Wednesday, March 01, 2023

SIBUYAS QUEEN, NAGSUMITE NA NG PALIWANAG SA KOMITE SA KAMARA — REP BARZAGA

Kinumpirma ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga na nagsumite na ng paliwanag ang panig ng tinaguriang 'Sibuyas Queen' na si Leah Cruz. 


Sinabi ni Barzaga na batay sa ipinadalang sulat ni Cruz, nagtungo ito sa bangko sa Cabanatuan at matagal na rin aniyang naka schedule ang biyahe nito. 


Kung matatandaan, hindi dumalo si Cruz sa pagpapatuloy ng motu proprio hearing ng Kamara kaugnay sa manipulasyon ng suplay at presyo ng sibuyas noong Lunes. 


Dahil dito binigyan ni Barzaga ng 24 oras si Cruz para magpaliwanag. 


Ayon sa solon, ang explanation ni Cruz na nakalagay sa sulat, kinakailangan pumunta siya sa bangko sa Cabanatuan sapagkat mayroon siyang inaayos at matagal nang naka schedule iyon.


Idinagdag pa ni Barzaga na ilinawin lang umano nila ito sa pagdinig muli sa Martes.


Matatandaang na idinahilan ng abogado ng sibuyas queen na ang hindi pagsipot nito sa pagdinig noong ika-27 ng Pebrero ay pumunta ito sa probinsiya para kaisapin ang ilang mga magsasaka.




Posible namang pagpaliwanagin din ang abogado ni Cruz dahil sa ang unang idinahilan nito sa hindi pagsipot ng kliyente sa pagdinig noong February 27 ay pumunta ito sa probinsya para kausapin ang ilang magsasaka. 


Tiyak naman si Barzaga na dadalo na si Cruz sa susunod na pagdinig ng Committee on Agriculture na itinakda sa susunod na Martes, March 7. 


Dahil kung hindi ay tuluyan na talagang ipapa contempt si Cruz at posible pang ipa-aresto. 


"Siguradong a-attend sya sa Tuesday, otherwise ico-contempt na namin siya and we will order for her arrest." diin ng mambabatas. 


kath


##


wantta join us? sure, manure...

ONE STRIKE POLICY AT PAG-BLACKLIST SA MGA FRATERNITY NA NAMATAYAN DAHIL SA HAZING

Nararapat lamang na magkaroon ng one strike policy at pagba-blacklist laban sa mga fraternity, sororities, gangs at mga katulad na namatayan ng mga na-recruit dahil sa hazing.


Ito ang mungkahi ni Bagong Henerasyon partylist Rep Bernadette Herrera kasunod ng sinapit ng estudyante ng Adamson University na si John Matthew Salilig na pinatay at pinaniniwalaang biktima ng hazing.


Nanawagan ang solon sa Department of the Interior and Local Government o DILG, Commission on Higher Education o CHED, sa Department of Education o Deped na pairalan ang zero tolerance sa lahat ng uri ng hazing.


Ito ay sa pamamagitan ng one strike policy kung saan ang mga frat at kaparehong grupo ay iba-blacklist at idedeklarang persona-non-grata kung mapapatunayang nagsasagawa, nagpa-pahintulot, pumuprotekta o tumutulong sa pangangasiwa ng hazing, at ikinamatay ng biktima.





Idinagdag pa ng kongresista na tulungan ng DILG ang local government units o LGUs para epektibong maipatupad ang Anti-Hazing Law, at i-rehistro ang lahat ng grupo at miyembro upang madaling mabantayan at maaresto kapag may paglabag.


Ayon kay Herrera, ang Anti-Hazing Law ay may sapat namang probisyon, hakbang at “safeguards” at ang kailangan lamang ay mahigpit na pairalin.


Batay sa obserbasyon, ang fraternities ay mas aktibo na umano sa labas ng campuses matapos na maging epektibo ang Anti-Hazing Law.


Sa huli, ang hazing ay dapat aniyang itrato bilang “krimen” at usapin ng “peace and order” upang mabilis na makaka-aksyon ang mga LGU.


Isa


wantta join us? sure, manure...

5 LIBONG PISONG AYUDA PARA SA MGA FRESH GRADUATE NG KOLEHIYO, PASADO NA SA KOMITE NG KAMARA

Pasado na sa committee level ang panukalang batas na magkakaloob ng P5,000 financial assistance sa mga fresh graduates sa kolehiyo na naghahanap ng trabaho.


Sa inisyal na pagdinig sa HB06542 o mas kilala bilang an Act Providing fresh graduates of Philippines of one-time cash grant of ₱5,000, sinabi ni Deputy Speaker at Las Piñas Rep. Camille Villar na malaki ang maitutulong nito upang may magamit na panggastos ang mga bagong graduate sa mga aplikasyon na kanilang kailangan sa pag-aaplay ng trabaho.


Sinabi ni Deputy Speaker Villar na walang pagtutol sa kanyang panukala ang mga representanteng dumalo sa pagdinig na galing sa ibat ibang state agency at tanging minor amendments lamang ang kanilang nais.


Kaugnay nito, minungkahi naman ng isang solon galing sa Central Luzon na isama sa probisyon ng panukala na idaan sa automatic teller machine o ATM ang pamamahagi ng ayuda para sa mga newly graduates na naghahanap ng hanapbuhay.


Jopel


wantta join us? sure, manure...