Monday, January 29, 2024

medAff MGA PROBISYONG PANG EKONOMIYA LAMANG ANG CHA-CHA, AYON SA MGA PINUNO NG KAPULUNGAN


Sa kabila ng hindi mabilang na mga akusasyon laban sa Kapulungan ng mga Kinatawan, tiniyak ng mga pinuno ng iba't ibang partido politikal ngayong Lunes sa sambayanang Pilipino, na ang mga panukalang amyenda sa 1987 Konstitusyon na magnumula sa Kapulungan ay tutuon lamang sa mga probisyong pang-ekonomiya. 


Ayon kay Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, noong Marso 2023, inaprubahan ng Kapulungan sa ikatlong pagbasa ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 6, na nananawagan ng constitutional convention upang ipanukala ang amyenda, o pagrepaso ng mga probisyong pang-ekonomiya ng  Saligang Batas ng Pilipinas. 


“Klarong klaro na economic provisions lang. Read first what we filed instead of trying to speculate. You can review all the records. Check what we have transmitted to [the Senate],” ayon kay Dalipe, habang kinokontra ang mga  intensyon umano na ang panukalang charter change ay naglalayong  “(to) perpetuate the administration in power.” 


Binigyang-diin ni Dalipe na hindi lihim na isinusulong ng Kapulungan ang pagbabago sa mahigit   37-taong gulang na Konstitusyon. Idinagdag niya na naninindigan ang Kapulungan sa kanilang buong suporta kung kinakailangan mang amyendahan ang mga probisyong pang-ekonomiya ng Konstitusyon, sa pamamagitan ng people's initiative, o ang bersyon ng Senado ng RBH 6, na nananawagan ng Constituent Assembly. 


Binanggit ni Committee on Constitutional Amendments chairperson Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez na mahigit na 350 na mga House bills ang naihain na simula pa noong 1988. 


Ipinaliwanag niya na ang mga organisasyon mula sa sektor ng negosyo ang naggigiit ng madaliang pagbabago dahil anila, nahuhuli na ang Pilipinas sa mga kapit-bansa sa antas ng gross domestic product (GDP) growth rate.


Tinatanggap rin ng mga pinuno ng Kapulungan ang hakbang ng Commission on Elections (Comelec) na ipatigil ang lahat ng proseso hinggil sa people’s initiative, subalit nananatiling naninindigan sa pagsusulong ng mga amyenda sa mga probisyong pang-ekonomiya, na ganap na makakalikha ng maraming oportunidad sa trabaho, mapataas ang akses sa mga programang panlipunan, at pasiglahin ang pagpapaunlad ng bawat sektor. 


Ipinaliwanag ni Deputy Speaker Kristine Singson-Meehan na ang mga dayuhang pamuhunan na papasok sa bansa ay makakatulong sa pagpopondo sa pamahalaan, na magagamit para sa  kinakailangang social  services sa kapakinabangan ng mamamayan. 


Iginiit ni Rodriguez na walang nilalamang anumang probisyon ang RBH 6 na sumusubok na tanggalin ang kanilang  counterparts. “We have no plans to abolish the Senate. We need the Senate—a body for checks and balances,” aniya. 


Nagpahayag si Rizal Rep. Michael John Duavit, Nationalist People’s Coalition (NPC) president, na maraming Miyembro ng Kapulungan ang kasapi ng kaparehong  partido politikal ng mga senador.


wantta join us? sure, manure...

isa “Welcome” sa Mababang Kapulungan ang pasya ng Commission on Elections o Comelec na suspendihin ang lahat ng proceedings o proseso na may kinalaman sa People’s Initiative o PI, para sa isinusulong na Charter Change o Cha-Cha.


Sa isang pulong balitaan ng mga lider ng Kamara, at party leaders --- sinabi ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe na kanilang ikinalulugod ang desisyon ng Comelec at sa katunayan ay walang problema rito.


Dagdag ni Dalipe, kung mayroon mang gagawing review o pagrepaso ang Comelec sa kanilang mga patakaran ay welcome din ito sa Kamara.


Pero habang ginagawa ito ng Comelec, sinabi ni Dalipe na may iba ring lehislasyon o trabaho na aatupagin ang Kamara.


Sa naunang anunsyo ng Comelec, ang lahat ng mga hakbang na may kaugnayan sa PI ay suspendido, at naka-indefinite suspension din ang pagtanggap nila ng mga signature form.


