Thursday, October 12, 2023

Inanunsyo ni House Speaker Martin Romualdez na magbibigay ito ng isang milyong piso sa pamilya ng dalawang Pilipinong nasawi sa kasagsagan ng hidwaan sa pagitan ng Israel at Hamas militants.


Ayon kay Romualdez, ito ay joint personal donation kasama si Tingog Party-list Representative Yedda Marie Romualdez.


Siniguro rin nito na maghahanap ng pagkukunan ng oportunidad sa hanapbuhay at scholarship upang matulungan ang mga naulila ng dalawang kababayan na nasawi sa Israel.


Maliit na halaga lamang aniya ang donasyon bilang pakikisimpatya sa mga nawalan ng mahal sa buhay at bahagi ng pagsuporta sa kanilang pinagdadaanan.


Kasabay nito, nagpaabot ng kanyang pakikiramay si Romualdez sa pamilya ng 42-anyos na lalaki mula sa Pampanga at ang 33-anyos na babae mula sa Pangasinan.


Iginiit ng House Speaker na magsisilbing paalala ang insidente na lubhang mapanganib ang kinahaharap na sitwasyon ng mga Pilipino na naghahanap ng oportunidad abroad.


Kumpiyansa naman ang leader na ginagawa na ng gobyerno ang lahat upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipinong naipit sa gulo. wantta join us? sure, manure...

Speaker Romualdez nakiramay nangako ng tulong sa pamilya ng 2 Pinoy na nasawi sa Israel, 



Nagpaabot ng kanyang pakikiramay si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa pamilya na naulila sa pagpanaw ng dalawang Pilipino sa kaguluhan sa Israel at nangako ng tulong sa mga ito.


Nauna ng kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkamatay ng isang 42-anyos na lalaki mula sa Pampanga na dinukot ng Hamas militant, at isang 33-anyos na babae mula sa Pangasinan na nasawi kasama ang kanyang amo ng atakehin ng Hamas ang Gaza strip.


“These tragic events remind us of the dangers our fellow Filipinos face even as they seek opportunities abroad. Our thoughts and prayers are with the families of the victims during this difficult time,” ani Speaker Romualdez.


Sinabi ni Speaker Romualdez na magbibigay sila ng personal na tulong ni Tingog partylist Rep. Yedda Marie K. Romualdez ng P1 milyon sa pamilya ng mga nasawi mula sa kanilang personal na pera.


Nangako rin ang lider ng Kamara na maghahanap ng oportunidad na pagkakitaan at scholarship para sa naiwang pamilya ng mga nasawi.


“I am deeply saddened by the loss of our countrymen. In these trying times, it's crucial for us as a nation to come together and support one another. The donation is just a small token of our shared grief and our commitment to help," saad pa ni Speaker Romualdez.


Nanawagan din si Speaker Romualdez sa lahat ng mga Pilipino na magsama-sama sa pananalangin at suportahan ang iba pang naapektuhan ng kaguluhan sa Israel.


Kumpiyansa ang lider ng Mababang Kapulungan na ginagawa ng gobyerno ang lahat upang masigurong ligtas ang mga Pilipino na nasa Israel.


Nauna ng sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nakikipag-ugnayan ito sa gobyerno ng Israel upang matiyak ang kaligtasan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) at Filipino community sa kanilang bansa.


Kung kakailangan, sinabi ng Pangulo na magsasagawa ng repatriation sa mga apektadong Pilipino. (END)




Speaker Romualdez nakiramay nangako ng tulong sa pamilya ng 2 Pinoy na nasawi sa Israel, 



Nagpaabot ng kanyang pakikiramay si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa pamilya na naulila sa pagpanaw ng dalawang Pilipino sa kaguluhan sa Israel at nangako ng tulong sa mga ito.


Nauna ng kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkamatay ng isang 42-anyos na lalaki mula sa Pampanga na dinukot ng Hamas militant, at isang 33-anyos na babae mula sa Pangasinan na nasawi kasama ang kanyang amo ng atakehin ng Hamas ang Gaza strip.


“These tragic events remind us of the dangers our fellow Filipinos face even as they seek opportunities abroad. Our thoughts and prayers are with the families of the victims during this difficult time,” ani Speaker Romualdez.


Sinabi ni Speaker Romualdez na magbibigay ito at ang Tingog party-list ng P1 milyong tulong sa pamilya ng mga nasawi mula sa kanilang personal na pera.


