Thursday, June 29, 2023

PAGLIPAT NG PHILHEALTH SA OFFICE OF THE PRESIDENT MULA DOH, SINANG-AYUNAN SA KAMARA

Sang-ayon si House Ways and Means Committee Chairman at Albay 2nd district Representative Joey Sarte Salceda sa mungkahi na ilipat ang  Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth sa Office of the President mula sa Department of Health.


Para kay Salceda, ang nasabing proposal mula kay Health Secretary Teodoro Herbosa ay isang mainam na paunang hakbang sa pagpapatupad ng mga reporma sa PhilHealth.


tiwala si Salceda na makakatulong ito para mas mapahusay ang financial governance at investment management ng PhilHealth na isa aniyang social insurance agency at hindi isang ospital.


sabi ni Salceda, sa pamamahala sa PhilHealth ay maaring konsultahin ng Pangulo ang Secretary of Finance.


naniniwala si Salceda na sa ganitong set-up ay matitimbang at matutugunang mabuti ng Pangulo ang finance and health concerns sa PhilHealth.


tiniyak naman ni Saceda na sila sa Kongreso ay patuloy na magtatrabaho para maipatupad ang nararapat na mga reporma sa PhilHealth.

####wantta join us? sure, manure...

FLOOD CONTROL PROJECTS NI PBBM, MAHUSAY NA PLANO PARA SA PATUBIG NG BANSA

Para kay  Makati City Second District Representative Luis Jose Angel N. Campos Jr., mahusay ang plano ni President Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na gamitin ang multibilyong piso mula sa annual budget para sa flood control projects. 


Ito ay para kolektahin at i-recycle ang tubig ulan sa Metro Manila at gamitin sa patubig o irigasyon ng mga pananim sa mga katabing probinsya ng Kalakhang Maynila.

Diin ni Campos, kung makakapagtayo ang gobyerno ng bago at malaking stormwater reservoirs para sa farm irrigation ay maitutuon ng Angat Dam ang water reserve nito para sa pangangailangan sa tubig ng mga naninirahan sa Metro Manila.

Binanggit ni Campos na sa ngayon ay sa Angat Dam din nagmumula ang tubig para sa irigasyon ng nasa 28,000 ektaryang bukirin sa Central Luzon.


Ayon kay Campos, bukod dito ay Angat Dam din ang nagsusuplay sa 90 percent ng pangangailangan sa tubig ng buong Metro Manila.

 wantta join us? sure, manure...

PAKIKIISA NG KAMARA SA MGA NAISIN NI PBBM SA MARITIME INDUSTRY, IPINANAWAGAWAN NI SPEAKER ROMUALDEZ

Nanawagan ang Liderato ng Kamara sa mga mambabatas na patuloy na magkaisa upang maisulong ang pagnanais ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., na mapaunlad ang maritime industry at masiguro ang kapakanan ng mga Filipino seafarers.


Ginawa ni House Speaker Martin Romualdez ang pahayag sa ginanap na International Transport Workers’ Federation o ITF Seafarers’ Expo sa Pasay City.


Ayon sa Speaker, labis ang kanyang pasasalamat sa walang kapaguran at di matatawarang serbisyo ng mga seafarers na nagsisilbing buhay ng maritime industry at may malaking ambag sa ekonomiya ng bansa.


Isa ani Romualdez sa mga patunay ng mariing pagsuporta ng Mababang Kapulungan sa kanilang sektor ang ipinasang Magna Carta of Seafarers o House Bill (HB) No.7325, na kabilang sa 33 out of 42 priority legislation ni PBBM.


Inaprubahan aniya ng Kamara ang panukala bago ang adjournment ng First Regular Session ng 19th Congress, at naghihintay na lamng ng aksyon mula sa senado.


tuloy tuloy din ani Speaker Romualdez, ang pagtugon ng pamahalaan sa ipinatupad ng European Commission na pagban sa mga Pilipinong Marino dahil sa kawalan umano ng sapat na training ng ating mga seafarers. wantta join us? sure, manure...

BAGONG BSP GOVERNOR, MALAKI ANG HAMON NA KAKAHARAPIN

Nahaharap sa malaking hamon si Eli Remolona sa kanyang tungkulin bilang bagong Governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas.


Ito ang reaksiyon ni Congressman Joey Salceda, Chairman ng House Ways and Means Committee sa balitang papalitan ni Remolona si BSP Governor Felipe Medalla na magtatapos na ang termino sa Hulyo.


Sinabi ni Salceda na masusubok ang policy direction ni Remolona sa sandaling magsimula na ito sa kanyang tungkulin sa July 2.