May mga senador at grupo na inakusahan ang Kamara partikular si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez bilang may pakana ng PI.


wantta join us? sure, manure...

ANG MAGKAKAIBANG PANANAW SA CHA-CHA AY NORMAL, AT NAGPAPATUNAY NA BUHAY ANG DEMOKRASYA SA PILIPINAS


Nagpahayag ng pagtitiwala ang mga pinuno ng Kapulungan ng mga Kinatawan ngayong Lunes na ang mga magkakaibang pananaw ng mga Miyembro ng Kapulungan at mga Senador ay normal lamang, at hindi magkakaroon ng masamang epekto sa bansa. Ito ang naging paninindigan nina Deputy Speaker Kristine Singson-Meehan, Committee on Dangerous Drugs chair at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, at Nationalist People’s Coalition (NPC) President at Rizal Rep. Michael John “Jack” Duavit sa idinaos na pulong balitaan, hinggil sa kasalukuyang pagsisikap sa Charter change, na dinaluhan ng ilang mambabatas. “Yung differences (of opinion), normal naman yun. Siguro di naman nangyayari na walang difference in opinion yung ating mga senador at mga ating kongresista… Alam naman ng ating administrasyon saan dapat dalhin ang ating ekonomiya, ang ating bansa,” ani Barbers. Nagpahayag siya ng pagtitiwala na ang mga usapin at mga hindi pagkakasundo ay hindi magiging balakid sa mga isinusulong ng administrasyon, at idinagdag na ang pagkakaiba ay patunay lamang na buhay ang demokrasya sa bansa. “Buhay po ang demokrasya sa Pillipinas kaya everybody is allowed to say their piece and say whatever opinion they have on certain issues. We make different opinions, but at the end of the day, dapat ay mag respetuhan tayo. Yun lang, wala naman sigurong ibang makakaapekto sa ating bansa,” ayon pa kay Barbers. Sa kabilang dako, sinabi ni Duavit na sa isang ulirang mundo, ang mga hindi pagkakaunawaan ay matutugunan sa pamamagitan ng mga opisyal na lugar na nagpapahintulot ng mga debate. “That’s the reason we have official structures where we can have these debates. Imposible naman naga-agree ang lahat sa lahat ng bagay.  In a perfect would, we would be discussing this in an official setting with an official output, not on the streets, not through the media,” giit ni Duavit. Nilinaw niya na sarili niya itong pananaw bilang mambabatas at hindi isang pinuno ng partido. Ayon kay Singson-Meehan, miyembro ng NPC, na itinuturing niya ang lahat ng senador bilang mga kaibigan. “Sila po, kaibigan namin, not just the NPC members but all the senators. We’ve been working with them. They help us pass our local bills, (and) we work together with them for other national bills, maganda po ang working relationship namin and I still believe na ganun pa rin until now,” aniya.


wantta join us? sure, manure...

PAGLIKHA NG KOMITE SA CRIME PREVENTION SA MGA PAARALAN, ISINULONG; IBA PANG MGA PANUKALA, UMUSAD 


Nilikha ng Komite ng Higher and Technical Education sa Kapulungan ng mga Kinatawan, sa pamumuno ni Baguio City Rep. Mark Go on Monday ang isang Technical Working Group (TWG) na naglalayong pag-isahin ang mga House Bills 4710 at 6639, na parehong nagsusulong ng paglikha ng madatoryong Crime Prevention Committee sa lahat ng higher education institutions (HEIs), at mga technical-vocational institutions, na may layuning pangalagaan ang komunidad ng akademya mula sa mga panloob at panlabas na banta. 


Ang mga HBs 4710 at 6639 ay inihain nina Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte Jr. at Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, ayon sa pagkakasunod. 


Matapos nito ay inaprubahan ng lupon, alinsunod sa istilo at mga amyenda ang mga HBs 7570, 7571, 9407 at 9427, na lahat ay naglalayong itatag ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) training and assessment centers sa Bohol, Zamboanga Sibugay at Bataan. 


