FORUM SA PAMPUBLIKONG POLISIYA, IDINAOS
Binigyang halaga ngayong Huwebes sa Kamara ang kahalagahan ng tungkulin ng ibat ibang Komite sa pagbalangkas ng mga pampublikong polisiya, sa isinagawang forum ng Committee Affairs Department (CAD).
“The committee is important because our work matters,” ayon sa deklarasyon ni Dr. Lorena Hernandez, Service Director ng Komite ng Ways and Means, at tinukoy ang ehekutibo, lehislatura, hudikatura, mga interest groups at unofficial actors bilang mga policy actors.
Ayon sa kanya, ang Kongreso ang bumabalangkas ng batas, nag-ooversee, naghahayag at nagsisilbi sa mga nasasakupan. “Its members provide legal authority and publicity. (They are) are generalists and supported by congressional and Secretariat staff,” aniya.
Ipinaliwanag ni Hernandez na ang mga Komite sa Kamara ang mga bumabalangkas ng mga polisiya dahil sila ang 1) nag-aaral, tumatalakay, at umaaksyon sa lahat ng mga panukala na idinudulog sa kanila, 2) tinitiyak na ang lahat ng mga apektado sa mga nakabinbing usapin ay dinidinig, 3) sinusuri kung ang mga batas at mga programa ay ipinatutupad alinsunod sa mga iminamandato nito at kung ito ba ay dapat na ituloy, ayusin o ipawalang-bisa, at 4) magdaos ng mga pagdinig, at pagsisiyasat sa mga kaugnay na usapin at pag-aalala.
Idinagdag ni Hernandez ng mga technical working groups (TWGs) na nililikha ng mga Komite sa Kamara ang dumidinig at isinasaayos ang mga panukalang inihahain.
Ayon pa sa kanya, ang sistema sa polisiya ay nakayakap sa mga environmental forces at conditions, na kinabibilangan ng kulturang politikal, socio-economic characteristics, teknolohiya, pisikal na kapaligiran, demographic characteristics at regime characteristics, kabilang na ang mga nagsusulong nito.
Tinalakay rin ni Hernandez ang policy cycle na kinabibilangan ng agenda setting, formulation, decision making, implementation at evaluation.
Habang ang public policy ay malawak na paksa, sinabi ni Hernandez na may mga paraan para ma hack ito.
Dagdag pa rito, habang ang public policy ay hinggil sa mga solusyon, mas madalas na nandyan na ang solusyon bago pa man dumating ang mga problema.
“Life is recurring, and it is a matter of coupling solutions to the problems,” aniya.
Hinikayat ni Hernandez ang partisipasyon ng bawat isa sa pamamagitan ng ibat ibang exercises na tutukoy sa kanilang napiling ‘work baby’ o panukalang batas, Quick Stakeholder Analysis and Advocacy Plan, gayundin ang mga problem solving samples.
MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-UULAT PARA SA ARMED FORCE RADIO, BOSES NG KAWAK PILIPINO
This is Terence Mordeno Grana, reporting for AFP Community News, One AFP for Stronger Philippines.