Maayos na pinamamahalaan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bansa, na pinatutunayan ng mas mataas sa di-inaasahan na paglago sa unang tatlong buwan ng 2023, ito ay ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ngayong Biyernes.
Sinabi niya ito bilang reaksyon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na lumago ang ekonomiya ng 6.4 porsyento sa unang tatlong buwan ng kasalukuyang taon.
Tiniyak ng pinuno ng Kapulungan ang mga mamamayan na ang ekonomiya ay nananatiling nasa landas ng paglago.
Upang maintidihan ang konteksto ng 6.4 porsyentong paglago sa unang tatlong buwan ayon sa datos ng PSA, sinabi ni Speaker Romualdez na ang ekonomiya ay lumago ng 7.6 porsyento sa third quarter at 7.2 porsyento sa fourth quarter ng 2022, nang magsimulang muling magbukas at bumawi ang ekonomiya mula sa pandemyang dulot ng Covid-19.
Ipinunto niya na ang mataas na paglago sa mga quarters ng 2022 at sa unang tatlong buwan ngayong taon ay ang unang siyam na buwan ng administrasyong Marcos.
“The average economic expansion during that period is 7.07 percent, which is a respectable growth rate that is slightly higher than the median of last year’s growth target of 6.5 percent and 7.5 percent. So the economy is in good hands,” giit niya.
Binanggit ni Speaker na ang 6.4 porsyentong paglago sa unang tatlong buwan ay halos nasa kalagitnaan ng taon ng hangaring paglago sa 6 na porsyento hanggang 7 porsyento.
“So our first quarter growth rate is within target,” aniya.
Sinabi ng pinuno ng Kapulungan na ang Pilipinas “was the star economic performer in the first quarter among ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) members, plus China and India.”
Ayon kay National Economic and Development Authority Director General Arsenio Balisacan, nilampasan ng bansa ang Indonesia (5 porsyento), Tsina (4.5 na porsyento) at Vietnam (3.3 na porsyento).
Ang antas ng paglago ng Pilipinas ay mas mataas rin sa mga unang tatlong buwang forecasts ng paglago sa Malaysia (4.9 na porsyento), India (4.6 na porsyento) at Thailand (2.8 na porsyento).
Sinabi ni Speaker Romualdez na inaasahan ng pamahalaang nasyonal ang bilis ng paggasta, lalo na sa imprastraktura at social services.
“The government will be the lead driver of economic activities and job and income generation,” aniya. #
INSIDENTE NG POWER SHUTDOWN SA NAIA AT KAWALAN NG DRIVER’S LICENSE ID CARD, INIMBESTIGAHAN NG LUPON NG TRANSPORTASYON
Nagsagawa ng motu propio na imbestigasyon ngayong Huwebes ang Komite ng Transportasyon sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Rep. Romeo Acop (2nd District, Antipolo City) sa insidente ng power shutdown incident, na naging sanhi ng mga kanselasyon ng mga flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong ika-1 ng Mayo 2023.
Inilarawan ni Rep. Acop ang insidente na nakakabahala, at binanggit ang katulad na pangyayari ng brownout noong Bagong Taon na dapat ay nagsilbing babala.
Sinamantala ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Roberto Lim ang pormal na paghingi ng paumanhin sa mga Myiembro ng Kapulungan, mga pasahero, at mga stakeholders sa abalang idinulot sa kanila ng power shutdown.
Isinalaysay ni Manila International Airport Authority (MIAA) Acting General Manager (AGM) Bryan ang mga naging kaganapan noong Labor Day, na nagresulta sa kanselasyon ng mga 24 round trip domestic flights ng Cebu Pacific, na nakaapekto sa 9,391 pasahero.
Ibinahagi ni AGM Co na noong ika-3 ng Mayo, nagpulong ang MIAA sa Meralco, upang magsagawa ng pisikal na inspeksyon sa mga sistema ng kuryente at pagtaya sa mga malalapit na substations at generator systems.
Ayon kay AGM Co, ang MIAA, bilang bahagi ng kanilang long-term plans, ay magdidisenyo ng isang road map na magbibigay proteksyon sa mga paulit-ulit at pagtitiyak ng tuloy-tuloy, matatag at maayos na operasyon sa paliparan.
Ang kakulangan naman sa plastic ID cards para sa driver's licenses (DLs) ay tinalakay rin sa pagdinig, na ipinapaliwanag ni Rep. Acop na nais ng mga mambabatas na makahanap ng mga pamamaraang makakalunas sa pagtugon sa anumang puwang sa mga polisiya sa proseso ng procurement ng Land Transportation Office (LTO).
Iniulat ni LTO Assistant Secretary Jose Arturo Tugade na ang ahensya ay muling naglalaan ng kanilang mga available supply ng DL cards para matugunan ang kakulangan.
