Thursday, January 25, 2024

hajji Nakahanda ang Kamara na suportahan ang isang alternatibong People’s Initiative na pangungunahan ng Senado upang isulong ang pag-amiyenda sa ilang probisyon ng Saligang Batas.


Ito ang nilalaman ng liham ni House Speaker Martin Romualdez kay Senate President Juan Miguel Zubiri sa harap ng pagpapalabas ng manifesto ng Senado na tumututol sa People’s Initiative para sa Charter Change.


Sa naturang liham, sinabi ni Romualdez na hinihintay ng Mababang Kapulungan ang pag-apruba sa Resolution of Both Houses Number 6 na mag-aamiyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution partikular ang tatlong Articles nito.


Buo aniya ang suporta ng Kamara sa RBH 6 alinsunod sa napag-usapan at sa commitment bago pa ang vin d’ honneur noong January 11.


Binanggit din ni Romualdez ang bahagi ng opening statement nito sa pagbubukas ng sesyon noong Lunes na nagbibigay-diin sa napapanahong pagpapapasok ng foreign capital at direct investments sa bansa.


Gayundin ang pagpuri kay Zubiri at sa mga senador dahil sa pagsisikap na itaguyod ang Cha-Cha sa pamamagitan ng Constituent Assembly.


Ipinunto naman ng House leader sa kanyang sulat na mahalaga ang kooperasyon at nagkakaisang pasya kaya ang mga nakalipas na hadlang ay gagawing reporma tungo sa maunlad na hinaharap.

wantta join us? sure, manure...

hajji Kinumpirma ni Davao del Norte First District Representative Pantaleon Alvarez na posibleng maghain siya ng sariling petisyon sa Korte Suprema na kumukuwestyon sa People's Initiative para isinusulong na Charter Change.


Ayon kay Alvarez, habang nangangalap ng pirma ang mga nangunguna sa People's Initiative ay nag-iipon siya ng mga ebidensya upang pagdating ng tamang panahon ay mayroon na siyang attachments.


Naghihintay lamang umano ng timing ang dating House Speaker dahil subject for verification pa ang signatures at hindi maaaring pangunahan ng paghahain ng petisyon. 


Naniniwala rin si Alvarez na kayang-kaya na makuha ang required percentage ng registered voters sa bawat distrito lalo't nagkakabigayan umano ng pera sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations at walang magawa ang mga tao dahil sa gutom at hirap ng buhay.


Buwelta pa ng kongresista, hindi dapat ito tawaging People's Initiative kundi "Tambaloslos Initiative" dahil pakana umano ito ni Speaker Romualdez pati na ang pamamahagi ng pera.


Umapela naman si Alvarez sa mga kapwa mambabatas na manindigan at huwag umanong matakot sa ginagawa ng liderato alang-alang sa kapakanan ng kinakatawang distrito.

wantta join us? sure, manure...

tina Hinimok ni i House Speaker Martin Romualdez ang  iba pang mga negosyo na sumunod sa batas na nagbibigay ng diskwento para sa mga senior citizens, persons with disability (PWDs) , solo o single parents.


Kasunod ito ng hakbang ng San Miguel Corporation at  Starbucks na pagbibigay diskwento sa mga ito, kung saan kahapon nag-alok ng 40-percent  discount ang kilalang coffee shop sa mga nakatatanda, may kapansanan at medal of valor awardees .


Ito’y bilang pambawi  ng coffee shop sa kanilang mga customers matapos amining nagkamali sila sa sa paglagay ng signage o abiso na naglilimita sa paggamit ng 20% discount..


Kasabay nito babala ng house speaker sa ibang business establishment na di sumusunod sa batas, hindi magdadalawang isip ang kamara na gamitin ang oversight power nito upang sila’y mapasunod sa batas.

wantta join us? sure, manure...

tina Itinutulak ngayon ni AGRI Party-list Rep. Wilbert T. Lee sa mababang kapulungan ng kongreso ang kanyang inihaing House Bill No. 9797 o ang Free Medicine Act of 2024.


Layon ng naturang panukala na bumuo ng isang medicine voucher program para sa mga mahihirap na Pilipino upang magkaroon ng access sa gamot mula sa mga pampublikong ospital, accredited drugstores at iba pang pribadong establisyemento .


