Thursday, April 13, 2023

BALANSENG PENSION SYSTEM, POSIBLENG SOLUSYON SA PINANGANGAMBAHANG BREAKDOWN NG LAW AND ORDER SA BANSA

Nababahala si Davao del Norte Rep Pantaleon Alvarez sa posible aniyang "breakdown of law and order" kapag di napanatili ng pamahalaan ang maayos na pension system at di napigilan ang pinangangambahang fiscal crisis. 


Sinabi ni Alvarez na kung hindi maibibigay ang hiling na pensyon ng mga retiradong military personnel, maaring samantalahin ng mga organized criminal group ang kanilang expertise upang gumawa ng krimen.


Ayon sa kanya, tulad ng mga retiradong sibilyan, kinukuha sila ng mga private sektor bilang consultants dahil sa kanilang malawak na kaalaman sa economics, finance, at iba pa.


Ganito rin aniya ang pwedeng mangyari sa mga Military and Uniformed Personnel o MUP retirees.


Delikado umano ito dahil saan pupunta ang mga retiradong MUPs kung walang sapat na suporta para sa kanila ang pamahalaan, na maari aniyang magtulak sa kanila upang lumabag sa batas.


Una nang sinabi ng Solon na isa sa mga pwedeng mapagkunan ng pondo para sa isinusulong na pagbibigay pensyon sa mga MUPs, ang pagdecriminalized sa marijuana at pagsasaligal dito bilang isang medical cannabis. wantta join us? sure, manure...