MGA EPEKTO NG PAGKAKASUSPINDE SA MGA PROYEKTO NG REKLAMASYON, TINALAKAY NG KOMITE
Nagpulong ngayong Lunes ang Komite ng Ways and Means sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda, upang talakayin ang epekto sa kita at ekonomiya ng pagkakasuspinde kamailan lang ng mga proyekto ng reklamasyon na inaprubahan ng Philippine Reclamation Authority (PRA).
Ipinaliwanag ni Rep. Salceda na ang mga proyekto ng reklamasyon ay may pangakong alok ng napakalaking oportunindad sa ekonomiya at mga oportunidad na mapalawak ang saklaw ng pananalapi.
Pagkatapos ay binanggit niya na pansamantalang sinuspinde ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang 22 proyekto ng reklamasyon sa Manila Bay, para sa pagsusuri ng kanilang Environmental Compliance Certificates (ECCs) at mga pahintulot ng lugar.
Ayon kay Rep. Salceda, titingnan ng Komite ang posibilidad ng pagpanukala ng mga balangkas para sa pagpapaunlad ng reklamasyon na magpapabuti ng mga kita para sa pamahalaan, habang tinitiyak ang itatagal nitong pang-ekolohikal at panlipunan.
“Ultimately, the aim of this briefing is to check the benefits and costs of reclamation projects, whether we can maximize benefits while keeping social, environmental, and ecological costs to an acceptable minimum,” dagdag niya.
Inilarawan ni PRA Acting General Manager (GM) Atty. John Literal ang mga proyekto sa reklamasyon bilang ligtas, maaasahan, at pangmatagalan, tulad ng ipinakita ng Cultural Center of the Philippines Complex-Financial Center Area (CCP-FCA) at ng SM Mall of Asia.
Binanggit niya ang epekto ng pagpaparami ng mga proyekto ng reklamasyon sa negosyo at komersyal na aktibidad, paglikha ng mga trabaho at pagpapasigla ng mga aktibidad sa ekonomiya at paglikha ng bilyun-bilyong piso sa mga kita ng pamahalaan, bilang ilan sa mga benepisyo ng mga proyekto ng reklamasyon.
Upang matugunan ang mga alalahaning pangkapaligiran, iniulat ni Acting GM Literal ang pagpapalabas ng PRA ng Administrative Order No. 2019-05 na nag-uutos sa pagsasama ng mga berdeng espasyo sa mga proyekto ng reklamasyon.