Wednesday, November 29, 2023

PANGMATAGALANG KAPAYAPAAN SA BANSA, PINANINIWALANG MAKAMIT NA SA LALUNG MADALING PANAHON—REP CORVERA

Naniniwala si Agusan Del Norte Representative Dale Corvera na malaking hakbang tungo sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan ang iginawad na amnesty program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa mga dating rebelde sa bansa.


Sinabi ni Corvera, dating gobernador ng lalawigan, nasaksihan niya ang pagsuko ng communist rebels nang ilabas ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order Number 70 na nagpatupad ng whole-of-nation approach sa paglaban sa insurgency.


Ayon sa kanya, mas marami pa sana ang nais magbalik-loob sa lipunan, batay sa kanyang napag-alaman, ngunit napangunahan ng takot na makulong dahil sa nakabinbin nilang mga kaso sa korte.


Ngayong inilabas ni Pangulong Marcos ang Executive Order Number 47 ay mahihikayat aniya ang mga rebelde na bumaba at magsimula na ng bagong buhay kasama ang pamilya.


Sa pamamagitan din ito ng pag-avail sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program ng gobyerno para sa mga dating rebelde.


Iginiit ng kongresista na ipinakita umano ng pamahalaan ang sinseridad sa pagnanais ng kapayapaan at pagtulong sa rebel returnees na makaahon sa buhay at tuluyang matugunan ang mga balakid sa kaunlaran.


Dagdag pa ni Corvera, ang issuance ng EO ay pagsasakatuparan sa pangako ni PBBM sa kanyang ikalawang State of the Nation Address o SONA. wantta join us? sure, manure...