Monday, January 15, 2024

hajji Nilinaw ng Commission on Higher Education o CHED na hindi na bago ang inilabas na memorandum na nagpapatigil sa pag-aalok ng Senior High School program sa state universities and colleges at local universities and colleges.


Sa pagdinig ng House Committee on Basic Education and Culture, sinabi ni CHED Chairperson Prospero De Vera na maraming beses na silang naglabas ng advisory ngunit sadyang may SUCs at LUCs na matigas ang ulo.


Nagtapos na aniya ang transition period noong 2021 para sa K-to-12 program kaya ang pangunahing problema ay ang legal basis upang pondohan ito sa mga apektadong institusyon.


Paliwanag ni De Vera, ginamit na nila ang salitang "discontinue" upang bigyang-diin na nakararanas ang CHED ng iba't ibang suliranin tulad ng auditing rules. 


Sa kasalukuyan, apatnapu't walong SUCs ang hindi na nag-aalok ng Grade 11 at 50 percent ang wala nang grade 12 habang sa LUCs ay 91 percent na ang walang grade 11 at 86 percent ang hindi nag-aalok ng grade 12.


Dagdag pa ng opisyal, "optional provision" lamang ang pasya na gamitin ang SUCs at LUCs sa SHS program sa ilalim ng transition period subalit may mga eskuwelahan na hindi na nag-alok dahil walang kapasidad na mag-absorb ng mga mag-aaral at kulang ang mga pasilidad. wantta join us? sure, manure...

rpp Speaker Romualdez pinuri pagsulong ng charter change sa Senado


Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang paghahain ng isang resolusyon sa Senado na naglalayong magpatawag ng Constituent Assembly upang magpanukala ng pagbabago sa 1987 Constitution.


“As Speaker of the House of Representatives, I would like to express my unwavering support for the Senate's initiative to file a Resolution of Both Houses of Congress,” ani Speaker Romualdez.


“This resolution using the mode of Constituent Assembly is a decisive step towards amending the 1987 Constitution, particularly in terms of relaxing the economic provisions that currently restrict the entry of foreign direct investments into the Philippines,” pagpapatuloy nito.


Binigyan-diin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan na mabago ang Konstitusyon upang makasabay ang Pilipinas sa pagbabago ng global economic landscape.


Ang pagbabago umano ay kailangan upang maabot ng ekonomiya ng bansa ang buong potensyal nito.


“The move to amend the Constitution through a Constituent Assembly underscores our commitment to a democratic and participatory process. It reflects our collective resolve to address the long-standing barriers that have, to some extent, hindered our nation's progress,” wika pa ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro.


“Moreover, the synergy between the Senate and the House in passing this Resolution will send a strong signal of unity and purpose,” saad pa nito.


Ang hakbang resolusyon na inihain sa Senado ay nakalinya rin umano sa layunin ng mga nagsusulong ng People’s Initiative na mabago ang Saligang Batas.


“Their efforts, born out of a necessity due to previous unsuccessful attempts at amending the Constitution through Congress, highlight the urgent need for these reforms,” sabi pa ni Speaker Romualdez.


“We recognize that amending the Constitution is a significant and sensitive endeavor. It requires not only the collective will of Congress but also the support and understanding of the Filipino people. We are committed to ensuring that this process is transparent, inclusive, and reflective of the aspirations of our citizens,” dagdag pa ng lider ng Kamara.


Handa umano ang Kamara na makipag-usap at makipagtulungan sa bawat isa upang magawa ang mga kinakailangang pagbabago sa Konstitusyon.


“As Speaker, I assure the Filipino people that their voices will be heard and their interests safeguarded as we embark on this journey towards a brighter and more prosperous future for the Philippines,” pagtatapos ni Speaker Romualdez. (END) wantta join us? sure, manure...

medaff PROGRAMANG VOUCHER AT HINDI PAGLALABAS NG MGA MATERYALES SA PAG-AARAL, TINALAKAY NG KOMITE NG KAPULUNGAN

 

Nakipagpulong ngayong Lunes ang Komite ng Basic Education and Culture, sa Kapulungan ng mga Kinatawan na pinamumunuan ni Pasig City Rep. Roman Romulo sa Department of Education (DepEd), at Commission on Higher Education (CHED) upang talakayin ang pagpapatupad ng Senior High School (SHS) Voucher Program sa mga unibersidad, at kolehiyo ng estado (SUCs) at mga lokal na unibersidad at kolehiyo (LUCs). 