Idinagdag niya na ang LTO, pansamantala, ay nagpapahintulot sa paggamit ng mga official receipt (OR) bilang mga pansamantalang lisensya, na maaaring nasa digital format.
Ikinalat rin ng LTO ang impormasyon sa lahat ng LTO law enforcement offices at LTO-deputized agents upang matiyak na ang OR ay kinikilala bilang lisensya sa pagmamaneho.
Idinagdag rin ni Asec. Tugade na ang mga DLs na natapos ang bisa noong Abril 2023 ay palalawigin hanggang ika-31 ng Oktubre 2023. Tiniyak niya rin ang Kongreso na itataas ng LTO ang bilang ng mga pasobrang DL cards sa mga susunod na taon, upang maiwasang maulit ang pangyayari sa kakulangan ng cards sa hinaharap.
TIMOR-LESTE, PINURI NI SPEAKER ROMUALDEZ SA PAGTANGGING BIGYAN NG ASYLUM SI TEVES
Pinuri ngayong Miyerkules ng gabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pamahalaan ng Timor-Leste, matapos tanggihan ang hiling ni Negros Oriental Rep. Arnolfo "Arnie" Teves Jr. ng political asylum sa bansa, at sinabing tama lamang ang kanilang naging pasya.
Dahil sa pagtanggi, muling nanawagan si Speaker Romualdez kay Teves na umuwi na lamang sa Pilipinas, bawiin ang kanyang suspensyon sa Kapulungan ng mga Kinatawan at harapin ang mga akusasyon laban sa kanya, na may kaugnayan sa brutal na pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo nitong Marso ngayong taon.
“Sana naman umuwi na si Cong. Arnie Teves para magiging moot na ‘yung suspension at gusto talaga nating bumalik siya at humarap talaga sa mga charges sa kanya,” ani Speaker Romualdez.
“Na-deny na yung political asylum nya, dapat talaga bumalik at kung hindi, there may be another Ethics (Committee) recommendation for further sanctions against Cong. Teves,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.
Kasalukuyan siyang nasa Indonesia bilang bahagi ng delegasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa idinaraos na summit ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Ang Timor-Leste ay tagamasid na bansa sa ASEAN.
Sa pagtanggi sa hiling, sinabi ni Romualdez na ang Timor-Leste ay isang “on solid ground” sa kanilang pasya na tanggihan ang hiling ni Teves, at sinabing maaaring pasalamatan ni Pangulong Marcos Jr. ang mga pinuno ng dayuhang bansa.
“I wouldn’t be surprised if he would just acknowledge and thank the Timor-Leste leader for the action taken by his government because that is the right course of action … President Marcos is one who is very, very respectful of protocol and processes, due process,” ayon sa mambabatas mula sa Leyte.
"Obviously it has come to the knowledge of the government of Timor-Leste that there are indeed pending charges and more allegations...they are aware that when he (Teves) left the country that these weren’t apparent," dagdag pa niya.
Si Teves ay sinuspindi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng 60 araw, katapusan ng Marso, dahil sa kanyang kabiguan na bumalik sa bansa para harapin ang Ethics Committee sa kabila ng pagtatapos ng kanyang travel authority.
Ayon kay Romualdez, bilang suspindidong mambabatas, maging ang mga pribilehiyo at immunities ni Teves ay suspindido rin, at hindi maaaring magamit para iwasan ang akusasyon laban sa kanya.
"Right now ay suspendido siya ngayon, wala siyang rights or mga privileges sa Kongreso. The rights, privileges and immunities of a congressman are for the discharge of the legislative functions that he has, to make sure that he can perform as a legislator in the service of his constituents,” ani Romualdez.
“Those rights, those privileges and those immunities are not meant for congressmen to use it to evade or to avoid justice," pagtatapos niya. #
MGA MAMAMAYAN, MAKIKINABANG SA ASEAN SUMMIT SA PAMAMAGITAN NG MAS MARAMING KALAKALAN, PAMUHUNAN, OPORTUNIDAD SA KABUHAYAN AT MATATAG NA PRESYO
Inihayag ngayong Miyerkules ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na ang idinaraos na summit ng mga pinuno ng ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) sa Indonesia ay pakikinabangan ng sambayanang Pilipino, sa pamamagitan ng mas maraming kalakalan, pamuhunan at mga oportunidad sa kabuhayan.
Sinabi niya na ang libreng daloy ng mga produkto tulad ng bigas sa mga bansa sa ASEAN ay magreresulta sa matatag na presyo, at maaaring malawakang bumaba pa sa mga bansang kasapi nito.
“Itong ASEAN summit ay napakaganda. Malaking tulong ito sa sambayanang Pilipino, kasi ang pinag-uusapan dito ay yung common interests na kagaya ng trade, investments, at yung pagkalapit ng mga bansa,” ito ang kanyang sinabi sa mga mamamahayag sa Labuan, Bajo, Indonesia.