Inaprubahan rin sa Komite ang mga substitute bills at committee reports ng: HB 8417, na naglalayong patatagin ang Pangasinan State University; HB 8215 na gagawing state university ang Davao del Norte State College; HB 9023, na gagawing state university ang Southern Philippines Agri-Business and Marine and Aquatic School of Technology sa Davao Occidental; HB 4237, na naglalayong magtatag ng regular campus sa Don Honorio Ventura State University; at HB 9121, na magpapatatag at papalitan ang pangalan ng Don Honorio Ventura State University bilang Pampanga State University, na magpapalawig sa pag-aalok ng mga kurikula, gayundin ang komposisyon at kapangyarihan ng kanilang governing board.


wantta join us? sure, manure...

milks Desisyon ng Comelec na suspindihin ang mga hakbang para sa P-I, pinuri ng Makabayan bloc…



Winelcome ng Makabayan bloc ang desisyon ng Commission On Elections na suspindihin ang lahat ng mga hakbang para maisulong ang People’s Initiative.


Ayon kay House Deputy Minority Leader France Castro, maganda itong balita matapos ipanawagan ng Bayan Muna ang maagap na pagpapalabas ng “withdrawal templates”.


Sabi ni Castro, layunin nito na mapigilan ang panloloko sa likod anya ng pekeng initiative.


Bukod anya sa iaksaya lang ito ng oras, sinabi ni Castro, sayang ang pagod ng Comelec at pera ng taongbayan kung papatulan pa nila ang pekeng initiative.


Dagdag pa ni Castro, mas dapat tutukan ng Comelec ang pagpapa-rehistro ng mga botante para sa nalalapit na midterm elections sa 2025.


Una rito, sinuspindi ng Comelec ang proceedings sa P-I para amyendahan ang saligang batas.


Paliwanag ni Comelec Chairman George Garcia, layunin nito na marepaso at maamyendahan ang mga patakaran sa pagdaraos ng P-I at kung ano ang magiging hurisdiksiyon ng komisyon.


wantta join us? sure, manure...

isa Aprubado na ng House Committee on Basic Education and Culture ang resolusyong nagsusulong na ibalik sa Hunyo ang pagbubukas ng mga klase sa mga paaralan, mula sa kasalukuyang Agosto. 


Sa pagdinig ng komite sa pamumuno ni Pasig City Rep. Roman Romulo, inimbitahan ang Department of Education o Deped, grupo ng mga guro at magulang, at iba pang stakeholders. 


Ayon kay Dir. Leila Areola ng Deped, may nabalangkas na memo ang Kagawaran para sa pagbabalik ng orihinal na June-March school calendar. 


Gayunman, ang target na pagpapatupad nito ay “gradual” o unti-unti para hindi mabitin ang “vacation days” ng mga guro. 


Dagdag ni Areola, tapos na rin ang konsultasyon nila sa mga stakeholder, pero gusto aniya ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte na makonsulta rin ang field offices at regional directors ng Deped. 


Aniya pa, gaya ng naunang pahayag --- ang June-March ang academic calendar ay hindi magagawa sa school year 2024-2025, at sa halip ay sa school year 2025-2026. 


Batay naman kay Marcelino Villafuerte ng PAGASA, sakaling maibalik na sa June-March ang school calendar, kakaunti ang school days na may “extremely hot temperature” at hindi rin umano maulan ang graduation day. 


Subalit, sinabi rin ng PAGASA na asahan ang mas maraming kanselasyon ng mga klase kapag may bagyo o masamang panahon.


wantta join us? sure, manure...

isa Nakatakdang ipasa ng Kamara ang isang resolusyon na nagpapaabot ng suporta para kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. 


Ito ang inanunsyo ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe sa isang pulong balitaan kung saan humarap ang ilang lider ng Kamara, at party leaders. 


Ang resolusyon ay akda sa pangunguna ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez. 


Ani Dalipe, layon ng resolusyon na pagtibayin ang suporta ng Mababang Kapulungan kay Pang. Marcos Jr., kasunod ng mga alegasyon sa kanya ni dating Pang. Rodrigo Duterte. 


Sinabi pa ni Dalipe na nais din ng Kamara na pasalamatan si Pres. Marcos Jr. sa naging trabaho niya bilang Presidente ng bansa, at "commitment" para sa isang "Bagong Pilipinas" sa pamamagitan ng nakatutugon at episyenteng mga serbisyo para sa mga Pilipino. 