Ang pagdinig ay isinagawa matapos 1) Naglabas ang CHED ng isang memorandum na nag-uutos na itigil ang SHS sa SUCs at LUCs, kasunod ng paglipas ng pansamantalang mga probisyon ng Republic Act No. 10533, o ang "Enhanced Basic Education Act of 2013," at 2) naglabas ng abiso ang DepEd na wala nang SHS voucher program para sa mga SUC at LUC simula School Year (SY) 2023-2024, maliban sa mga papasok sa Grade 12. 


Ipinaliwanag ni DepEd Undersecretary Michael Poa na sa kabila ng abiso ng ahensya, mayroong mga SUC at LUC na nagpatuloy sa pagpasok ng mga mag-aaral sa Grade 11. 


Iniulat niya na ipinag-utos ni Bise Presidente at kasalukuyang DepEd Secretary Sara Duterte na ipagpatuloy ang voucher program hanggang sa makapasok sa Grade 12 ang natitirang 17,751 mga mag-aaral ng Grade 11. 


Dagdag pa ni USec. Poa, yaong mga hindi makapasa sa Grade 11 ay diskuwalipikado sa voucher program. Binanggit ni CHED Chairman Prospero De Vera III na may mga SUC at LUC na nagpahayag ng kanilang intensyon na tumulong sa pagpapatupad ng SHS. 


Ayon kay USec. Poa, lilinawin din ng DepEd kung pinahintulutan ng SUCs at LUCs na magkaroon ng laboratory school sa ilalim ng kanilang charters, at maipagpapatuloy ang SHS nang walang voucher program. 


Tiningnan din ng Komite ang umano'y "hostage" ng bilyong pisong halaga ng mga materyales sa pag-aaral ng Transpac Cargo Logistics Incorporated. Iniulat ni USec. Poa na 99.05 prosiyento ng mga materyales na ito ay nahakot na mula sa mga bodega ng Transpac patungo sa mga tanggapan ng dibisyon ng DepEd, at ang natitira ay ihahatid sa loob ng isang linggo. 


Idinagdag niya na 23% ng mga hinatak ay naihatid na sa mga paaralan, at target ng DepEd na makumpleto ang lahat ng paghahatid sa unang kuwarto ng 2024. 


Tinunton ng Komite ang ugat ng mga pagkaantala sa paghahatid, pati na ang iba't ibang ligal na interpretasyon ng DepEd at Transpac sa mga pagbabayad. 


Ipinunto ni ACT Teachers Rep. France Castro na ang House Resolution No. 1516 ay inihain, na nag-uutos sa mga Komite ng Public Accounts at Basic Education and Culture na imbestigahan ang bagay na ito. 


Hiniling ni Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez sa DepEd na isumite ang kanilang kasunduan sa balangkas, at itigil ang mga kontrata sa transaksyong ito, at para sa Transpac na magsumite ng mga dokumento sa pag-bid at pinansiyal na pahayag nito para makatulong sa imbestigasyon. wantta join us? sure, manure...

rpp Speaker Romualdez pinangunahan ang delegasyon ng Pilipinas sa WEF 2024; pamumuhunan, MIF at dagdag na trabaho para sa mga Pilipino, isusulong



Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang delegasyon ng Pilipinas sa World Economic Forum (WEF) Annual Meeting (AM) 2024 sa Davos, Switzerland upang palakasin ang posisyon ng Pilipinas bilang nangungunang investment destination at para ibida ang Maharlika Investment Fund.


“We are committed to leveraging this international platform to escalate the effort of the administration of President Ferdinand R. Marcos, Jr. to promote the Philippines as an attractive and secure investment destination, ultimately benefitting the Filipino people with more jobs and business opportunities,” sabi ni Speaker Romualdez


Noong Oktubre 2023, sumulat si WEF President Borge Brende kay Speaker Romualdez upang imbitahan ito sa pagpupulong na gaganapin ngayong Enero.


