANG PO SA DWDD, KATROPA RADIO, ONSE TRENTA'Y KUWATRO SA TALAPIHITAN NG INYONG MGA RADYO, SA ATING FACEBOOK PAGE, LIVE TAYO SA KATROPA DWDD-CRS VIRTUAL RTV (RADIO AND VIRTUAL TELEVISION) AT SA YOUTUBE AT I-SEARCH LANG ANG DWDD KATROPA.'


—————


OKEY, NARITO NA PO ANG ATING MGA NAKALAP NA IMPORMASYON MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES:


----------------


OKEY, HUWAG PO LAMANG KAYONG BUMITIW AT KAMI PO AY BABALIK KAAGAD MATAPOS ANG ILANG MGA PAALAALA MULA SA ATING HIMPILAN.


----------------


SA ATING PAGBABALIK, KAYO PO AY NAKIKINIG SA PATATUNTUNANG KATROPA SA KAMARA NI TERENCE MORDENO GRANA DITO LAMANG SA HIMPILANG DWDD, KATROPA RADIO, AT TAYO AY SINASAMAHAN NINA ENGINEERS (RONALD ANGELES, PHERDEE BLUES, LEONOR TANAP, REGINE ASCAÑO, JAYTON DAWATON,  JOHN MARK MOLINA, ETC) SA ATING TECHNICAL SIDE.


OKEY, TULOY-TULOY NA PO TAYO SA IILAN PANG MGA BALITA NA ATING NAKALAP. 


(READ AGAIN THE OTHER NEWS AND INFORMATION)


——————


SA PUNTONG ITO, MGA KATROPA AY DADAKO NA PO TAYO SA ATING PAGBABALIK-TANAW O RECAPITULATION NG LAHAT NA ATING TINALAKAY NA MGA PAKSA AT MGA BALITA NA AKING IBINIGAY SA INYO KANINA BAGO TAYO MAGTAPOS NG ATING PALATUNTUNAN...


-------------------


HAAY, UBOS NA NAMAN PO ANG ATING DALAWANG ORAS NA PAGTATANGHAL NG ATING PALATUNTUNAN AT WALA NA NAMAN PO TAYONG ORAS. KAMI AY MAMAMAALAM NA NAMAN MULI MUNA PANSAMANTALA SA INYO.


MARAMING SALAMAT AT KAMI PO AY INYONG PINAHINTULUTANG PUMASOK SA INYONG MGA TAHANAN SA PAMAMAGITAN NG ATING PALATUNTUNANG KATROPA SA KAMARA.


DAGHANG SALAMAT USAB SA ATONG MGA KAHIGALAANG BISAYA NGA NAMINAW KANATO KARONG TAKNAA. 


ITO PO ANG INYONG LINGKOD – KINI ANG INYONG KABUS NGA SULUGUON, TERENCE MORDENO GRANA..


SA NGALAN DIN NG LAHAT NA MGA BUMUBUO NG PRODUCTION STAFF SA ATING PALATUNTUNAN, AKO PO AY NAGSASABING: PAGPALAIN SANA TAYONG LAHAT NG ATING PANGINOONG MAYKAPAL, GOD BLESS US ALL, AT PURIHIN ANG ATING PANGINOON! GOOD MORNING.


𐐆ᏋᏒᏋᏁ૮Ꮛ ᎷᎧᏒᎴᏋᏁᎧ ᎶᏒᏗᏁᏗ

wantta join us? sure, manure...

hajji Binira ni House Speaker Martin Romualdez ang aniya'y mabagal na trabaho ng Senado kaugnay sa priority bills na natalakay sa Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC at State of the Nation Address.


Sa panayam kay Romualdez, ibinida nitong natapos na nila ang LEDAC measures tatlong buwan bago ang target noong 2023 at ang SONA priorities na mas maaga ng anim na buwan.


Wala aniya silang "back subjects" at hinihintay na lang na kumilos ang mga senador upang aprubahan ang mga panukalang batas.


Giit ni Romualdez, sa halip na punahin ang trabaho ng Kamara ay mas makabubuting huwag nang pakialaman ng Senado ang isyu ng People's Initiative, Resolution of Both Houses at ang iba pang may kinalaman sa pag-amiyenda sa Saligang Batas.


Ibinunyag ng House leader na kaya hindi natuloy ang LEDAC meeting kahapon ay dahil nagpapaliguy-ligoy umano ang Senado at humihiling ng extension sa priority measures.


Dagdag pa nito, dapat tigilan na ang distractions, tutukan ang trabaho at tapusin na ang lahat ng assignment lalo't naghihintay na ang mga Pilipino.


