Wednesday, January 11, 2023

PAGKATALAGA KAY PEACE PROCESS SEC. GALVEZ BILANG BAGONG DND SECRETARY, IKINAGAGALAK NI REP. HATAMAN NG BASILAN

Nagpahayag ng kagalakan si Basilan Rep. Mujiv Hataman sa pagkahirang ni Peace Process Adviser Sec. Carlito “Charlie” Galvez Jr. bilang bagong Kalihim ng Department of National Defense DND.


Sinabi ni Hataman na ang posisyon ni Sec. Galvez ay isang napakahalagang responsibilidad lalo na sa pagpapanatili ng kapayapaan sa ating bansa.


Naniniwala si Hataman na ang solido at matagal na karanasan ng bagong kalihim sa usaping pangkapayapaan ay makakatulong ng malaki sa paggampan ng kanyang tungkulin, mandato at responsibilidad.


Idinagdag pa niya na ang pamamahala ng tanggulang pambansa na nakabatay sa mga adhikain ng kapayapaan at katarungan.


Ayon sa solon, matagal na niyang nakasama at naging matatag na kaagapay si Sec. Charlie sa kanilang mga pagsisikap at gawaing pangkapayapaan sa Bangsamoro region, lalo na noong siya ay naging regional governor ng dating ARMM. 


Sa katunayan, instrumental umano si Sec. Charlie sa tinatamasang kapayapaan ngayon hindi lamang sa BARMM kundi pati na rin sa buong Mindanao.






Bilang isang mahusay na sundalo, nauunawaan ni Sec. Charlie na ang susi sa kapayapaan ay hindi sa lakas ng puwersa o karahasan: mahalaga ang pagtutulungan ng komunidad at lokal na pamahalaan pati na rin ang pagtugon sa ugat ng digmaan. Kaya bilang Kalihim ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity, naging epektibo ang mga programang ipinatupad ni Sec. Galvez dahil sa kanyang mahabang karanasan sa kapayapaan.


Siya ang ating katuwang nang sinimulan natin ang Program Against Violent Extremism o PAVE bilang brigade commander na siyang counterpart natin sa security sector. Suportado pa rin niya ang PAVE noong maitalagang commander ng Western Mindanao Command ng AFP. Nasa forefront din siya ng Marawi Siege noong 2017 at isa sa mga opisyal na nagpalaya sa lungsod mula sa mga terorista.


Kaya tayo ay lubos naniniwala sa kakayahan ni Sec. Charlie na mapanatili ang ating mga ganansiyang pangkapayapaan sa Mindanao at sa BARMM. At makakaasa si Sec. Charlie sa ating tulong kung sakaling kailanganin man niya ito.


Congratulations, Sec. Galvez, at mabuhay ka!



wantta join us? sure, manure...