Wednesday, September 06, 2023

Aminado ang DOST na kulang ang monitoring stations ng ahensya pagdating sa mga natural hazard gaya na lamang ng lindol.


Ayon kay PHIVOLCS Dir. Teresito Bacolcol, nasa 123 lang ang seismic stations ng bansa—malayo sa ideal na bilang na 300.


Sa volcano monitoring equipment naman, sa 24 na aktibong bulkan sa bansa, 10 lang ang namomonitor ng ahensya at sa bilang na ito, 2 lang ang mayroong kumpletong aparato.


Malayo sa target na labing lima na sana ay mayroong basic at kumpleto na monitoring equipment.


Ayon kay Bacolcol, humingi sila ng 982 million na pondo para sa kanilang PHIVOLCS modernization ngunit 729 million lang ang ibinigay sa 2024 National Expenditure Program.


Para naman maisakatuparan ang lahat ng pagkumpleto at modernisasyon sa kanilang kagamitan mangangailangan ng 7 bilyong piso ang PHIVOLCS.


Pinasusumite naman ni appropriations vice-chair Stella Quimbo ang PHIVOLCS ng kanilang ‘whishlist’ para mga kagamitan at equipment na kakailanganin.


#wantta join us? sure, manure...

Nangako ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth na babayaran na ang utang sa mga ospital sa loob ng tatlong buwan.


Sa budget briefing ng Department of Health at attached agencies sa House Appropriations Committee, agad inalam ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee ang plano ng PhilHealth sa reklamo na maraming ospital ang hindi na tumatanggap ng indigent patients dahil sa paglobo ng utang ng ahensya.


Lumalabas kasi na may pera ang PhilHealth at patunay rito ang pagtaas sa 68.4 billion pesos na net income nitong Hulyo at mahigit 400 billion pesos na investible fund.


Sinabi ni PhilHealth President and CEO Emmanuel Ledesma na sisikapin nilang kumpletuhin ang pagbabayad ng utang na aabot sa 27 billion pesos.


Labintatlong bilyong pisong payables aniya ang pinoproseso na ng PhilHealth.


Pagtitiyak ni Ledesma, bibilisan nila ang reconciliation sa mga pagamutan at gagamit ng Debit-Credit-Mechanism Formula sa pagbabayad ng pagkakautang. 


Ipinagmalaki rin ng opisyal na nagpatawag siya ng pulong sa pamunuan ng Hospitals Association of the Philippines kahapon at lahat sila ay masaya umano sa serbisyo ng PhilHealth. wantta join us? sure, manure...

Utang ng Philhealth sa ibat ibnag ospital sa buong bansa umabot sa P27 billion pesos



UMABOT sa  27 billion pesos ang hindi nababayarang utang ng Phillipine Health Insurance o PHILHEALTH sa ibat ibang ospital sa buong bansa.


Ito ang inamin ni Philhealth Executive vice president at chief operating officer Eli Dino Santos sa House committe on appropriations na tumatalakay sa 2024 proposed budget ng Department of Health o DOH na nagkakahalaga ng 311. 3 billion pesos kaugnay ng isyu sa utang ng Philhealth sa.mga ospital noong kasagsagan ng pananalasa ng pandemiya ng covid 19.


Ayon kay Santos mayroong annual net income na 120 billion pesos ang Philhealth subalit hindi ang salaping pambayad sa mga pinagkaka utangang ospital ang problema kundi ang mabagal na verification process dahil hindi pa digitalized ang kanilang sistema. Kasalukuyan pa lang aniya na inaayos ito ng Department of Information and Communications Technology.


Nangako naman ang pamunuan ng Philhealth na sa loob ng 90 days, mababayaran na ang 27 billion pesos na utang ng ahensiya sa ibat ibang ospital gamit ang debit credit payment mechanism formula.


Eddie Galvez

FEBC news wantta join us? sure, manure...

LIFESTYLE CHECK SA MGA OPISYAL NG BPI NG DA, IMINUNGKAHI SA KAMARA

Isasailalim sa “lifestyle check” ang lahat ng opisyal at empleyado ng Bureau of Plant Industry o BPI ng Department of Agriculture.


Ito ang naging pasya ng House Committee on Agriculture and Food na pinamunuan Quezon Rep. Mark Enverga, batay sa rekomendasyon ni Leyte Rep. Richard Gomez sa pagdinig ng naturang komite.


Sinabihan ni Enverga ang mga taga-BPI na tumalima sa request ni Gomez.


Ito ay para magka-alaman kung may kapalit ba ang ginawang pagpayag ng mga taga-BPI na pag-aangkat ng sibuyas kahit sa panahon ng anihan sa bansa.


Sinabi ni Gomez na dapat malaman ang mga “hobby” o pinag-kaka-abalahan ang mga taga-BPI, kung marami ba silang bahay at kung nagba-balanse ba ang sweldo nila sa kanilang lifestyle at iba pa. wantta join us? sure, manure...