Si Speaker ay bahagi ng delegasyon ni Pangulong President Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos Jr.
Upang ipamalas ang kapaki-pakinabang na epekto ng kumperensya ng mga ASEAN-member nations, binanggit ng pinuno ng Kapulungan ang pulong sa pagitan nina Pangulong Marcos at Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim.
Sinabi ng Speaker na inanyayahan ng pinuno ng Malaysia ang kanyang counterpart sa Pilipinas, at kanilang tinalakay ang hinggil sa pagpapalakas ng kalakalan sa pagitan ng kanilang mga bansa.
“Yan ang isang ehemplo kung pano makikinabang ang taong bayan, kasi with more invetments coming from Malaysia, more trade, magkakaroon tayo ng livelihood, trabaho at saka syempre yung kapital na maidagdag sa ating ekonomiya,” aniya.
Sinabi niya na ang pinaigting na ugnayan sa pagitan ng Malaysia at Pilipinas ay magkakaroon rin ng positibong epekto sa proseso ng kapayapaan sa Mindanao.
“Kinakamusta ni Prime Minister Anwar ang ating mga kapatid sa BARMM sa south, at masaya naman si President Marcos na meron namang progress at saka gusto rin nila ipaunlad yung region,” dagdag niya.
Isiniwalat rin niya ang bilateral talks sa Laos, ang susunod na host ng ASEAN summit, at Vietnam ay naganap rin.
“We have also trade relations with them. Kagaya dito sa ating pag-import ng food items and other vital commodities na kailangan ng ating mga taong bayan gaya ng bigas at other commodities na magpapababa ng presyo ng mga materials kagaya ng bakal, semento and the like,” ayon kay Speaker.
Ang Pilipinas ay umaangkat ng bigas sa Vietnam at Thailand.
“So this summit is very important, na itong ating relations (with other ASEAN nations) ay naging mas matibay at lumalakas, at yung understanding and cooperation for peace, stability and security within the region,” pagbibigay-diin pa ng pinuno ng Kapulungan. #
Xxxxxxxc
Aminado si House Speaker Martin Romualdez na posibleng mapag-usapan sa nakatakdang bilateral meeting ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr at Timor Leste prime minister Taur Matan Ruak, ang tangkang paghingi ng asylum ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr.
Sa panayam ng media kay Romualdez sa ASEAN Summit, sinabi nito na alam na ng pangulo ang pag-hingi ng asylum ni Teves sa Timor Leste na hindi naman napag-bigyan.
Kung matatandaan mula nang bumiyahe pa-Amerika si Teves noong Pebrero ay hindi pa rin ito umuuwi ng bansa kahit paso na ang travel authority na ibinigay sa kaniya, dahilan para patawan siya ng 60 day suspension ng Kamara.
Malabong naman aniyang hingin ni PBBM sa Timor Leste na isuko si Teves sa Pilipinas dahil wala rin namang extradition treaty sa pagitan ng dalawang bansa
“I think it’s not about the Timor Leste leader handing him over rather just observing that 5 day period because I don’t believe we have an extradition treaty per se that we can invoke. So they’ve done something very good which is to deny the request for political asylum and gave him a period of five days within which to leave the country.” saad ng House leader.
Handa namang pasalamatan ng House leader ang Timor Leste sa tugon nito sa naturang asylum application ni Teves
Naniniwala kasi si Romualdez na imbes na magtago sa ibang bansa ay dapat talagang umuwi na lamang si Teves at harapin ang anomang alegasyong ibinabato sa kanya.
"So maayos talaga ang ginawa ng Timor Leste. They are on solid ground…Put is this way, I will thank him. It will not have to be necessarily the President. Ako as the Speaker, I will thank him because it’s been my position that Cong. Arnie Teves should come home and he should not be using the rights, immunities and privileges of a congressman to avoid or evade the wheels of justice or the long arm of the law so to speak” ani Romualdez.
#######
PAGTALAKAY SA PANUKALANG MAGBIBIGAY NG INSENTIBO SA PAGSUSULONG NG MGA PASILIDAD NG RENEWABLE NA ENERHIYA, IPINAGPATULOY NG KOMITE SA KAPULUNGAN
Nagpulong ngayong Huwebes ang Komite ng Enerhiya sa Kapulungan ng mga Kinatawan upang ipagpatuloy ang deliberasyon sa House Bill 295, na iniakda ni Bacolod City Rep. Greg Gasataya, na naglalayong magbigay ng mga insentibo para sa pagtatayo, pagpapatakbo at pagpapaunlad ng mga pasilidad ng Renewable Energy (RE).
Pinangunahan ni Komite vice-chairperson at LPGMA Rep. Allan Ty ang pagpupulong.
Ipinaliwanag ni Rep. Gasataya na layon ng panukalang batas na magbigay ng daan at hikayatin ang mga gustong mamuhunan sa renewable energy.