Ayon kay Lee , ang nangyayari kasi kahit covered ng Philhealth ang isang pasyente , kapag hindi available sa ospital ang gamot na kailangan nito napipilitang bumili sa labas o galing sa kanilang sariling bulsa ang pasyente.


Ito ani Lee ang dahilan kung bakit marami ang napipilitang mangutang at iyong iba ay hindi na lang bumibili ng gamot kaya lumalala ang sakit ,


Dagdag pa ng kongresista, batid niyang napakabigat na ng dinadalang problema ng mga maysakit at ng kanilang pamilya kaya’t mas mabuting huwag nang isama sa kanilang iisipin ang pagkuha ng perang pambili ng gamot. 


Kung tuluyang maisasabatas , makikipag-ugnayan ang Department of Health  sa mga kaukulungan ahensya ng gobyerno at stakeholders at bubuo ng mekanismo sa upang mapadali ang akreditasyon ng health care medicine providers,   mga pribadong kumpanya ng gamot at mga tindahan para  matiyak ang paghahatid ng  de-kalidad at accessible na mga gamot.

wantta join us? sure, manure...

milks Pag-arangkada ng People’s Initiative,  pinanindigan ni Speaker Romualdez…



Legal at nasa konstitusyon ang isinusulong ng People’s Initiative.


Pinanindigan ni House Speaker Martin Romualdez ang P-I kahit tinawag ito ng Senado na paglabag sa ating saligang batas.


Ayon kay Romualdez, ayaw niyang mauwi sa banggaan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang isyu sa chacha.


Sinabi ni Romualdez, handa niyang pangunahan sa Kamara ang hakbang  para aprubahan ang bersiyon ng Senado para sa ekonomiya.


Ayaw na rin patulan ng House Speaker ang batikos ng ilang senador.


Pakinggan natin si House Speaker Martin Romualdez…



RHTV : Insert video/audio Romualdez…



Samantala, sa panig ni Congressman Joey Salceda, hindi isyu kung nagbago man ang posisyon ng Senado sa Resolution of Both Houses no. 6.


Paliwanag ni Salceda, may sapat nang bilang ang P-I para i-petisyon ng Comelec na magdaos na ng plebesito.


Umaapela naman si Congressman Edcel Lagman, makabubuting mamagitan na si Pangulong Bongbong Marcos bago tuluyang sumiklab ang iringan ng Senado at Kamara.


Dagdag pa ni Lagman, hayaan ang Korte Suprema na humatol sa porma ng amyenda, kung “voting jointly o separately” sa usapin ng chacha.


wantta join us? sure, manure...

rpp Kabataan kay Bato: Wag maduwag, harapin kaso kaugnay ng war on drugs



Sa halip na maging pa-victim, hinamon ng Kabataan party-list si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na magpakalalaki at huwag maduwag at harapin ang kaso kaugnay ng war on drugs campaign ng administrasyong Duterte.


“Pa-victim masyado. Hindi pang-aapi ang imbestigasyon. Swerte pa nga ni Sen. Bato dahil binibigyan pa siya ng due process at pagkakataong magpaliwanag, ‘di tulad ng libo-libong mga Pilipino, lalo mga kabataan, na pinatay sa pekeng gera kontra droga dahil lang pinaghinalaan ng mga pulis. He should be brave enough to face any possible charges or be held accountable,” ani Kabataan Rep. Raoul Manuel.


Ginawa ni Manuel ang pahayag matapos na hamunin ni Dela Rosa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpakalalaki at sabihin sa publiko kung may plano ito na payagan ang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng war on drugs na isang pagtalikod sa kanyang sinabi noong Nobyembre.


"Paranoid siguro si Sen. Bato kung nagsimula na ang imbestigasyon kasi alam niyang mabigat, marami at di maitatanggi ang ebidensiya laban sa kanya at sa kanyang amo na si Rodrigo Duterte,” sabi pa ni Manuel. 


"Ang tunay na pagiging makabayan ay hindi pagtaboy sa ICC kundi ang paglaban para makamit ang hustisya para sa kapwa Pilipino. Nais ng mamamayan ang katarungan para sa bayang minasaker sa ilalim ng war on drugs," dagdag pa ng kongresista.


