Sunday, December 04, 2022

KARAGDAGANG ALLOWANCE PARA SA MGA OPISYALES NG BARANGAY AT MGA TANOD, ISINUSULONG SA KAMARA

Ipinanukala nina Tingog Party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude A. Acidre sa Kamara de Representantes ang dagdag na allowance at paggawad ng mga honorarium at benepisyo sa mga barangay worker at mga tanod.


Sinabi nina Romualdez at Acidre na dapat mabigyan rin ng prayoridad ang pag-professionalize sa pagri-recruit ng mga manggagawa sa mga local government.


Sa HB02349 ng mga kinatawan ng Tingog party-list, sa paggawad ng increase sa kanilang mga allowance, honorarium at mga benepisyo, ang mga barangay worker at mga tanod ay dapat nakapag-selbi muna ng at least isang taon na sa lokalidad.


Ayon pa kay Romualdez at Acidre, batay sa RA07160 na kilala bilang Local Government Code, na inamiyendahan na, ang mga opisyal ng barangay ay tumataggap ng hindi bababa sa ₱1,000 na honorarium bilang kanilang kompensasyon ngunit sa dekadang batas na ito bilang batayan, hindi na angkop at pantay kahit sa regional minimum wage level.


Dahil dito, nais ng dalawang solon na maamiyendahan muli ang nabanggit na batas para mabigyang-daan ang pagdagdag ng minimum allowance sa Punong Barangay mula ₱1,000 na gawing ₱3,500 at gawing ₱2,500 na allowance para sa mga Sangguniang Barangay member, barangay treasurer, secretary at tanod.

wantta join us? sure, manure...