Sunday, November 12, 2023

PATATATAG NG DANGEROUS DRUGS COURTS, ISINUSULONG NI REP. BARBERS

Naghain ngayon si Surigao Del Norte Representative Robert Ace Barbers ng panukalang magtatatag ng "Dangerous Drugs Court" sa lahat ng lungsod at lalawigan upang mapabilis ang usad ng mga nakabinbing kaso na may kaugnayan sa ilegal na droga sa bansa.


Sa isinusulong ni Rep. Barbers na HB09446, lilikha ito ng special court sa bawat lugar upang agad na maresolba ang nasa tatlongdaang (300,000) libong drug cases na nananatiling nakabinbin sa mga korte.


Sinabi ni Barbers na mula taong 2000 hanggang 2022 ay nakapagtala ng 405,062 drug cases sa mga korte kasama na ang isinampa ng PDEA, PNP at NBI.


Ngunit 28 percent lamang aniya o mahigit 114,000 cases ang naresolba o nadesisyunan ng hudikatura.


Ayon sa kanya, indikasyon umano ito na hindi kaya ng trial courts na tugunan ang problema dahil congested o natatambakan na ng mga kaso kaya lalong bumabagal ang sistema ng hustisya sa bansa.


Bukod dito, ipinaliwanag ni Barbers na dahil sa kawalan ng drug courts ay naaantala ang paglalabas ng court orders at iba pang proseso na may kaugnayan sa pagsira o pagsunog ng mga nakumpiskang ilegal na droga.


Sa katunayan, naibunyag sa pagdinig ng House Dangerous Drugs Committee nitong Marso na mayroon pang 8,662 kilograms ng shabu at 4,233 kilograms ng marijuana na nasa kustodiya ng PDEA at PNP dahil nahihirapang makakuha ng court orders upang ipatupad ang pagsira sa mga ito.


Dito na umano sinasamantala ng mga tiwaling pulis na tinatawag ding "ninja cops" ang pagkakataon na i-recycle ang droga upang gamitin sa pagtatanim ng ebidensya o muling inilalako sa kalye. wantta join us? sure, manure...

Isinusulong ni AnaKalusugan Party-list Representative Ray Reyes na maisama ang anti-graft at corruption modules sa basic education curriculum ng bansa.


Sa inihaing House Bill 9054 o ang Anti-Graft and Corruption Education Act, nais ni Reyes na maipabatid sa mga kabataan ang good conduct at ethical standards ng mga public officials at kawani sa mga paaralan.


Nakasaad dito na makikipagtulungan ang Department of Education sa Office of the Ombudsman sa pagbuo ng modules of instruction na may kinalaman sa konsepto, epekto at pagsugpo sa graft and corruption na ipapaloob sa curricula ng basic education.


Kabilang sa lalamanin ng modules ang Republic Act 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Rules and Regulations na itinatakda ng Civil Service Commission ukol sa disciplinary actions.


Ipinaliwanag ng kongresista na napapanahon nang matutuhan ng mga mag-aaral ang kasanayan, kaalaman at tamang asal upang maging mulat sa paglaban sa katiwalian.


Kailangan aniyang patatagin ang moral foundation ng bansa lalo't base sa 2022 Transparency International Corruption Perception Index ay nasa pang-isandaan at labing-anim na puwesto lamang ang Pilipinas mula sa isandaan at walumpung bansa pagdating sa assessment ng perceived levels of public sector corruption. wantta join us? sure, manure...

PINAL NA BERSIYON NG IRR NG MAHARLIKA, HINDI MAIIMPLUWENSIYAHAN NG POLITIKA—SPEAKER ROMUALDEZ

Ipinahayag ni Speaker Ferdinand Martin Romualde na ang pinal na bersyon ng implementing rules and regulations o IRR ng Maharlika Investment Corporation o MIC ay gagarantiyang hindi maiimpluwensyahan ng politika ang pondo nito.


Dahil dito, ikinalugod ni Speaker Romualdez na nailabas na ang final version ng IRR kaugnay ng pamamahala sa Maharlika, na titiyak umanong hindi maimpluwensyahan ng politika ang paggamit nito.


Kasabay rin ng papuri nito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ginawang pagpapalakas ng pagiging independence ng Board of Directors ng MIC.


Tinukoy ni Speaker Romualdez ang atas ng Chief Executive sa MIC Board na magkaroon ng “independence,” bilang patotoo sa matatag at maayos na pamamahala upang mas makahikayat ito ng tiwala ng mga mamumuhunan at makaakit pa ng dagdag na pamumuhunan sa bansa.

 

Pawang mga bihasa at nirerespetong lider mula sa pribado at pampublikong sektor ang bumubuo sa MIC Board of Directors.  wantta join us? sure, manure...

Pinal na bersyon ng IRR ng Maharlika, gagarantiyang hindi maiimpluwensyahan ng politika ang pondo – Speaker Romualdez 


Ikinalugod ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na nailabas na ang pinal na bersyon ng implementing rules and regulations (IRR) kaugnay ng pamamahala sa Maharlika Investment Corporation, na titiyak umanong hindi maimpluwensyahan ng politika ang paggamit ng Maharlika Investment Fund.


“This move is a significant step towards enhancing corporate governance and ensuring that the MIF is managed with the utmost transparency and accountability,” ani Speaker Romualdez, kasabay ng papuri nito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ginawang pagpapalakas ng pagiging independence ng Board of Directors ng MIC.

 

“The autonomy of the MIC Board allows for more objective and effective decision-making, free from undue political influence. This is crucial in overseeing a fund of this magnitude, which is pivotal to our nation's economic growth,” punto pa ni Romualdez na lider ng higit 300 mambabatas.

 

“The final IRR, as introduced by the President, clarify the Board's discretionary powers while ensuring adherence to the law and alignment with the nation's socioeconomic development program,” saad ng pangulo ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD), ang pinakamalaking partido sa Kongreso sa kasalukuyan.


Tinukoy ni Speaker Romualdez ang atas ng Chief Executive sa MIC Board na magkaroon ng “independence,” bilang patotoo sa matatag at maayos na pamamahala upang mas makahikayat ito ng tiwala ng mga mamumuhunan at makaakit pa ng dagdag na pamumuhunan sa bansa.


“President Marcos' directive to review and strengthen the IRR of the MIF underscores the importance of safeguarding this national asset,” aniya.


Ang mga bumubuo aniya ng MIC Board ay magbibigay kasiguruhan sa isang mahusay at kolektibong perspektibo sa pangangasiwa ng pondo.

 

Pawang mga bihasa at nirerespetong lider mula sa pribado at pampublikong sektor ang bumubuo sa MIC Board of Directors. 

 

Kumpiyansa ang Speaker na sa pag-usad na ito ay mas mararamdaman ng ordinaryong Pilipino ang matatag na ekonomiya na magreresulta sa mas maraming trabaho, mas maayos na serbisyo publiko at mas maginhawang pamumuhay.

 

“The MIF, if managed independently and efficiently, can significantly contribute to the nation's socioeconomic development, aligning with the government's broader goals,” pagbibigay diin ni Speaker Romualdez

 

Tiwala naman si Speaker Romualdez sa kakayanan ni Pang. Marcos upang maging operational na ang MIF bago matapos ang taon, upang mapakinabangan na ito ng bansa.


“This strategic move by the President is a testament to his vision of a more prosperous and self-reliant Philippines, one where every Filipino stands to benefit from the nation's economic successes,” dagdag niya. (END) wantta join us? sure, manure...