Ayon kay Salceda, inaasahan niya na ipagpapatuloy ni Remolona ang mga programa na nasimulan ni Medalla.


Patikular na dapat gawin ni Remolona ay protektahan ang bansa mula sa external shocks sanhi ng mga kaganapan sa world market.


Pinasalamatan naman ni Salceda si Medalla sa paglilingkod nito sa BSP sa panahon na bagsak ang ekonomiya na pinalala ng covid-19 pandemic. wantta join us? sure, manure...

MARAMING REPORMA PARA SA PAGLAGO NG MGA NEGOSYO SA BANSA, ISINUSULONG NI SPEAKER ROMUALDEZ

Ilang mahahalagang reporma na inilatag upang makalikha ng naaayon na kapaligiran para sa mga negosyo na lumago, makahikayat ng maraming pamuhunan at makalikha ng maraming trabaho para sa masaganang kinabukasan ng sambayanang Pilipino ang ipinahayag ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga pinuno ng mga negosyante nitong nakaraang Martes.


Sa kanyang mensahe sa 44th National Conference of the Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na idinaos sa Manila Hotel, binanggit ni Romualdez na ang naturang direksyon ng polisiya ay nakaangkla sa pagkilala ng pamahalaan sa mahalagang papel ng mga employers, sa layunin ng bansa para sa kaunlaran.


(“The Philippine government, under the leadership of President Ferdinand R. Marcos, Jr, recognizes this and is committed to fostering an environment that bolsters your efforts,” ayon kay Speaker Romualdez.)


Pinasalamatan niya rin ang mga pinuno ng mga negosyante sa kanilang katatagan at paninindigan sa harap ng mga pagsubok na idinulot ng pandemyang COVID-19, sa pamamagitan ng pananatili ng kanilang mga negosyo, para tiyakin sa milyong mga Pilipino na makaagapay sa kanilang kabuhayan sa panahon ng krisis.



(“On behalf of the 19th Congress and the Filipino people, I express my heartfelt gratitude and admiration for your courage and perseverance,” ani Romualdez.


“Our President, Bongbong Marcos, and we in the 19th Congress recognize and appreciate your significant role, not only as economic drivers but as stalwart partners in navigating these tumultuous times. We've seen firsthand your determination to keep the Philippine economy resilient amidst the global crisis,” dagdag niya.)



Upang makahikayat ang bansa ng pamuhunan para sa paglago ng ekonomiya, sinabi ni Romualdez na nakipagkapit-bisig ang Kamara sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na maalis ang ‘red tape’ at maisulong ang ‘ease of doing business,’ at iba pa.




“Recognizing the advent of the digital economy, we've championed the Digital Philippines program. This is a dual effort to enhance our digital infrastructure and arm our workforce with the necessary digital skills, creating an avenue for more job opportunities in the tech sector,” aniya.


“Moreover, we are committed to ensuring that our economic growth is inclusive and sustainable. We are prioritizing sectors like agriculture, manufacturing, and services, which are crucial for job creation, particularly for marginalized communities,” dagdag ni Romualdez.


Sa kanyang pagtugon sa mga dumalong dayuhang dignitaryo, sinabi ni Speaker Romualdez na panahon na para mamuhunan dito sa Pilipinas, na siyang pinakamabilis na lumalagong ekonomiya sa mundo, bukod sa pagkakaroon ng isang tanyag na pinuno, si Pangulong Marcos. 


Para sa kanya, binigyang-diin niya na ang Kapulungan ng mga Kinatawan ay nagsisikap na maisa-insitusyon ang mga kinakailangang reporma, at binanggit na bago nag adjourn ang First Regular Session ng ika-19 na Kongreso, ay inaprubahan ng Kapulungan ang 33 sa 42 prayoridad na panukala, na nakatala sa adyenda para sa lehislasyon ng Legislative-Executive Advisory Council (LEDAC).


Sinabi ni Romualdez na kabilang sa mga inaprubahang panukala ay ang Maharlika Investment Fund bill, na naglalayong likhain sa bansa ang kauna-unahang sovereign investment fund, na inaasahang magiging pangunahing pagkukunan ng pondo ng mga malalaking proyekto ng administrasyon.


Nanawagan si Speaker Romualdez sa ECOP na ipagpatuloy ang kanilang partnership sa pamahalaan, upang matiyak ang tuloy-tuloy na pag-ahon at paglago ng ekonomiya matapos ang pandemya.


“I am confident that with the continued collaborative efforts of the Marcos administration, the 19th Congress, and the Employers Confederation of the Philippines, we can achieve a prosperous and resilient economy, offering a brighter future for all Filipinos,” aniya. wantta join us? sure, manure...