Sa kabila umano ng "toxic" na mga pahayag na nagmumula sa mga senador ay hindi papatol ang Kamara kaya dapat ay ayusin nila ang kilos at pakikitungo sa ngalan ng parliamentary courtesy.

wantta join us? sure, manure...

hajji Mariing pinabulaanan ni House Speaker Martin Romualdez ang alegasyon ni Senadora Imee Marcos na nagmula umano sa tanggapan ng Speaker ang 20 million pesos na alokasyon sa bawat distrito upang isulong ang People's Initiative at timeline para sa Charter Change.


Sa panayam kay Romualdez ngayong araw, hinamon nito si Marcos na patunayan ang ipinakakalat na impormasyon sa korte, Commission on Elections o sa alin mang pamamaraan dahil wala umano itong basehan.


Marahil aniya ay nakikinig ang kanyang pinsan sa mga "Marites" o mahilig magpakalat ng intriga sa Senado.


Itinanggi rin ni Romualdez na nakakausap niya ang senador at nilinaw na hindi pa sila nagkikita kahit noong holiday season.


Maging ang akusasyon na nagtatampo ang House leader kay Marcos ay wala umanong katotohanan dahil malaya naman itong tumawag o mag-text para linawin ang mga isyu.


Ngunit kung mas gusto ni Marcos na magsalita sa media, ipinunto ni Romualdez na may mga bagay siyang sinasang-ayunan at tinututulan kaya mas makabubuting basahin ng senadora ang mga ulat at references lalo na patungkol sa People's Initiative.

wantta join us? sure, manure...

kath Nanindigan si Speaker Martin Romualdez na wala siyang inaatakeng sinomang kaalyado ng administrasyon.


Tugon ito ng House leader nang mahingan ng reaksyon sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte patungkol sa relasyon nil ani Romualdez.


Sabi kasi ng bise, ang pinaka akmang  pagsasalarawn ng kanilangrelasyon ay ang galing kay Sen. Imee Marcos, kung saan nakwestyon kung bakit aniya niya inaatake ang kaalyado ng administrasyon.


“On my part I have not attack any ally of this administration. I don't know what she's talking about.” ani Romualdez


Ani Romualdez, nirerespeto niya ang bise president at wala siyang matandaan na sinabi o ginawa para siya ay atakihin.


“For the Vice President, I respect the Vice President. As my Vice President, as my secretary of education, she has my full support. I don't know what I have said or done to attack her. Please identify those actuation if any. Kung nakikinig siya sa mga marites o kung sinong senadora dyan, it's up to her.” sabi pa ng House speaker


Para kay Romualdez, miski papaano ay may pinagsamahan din naman aniya sila ni VP Sara nang maging campaign manager niya noong nakaraang eleksyon.


Katunayan, nami-miss na aniya niya ang bise dahil dati ay parati silang magkasama ngunit dahil sa kanilang trabaho ay hindi na sila nagkikita ng madalas


“But maski paano may pinagsamahan din dati, maski wala daw akong kinalaman sa pagka-Vice President niya. I was her campaign manager. We worked very hard together and I was very, very happy when she was successfully elected with a very, very, very high mandate for VP. I congratulate her, I wish her nothing but all the best, I respect her. And so totoo lang po, namimiss ko siya kasi dati parati kami magkasama, pero sa ating--our work now, she as the Vice President and secretary of DepEd, and me being the Speaker, we don't see each other as much, so syempre I  miss working together with her.” sabi pa niya.


##

wantta join us? sure, manure...

milks Speaker Romualdez nanawagan sa Senado na igalang ang inter-parliamentary courtesy… 


Tigilan na ang mga pahayag na magreresulta lamang sa bangayan…


… 


Nakikiusap si House Speaker Martin Romualdez sa Senado na kung pwede pag-usapan ng maayos ang kanilang posisyon maging ito may ay usapin ng People’s Initiative at pag-amyenda sa ating saligang batas.


Ayon kay Romualdez, nirerespeto ng Kamara ang proseso ng P-I dahil nakasaad ito sa ating saligang batas.


Itigil na rin anya ang mga alegasyon laban sa mga Kongresista kung wala naman silang basehan at pairalin ang interparliamentary courtesy,


Binigyang diin ni Romualdez, kung nakikita ng Senado na may kwestiyon sa P-I dahil nila ito sa Comelec o alinmang proper forum pero huwag nang magsiraan pa.


Pakinggan natin si House Speaker Martin Romualdez…


RHTV insert video/audio Speaker


Muling tiniyak ni Romualdez sa mga Senador na wala silang dapat ikatakot dahil susuportahan ng Kamara kung ano man ang kanilang magiging aksiyon.


Pakiusap ng House Speaker, hayaan na umusad ang proseso at tama na ang bangayan.

wantta join us? sure, manure...