Monday, January 22, 2024

medAff MGA SULIRANING KINAKAHARAP NG BASIC EDUCATION SA BANSA, IPINAHAYAG NG MAMBABATAS


Ibinahagi ngayong Lunes ni Pasig City Rep. Roman Romulo, chairman ng Komite ng Basic Education and Culture sa Kapulungan ng mga Kinatawan, ang ilang mga problema na kinakaharap ng Pilipinas sa basic education, batay sa paunang mga resulta ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II). 


Iniulat ni Romulo na ang mga manggagawa at mga guro ay kapos sa mga kinakailangang pagsasanay sa Early Childhood Education (ECE), “… barely half of them have a college degree, while 17 percent possess only a high school diploma, and staggeringly few have received formal training in ECE.” 


Binanggit niya rin ang pag-aaral na isinagawa ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na nagpapakita na 36% lamang ng mga barangay ang may mga daycare centers, sa kabila ng pagsasabatas ng Republic Act (RA) 6972, series of 1990, na nagpapahintulot sa bawat barangay sa buong bansa na magkaroon ng kahit isang day care center. 


Sinisi ng mambabatas sa kakulangan ng sapat at mataas na kalidad ng pinagkukunan ng pag-aaral, lalo na ng mga aklat; na siyang dahilan ng pagkabalam ng administrasyon sa 13 assessment na pagsusulit, at ang hindi pagpapatupad ng 11 pang pagsusulit; at ang pananatili ng mababang passing rates sa mga mag-aaral na kumukuha ng licensure exams. 


Tinukoy niya rin ang mababang enrollment sa mga mahihirap na mag-aaral, at tinanong kung bakit na mas mababa pa 15% ang skills training programs ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang nakakuha ng national certification. 


Binanggit niya na ang pinalawig na pagsasara ng mga paaralan dulot ng pandemya ng  COVID-19 ang sanhi ng mga epekto sa pag-aaral at pangkalahatang kapakanan ng mga kabataan. 


Ayon kay Romulo, isinagawa ang EDCOM II upang patunayan kung totoo nga ba na kinakaharap ng bansa ang krisis sa edukasyon, alamin ang ugat ng krisis, at unawain kung bakit ito ay nagpapatuloy. 


“Collaborating with the nation’s foremost minds, universities and education leaders, we sought comprehensive insights in order to pave the way for truly effective solutions,” aniya. 


Si Romulo ang co-chairperson ng EDCOM II. wantta join us? sure, manure...

rpp Mga retiradong heneral nakipagpulong kay Speaker Romualdez, iginiit suporta sa Marcos admin


Nakipagpulong ang apat na malalaking grupo ng mga retiradong sundalo kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez upang ipahayag ang pananatili ng suporta nito kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at sa liderato ng Senado at Kamara de Representantes.


Dumalo sa pakikipagpulong kay Speaker Romualdez ang 22 retiradong heneral. Ang pulong ay pinangunahan ng Philippine Military Academy Alumni Association (PMAAAI), Association of Generals and Flag Officers (AGFO), Philippine Military Academy Retirees Association Inc. (PMARAI), at National ROTC Alumni Association, Inc. (NARAAI).


Sinabi ng mga retiradong heneral kay Speaker Romualdez na walang katotohanan ang kumakalat sa social media na ang PMA alumni at iba pang grupo ng retirado mula sa hanay ng AFP ay sumusuporta sa destabilsasyon laban sa administrasyong Marcos.


“We are all here today, united, to air our support to President Ferdinand Marcos, Jr. his administration and the leadership of the House of Representatives and the Senate,” ani retired Admiral Danilo Abinoja, chairman at CEO ng PMAAAI.


“We continue to abide by and vow to defend the Constitution, and the duly-constituted authorities. That is our oath, then and until now,” sabi nito.


Sinabi rin ni Abinoja kay Speaker Romualdez na hindi lamang ang PMA ang military school na sumusuporta sa administrasyong Marcos kundi maging ang mga eskuwelahan ng mga servicemen para sa Navy, Air Force, at Coast Guard.


“In fact, the Association of Service Academies of the Philippines is issuing a manifesto of support to President Marcos and his administration,” sabi ng retiradong admiral.


Sinabi naman ni retired Maj. Gen. Marlou Salazar, Vice President ng NARRAI, na tutol ang kanilang grupo sa destabilisasyon at sila ay naniniwala na ang katatagan ng gobyerno ang susi ng kapayapaan at pag-unlad ng bansa.