Sinabi ni Manuel na sususugan nito na makapag-imbestiga ang ICC upang mapanagot ang mga sangkot sa war on drugs campaign. 


"Kaya kahit ayaw ng Malacañang na mag-cooperate sa ICC para makamit ang hustisya, ipaglalaban ng kabataan na mapanagot ang mga nasa likod ng drug war at political killings sa nakaraang rehimen. Mananagot din ang mga humahadlang sa hustisya," saad ng mambabatas. (END)


wantta join us? sure, manure...

rpp Mga senador hindi dapat matakot sa gusto ng taumbayan—Salceda



Tinuligsa ni Albay Rep. Joey Salceda ang ginawang pagbasura ng Senado sa People’s Initiative upang maamyendahan ang 1987 Constitution.


Sinabi ni Salceda na hindi dapat katakutan ng mga senador ang taumbayan kundi dapat pakinggan nila ang opinyon nito kaugnay ng pag-amyenda sa Konstitusyon.


“Bakit kayo takot sa tao? Eh ang gagaling naman ninyo. ‘Di ba 24 kayo? Nagkaisa kayo eh ‘di makukumbinsi niyo ‘yung tao magboto ng “no,” ani Salceda.


Sinabi ni Salceda na panahon na upang pakinggan ng mga senador ang boses ng taumbayan kaugnay ng pag-amyenda sa Konstitusyon.


“Hindi naman lagi na lang kayong nakikinig sa mga senador. Lagi na lang kayong nakikinig sa mga congressman. Bakit hindi natin pabayaan ang tao? Kaya nga nilagay ‘yan sa 1987 Constitution, ang people’s initiative. Para saan pa ‘yun?” punto ni Salceda.


“Once and for all, why won’t we listen to the people? Let them speak,” dagdag pa ni Salceda.


Lumagda ang 24 senador sa isang manifesto kung saan kinokondena ng mga ito ang People’s Initiative o ang pangangalap ng lagda kinakailangang lagda para makapagpatawag ang Commission on Elections ng isang plebisito para tanungin ang boses ng mga botante kung pabor ang mga ito na amyendahan ang Saligang Batas.


Nagpahayag din ng pagtataka si Salceda kung bakit hinaharang ng mga senador ang opinyon ng publiko sa halip na himukin ang mga ito na bumoto ng no sa panawagan na amyendahan ang Konstitusyon.


Ibinasura rin ni Salceda ang mga alegasyon ng panunuhol at iba pang iligal na gawain upang makakuha ng pirma.


“Susmaryosep! Hindi ganoong kaano ang mga Pilipino. Napakababa naman ng tingin nila sa tao. Hindi ‘yan basta-basta pipirma eh,” dagdag pa ni Salceda. (END)


wantta join us? sure, manure...

rpp Taumbayan hayaang magdesisyon kung dapat amyendahan ang Konstitusyon—Salceda



Ang taumbayan at hindi ang mga senador lamang ang dapat na magdesisyon kung dapat na amyendahan ang economic provisions ng Konstitusyon, ayon kay Albay Rep. Joel Salceda.


Ayon kay Salceda ang People’s Initiative ay isa sa mga paraan upang maamyendahan ang Konstitusyon at sa huli ang taumbayan ang boboto kung nais nila ang ipapanukalang pagbabago.


“Ultimately, over and above the House of Representatives and the Senate, the people are supreme and sovereign. The people’s initiative is a valid mode of amending the Constitution. Neither the Senate nor the House can deny this,” ani Salceda.


Ipinunto ni Salceda na ang Pilipinas ay isang demokratikong bansa kung saan ang taumbayan ang pinakamataas.


Ayon kay Salceda ang Pilipinas ay pang-walo sa 10 bansa sa Association of Southeast Asian Nations pagdating sa pagiging maunlad at ang nakikitang dahilan ito ay ang limitasyong nakasaad sa Konstitusyon sa pagnenegosyo ng mga dayuhan sa bansa.