Idinagdag niya na ginawa niyang prayoridad ang paghahain ng panukalang batas dahil makakatulong ang panukala na matugunan ang mga alalahanin sa suplay ng kuryente ng bansa.
Ipinagpatuloy din ng Komite ang mga talakayan nito sa House Resolution 475, na naghahangad ng pagsisiyasat sa mataas na singil ng kuryente, at madalas na pagkawala ng kuryente sa lahat ng lugar na sineserbisyuhan ng Central Negros Cooperative, Inc. (CENECO).
Ang pagsisiyasat ay batay sa House Resolution 475, na iniakda din ni Rep. Gasataya.
Hiniling ni dating mambabatas at ngayo'y Bacolod City Mayor Albee Benitez sa CENECO na ipaliwanag ang dahilan ng pasulput-sulpot na pagkawala ng kuryente at pagkagambala ng kuryente kamakailan sa mga isla ng Negros Occidental, Panay at Guimaras.
Ipinaliwanag ni CENECO Acting General Manager Arnel Lapore na nabigong tugunan ng mga pasilidad ng transmisyon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang insidente.
“We maintain that it's the failure of the device that is supposed to operate and respond to the interruption within the line of Panay and Negros," aniya. Inutusan ni Rep. Ty ang NGCP na magsumite ng ulat kung ano talaga ang naganap na humantong sa pagkagambala ng kuryente sa Panay Island noong ika-27 ng Abril 27 hanggang 29, 2023.
Hinimok ni Rep. Gasataya ang NGCP na magsumite ng ulat sa dahilan kung bakit gumagamit ang planta ng kuryente ng ibang indeks sa pagkalkula ng halaga na kuryente na nagreresulta sa mataas na singil sa kuryente.
Kinakailangan din ng ERC na magsumite ng mga dokumentong naglalaman ng polisiya na nag-uutos sa mga planta na magsumite ng mga dokumento sa pag-angkat ng langis.
Ang Komite ng Enerhiya ay pinamumunuan ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.
ULAT NG KOMITE SA SUBSTITUTE BILL NA LAYONG ISULONG ANG PAGRESTRAKTURA NG PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP), INAPRUBAHAN NG KOMITE
Inaprubahan ngayong Martes ng Komite ng Public Order at Safety ng Kapulungan ng mga Kinatawan na pinamumunuan ni Rep. Dan Fernandez ang ulat ng komite sa substitute bill, mula sa mga panukala na naglalayong i-restructure ang Philippine National Police (PNP), partikular ang House Joint Resolution No. 11 (HJR 11) na inihain ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Majority Leader Manuel Jose Dalipe, at House Bill (HB) 5229 ni Rep. Sancho Fernando Oaminal. Ang inaprubahang ulat ng Komite ay isusumite sa Plenaryo para sa karagdagang talakayan.
Ayon kay Speaker Romualdez at Majority Leader Dalipe, “there is a need for the PNP to adopt a structure to address emerging threats and the impact of globalization or advancing technology … (for the organization) to be responsive to the current challenges of law enforcement, such as kidnapping, human trafficking, terrorism, cyber-crimes, illegal drugs, and other public safety concerns such as effective humanitarian assistance and disaster response.
”Para kay Rep. Oaminal, “the PNP Reorganization Program is relevant to transform the PNP into a community-and-service-oriented agency that can competently perform its sworn duty, geared to assist other governmental agencies in achieving national growth and security,” aniya.
Pinasalamatan ni PNP Chief PGen Benjamin Acorda Jr. ang Komite sa paglalahad ng committee report sa substitute bill sa HJR 11 at HB 5229. Nagpahayag siya ng suporta sa dynamic at innovative na panukalang batas para mapabuti ang PNP.
Tinalakay din ng Komite ang mga HBs 3853, 4708, 6202, 6312 at 7602, na naglalayong gawing pamantayan ang paglalagay ng mga body camera para sa lahat ng mga opisyal na alagad ng batas, na magpapatupad ng batas at mga espesyal na operasyon ng pulisya, ito rin ay upang hadlangan ang pang-aabuso at isang paraan din ng proteksyon para sa mga alagad ng batas, laban sa mga walang basehang akusasyon ng pang-aabuso sa awtoridad at paglabag sa karapatang pantao.
Hinimok ni Rep. Bryan Raymund Yamsuan (Party-list, BICOL SARO) na ang pagsasanay ng mga tauhan ng PNP na may tungkulin sa teknolohiya sa mga body camera, loading docks, at imbakan nito ay dapat mapag-buti at isama sa badyet ng PNP.
Inalam ni Rep.Joseph Stephen Paduano (Party-list, ABANG LINGKOD) kung ilang units at kung magkano ang body cams, at ang bilang ng mga tauhan na ilalabas na kasama ng PNP sa panukalang badyet nito para sa fiscal year 2024.
