Monday, May 08, 2023

ACCOMPLISHMENTS SA PAGBISITA NI PBBM SA US, IPINABATID NI SPEAKER ROMUALDEZ

Malugod na ipinabatid ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang napakaraming accomplishments o nakamit ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr sa kanyang pagbisita sa Estados Unidos kung saan nagkaroon siya ng pulong kay US Pres. Joe Biden.


Panginahing binanggit ni Romualdez ang mga pamumuhunan o investment pledges na umaabot sa 1.3 billion dollars na  inaasahang lilikha ng 6,700 mga bagong trabaho para sa mamamayang Pilipino.


Bukod pa rito ang nakatakdang paghire ng  US shipping companies sa 75,000 na mga Filipino seafarers.


Sinabi pa ni Romualdez na natugunan din ang problema sa external security ng bansa dahil nangako ang Amerika na papalakasin ang ating depensang pangmilitar.


Ayon kay Romualdez, ang US visit ni PBBM ay nagpatibay sa pagtutulungan ng US at Pilipinas para matugunan ang mga hamon sa larangan ng  food, energy, health security, digital connectivity, climate change at pandemya.


Dagdag pa ni Speaker Romualdez, pati ang mga miyembro ng US Congress na kanyang nakapulong ay nagpahayag din ng suporta sa Pilipinas. 


Ayon pa sa lider ng Kamara, ang mabungang US visit ni PBBM ay resulta ng walang pagod, sinsero at matinding intensyon nito na mapag-ibayo ang relasyon sa pagitan ng US at Pilipinas para sa kapakanan ng mamamayang Pilipino at pagsigla ng ating ekonomiya.


####wantta join us? sure, manure...