Monday, March 06, 2023

LIBRENG SAKAY PARA SA MGA COMMUTER NA APEKTADO NG TRANSPORT STRIKE, IKINASA NG KAMARA

Magkatuwang na sinuportahan ng Kamara at Malacañang ang pagpapalabas ng may 100 bus para sa programang “Libreng-Sakay” ng gobyerno laan para sa mga maaapektuhang commuters kasabay ng umano’y isang linggong transport strike sa Metro Manila.


Sinabi ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ang hakbang na ito ng pamahalaan ay kasunod ng mariing pagtutol ng ilang transport groups para sa programang jeepney modernization sa bansa.


Magugunita na bagamat may mahigpit na apela si Pangulong Ferdinand Marcos sa Dept. of Transportation (DoTR) na pag-aralan muna ang naturang jeepney modernization program bago pa man ito ipatupad.


Ayon pa sa House Speaker, lubos na magiging miserable ang sitwasyon ng mga mananakay sa pagpasok at pag-uwi mula sa kani-kanilang tanggapan sa panahon ng malawakang transport strike sa Metro Manila.


Batay sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Speaker Romualdez, umabot na sa 1,380 mga indibiduwal ang naserbisyuhan na ng may 46 na mga bus ang naipakalat ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa ibat-ibang mga ruta sa metropolis simula alas 8:30-11:00 ng umaga kahapon.


Henry

wantta join us? sure, manure...

EKSTENSIYON SA ISYU NG PUV PHASE-OUT, HINDI SOLUSYON SA PROBLEMA KUNDI SAPAT NA SUPORTA SA TRANSPORTS GROUPS, DRIVERS AT OPERATORS

Naniniwala si House Ways and Means Chair at Albay Rep. Joey Salceda  na hindi solusyon ang extension sa isyu ng PUV phase-out kundi ang sapat na suporta na ibibigay ng gobyerno sa mga transport groups at mga drivers at operators.


Iminungkahi rin ni Salceda na dapat ikunsidera din ng gobyerno ang isang “trade-in” scheme.


Sa nasabing scheme bibilhin na lamang ng gobyerno ang mga lumang jeepney sa halagang P100,000 hanggang 150,000 kada unit, na walang ibang kundisyon.


Tinukoy ni Salceda ang Car Allowance Rebate System (CARS), na colloquially kilala bilang "cash for clunkers." Ito ay bahagi ng global financial crisis recovery program ng Amerika.


Nais ni Salceda na gawin itong modelo, kung saan binabayaran para i-retire ang lumang jeep, imbes na talagang bumili ng bagong sasakyan o jeep. 


Dagdag pa ni Salceda nakakatulong ito sa mga operators na makaalis sa lumang sistema nang walang pasanin sa mga bagong pautang.


Sinabi ni Salceda na ipapakita niya ang panukala sa oras na magsagawa ng mga pagdinig ang House Committee on Transportation batay sa kanyang naunang resolusyon para suriin ang socioeconomic impacts ng PUV modernization program.


Anne


wantta join us? sure, manure...

PEACE AND ORDER SA NEGROS ORIENTAL, NAIBALIK NA — SPEAKER ROMUALDEZ

Ipinahayag ni House Speaker Martin Romualdez na naibalik na ang peace and order sa Negros  Oriental matapos ang nangyaring pamamasaslang kay Gov Roel Degamo at sa ilan pang biktima na nadamay lamang sa walang habas na pamamamaril ng mga armadong grupo sa may bahagi ng bayan ng Pamplona.


Bunsod nito, nanawagan si Speaker Romualdez, sa mga Negrense na manatiling kalmado dahil inatasan na ni Pang Bongbong Marcos Jr ang mga otoridad na tutukan ang kasong ito upang agad na maaresto at mapanagot sa batas ang mga nasa likod ng pananambang at pagpatay kay Gov. Degamo.


Ginawa ng House Speaker ang pahayag matapos ang naging pagdalaw nito sa wake o burol ng nasawing gobernador.


Ikinagagalak naman ni Speaker Romualdez ang ulat na makalipas ang bente kwatro oras matapos ang krimen, agad na naaresto ang ilan sa mga gunmen.


Giit pa ng Lider ng Kamara na hindi ititigil ang manhunt operation hanggat hindi nahuli ang iba pang sangkot at utak sa karumaldumal na pagpaslang sa Gobernador ng Negros Oriental.


jopel


wantta join us? sure, manure...