Ayon sa ulat, ang 228,000-strong PNP ay mayroon lamang 2,696 units ng body cameras na magagamit. Iminungkahi ni Rep. Jorge “PATROL” Bustos (Party-list, PATROL) na ang Tactical Operating Units lamang ang bibigyan ng mga body camera.
Sinabi ni NAPOLCOM Commissioner Edilberto Leonardo na sinusuportahan ng ahensya ang mga isinusulong na panukala na nag-uutos sa paggamit ng mga body camera.
Tinanong ni Rep Romeo Acop si dating Region 4A PNP Regional Director PBGen Jose Melencio Nartates Jr. kung ilang body camera ang ibinahagi sa mga opisyal ng PNP Regional Office 4A sa kanyang command.
Si Rep. Acop ang naghain ng House Resolution (HR) 776, na humihimok sa House Committee on Dangerous Drugs na magsagawa ng imbestigasyon bilang tulong sa batas sa paglaganap ng illegal buy bust operations na kinasasangkutan ng mga opisyal ng PNP Regional Office 4A. “to put a stop to these unlawful activities that involve the circulation of dangerous drugs and illegal buy-bust operations leading to unlawful arrests.”
Sinabi ni Gen.Nartates na 288 units ang inisyu sa pulisya sa Regional Office 4A. Ikinagulat ng mga mambabatas ang mataas na presyo ng isang unit ng body camera na nasa P107,000.
Ani Rep. Acop, anumang batas na nag-uutos sa paggamit ng mga body camera ay maaaring hindi maipatupad dahil sa limitadong badyet ng PNP.
Sumang-ayon ang Komite na ipag-patuloy ang pagkakaroon ng mga karagdagang talakayan sa mga panukala hinggil sa mga body camera sa House Sub Committee on Police Operations na pinamumunuan ni Rep. Ching Bernos (Lone District, Abra).
Xxxxxxx
Nakikiisa ang mga mambabatas sa panawagan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez para sa maipasa ang mga mahahalagang panukalang batas na kabilang sa mga priority bills ng Marcos administration.
Ayon kay Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio Gonzales, umaasa siya na mapagtitibay nila sa maiksing panahon ang mga proposed measure na ito bago ang annual mandatory adjournment ng kongreso.
Tiniyak ni Gonzales na suportado ng mga House party leaders ang naging apela ng House Speaker.
Sinabi naman ni Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co na layon ng mga panukalang batas na ito na mailapit bawat pamilyang Pilipino ang serbisyo ng pamahalaan.
Sinabi naman ni Surigao Del Norte 2nd District Cong. Robert Ace Barbers, na nararapat lamang na suportahan ang mga isinusulong na proposed measures dahil direktang makikinabang dito ang taumbayan, partikular na ang mga mahihirap.
Una nang pinulong kahapon ni Speaker Romualdez ang lahat ng House party leaders upang masiguro na matututukan ng kamara sa nalalabing apat na linggo ang mga panukalang batas na ito bago ang matapos ang 1st regular session ng 19th congress.
Xxxxxxx
Early voting para sa seniors, PWD pasado na sa Kamara
Aprubado na sa Kamara de Representantes ang panukala para makaboto ng mas maaga ang mga senior citizens, persons with disabilities (PWDs), abugado, at human resources for health.
Ang House Bill 7576 ay nakatanggap ng 259 boto. Walang tumutol dito.
Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagpasa ng panukala.
“By default, senior citizens and PWDs encounter more difficulty in the electoral process. They deserve more assistance in the language of the law and HB No.7576 provides them with this in the form of voting early and separate from the vast majority of Filipinos,” sabi ni Romualdez.
"On the other hand, our lawyers and human resource for health perform duties of great urgency and impact on other citizens. As such, the benefit of early voting for them is both deserved and called for,” dagdag pa nito.
Sa ilalim ng panukala, magsasagawa ng registration ang Commission on Elections (Comelec) para sa mga senior citizen, PWD, abugado, at HR na nais na makaboto ng mas maaga.
Ang mga hindi magrerehistro ay maaaring bumoto sa mismong araw ng halalan. (Billy Begas)
Xxxxxxx
Pasado na sa Kamara de Representantes ang panukalang pagtatayo ng specialized care centers sa mga ospital na pinatatakbo ng Department of Health (DOH).
Sa sesyon ngayong Lunes, walang tumutol sa pag-apruba sa panukalang DOH Specialty Centers Act (House Bill 7751). Nakakuha ito ng 257 boto.
Ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez, isa sa may-akda ng panukala, layunin ng HB 7751 na mas madaling mapuntahan ang mga center na mayroong espesyalisasyon sa iba’t ibang karamdaman.
“We have specialty hospitals built during the time of the father of President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., President Ferdinand Marcos Sr., but all of these are in Quezon City. So our people in the regions and in Visayas and Mindanao who need the services of these health facilities will have to travel all the way to Quezon City to avail of their services,” sabi ni Romualdez.