Nangako rin ang lider ng Kamara na maghahanap ng oportunidad na pagkakitaan at scholarship para sa naiwang pamilya ng mga nasawi.


“I am deeply saddened by the loss of our countrymen. In these trying times, it's crucial for us as a nation to come together and support one another. The donation is just a small token of our shared grief and our commitment to help," saad pa ni Speaker Romualdez.


Nanawagan din si Speaker Romualdez sa lahat ng mga Pilipino na magsama-sama sa pananalangin at suportahan ang iba pang naapektuhan ng kaguluhan sa Israel.


Kumpiyansa ang lider ng Mababang Kapulungan na ginagawa ng gobyerno ang lahat upang masigurong ligtas ang mga Pilipino na nasa Israel.


Nauna ng sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nakikipag-ugnayan ito sa gobyerno ng Israel upang matiyak ang kaligtasan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) at Filipino community sa kanilang bansa.


Kung kakailangan, sinabi ng Pangulo na magsasagawa ng repatriation sa mga apektadong Pilipino. (END) wantta join us? sure, manure...

HALAGA NG SIBUYAS, BIGAS AT IBA PANG MGA PRODUKTONG AGRIKULTURA, PATULOY NA IMOMONITOR NG KAPULUNGAN


Nanindigan si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ngayong Huwebes na patuloy na imomonitor ng Kapulungan ang mga halaga ng sibuyas, bigas at iba pang mga produktong agrikultura.


Ipinangako niya ito habang pinupuri ang Department of Justice (DoJ), at ang National Bureau of Investigation (NBI) sa paghahain ng kaso laban sa mga nasa likod ng hindi makatarungang pagtataas ng sibuyas, hanggang P700 kada kilo sa huling bahagi ng 2022.


Sa pagsususpetsa sa iligal na pag-iimbak at manipulasyon sa halaga, at alinsunod sa pagnanais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na gawing abot-kaya ang halaga ng mga produktong agrikultura, ay agad iniutos ni Speaker sa Komite ng Agrikultura na siyasatin ang dahilan sa pagtataas ng halaga ng sibuyas.


Sinabi niya na ang paghahain ng mga kasong kriminal at administratibo sa mga nasa likod ng pagtaas ng halaga ay, “is a product in part of our extensive investigation.”


“We welcome this result and we expect prosecutors to make the charges stick. We will continue to monitor prices and we will not hesitate to exercise our power of oversight by conducting an investigation and prodding agencies so we can protect the public from high prices and inflation,” aniya.


Pinuri rin ng pinuno ng Kapulungan ang Komite ng Agrikultura, lalo na si chairman Quezon Rep. Mark Enverga at ang pangunahing nag-iimbestiga sa kaso na si Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo, sa matagumpay na pagsisiyasat.


Tinapos ng Komite ang kanilang apat na buwang imbestigasyon matapos na matagumpay na matukoy ni Rep. Quimbo ang mga personalidad na sangkot sa kartel, na siyang responsable sa iligal na pag-iimbak at manipulasyon sa halaga ng sibuyas. 


Ang mga pagdinig sa Kapulungan ay nagresulta sa pagbulusok ng halaga ng sibuyas mula P700 hanggang P160 kada kilo.


Nagpahayag ng pagkadismaya si Speaker Romualdez sa umano’y pagkakasangkot ng ilang opisyal ng Kagawaran ng Agrikultura (DA) sa manipulasyon ng halaga ng sibuyas. 


“As public officers, we are expected to protect our people, not to make them suffer from abusive and illegal practices,” aniya.


Hinimok niya ang DoJ-NBI na tugisin ang iba pang mga opisyal at mga pribadong indibiduwal na pinagsususpetsahang sangkot sa manipulasyon sa halaga, at iligal na pag-iimbak ng sibuyas, bigas at iba pang produktong pagkain.


Nanawagan rin siya sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan tulad ng Cooperative Development Authority (CDA), na bantayan ang mga may-kaugnayang organisasyon na nasa ilalim ng kanilang pangangasiwa at ang kanilang mga opisyal.


Binanggit niya na ilan sa mga kinasuhan ng DoJ-NBI ay mga opisyal ng kooperatiba.


Sa isang pulong balitaan noong Miyerkules, ipinabatid ni DoJ Secretary Jesus Crispin Remulla na naghain ng kaso ang NBI laban sa napatunayang sangkot sa iligal na pag-iimbak at manipulasyon ng halaga matapos ang mahabang pagsisiyasat.


