Wednesday, May 24, 2023

PAGBILI NG PNP NG BODYCAM, TINALAKAY NG KOMITE SA KAMARA

Sa deliberasyon kahapon ng Ctte on Public Order and Safety sa Kamara, na pinamumunuan ni Rep. Dan Fernandez ng Santa Rosa City upang talakayin ang panukalang magsuot ng body worn cameras (BWCs) ang mga pulis sa kanilang mga operasyon, inihayag ng lupon na ito ay upang ang planong bumili ng mga ito ay maisama sa deliberasyon ng pambansang badyet para sa susunod na taon.


Ang pagsusuot ng BWCs ng mga pulis ay upang  mabawasan ang mga insidente ng pagtatanim ng ebidensya at pag-abuso. 


May kaugnayan din sa isinasagawang pagsisiyasat ang umano’y iligal na drug buy-bust operation ng PNP Regional Office 4A. 


Ipinaliwanag ni Rep. Fernandez na ang pagsisiyasat ay ipinatawag matapos na inihayag ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) na plano nilang bumili ng  42,856 na body worn cameras na nagkakahalaga ng P1.393 billion.


Ayon kay Rep. Fernandez, ang mga umarestong opisyal sa mga buy-bust operation ay gumagamit na lamang ng alternative recording device o ARD dahil sa kakulangan ng BWCs.





Sinabi ng mambabatas na karamihan sa mga Miyembro ang sang-ayon sa plano dahil magsisimula na ang deliberasyon sa badyet ng pamahalaan. 


Iprinisinta ni PNP Director for Logistics Gen. Ronald Olay ang mga detalye at estado ng nasabing pagbili. 


Ayon kay Gen. Olay, aabot sa P338 milyon ang alokasyon sa 2018 para sa pagbili ng BWCs. 


Sa naturang halaga, P228 milyon ang ginasta para sa BWCs at iba pang kagamitan sa misyon, at ang natitirang P110 milyon ay ibinalik sa National Treasury. 


Ang isang set ng BWC station na isinuplay sa PNP ay nagkakahalaga ng P87,000 bawat isa. 


Ipinunto ni Rep. Jorge Bustos (Partylist, PATROL) na ang mga law enforcement operatives ay hindi dapat na magsuot ng BWCs sa umpisa ng drug bust operations, “Halimbawa, mag ba-buy bust ka. Suot mo na yan? Siyempre hindi.” 


Iminungkahi niya na, imbes ay dapat gamitin ang BWCs ng Explosive Ordnance Divisions and (EODs) K-9 units, dahil sa mga pandaigdigang tratado bilang mekanismo ng pagtugon kung saan ay kasapi ang bansa, na iminamandato ang paggamit ng naturang kagamitan, paliwanag ni Bustos. wantta join us? sure, manure...