Ang tinutukoy ng lider ng Kamara ay ang Philippine Heart Center, National Kidney and Transplant Institute, Lung Center of the Philippines, Philippine Children’s Medical Center, at Philippine Orthopedic Hospital na lahat ay nasa Quezon City.
“So we need more specialty centers, not necessarily rising to the level of a hospital, like those in Quezon City to treat and care for our people requiring specialized health care in the provinces,” dagdag pa ni Romualdez.
Sa ilalim ng panukala, matatayo ng kahit na isang specialty center sa bawat rehiyon sa loob ng limang taon mula sa pagsasabatas ng panukala.
Ang mga kasalukuyang specialty hospitals ay inaatasan na tumulong sa pagtatayo ng mga center. (Billy Begas)
Xxxxxx
Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na magbibigay ng P1 milyong cash gift sa mga Pilipino na aabot sa 101 taong gulang.
Aamyendahan ng House Bill 7535 ang Centenarian law (Republic Act 10868). Nakatanggap ito ng 257 pabor boto at walang tumutol sa pag-apruba nito.
Sa ilalim ng panukala bibigyan ng P1 milyon ang mga Pilipino na umabot sa 101 taong gulang nasa Pilipinas man o nasa ibang bansa.
Ang aabot naman sa edad 80 at 85 ((octogenarians), 90 at 95 (nonagenarians) ay bibigyan naman ng tig-P25,000. Sila ay bibigyan din ng sulat mula sa Office of the President.
“With this legislation, the House of Representatives would like to honor our countrymen for their years of service to the country and for their discipline in ensuring that they live a long, healthy and fruitful life,” sabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Ang National Commission of Senior Citizens ang inaatasan na magpatupad ng panukala kapag ito ay naisabatas.
Sa isang pagdinig sa Kamara noong nakaraang taon, sinabi ng noon ay Department of Social Welfare and Development Sec. Erwin Tulfo na mayroong 662 Filipino centenarian sa bansa. (Billy Begas)
Xxxxxx
Speaker Romualdez says IMF Mission Members impressed with PH economic performance, pro-poor policies
Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez on Friday said an International Monetary Fund (IMF) delegation was impressed by the economic performance of the Philippines and government policies meant to ensure sustained economic growth would benefit ordinary Filipinos.
The Speaker met with the IMF Mission Members where he briefed them on the pro-poor reforms being implemented by the administration of President Ferdinand R. Marcos, Jr. to ensure that no one will be left behind in the country’s post-pandemic economic recovery.
The IMF was represented by Mission Chief Jay Peiris; Resident Representative Ragnar Gudmundsson; Senior Economist Yinqiu Lu; and Economist Tristan Hennig.
“From our discussions, I could confidently say that the IMF Mission Members were impressed with the Philippines' economic performance and the government's economic agenda. They expressed confidence that the Philippines will continue to grow strongly in the years ahead,” he added.
Speaker Romualdez cited the comment of Mission Chief Peiris who said: “Everything going in the right direction. Philippine economy is solid, though the country should be ready to respond for any shock.”
The Speaker was joined in the meeting by Rep. Stella Quimbo and House Secretary General Reginald Velasco.
IMF keeps a regular policy dialogue with the governments of its member countries. It assesses economic conditions and recommends policies that enable sustainable growth. The IMF also monitors regional and global economic and financial developments.
“I am grateful to the IMF Mission Members for their visit and I look forward to a more insightful and productive collaboration with them in the future,” Speaker Romualdez said.
The meeting between Speaker Romualdez and the IMF delegation came barely a day after the National Economic Development Authority (NEDA) announced a higher-than-expected growth of 6.4 percent in the first quarter of 2023.
According to NEDA Chief, Director General Arsenio Balisacan, the country outperformed Indonesia (5 percent), China (4.5 percent) and Vietnam (3.3 percent).
The Philippine growth rate was also higher than first-quarter expansion forecasts for Malaysia (4.9 percent), India (4.6 percent) and Thailand (2.8 percent). (END)
Xxxxxx
Maituturing umanong mensahe sa Senado ang ginawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagsama sa panukalang Maharlika Investment Fund (MIF) sa prayoridad na maisabatas ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).
Ito ang sinabi ni House Minority Leader Marcelino Libanan sa panayam matapos ang flag-raising ceremony sa Kamara de Representantes ngayong Lunes.
“Sa tingin ko po ay tama po yun (message to the Senate). Sa ngayon, ipinaabot na sa kanila, na talagang importante po ito. Lalo na ngayon na nasa panahon tayo para makabangon sa nagdaang krisis nung nagdaang Covid-19,” sabi ni Libanan.
Naaprubahan na ng Kamara de Representantes ang MIF bill sa ikatlo at huling pagbasa bago pa man ito naisama sa prayoridad ng LEDAC.