Ang mga kinasuhan sa paglabag sa Republic Act (RA) No. 3019 (Anti Graft and Corrupt Practices Act) ay sina DA Assistant Secretary Kristine Evangelista, Agribusiness and Marketing Assistance Service officer in charge Junibert de Sagun at Bureau of Plant Industry Director Gerald Panganiban.


Kinasuhan rin sila ng mga administratibong kaso dahil sa kakulangan at kawalan ng kakayahan sa opisyal na tungkulin, sa ilalim ng Revised Administrative Code.


Sa kabilang dako, mga kasong hoarding, falsification at profiteering naman ang inihain kina Bonena Multipurpose Cooperative officials Israel Reguyal, Mary Ann dela Rosa at Victor dela Rosa Jimenez.


Inaasahan ni Remulla na magpapalabas ng warrants of arrest ang hukuman sa mga isinangkot. wantta join us? sure, manure...

Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na magpapatuloy ang kanilang pagbabantay sa presyo ng sibuyas, bigas at iba pang agricultural products.


Kasabay ito ng pagpuri ni Romualdez sa Department of Justice at National Bureau of Investigation matapos magsampa ng kaso laban sa mga nasa likod ng di makatarungang presyo ng sibuyas na umaabot sa 700 pesos kada kilo bago matapos ang taong 2022.


Sinabi ng House leader na ang paghahain ng criminal at administrative charges ay produkto umano ng ginawang malalimang imbestigasyon ng Kamara.


Pero hindi aniya titigil ang Kongreso at hindi magdadalawang-isip na gamitin ang oversight powers upang magkasa ng imbestigasyon at maprotektahan ang publiko mula sa inflation.


Pinuri rin ni Romualdez ang House Committee on Agriculture at ang mga opisyal nito kasunod ng apat na buwang imbestigasyon na nagbunyag sa mga personalidad na nasa likod umano ng cartel na responsable sa hoarding at price manipulation ng sibuyas.


Nagresulta ito sa pagbagsak ng presyo ng sibuyas sa 160 pesos kada kilo mula sa dating 700 pesos.


Ikinadismaya naman ng House Speaker ang umano'y pagkakasangkot ng ilang opisyal ng Department of Agriculture sa manipulasyon sa presyo ng sibuyas dahil sa halip na protektahan ang publiko ay pinahihirapan pa sila ng mapang-abuso at ilegal na gawain. wantta join us? sure, manure...

Kamara ipagpapatuloy pagbabantay sa presyo ng bigas, sibuyas, iba pang agri products-- Speaker Romualdez 


Tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Huwebes na magpapatuloy ang ginagawang pagbabantay ng Kamara de Representantes sa presyo ng bigas, sibuyas, at iba pang produktong agrikultural.


Ginawa ni Speaker Romualdez ang pahayag kasabay ng kanyang pagpuri sa Department of Justice (DoJ) at National Bureau of Investigation (NBI) sa paghahain ng kaso sa mga sangkot sa hindi resonableng pagtataas ng presyo ng sibuyas na umabot sa P700 kada kilo noong huling bahagi ng 2022.


Alinsunod sa pagnanais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mapababa ang presyo ng mga bilihin, hiniling ni Speaker Romualdez sa committee on agriculture ang food na imbestigahan ang biglaang pagtaas ng presyo ng sibuyas.


Ayon kay Speaker Romualdez ang paghahain ng kasong kriminal at administratibo sa mga sangkot ay produkto ng malalim na imbestigasyong isinagawa.


“We welcome this result and we expect prosecutors to make the charges stick. We will continue to monitor prices and we will not hesitate to exercise our power of oversight by conducting an investigation and prodding agencies so we can protect the public from high prices and inflation,” sabi pa ng lider ng Kamara.


Kinilala rin ni Speaker Romualdez ang committee on agriculture ang food na pinamumunuan ni Quezon Rep. Mark Enverga at si Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo, sa matagumpay na pag-iimbestiga.


Nagtapos ang isinagawang imbestigasyon matapos na mapag-ugnay-ugnay ni Rep. Quimbo ang mga kasama sa kartel na siyang responsable sa pagtaas ng presyo ng sibuyas.


Sa gitna ng imbestigasyon ay bumaba ang presyo ng sibuyas sa P160 kada kilo mula sa P700 kada kilo.


