Thursday, March 23, 2023

MALING GAWAIN AT PAG-UUGALI NG SINUMANG MIYEMBRO NG KAMARA, HINDI KOKUNSENTIHIN NG KAPULUNGAN — SPEAKER ROMUALDEZ

Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez sa mga mamamayan na hindi nito kukunsentihin ang mga maling gawain at pag-uugali ng sinumang miyembro ng Kamara ng Kongreso sa ilalim ng kanyang pamumuno.


Ginawa ni Speaker Romualdez ang pahayag bago mag-adjourn ang Kongreso para bigyang daan ang Lenten break.


Ipinagmalaki din ni Speaker ang mga nagawa ng Kamara sa loob ng 9 na buwan ng 19th Congress na di pa aniya nagagawa kailanman.


Ayon sa lider ng Kamara, isang mahalagang usapin ang pagkakadawit ni Negros Oriental Cong. Arnie Teves sa pagpaslang kay Gov. Roel Degamo at ilan pang indibidwal, na nangangailangan ng madalian at maayos na aksiyon ng Kapulungan.


Dumaan ani Romualdez sa tamang proseso ang pagdinig ng Committee on Ethics and Privileges at iginalang ang mga karapatan ni Rep. Teves bago ito nagsumite ng report para sa agarang plenary action.


Matatandaan na sa botong 292, pinatawan ng Kamara ng 60 days suspension si dahil sa hindi tamang pag-uugali o disorderly behavior. wantta join us? sure, manure...