Magsasama-sama sa taunang pulong ang mga lider ng iba’t ibang bansa, negosyo—kabilang ang mga pinakamalalaking sovereign fund managers— at civil society upang pag-usapan at hubugin ang mga pang daigdigan, pang-rehiyon at pag-industriyang mga usapin.


“The leaders gathering in Davos would greatly value your insights, especially with the escalating geopolitical and geo-economic challenges present in the region and globally. Your active participation will also help strengthen the Filipino narrative and the country’s global standing in the eyes of the international community, providing rich opportunities for the country,” saad ni Brende.


Inendorso ni Ambassador at Permanent Representative to the World Trade Organization Manuel A.J. Teehankee ang paanyaya, kung saan binanggit din nito ang mahalagang papel ni Speaker Romualdez sa pagkakapasa ng MIF at ang pagpapakilala at paglulunsad ni Pangulong Marcos Jr. dito sa AM 2023.


Ayon kay Tehankee, magbubukas ang AM 2024 ng malaking oportunidad para maipagpatuloy ang magandang nasimulan ni Pang. Marcos sa kaniyang pakikibahagi noong nakaraang taon gayundin ay mapanatili ang interes ng Davos community sa mga oportunidad na mayroon ang Pilipinas bilang isa sa mga bansang may mabilis na paglago ng ekonomiya.


Inaasahan na sa pagdalo ni Speaker Romualdez sa AM2024 ay ibabahagi nito ang mga nailatag na mahahalagang reporma sa lehislatura at ang mga inisyatiba ng administrasyong Marcos para mapaganda ang business climate at posisyon ng Pilipinas bilang kaakit-akit na lugar para paglagakan ng puhunan.


Inaasahan din na magkakaroon ng bilateral meeting si Romualdez sa mga kasaping pinuno ng mga bansa at negosyo.


“We are confident that our engagement with some of the world’s top business leaders and political leaders would generate significant interest and recognition of our Maharlika Investment Fund as a compelling platform for direct foreign investments. This, in turn, can contribute significantly to the country’s economic growth and job creation for our people,” ani Romualdez.


“We also hope to learn from the best practices of the world’s leading sovereign wealth fund and utilize such valuable inputs to ensure the growth and success of our own Maharlika Investment Fund,” sabi pa niya.


Dagdag pa ng House Speaker, ang WEF ay isang magandang pagkakataon para palakasin ang istratehikong pakikipag-ugnayan sa mga lider ng iba’t ibang bansa at magkaroon ng kolaborasyon para mapa-unlad pa ang ekonomiya at kakayanang makipag kumpitensya ng Pilipinas. (END) wantta join us? sure, manure...

rpp Speaker Romualdez pinuri pagsulong ng charter change sa Senado


Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang paghahain ng isang resolusyon sa Senado na naglalayong magpatawag ng Constituent Assembly upang magpanukala ng pagbabago sa 1987 Constitution.


“As Speaker of the House of Representatives, I would like to express my unwavering support for the Senate's initiative to file a Resolution of Both Houses of Congress,” ani Speaker Romualdez.


“This resolution using the mode of Constituent Assembly is a decisive step towards amending the 1987 Constitution, particularly in terms of relaxing the economic provisions that currently restrict the entry of foreign direct investments into the Philippines,” pagpapatuloy nito.


Binigyan-diin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan na mabago ang Konstitusyon upang makasabay ang Pilipinas sa pagbabago ng global economic landscape.


Ang pagbabago umano ay kailangan upang maabot ng ekonomiya ng bansa ang buong potensyal nito.


“The move to amend the Constitution through a Constituent Assembly underscores our commitment to a democratic and participatory process. It reflects our collective resolve to address the long-standing barriers that have, to some extent, hindered our nation's progress,” wika pa ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro.


“Moreover, the synergy between the Senate and the House in passing this Resolution will send a strong signal of unity and purpose,” saad pa nito.


Ang hakbang resolusyon na inihain sa Senado ay nakalinya rin umano sa layunin ng mga nagsusulong ng People’s Initiative na mabago ang Saligang Batas.


“Their efforts, born out of a necessity due to previous unsuccessful attempts at amending the Constitution through Congress, highlight the urgent need for these reforms,” sabi pa ni Speaker Romualdez.