“Ayaw naming magkagulo. A kingdom should not be divided if we want it to succeed,” sabi ni Salazar.


Ayon naman kay retired Gen. Raul Gonzales, chairman ng PMARAI, tutol ang kanilang grupo sa mga hakbang upang guluhin at pahinain ang gobyerno.


“We support the sentiments of the PMA alumni here today and we are duty-bound to defend the Constitution even now that we are out of service. Some have different beliefs, but the general membership is united in defending this government,” sabi ni Gonzales.


Ipinakita rin ni Gonzales kay Speaker Romualdez ang kopya ng isang resolusyon ng PMA Class ’75, kung saan siya ang class president, na kumokondena sa tangka na sayangin ang naabot ng kasalukuyang administrasyon.


“In the light of the numerous misinformation and propaganda prevalent in the social media that tend to polarize certain groups in our communities, our class would like to manifest in the compelling terms, that we stand in unanimity and conformity with the duly constituted authorities, and to obey the laws, legal orders, and decrees promulgated by them,” sabi sa resolusyon.


Iginit din ni retired Gen. Gerry Doria, Vice Chairman ng AGFO, ang pagsuporta ng kanyang grupo kay Pangulong Marcos at nagkakaisa umano sila na suportahan ang iniluklok ng publiko.


Nagpasalamat naman si Speaker Romualdez sa mga retiradong heneral sa kanilang pagpunta sa kanyang tanggapan upang ipahayag ang kanilang saloobin.


“We, in the House of Representatives, are happy to receive you here and listen to you. Words are not enough to express our gratitude to all of you. We are always sensitive, responsive and reflective of what you have to say even after you left the service,” sabi ni Speaker Romualdez.


“Now that you are civilians, you have the whole perspective from outside given the years of service that you have given to the nation. We value all that you share here today,” dagdag pa nito. (END)

wantta join us? sure, manure...

isa Inihalal ng Mababang Kapulungan si Quezon 2nd district Rep. David “Jay-Jay” Suarez bilang bagong Deputy Speaker ng 19th Congress.


Sa sesyon ng Kamara ngayong Lunes, inanunsyo ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe ang pagkakatalaga kay Suarez, kapalit ni dating House Deputy Speaker at Batangas 6th district Rep. Ralph Recto.


Matatandaan na si Recto ay inappoint ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. bilang bagong kalihim ng Department of Finance.


Inanunsyo rin sa plenaryo na si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang tatayong care taker ng ika-anim na distrito ng Batangas, o ang naiwang distrito ni Recto.

wantta join us? sure, manure...

isa Tutol ang nakararaming empleyado ng Mababang Kapulungan sa isinusulong na relokasyon ng gusali ng Kamara sa Bonifacio Global City o BGC sa lungsod ng Taguig. 


Ito ang lumabas sa survey, na inilunsad ng tanggapan ng Office of the House Secretary General. 


Mula sa 1,698 na responses o sumagot hanggang nitong Jan. 21, 2024 --- lumabas na nasa 1,481 o 88% ang kontra sa paglipat ng Kamara sa BGC. 


Habang aabot naman sa 208 o 12% lamang ang mga bumotong pabor. 


Sa datos, halos limang libo ang bilang ng mga kongresista, congressional staff at secretariat sa Kamara; pero nasa 1,698 lamang ang tumugon o katumbas ng 36%. 


Nauna nang sinabi ng House SecGen na layon ng survey na malaman ang pananaw ng mga kawani ng Kamara. 


Inaasahan namang magpapatuloy pa ang deliberasyon ng binuong Ad Hoc Committee.

wantta join us? sure, manure...

joy Kamara, PTV nagsama sa paglulungsad ng CongressTV, publiko maaaring makibahagi sa ‘interactive’ legislative platform 


 

Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ngayong araw ang paglulunsad ng makasaysayan at kauna-unahang CongressTV ng Kamara d Representantes.


Sa pamamagitan ng CongressTV hindi lamang mapapanood ng mga Pilipino ang deliberasyon sa mga panukalang batas para isulong ang pro-poor agenda ng Pangulong Ferdinand "Bongbong" R. Marcos, Jr. kundi makakasali rin paglalatag ng mga batas sa pamamagitan ng interactive platform.


“CongressTV is our commitment to ensuring that no Filipino is left in the dark, that every citizen is afforded a front-row seat to the legislative process,” sabi ni Speaker Romualdez sa paglulungsad ng CongressTV.