Matatandaan na sa prayer rally sa Davao City ay sinabi ni dating Pang. Duterte na kasama umano si Pang. Marcos Jr. sa “narcolist.” 


Ang bagay na ito ay mariing pinabulaanan na ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

wantta join us? sure, manure...

rpp Kamara walang planong buwagin ang Senado


Tiniyak ng mga lider ng Kamara de Representantes na wala silang plano upang buwagin ang Senado sa kanilang isinusulong na reporma sa Konstitusyon.


Ito ang sinabi nina Rizal Rep. Jack Duavit, ang lider ng Nationalist People’s Coalition (NPC) bloc sa Kamara, Deputy Speaker at Ilocos Sur Rep. Kristine Singson-Meehan, Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio "Dong" Gonzales Jr., at Bataan Rep. Albert Garcia, ang secretary general ng National Unity Party (NUP).


Sinabi ng mga ito na ang pangamba na plano ng Kamara na buwagin ang Senado ay nasa isip lamang ng nagpapahayag nito.


Muli ring iginiit ng mga kongresista ang pagsuporta ng Kamara at ng liderato ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa Resolution of Both Houses (RBH) No. 6 ng Senado na naglalayong amyendahan ang economic provision ng Konstitusyon.


Ang RBH No. 6 ay akda nina Senate President Juan Miguel Zubiri at Senators Loren Legarda, at Juan Edgardo Angara. Ang panukala ay isinumite sa special subcommittee na pinamumunuan ni Angara.


“With regard to the fears and allegations that the House would want to abolish the Senate, we would just like to let everybody know that as far as our party is concerned, there is no way we will be voting in any form to remove our five senators. And if we are not going to remove our five senators, then the other 19 senators can be assured,” ani Duavit.


Sa Senado ang mga miyembro ng NPC ay sina Sen. Loren Legarda, Francis Escudero, Lito Lapid, Sherwin Gatchalian, at Joseph Victor Ejercito.


Si Singson-Meehan, na stalwart din ng NPC ay sumuporta sa pahayag ni Duavit.


“To our Senate friends, kasi as part of NPC, we have five senators from NPC, and of course we will never abolish them. So we're here to commit na hindi po masasama 'yung mga usapang abolition ng Senate when we do amend the Constitution,” sabi ni Singson-Meehan.


Ayon sa mga kongresista, suportado nila ang pag-amyenda sa economic provision ng Konstitusyon upang mas malayang makapagnegosyo sa Pilipinas ang mga dayuhang mamumuhunan na pinagbabawalan na mag may-ari ng negosyo sa bansa.


“At at the same time when the economy gets better, alam mo 'yung basic social services na binibigay natin, laging sinasabi ng mga people from our district na kulang. Kulang 'yung TUPAD, kulang 'yung AICS, pati 'yung medical assistance sa hospitals. But when our economy gets better, 'yung collections, 'yung funds ng government, tumataas na rin,” sabi pa ng lady solon.


“So then maybe, there will be a time na kung nagbago nga natin itong Constitution, naging open tayo sa foreign investment, biglang lumalaki na rin 'yung pondo ng government and our people will suddenly feel this,” dagdag pa nito.


Iginiit naman ni Gonzales, stalwart ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD), na hindi kasama ang political amendments sa isinusulong ng Kamara.


“Wala po kaming sinasabi na i-abolish natin ang Senado, guni-guni lang po nila 'yan. Hindi po 'yun totoo,” sabi ni Gonzales.


“We will embrace RBH No. 6 because that's the economic provisions. At ‘yan po ang kailangan ng ating bansa. At si Speaker, palaging sinasabi, we will embrace RBH No. 6 because itoy makakatulong sa ating ekonomiya lalo na ating Pangulo,” dagdag pa nito.


Nagsalita naman para sa NUP si Garcia, “I would like to assure our friends from the Senate that we are not supporting any move to abolish the Senate. We just want economic reforms so that we can improve our economy to produce more jobs, better pay, and better lives for our citizens.”


Umapela naman si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, stalwart ng Nacionalista Party (NP) sa mga senador na maging mahinahon at iginiit nag kahalagahan ng pagkakaroon ng parliamentary courtesy sa pagitan ng Senado at Kamara.


“Let's work towards achieving what we want to achieve for the country. Economic reforms are the key in achieving the goals and the objectives of our Bagong Pilipinas movement. We pray for their support and we would like to appeal to them to look at the better picture of doing something good for this country,” sabi ni Barbers.