“We recognize that amending the Constitution is a significant and sensitive endeavor. It requires not only the collective will of Congress but also the support and understanding of the Filipino people. We are committed to ensuring that this process is transparent, inclusive, and reflective of the aspirations of our citizens,” dagdag pa ng lider ng Kamara.


Handa umano ang Kamara na makipag-usap at makipagtulungan sa bawat isa upang magawa ang mga kinakailangang pagbabago sa Konstitusyon.


“As Speaker, I assure the Filipino people that their voices will be heard and their interests safeguarded as we embark on this journey towards a brighter and more prosperous future for the Philippines,” pagtatapos ni Speaker Romualdez. (END)

wantta join us? sure, manure...

hajji Buo ang suporta ni House Speaker Martin Romualdez sa inisyatiba ng Senado matapos ihain ang Resolution of Both Houses of Congress na gagamit ng Constituent Assembly tungo sa pag-amiyenda ang 1987 Constitution.


Ayon kay Romualdez, mahalagang hakbang ang resolusyon partikular sa layunin na luwagan ang economic provisions na nagpapatupad ng restrictions sa pagpasok ng foreign direct investments sa bansa.


Napapanahon na aniyang ihanay ang constitutional framework sa nagbabagong global economic landscape upang matamasa ang paglago ng ekonomiya sa tulong ng competitive at inklusibong economic environment.


Paliwanag ni Romualdez, ang pag-amiyenda sa Konstitusyon sa paraang Con-Ass ay pagpapakita ng commitment sa democratic at participatory process na sumasalamin sa kagustuhang resolbahin na ang mga isyu at hadlang sa kaunlaran.




Naniniwala rin ang House leader na ang pagtutulungan ng Senado at Kamara ay matibay na senyales ng pagkakaisa at maihahanay sa isinusulong na People's Initiative.


Naging agaran umano ang pangangailangan para sa reporma dahil sa pagkilos na hindi nagtatagumpay sa nakaraan kasabay ng pagkillala nito na sensitibong isyu ang constitutional amendments.


Samantala, pinagtibay ni Romualdez ang commitment na titiyaking transparent, inklusibo at alinsunod sa pagnanais ng taumbayan ang proseso at ang lahat ng tinig at interes ay poprotektahan at pakikinggan.

wantta join us? sure, manure...

rpp Kompanyang hindi nagbibigay ng discount sa PWD, senior citizens pinaiimbestigahan ni Speaker Romualdez


Inatasan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga angkop na komite ng Kamara de Representantes upang imbestigahan, para makalikha ng kailangang batas ang hindi umano pagbibigay ng discount sa mga senior citizen at persons with disabilities (PWDs) ng ilang kompanya.


Ipinatawag ni Speaker Romualdez ang motu proprio investigation dahil sa mga natanggap nitong ulat kaugnay ng paglabag umano sa Republic Act (RA) No. 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010 at R.A. 10754 o ang Act Expanding the Benefits and Privileges of PWDs, which provides benefits for seniors and PWDs.


"Laws granting benefits to our senior citizens and PWDs should be strictly followed and implemented. And if there are several instances of the improper grant of these privileges and benefits, it becomes the common practice. So it cannot remain unchecked,” ani Speaker Romualdez.


“This is what we hope to achieve in this investigation, to clarify the law and correct all their misconceptions and wrong implementation. Madaming tanong ang ating mga senior citizen at PWDs, bibigyan natin sila ng pagkakataon kapag nagsimula na ang pagdinig sa Kongreso,” pagpapatuloy nito.


Isa umanong posibleng paglabag ang ginagawa ng isang sikat na coffee shop chain na nililimita ang 20 porsyentong discount at 12 porsyentong value added tax exemption sa isang food item at isang drink ng senior at PWD.


Kamakailan ay naghain ng dalawang kaso ang Pasig City Prosecutors Office laban sa dalawang opisyal ng isang hotel sa Pasig na tumanggi umanong magbigay ng 20 porsyentong discount sa isang senior citizen.


Ang mga opisyal ng hotel ay sinampahan ng kasong paglabag sa Section 4 (a)(7) ng Republic Act 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010 t Article 116 ng Republic Act 7394 o ang Consumer Act of the Philippines. 