“Through this platform, we are tearing down the walls that have long kept the inner workings of the legislature away from public scrutiny,” pahayag ni Speaker Romualdez. “As we embark on this journey, I call upon each one of you to engage with CongressTV actively.” 

 

Ang CongressTV ay konsepto ni PTV General Manager Ana Puod.


Ayon kay Puod, isang beteranong mamamahayag at dating nagtrabaho sa ABS-CBN, ang CongressTV ay isang free-to-air channel na nakatuon sa pagpapalabas ng araw-araw na sesyon at iba pang legislative work at serbisyo publiko ng Kamara para sa publiko.


Mapapanood ito sa digital channel 14 ng PTV ng libre. Mapapanood din ito sa Channel 46 ng GMA Affordabox at Channel 2 sa ABS-CBN TVPlus.


Ayon kay Speaker Romualdez ang CongressTv ay hindi “one-way street.”


“It’s not just about broadcasting what happens within the House. It’s about sparking conversations, about fostering a more interactive and participatory form of governance. It's about you, the people, having direct access to your representatives and the legislative process,” saad niya.

 

“This initiative is not just a channel; it's a bridge. A bridge that connects the hallowed halls of the House of Representatives to every home, every school, and every Filipino. It's a bridge built on the pillars of transparency, accountability, and inclusivity,” dagdag pa niya.

 

“In an age where information is both a tool and a weapon, the onus is on us, the elected representatives of the people, to ensure that the power of information is harnessed to empower, educate, and engage,” wika ng House Speaker. 

 

Naniniwala si Romualdez na isa ring abogado na para tunay na maging epektibo ang demokrasya kailangan ng aktibong partisipasyon ng publiko.


“It requires an informed populace, aware of the issues, engaged in the discourse, and empowered to make informed choices,” diin ng lider ng Kamara. “The debates, the deliberations, and the decisions that unfold within these walls are a testament to the democratic ideals we all hold dear.”  

 

Pinayuhan pa ng House Speaker ang publiko na makibahagi sa interactive platform sa pamamagitan ng paglalatag ng mga mahihirap na tanong, humingi ng pananagutan at makibahagi sa prosesong pang demokratiko.


“For in every debate that is broadcast, in every law that is discussed, your voice, your concerns, and your aspirations are reflected,” paliwanag pa ng kinatawan mula unang distrito ng Leyte.


“I am confident that this platform will serve as a beacon of democracy, a catalyst for change, and a cornerstone in our collective journey towards a more transparent, accountable, and inclusive Philippines,” saad niya. 


Ang naturang inisyatiba ang magbibigay ng access sa mga Pilipino sa proseso ng pagdedesisyon sa pagbuo ng mga batas ng bansa sa pagpapalabas ng sesyon ng Kamara at hinimok ang mga Pilipino na makilahok sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa online at platform at social media page ng CongressTV.


“Viewers will have the opportunity to witness the discussions, debates, and deliberations of Congress during its regular sessions,” sabi ni Speaker Romualdez, lider ng 300 higit na mambabatas ng Kamara de Representantes. “By way of Congress TV, we hope to promote greater transparency and accountability in our legislative process and encourage our people to actively interact with our lawmakers in the spirit of true democracy.”

 

Dagdag naman ni Puod, nais ng PTV na magkaroon ng mas maigting na ugnayan sa pagitan ng pamahalaan at publiko bilang natatanging state broadcaster at isulong ang mas malalim na pag-unawa sa trabaho ng lehislatura at kung paano pa makakatugon ang Kongreso sa pangangailangan ng publiko.


"We are thrilled to announce Congress TV as one of our first major projects this year, on the occasion of PTV’s 50th anniversary as a broadcast institution in the country,” sabi ni Puod. "By airing the sessions of Congress, we aim to present democracy in action, and show participative governance in the shaping of a new Philippines under our President’s vision of Bagong Pilipinas.”


Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco agad nitong binigyan ng suporta ang proyekto nang una itong ilatag sa kanya ni Puod noong 2023.


"We found her proposal a welcome development as it gives Congress the opportunity to show to the Filipino people the good things that we do here in the House of Representatives. It also allows our countrymen to know more about how laws are created, how the national budget is examined and passed. It gives our people the opportunity to watch their representatives in action," sabi naman ni Velasco.

 

Eere ang Congress TV araw-araw mula alas-9 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi mula January 23, 2024 sa PTV Digital Channel 14 Manila at online sa Facebook, YouTube, Instagram, at X.

