Make Us Worthy, Lord
Make us worthy, Lord, to serve our fellow man
Throughout the world who live and die in poverty and hunger.
Give them through our hands this day their daily bread,
And by our understanding love, give peace and joy.
THE OFFICIAL BLOGSPOT OF THE MEMBERS OF THE DYSFUNCTIONALS INCORPORATED IN THE BILLS AND INDEX SERVICE OF THE HOUSE OF REPRESENTATIVES IN THE ISLANDS OF THE PHILIPPINES.
Make Us Worthy, Lord
Make us worthy, Lord, to serve our fellow man
Throughout the world who live and die in poverty and hunger.
Give them through our hands this day their daily bread,
And by our understanding love, give peace and joy.
PANUKALA NA MAGPAPAUNLAD SA PHARMACEUTICAL, APRUBADO
Inaprubahan ngayong Miyerkules ng Komite ng Kalusugan sa Kamara, na pinamumunuan ni Batanes Rep. Ciriaco Gato Jr. ang House Bill (HB) 9867, na pangunahing iniakda ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, at naglalayong pabilisin ang pagdiskubre at pagpapaunlad ng mga makabagong gamot. Ayon kay Gato, ang mas abot-kayang halaga at malawak na uri ng mga medisina, ay mas dapat na suriin ang kasalukuyang regulasyon at mga aktibidad sa klinikal na pagsubok. “There is a clamor to improve our access to innovative medicines by assessing and redesigning the present clinical trial system and possibly by establishing a center which shall serve as a pharmaceutical hub for medical research and development,” ani Gato, isa rin sa co-author ng panukala. Sa explanatory note ng HB 9867, sinabi ni Romualdez na sa pagpasa ng Republic Act 11223, o Universal Health Care Act, ay napagtibay sa pamamagitan ng polisiya ng pamahalaan ang modelo ng pangangalaga ng kalusugan, na ibinabahgi sa bawat Pilipino sa abot-kayang halaga, kalidad, preventive, curative, rehabilitative at palliative health services. “In line with this policy, the conduct of clinical trials has been recognized as a scientific and research-based approach that helps medical researchers and developers optimize benefits, reduce risks and ensure the safety and efficacy of innovative medicines,” ayon kay Speaker. Ikinalungkot niya ang kasalukuyang datos na nagpapakita ng ganap na pagbaba sa pagsisimula ng 2014, sa bilang ng mga bagong clinical trials na ginagawa sa Pilipinas. Ang pagbaba ay hindi lamang nagpalawak sa puwang sa pagitan ng bansa at iba pang nangungunang mga bansa, bagkus ay nagdulot ito ng kahirapan sa pag-akses ng mga makabagong medisina para sa mga Pilipino, na may iisa lamang sa 166 na mga bagong gamot na pandaigdigang inilunsad, at naidagdag sa Philippine National Formulary. “As such, there is a need to revitalize the Philippines as a regional center of excellence in the field of clinical trials and improve access to innovative medicines by building and redesigning our clinical trial system, through the establishment of an Experimental Drug Development and Discovery Center,” aniya. Sinabi ni Deputy Majority Leader at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre, isa rin sa mga co-author ng HB 9867, na kikilanin bilang Pharmaceutical Innovation Act, na ang panukala ay maglalagay rin sa posisyon ng Pilipinas sa pagiging global leader sa pagsasaliksik, na magdudulot ng kapakinabangan sa sistema ng pangangalaga sa kalusugan ng bansa, ekonomiya at international standing. Isa rin sa mga co-author ng panukala si Tingog Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez. Nagpahayag naman ng suporta ang mga opisyal ng mga kaugnay na ahensya ng pamahalaan, kabilang ang mga health care at pharmaceutical establishments sa HB 9867 sa idinaos na pagdinig, at inisa-isa ang mga potensyal na benepisyo nito sa bansa. Binanggit ni Dr. Diana Edralin, president ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines, ang mga hamon sa review timelines, limited infrastructure at support mechanisms, gayundin ang kakulangan ng public disease registries bilang mga kakulangan, na nakaapekto sa clinical trial competitiveness ng bansa, na nakaapekto rin sa pag-akses ng mga pasyente sa mga bagong gamot. “The bill holds potential to address these (challenges), positioning the Philippines as the center of clinical trials in the region,” aniya. Nakita rin ng Philippine Chamber of Pharmaceutical Industry ang bentahe ng panukala, na humihikayat sa pagpapaunlad ng pangangalaga sa kalusugan, paglago ng ekonomiya, akses sa mga bagong gamot, kabilang na ang pagsasaliksik at pagpapaunlad ng ecosystem sa Pilipinas at inter-agency collaboration at pakikipagtulungan.