“Flagrant violations of the laws that grant benefits to our senior citizens and PWDs are trending topics on social media these past few months. It is high time that the House of Representatives review the implementation of these laws and find out if business establishments are complying with every provision,” Speaker sabi ni Speaker Romualdez.


“Until our probe is completed, we urge local authorities and government agencies to step up and ensure the proper and effective implementation of discounts granted to seniors and PWDs across businesses and service providers in the country,” dagdag pa nito.


Si Speaker Romualdez ang pangunahing may-akda ng R.A. 10754 o ang Act Expanding the Benefits and Privileges of PWDs. 


Naisabatas ito noong 2016 at binibigyan ng exemption ang mahigit 1.9 milyong PWD sa pagbabayad ng 12 porsyentong VAT sa ilang piling produkto at serbisyo bukod pa sa 20 porsyentong discount na ibinibigay sa ilalim ng R.A. 9442 o ang batas na nag-amyenda at nagpalawak sa saklaw ng R.A. 7277 o ang Magna Carta for Disabled Persons.


Nanawagan din si Speaker Romualdez sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Council on Disability Affairs (NCDA) na magbigay ng update sa publiko at sa Kongreso kaugnay ng pagpapatupad ng bats.


“Napakahalaga na masiguro ng DSWD at ng NCDA na may compliance sa ating mga batas. At para naman sa ating panukalang imbestigasyon, importante ito sa performance ng ating oversight functions na siguruhin ang tamang implementasyon ng mga batas. Bahagi ito ng ating checks and balances,” saad pa ni Speaker Romualdez.


“I believe that discounts granted to senior citizens and PWDs should not be limited in any way, for as long as they are for their use and personal consumption. Of course, we should also prevent the abuse of these benefits and privileges. Lahat ng ito ay titingnan natin sa ating imbestigasyon,” dagdag pa nito.


Bukod kay Speaker Romualdez, kasama sa may0akda ng R.A. 10754 sina Sen. Sonny Angara, at dating Sen. Ralph Recto, na itinalaga bilang kalihim ng Department of Finance kamakailan. (END)

wantta join us? sure, manure...

kath Ilang tugon ang inilatag ng Department of Energy upang masiguro na hindi na maulit ang malawakang kawalan ng kuryente sa Panay Island lalo na sa susunod na tatlong buwan.


Sa imbestigasyon ng House Committee on Energy sa Panay Island blackout, sinabi ni DOE Undersecretary Rowena Guevarra na mahalagang makapaglatag ng agarang solusyon para matiyak ang katatagan ng suplay ng kuryete sa Panay habang tinataposan Cebu-Negros Panay backbone project.


Isa na rito ang paglilinaw sa susunding protocol ng NGCP pagdating sa emergency situation ng mga planta.


Batay kasi sa Philippine Grid Code, obligasyon ng NGCP na abisuhan ang ERC kapag may malakihang insidente.


Ngunit hindi ito nagawa ng NGCP dahil para sa kanilang pagtaya, kahit pumalya ang Panay Energy Development Corporation o PEDC Unit 1 ay normal pa rin ang voltage at frequency nito.


“As mentioned by NGCP, we need to enhance the SO protocol for supply-demand balance  and triggers for emergency situation. Linawin talaga natin kelan ba emergency na.” pagbabahagi ng opisyal


Kasabay nito sinabi ni Guevarra na sa January 26 ay maaari nang kunin ng Panay sa reserve market ang kakulangan nila sa ancillary reserve.


“Until CNP3 is up and running, there is still a danger that that same situation will happen to Panay. So our recommendation is the full implementation of the reserve market. Yung kakulangan nila ng ancilliary services, by January 26 of this year  pwede na nilang kunin  sa reserve market.” Ani Guevarra


Palalakasin din aniya nila ang Capacity Market ng Panay at Negros.


Mungkahi rin ng DOE na maglagay ng headroom sa generating capacity.


“Consideder having a headroom for Panay Generators. Imbes na 100%  sila mag-operate,  ibaba natin sa 85% para pagka biglang may bumagsak na planta  may sasagot pa rin n akonting capacity.” Sabi ba ng Energy undersecretary.


Ngunit pinakamahalaga pa rin ani Guevarra na matapos on time ang CNP 3 project.


##

wantta join us? sure, manure...