“We should not be afraid of the popular will. The House is not, and the Senate, as a bastion of democracy, should not be,” he said. “Frankly, to address the heart of the matter, so what if a foreigner buys land? As long as he buys it at a fair price and invests to make it productive.”  

 

“I would rather allow the foreigner to do agriculture here, than import cheaper food abroad with hard-earned OFW (overseas Filipino worker) dollars. We Filipinos are already among the largest landowners in Australia and that country does not complain,” sabi ni Salceda.


“Perhaps we should try freedom: The freedom of the people to amend their constitution. The freedom of farmers to work with foreign capital and technology. The freedom of Filipinos to invest in the agriculture sector,” dagdag pa nito.


Kinontra rin ni Salceda ang mga senador at iba pang tumututol sa pag-amyenda sa Konstitusyon na kanila lamang pinoprotektahan ang interes ng bansa.


“Are we protecting our farmers or keeping them poor? Over 42% of agricultural households are poor, versus 11 percent for non-agricultural households. That means our non-agricultural households alone are already at the same poverty rate as rich countries like Germany and Canada,” sabi ng kongresista.

 

“Are we protecting our farms, or starving it of capital? Are we protecting our agriculture sector or keeping it stunted?” he asked. “If we keep at this rate, we will depend more on imported food every year, or starve,” babala ni Salceda.

 

“The world’s best countries for agricultural efficiency – Israel and Netherlands – impose no restrictions on foreign ownership of private land. And these are very small countries with limited land supply,” punto pa ng solon. “As a result of keeping the tap open, the flow of foreign capital and technology in their agriculture is steady.”


Iginiit ni Salceda ang kahalagahan na dumami pa ang dayuhang pamumuhunan sa bansa upang mas maraming trabaho ang maaaring mapasukan ng mga Pilipino at mapa-unlad ang iba’t ibang industriya rito.


###


wantta join us? sure, manure...

rpp Senador, kongresista pare-parehong boboto sa pagbabago ng Konstitusyon



Pare-pareho umanong boboto ang mga senador at kongresista sa panukalang amyendahan ang Konstitusyon.


Ayon kay dating House Committee on Constitutional Amendments chairperson at Ako Bicol partylist Rep. Alfredo Garbin sa ilalim ng isinusulong na People’s Initiative ibinibigay ng taumbayan sa Kongreso ang kapangyarihan na amyendahan ang Konstitusyon at bumoto ng iisa.


Sinabi ni Garbin na hindi dapat hayaan ang Senado na pigilan ang Kongreso na gamitin ang kapangyarihan nito na amyendahan ang Konstitusyon sa pamamagitan ng Constituent Assembly.


“No one House should be allowed to frustrate the efforts of the other and effectively paralyze the entire Congress from discharging its power as a Constituent Assembly to revise or amend our fundamental law to promote the general interest of the people,” ani Garbin.


Ang pagboto ng magkasama ng mga senador at kongresista, ayon kay Garbin ay isang demokratikong proseso kung saan ang lahat ay mayroon lamang tig-isang boto.


“Regardless of the size or influence of a particular House, the power emanating from the people is distributed individually to each Member of Congress, ensuring that every voice contributes to the collective decision-making process,” punto pa ni Garbin.


“Voting jointly does not diminish the significance or authority of either House, but rather reflects the intention to combine the perspectives and mandates of both Houses to reach a comprehensive and representative decision,” dagdag pa nito. “This parity of voting is a distillation of democratic representation in its purest form: one person, one vote.”


Ipinunto pa ni Garbin na sa huli ay ang taumbayan ang magdedesisyon kung nais nila na maamyendahan ang Konstitusyon.


“In the final analysis, what is important in the process of amending the constitution is that it's the people’s will that shall prevail all proposals shall be ratified by the people in a plebiscite,” wika pa nito.


Sinabi ni Garbin na hindi ito ang unang pagkakataon kung saan boboto ng magkasama ang mga senador at kongresista.


Ganito umano ang proseso ng pagboto ng mga senador at kongresista sa pagbasura o pagpapalawig ng proklamasyon ng writ of habeas corpus, at pagbasura o pagpapalawig ng deklarasyon ng martial law, ayon sa Article VII, Section 18 ng Konstitusyon. (END)


wantta join us? sure, manure...