“Napaka importante po nito sa ating bansa kaya naman prinayoritize natin ito sa Kongreso. Sana madeliberate ito kaagad at madesisyunan ng Senado,” dagdag pa ni Libanan.
Sa kanyang talumpati sa flag-raising ceremony, sinabi ni Libanan na mas mabilis magtrabaho ang Kamara kumpara sa Senado.
“Drafting legislation is both science and an art; it is not easy. Thus, the House of Representatives admittedly are able to work faster than our counterparts in the upper House of the Philippine Congress,” sabi pa ng solon.
Layunin ng MIF na ipunin ang mga magagamit na pondo mula sa mga bangko ng gobyerno at government-owned and controlled corporations (GOCC) upang pondohan ang mahahalagang proyekto sa bansa. (Billy Begas)
Xxxxxx
Panukalang batas na bubuwag sa "no permit, no exam policy" sa mga private school, lusot na sa Kamara...
Inaprubahan na ng House of Representatives ang panukalang magpapataw ng parusa sa mga private elementary at high school educational institutions na magbabawal sa estudyante na kumuha ng periodic examanition dahil lamang sa kawalan ng sapat na pinansyal para bayaran ang kanilang mga obligasyon sa paaralan.
Umaasa si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na sa pamamagitan ng naipasa nilang proposed measure, mabibigyan na ng pagkakataon ang mga mag-aaral na may valid reason na makasama sa pagsusulit.
Ipinasa ng Kamara sa 3rd and final reading ang House Bill No. 7584, matapos makakuha ng overwhelming 259 affifmative votes.
Nakasaad sa section 4 ng panukala na kailangan lamang na magsumite ang mga magulang o guardians ng mga estudyante mula sa mga pribadong paaralan ng promisory note bago ang itinakdang araw ng eksaminasyon.
Pinapayagan naman ang lahat ng pribadong paaralan na i-hold ang mga clearance at transfer credentials ng mga elementary at secondary students na may unpaid financial obligations na maaring maging dahilan upang di sila tanggapin sa susunod na enrollment.
Xxxxx
Final push para sa pagratipika ng nalalabing priority bills ng Marcos Administration, iginiit...
Nanawagan si House SPEAKER Ferdinand Martin Romualdez sa mga kapwa kongresista na pagtuunan ng pansin sa nalalabing apat na linggo ng kanilang sesyon ang pagpasa sa mga nakabinbin na pro-people priority measures ng administrasyon ni Pang. Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.
Ginawa ni Speaker Romualdez ang pahayag sa resumption ng plenary session ng Kamara kahapon.
Umaasa ang House Speaker na sapat ang naging pahinga ng mga mambabatas sa panahon ng kanilang break, bunsod nang mga tungkulin na kailangan nilang gampanan bago ang sine die adjournment ng 1st Regular Session ng 19th Congress sa June 2.
Matatandaan na pinulong ni Speaker ang mga House party leaders upang masiguro na maaaprubahan ang mga panukalang batas na kabilang sa mga legislative agenda ng Marcos Administration bago mag-adjourn ang kongreso.
Una nang sinabi ni Speaker Romualdez na inaprubahan na ni Pang. Marcos ang 11-additional bills, kabilang na ang Maharlika Investment Fund (MIF) upang maisama sa Legislative Executive Advisory Council o LEDAC,,,dahilan upang pumalo na sa 42 ang dating 31na mga priority bills ng kasalukuyang administrasyon.
EKSIBIT NG GINTONG OBRA, ISINAGAWA SA KAPULUNGAN NG MGA KINATAWAN
Pormal na binuksan ngayong Lunes sa Kapulungan ng mga Kinatawan ang "50 Golden Finites" na eksibit, isang koleksyon ng purong 24-karat na gintong mga obra ng South Korean na pintor, na kilala sa buong mundo na si Kim Il Tae.
Ang eksibit ng sining, na inorganisa ng The Association of Women Legislators Foundation, Inc. (AWLFI), sa pangunguna ng Tagapangulo nito, na si TINGOG Rep. Yedda Marie Romualdez, at ang Pangulo nito, Bulacan Rep. Linabelle Ruth Villarica, sa pakikipag-ugnayan sa HAEJU Investments Korea, ay bukas hanggang ika-11 ng Mayo 2023.
Binigyang-diin ni Majority Floor Leader Manuel Jose Dalipe, na nagsalita sa ngalan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang matibay na suporta ng Kapulungan para sa sining, lalo na yaong mga ginagawa para sa kawanggawa.
Hinikayat niya ang lahat na bisitahin ang eksibit. Kinumpirma naman ng tagapangulo ng kaganapan at Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla na ang mga kikitain mula sa eksibit ay mapupunta sa mga kawanggawa na sinusuportahan ng AWLFI.
Nagpahayag ng kanyang pasasalamat ang Chief Operating Officer (COO) ng HAEJU Investments na si Patrick John sa Kapulungan ng mga Kinatawan, at isinaad na inabot sila ng halos limang buwan upang maihanda at maipakita ang mga walang katulad na mga obra.