Ganito rin ang sinabi ni Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, ang pangulo ng Party-List Coalition Foundation, Inc. (PCFI).


“On behalf of the party, we would like to urge the senators to support the economic change that we have been proposing in the last four decades. We need a double-digit growth for our country to alleviate the lives of our countrymen. And it's for the past years already that there's no innovation that our country has been making on the economic change,” sabi ni Co.


“This is the only way. Many presidents and administrations have promised to alleviate the lives every election, but it never happens. So I think this is the best time that we will achieve this and a game-changer for our nation. Let's stand together and help each other,” dagdag pa nito.


Nagpahayag din ng pagsuporta si House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose "Mannix" M. Dalipe sa RBH 6 ng Senado.


"We are one also with the other political parties in supporting that. And we would like to remain focused on what we have to achieve for the Filipino people. So let us stop all of these useless bickerings and focus more towards those economic provisions in the Constitution that we have to amend. So let's work, focus for the Filipino people," ani Dalipe, executive vice president ng Lakas-CMD.


Ayon naman kay Camiguin Rep. Jesus Jurdin Romualdo nahuhuli ang Pilipinas sa mga karatig-bansa nito sa paghikayat ng dayuhang pamumuhunan.


“Makikita po na malayo na talaga tayo. With Bagong Pilipinas program, amending the Charter, baka naman, palagi namang sinasabi na walang asenso ang Pilipinas, palagi na lang bitin, palagi ang gutom ang Pilipino. But amending the Charter and I hope our counterparts in the Senate will look into this. Kasi ito lang talaga ang pag-asa ng ating bayan,” sabi ni Romualdo.


Iginiit naman nina Deputy Speaker at Quezon Rep. David "Jay-jay" Suarez at Agusan del Norte Rep. Jose "Joboy" Aquino II ang kahalagahan ng pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon upang madagdagan ang mga mapapasukang trabaho at kabuhayan ng mga Pilipino.


"Ibinoto ang ating presidente dahil sa pagkakaisa. At ang kasunod ng pagkakaisa ay malimit ay pag-asa. At upang makamit at maisakatuparan ng pag-asa, kailangan natin ang pagbabago. At ito siguro ang nilalaman at nilalayon ng Bagong Pilipinas. Sinusuportahan po namin ang administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos. Nagpapasalamat po kami sa kaniyang adbokasiya at nandito ang partidomg Lakas-CMD, inuulit ang aming suporta sa kanyang administrasyon. Gusto rin po namin muling ulitin sa Senado na wala dapat silang ikabahala. Sana huwag nilang isasara ang usapin tungkol sa pagbabago dahil ang nakasalalay dito ay ang buhay ng mga Filipino," sabi ni Suarez, treasurer ng Lakas-CMD.


"With regards to economic provision, it is very, very important because ito ho ang makakatulong sa Maharlika Investment natin na na-approve na.

wantta join us? sure, manure...

isa Hindi dadalo o sisipot ang mga opisyal at miyembro ng Kamara sa nakatakdang pagdinig ng Senado ukol sa mga alegasyon laban sa People’s Initiative o PI para sa isinusulong na Charter Change o Cha-Cha. 


Ito ang sinabi ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe, kasunod ng “public invitation” ni Senadora Imee Marcos na siyang chairman ng Senate Committee on Electoral Reforms at naghain ng resolusyon laban sa PI. 


Ayon kay Dalipe, bagama’t ikinalulugod nila ang imbitasyon ni Senadora Marcos, masyado aniyang maraming trabaho ang Kamara gaya ng pagbuo ng mga lehislasyon, at pagpapabuti sa buhay ng mga Pilipino. 


Giit pa ni Dalipe, ang kanilang trabaho ay “demanding task” at kailangang matutukan. 


Sa kabila nito, sinabi ni Dalipe na kung kakayanin naman ng legislative schedule ay handa naman ang mga kongresista na magkaroon ng diskusyon na bubuo at hindi wawasak sa kolektibong mga hakbang para sa pambansang interes. 


Muli namang diin ni Dalipe, walang kinalaman ang Kamara sa PI, taliwas sa mga paratang ni Senadora Marcos at ng iba pang politiko o grupo.

wantta join us? sure, manure...