Monday, July 17, 2023

DRAG QUEEN PURA LUKA VEGA, NAKATIKIM NG MATINDING SERMON KAY REP. GERALDINE ROMAN

Nakarinig ng matinding sermon mula kay Bataan Rep. Geraldine Roman ang  drag queen na si Pura Luka Vega.


Hindi pinalampas ni Roman ang  controversial na video kung saan nakadamit na parang si Hesukristo si Pura at kinakanta ang rock version ng dasal na Ama Namin. 


Sinabi ni Roman na ang ginawa ni Pura ay nagbibigay bahid sa buong transgender community.


Katwiran pa ni Roman, hindi pwedeng tawaging art ang pananakit sa damdamin ng ibang tao. 


Para kay Roman, ang ginawa ni Pura ay malinaw na kawalan ng respeto sa relihiyon at damdamin ng ibang tao, pagiging nakasarili, iresponsable at kawalan ng konsiderasyon.


#####wantta join us? sure, manure...