 

Naaabot ng PTV ang milyong tagapanuod sa buong bansa sa pamamagitan ng 16 nitong analog transmitting station at anim na digital transmitting stations at sa buong mundo at global community gamit ang iba’t ibang  digital platforms at opisyal na social media pages.

 

Para sa dagdag pang impormasyon ukol sa Congress TV at iba pang programa ng PTV maaaring bisitahin ang website na https://ptvnews.ph/, o mag-email sa ogm@ptni.gov.ph. (END)

wantta join us? sure, manure...

isa Muling iginiit ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang kahalagahan na maamyendahan ang 1987 Constitution. 


Sa kanyang talumpati sa pagbabalik-sesyon ng Kamara ngayong araw, at unang araw ng sesyon para sa 2024 --- sinabi ni Romualdez na itutuloy ng Kapulungan ang pagrebyu sa mga batas at patakaraan. 


Ang target aniya ng Kamara, tugunan ang mga isyu at magsulong ng mga reporma. 


Kailangan din aniya na mapalakas ang “relevance at applicability” ng mga batas upang makasabay sa kasalukuyang mga kondisyon, kasama na ang pag-amyenda sa Konstitusyon para sa kapa-kinabangan ng mga mamamayan at paglago ng ekonomiya. 


Dagdag ni Romualdez, importante na masimulan ang pagpapapasok ng foreign capital at direct investments sa ekonomiya, kaya naman kailangan ang Cha-Cha at tanggalin na ang mga economic provision na balakid sa pag-unlad. 


Ani Romualdez, “welcome” sa Kamara ang paghahain ng Resolution of Both Houses no. 6 nina Senate President Juan Miguel Zubiri, at Senators Sonny Angara at Loren Legarda. 


Ito aniya ay makasaysayan at kapuri-puring hakbang tungo sa Cha-Cha sa pamamagitan ng Constituent Assembly o Con-Ass. 


Naniniwala rin si Romualdez na ito ay nagpapakita ng “strong sense of unity” o pagkakaisa, lalo’t tatayo ang Kongreso bilang iisang “body” at tutupad sa panawagan para sa “reformed, responsive at result-oriented Constitutional framework.” 


Sa tulong aniya ng Senado at lahat ng mga Pilipinong naghahangad ng pagbabago ay matutupad na rin ang pangarap na mabuksan ang ekonomiya para makapasok ang pondong kailangan sa paglikha ng mas maraming negosyo, trabaho, at kabuhayan ng mga Pilipino.

wantta join us? sure, manure...

grace Nakiisa na rin si Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers sa mga nananawagan na ibalik ang school calendar sa June hanggang March mula sa kasalukuyang Agosto hanggang Mayo.


naniniwala si Barbers na ang dating school calendar ay malaking pabor para sa mga estudyante, magulang at guro na hindi na kailangang magdusa sa matinding init tuwing summer kung saan nalalagay sa panganib ang kanilang kalusugan.


diin pa ni Barbers, makakatulong din sa turismo at ekononomiya ng bansa kung maibabalik ang summer vacation para sa mga mag-aaral.


Paliwanag n i Barbers, ito ay dahil muling magkakaroon ang mga estudyante na bumyahe at pumasyal sa iba’t ibang bahagi ng bansa kasama ang kanilang pamilya.


sabi ni Barbers, ang naturang tradisyon na nagbibigay saya sa mga ma-aaral at kanilang mga magulang ay nawala o hindi na naisagawa sa loob ng ilang taon dahil sa umiiral na school calendar.

######

wantta join us? sure, manure...

grace Pinabulaanan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualez na sya ang nag-utos na mangalap ng pirma para sa People's Initiative para sa isinusulong na pag-amyenda sa mga economic provision ng 1987 Contitution.


tugon ito ni Romualdez ng hingan ng reaksyon ukol sa sinabi ni Senator Ronald Bato Dela Rosa na mayroon umanong isang kongresista ang nagsabi sa kanya na ang pangangalap ng lagda para sa People’s Initiative ay alinsunod sa deriktiba ni Speaker Romualdez


Diin ni Romualdez, hindi niya alam kung ano sinasabi ni Senator Dela Rosa.


Dagdag pa ni Romualdez, hindi na sya magkokomento sa pahayag ni Senator Dela Rosa lalo’t hindi naman nito pinangalanan kung sino ang kongresista na kanyang nakausap.

#######

wantta join us? sure, manure...