Dumalo sa pagbubukas ng eksibit ng sining sina Deputy Speaker Kristine Singson-Meehan, Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo, Leyte Rep. Lolita Javier, Quezon City Rep. Ma. Victoria Co-Pilar, United Senior Citizen Party-list Milagros Aquino-Magsaysay, Batangas Rep. Ma. Theresa Collantes, Abra Rep. Ching Bernos, Cebu Reps. Daphne Lagon at Janice Salimbangon, Pangasinan Rep. Marlyn Primicias-Agabas, Bulacan Rep. Augustina Pancho, ACT-CIS Rep. Jocelyn Tulfo, ACT Teachers Rep. France Castro, Gabriela Rep. Arlene Brosas, OFW Rep. Marissa Magsino, Nueva Ecija Rep. Rosanna Vergara, Negros Oriental Rep. Jocelyn Limkaichong at Palawan Rep. Jose Alvarez, gayundin ang dating mambabatas at Congressional Spouses Foundation, Inc (CSFI) President Rose Marie Arenas.
MGA MIYEMBRO NG KAPULUNGAN, HINIMOK NI SPEAKER ROMUALDEZ NA IPAGPATULOY ANG KASIPAGAN SA TRABAHO; ILANG PANUKALA, APRUBRADO SA IKATLONG PAGBASA
Sa pagbabalik-sesyon sa plenaryo ngayong Lunes ng Kapulungan ng mga Kinatawan, nanawagan si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa mga kapwa mambabatas na ipagpatuloy ang kasipagan sa pagtatrabaho, upang matiyak na ang nagkakaisang adyenda ng Kongreso at Malacañang ay ganap na makakamtan.
Isiniwalat ni Speaker Romualdez na kanyang tatalakayin sa mga pinuno ng mga partido ngayong araw, upang matiyak na ang mga natitirang sesyon ng Kapulungan bago sila mag adjourn sine die ay ma-maximize at magamit ng mahusay upang maipasa ang mga kinakailangang panukalang batas.
Sa sesyon sa plenaryo ngayong Lunes, inaprubahan ng Kapulungan sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill (HB) 7584, o ang panukalang “No Permit, No Exam Prohibition Act.” Nakakuha ito ng 259 pabor na boto.
Pahihintulutan sa panukala ang mga mag-aaral na may nakabinbing pinansyal na obligasyon upang kumuha ng pagsusulit, na hindi naman inaalisan ng karapatan ang mga pribadong paaralan sa pagbabayad ng tuition at iba pang school fees.
Pahihintulutan ang mga School authorities na huwag mag-isyu ng clearances o transfer credentials sa mga mag-aaral hanggang sa kanilang mabayaran ang kanilang mga pinansyal na obligasyon. Inaprubahan rin ng Kapulungan ang HB 7535 sa ikatlo at huling pagbasa, na maggagawad ng mga karagdagang benepisyo sa mga sentenaryong Pilipino, at kilalanin ang mga octogenarians at nonagenarians.
Ang panukala ay nakakuha ng 257pabor na boto.
Sa inamyendahang bersyon, ang isang centenarian na umabot sa edad na 101, na naninirahan sa Pilipinas o sa ibang bansa, ay makakatanggap ng cash gift na P100,000 sa kanilang kaarawan, at isang liham ng pagbati mula sa Pangulo ng Pilipinas. Bukod pa rito, ang mga Pilipino na umabot sa edad na 80, 85, 90 at 95 ay makatatanggap rin ng liham ng pagbati at cash gift na P25,000 bawat isa. Ang panukala, kapag naisabatas ay mag-aamyenda sa Republic Act 10868, na kilala rin bilang "Centenarians Act of 2106."
Ang ilan pang mga panukala na pasado sa ikatlo at huling pagbasa ay: 1) HB 7751 o ang panukalang "Department of Health Specialty Centers Act”; 2) HB 7393 o ang panukalang "Anti-Financial Account Scamming Act”; 3) HB 7446, na magsusulong sa malinaw na pamamahala at magpapairal ng mga mekanismo sa anti-corruption sa operasyon ng mga bangko at iba pang financial institutions; 4) HB 7540 o ang panukalang “Special Program in the Creative Arts Act”; 5) HB 7561 o ang panukalang “Line Workers Insurance and Benefits Act”; 6) HB 7576, na naglalayong maagang pabotohin ang mga kwalipikadong senior citizens, mga taong may kapansanan, mga abogado, at mga manggagawa sa kalusugan sa halalang nasyunal at lokal; at 7) HB 7620 o ang panukalang “Philippine Academic Regalia Act.” Ang sesyon sa plenaryo ay pinangunahan nina Speaker Romualdez at Deputy Speaker Ralph Recto. wantta join us? sure, manure...