Thursday, May 18, 2023

PAGSISIYASAT SA DRUG BUST AT PAGRI-RECYCLE NG MGA NAKUMPISKANG ILIGAL NA DROGA, IPINAGPATULOY NG KAMARA

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng House Ctte on Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Rep.Robert “Ace” Barbers alinsunod sa HR00495 na sumisiyasat sa pagri-recycle ng mga nakumpiskang iligal na droga, na kinasasangkutan umano ng mga tauhan ng Philipine National Police o PNP, nakita ng komite na mayroong talagang nangyayaring conspiracy at malawakang cover-up sa loob ng hanay ng mga kapulisan.


Matapos mabasa ni dating PNP Chief Rodolfo Azurin Jr. ang ulat ng Special Investigation Task Group (SITG), nalungkot ito kung papaano ang pinakamalaking drug haul sa bansa na nakapagpapababa ng moral ng PNP matapos na iulat ang mga iregularidad sa pamamaraan ng nasabing drug operation. 


Sinabi pa ni Azurin na: “the SITG came out with the conclusion that the covert acts of the PCOs and PNCOs clearly manifest irregularities and misconduct, the acts were done for their personal gain and interest. It should also be noted that the SITG 990 has ordered the filing of appropriate administrative charges against 49 PNP personnel in relation to this case.” wantta join us? sure, manure...

SIBUYAS QUEEN, PUNO’T DULO NG PRICE MANIPULATION AT HOARDING NG SIBUYAS

Tinukoy ni Marikina City Rep. Stella Quimbo si Leah Cruz, ang tinaguriang ‘Sibuyas Queen’ bilang puno’t dulo ng price manipulation at hoarding ng sibuyas.


Sa nakaraang huling serye ng pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food, inilatag ni Quimbo ang modus ng grupo ni Cruz na siyang dahilan ng pagsipa sa presyo ng sibuyas ng hanggang P700 kada kilo noong 2022.


Sentro aniya ng ‘sibuyas cartel’ ang Philippine Vegetable Exporters and Vendors Association o PHILVIEVA Group of Companies na pagmamay-ari ni Cruz.


Ayon pa kay Quimbo, ang mga kompaniya ito ay may kaugnayan sa local trading, importation, cold storage warehousing, and trucking.





Kaya’t sa madaling salita aniya ay hawak ng PhilVIEVA ang buong supply chain mula umpisa hanggang  dulo.


“Dahil sa PhilVIEVA at ilang dummy companies, kayang kaya ni Leah Cruz i-dikta ang magiging presyo ng sibuyas sa merkado at kung saan niya nais magbagsak ng supply, kung saan man whether sa Divisoria man o sa supermarkets,” sabi ni Quimbo.


Batay din sa pag-analisa ng general information sheet ng mga kompanya, lumalabas na pagmamay-ari ni Cruz ang Golden Shine, isang trucking business na stockholder din sa PhilVIEVA.


Isang Eric Pabilona na share holder din sa PhilVIEVA ay stockholder din sa  Tian Long, na pinakamalaking cold storage ng sibuyas.


Si Renato Francisco, naman stockholder ng Yom Trading at La Reina, na pinakamalalaking importer ng sibuyas sa bansa.


Dalawang kompanya pa na Vegefru at Rosal na mga kompanya rin ni Cruz ay pasok din sa industriya ng sibuyas.


“Isang kompanya, ladies and gentlemen, na walang kita kung naaalala ninyo, isang kompanya na hindi regular na nagmi-meet, at isang kompanya na hindi alam ng mga incorporator kung ano ang purpose ng kumpanya nila. Kaya ang tanong ko Mr. Chair: baka kaya ito ang onion cartel? At ito ang dahilan kung bakit tumaas nang todo-todo ang presyo ng sibuyas last year. At baka nga dahil sa PhilVIEVA, the sibuyas queen is back or maybe was never out of commission.” diin ng lady solon.


Punto pa ng economist-solon na kung pagbabatayan ang datos walang malaking kakulangan sa suplay ng sibuyas noong panahon na sumipa ang presyo nito.


#wantta join us? sure, manure...