Nagpahayag din ng pagkadismaya si Speaker Romualdez sa pagkakasangkot ng ilang opisyal ng Department of Agriculture (DA) sa manipulasyon ng presyo ng sibuyas.


“As public officers, we are expected to protect our people, not to make them suffer from abusive and illegal practices,” sabi nito.


Nanawagan si Speaker Romualdez sa DoJ-NBI na habulin ang iba pang opisyal na sangkot sa manipulasyon ng presyo hindi lamang ng sibuyas kundi maging ng bigas at iba pang produktong agrikultural.


Hinimok din ni Speaker Romualdez ang mga ahensya ng gobyerno gaya ng Cooperative Development Authority (CDA) na parusahan ang mga organisasyon na nakikipagsabwatan para pataasin ang presyo.


Noong Miyerkoles ay inanunsyo ni DoJ Secretary Jesus Crispin Remulla ang pagsasampa ng NBI ng mga kaso laban sa mga sangkot sa onion hoarding at price manipulation matapos ang isinagawa nitong imbestigasyon.


Sinampahan ng paglabag sa Republic Act (RA) No. 3019 (Anti Graft and Corrupt Practices Act) sina DA Assistant Secretary Kristine Evangelista, Agribusiness and Marketing Assistance Service officer in charge Junibert de Sagun at Bureau of Plant Industry Director Gerald Panganiban.


Mayroon ding silang kinakaharap na kasong administratibo.


Nasampahan naman ng kasong hoarding, falsification at profiteering sina Bonena Multipurpose Cooperative officials Israel Reguyal, Mary Ann dela Rosa at Victor dela Rosa Jimenez.


Sinabi ni Remulla na inaasahan nito na maglalabas ng warrant of arrest ang korte laban sa mga akusado sa nalalapit na panahon. (END) wantta join us? sure, manure...

Pinasalamatan ni Speaker Romualdez ang mga Pilipino sa mataas na rating na natanggap; sinabing Kamara nakatuon ang atensyon sa agarang pagtapos ng legislative agenda ng Marcos administration


Pinasalamatan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga Pilipino sa patuloy na pagbibigay ng mataas na kumpiyansa sa trabahong ginagawa ng Mababang Kapulungan batay sa resulta ng Pulso ng Pilipino tracking survey. 


"I am mighty humbled by the feedback of our kababayans on the work that the House has produced the past few weeks. We in the House will show our gratitude to Filipinos by working at an even higher pace to close out the year," saad sa pahayag ni Speaker Romualdez 


"Wala po kaming balak tumigil sa pagtatrabaho upang makamit natin ang inaasam na magandang bukas. We are hyperfocused on completing the legislative master plan of President Ferdinand 'Bongbong' R. Marcos Jr., no matter the extraneous noise that come our way," dagdag ng kinatawan ng unang distrito ng Leyte.


Ang pahayag ni Romualdez ay tugon nito sa resulta ng Pulso ng Pilipino tracking survey ng The Issues and Advocacy Center (The CENTER) na isinagawa noong Setyembre 23 hanggang 30.


Ang net satisfaction rating ni Speaker Romualdez para sa ikatlong quarter ng 2023 ay naitala sa 60% (70% satisfied, 10% dissatisfied), mas mataas ng 5 porsyento kumpara sa nakuha nito noong ikalawang quarter.  


“This is also the highest performance rating posted by an incumbent Speaker in the history of the Lower House,” saad ng The CENTER. 


Tinukoy rin ng The CENTER ang malaking ambag ni Speaker Romualdez at Senate President Juan Miguel Zubiri sa pamumuno ng Kamara at Senado para suportahan ang legislative agenda ng administrasyon.


Sakop ng naturang survey ang panahon na pinagtibay ng Kamara sa ikatlo at huling pag-basa ang P5.768-trillion General Appropriations Bill (GAB) o ang panukalang pambansang pondo para sa taong 2024 noong Setyembre 27. 


Sa kaparehong araw ay inanunsyo ni Speaker Romualdez na natapos at naipasa na ng Kamara ang lahat ng 20 Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) priority bills na target tapusin ng dalawang Kapulungan sa Disyembre 2023.


Ibig sabihin, tatlong buwan itong mas maaga kaysa sa napagkasunduang deadline.


Bagamat may limang linggong break ang sesyon, pinahintulutan ng liderato ng Kamara ang pagsasagawa ng mga komite ng pagdinig at briefing patungkol sa mga mahahalagang isyu at panukala. (END) wantta join us? sure, manure...