Tuesday, October 17, 2023

Duterte hinimok na magsampa ng kaso sa halip na magparatang 


Hinimok ng mga lider ng supermajority coalition sa Kamara de Representantes si dating Pangulong Rodrigo Duterte na magsampa ng kaso sa halip na magparatang ng walang inilalabas na ebidensya laban sa institusyon na sumuporta sa administrasyon nito.


Nagsama-sama ang mga lider ng iba’t ibang partido sa pagdepensa sa imahe ng Kamara na nadungisan umano sa paratang ni Duterte na mayroon pa rin itong pork barrel, na matagal ng ipinagbawal ng Korte Suprema.


Ginawa ni Duterte ang paratang habang ipinagtatanggol ang anak na si Vice President Sara Duterte sa paggamit nito ng P125 milyong confidential fund na naubos sa loob lamang ng 11 araw noong 2022.


“It is critical to remember that the 'pork barrel' system, which former President Duterte alluded to, has been deemed unconstitutional by the Supreme Court. Our Members are firmly committed to respecting and upholding this ruling,” sabi ng pahayag ng mga lider ng iba’t ibang partido.


“Rather than making sweeping allegations in the media, we advise the former president, if he has tangible evidence of wrongdoing, to present it to the appropriate authorities,” sabi pa sa pahayag na inilabas ni House Secretary-general Reginald Velasco.


Sa susunod na taon ay humihingi ang Office of the Vice President ng P500 milyong confidential fund at P150 milyon naman ang Department of Education. Ang dalawang ahensya ay pinamumunuan ni VP Sara.


Sa anim na taong pamumuno ni Duterte mula 2016 hanggang 2022, ilang beses itong nagpahayag ng double meaning na biro na kanyang dudukutin at totoryurin ang mga tauhan ng COA at ihuhulog ang mga ito sa hagdan upang hindi makapaglabas ng negatibong findings kung papaano nito ginamit ang kanyang pondo.


“Don’t comply with that COA son of a bi***! Nothing will happen there. That’s what I hate about flagging. It creates a conundrum and you know that it’s political season. Everyone has tirades, everyone has criticisms. These newspapers act as if they are the epitome of propriety and decency,” sabi ni Duterte noong 2021 ng kanyang ipagtanggol si Health secretary Francisco Duque III. 

 

“You (COA) make a report. Do not flag and do not publish it because it will condemn the agency or the person that you are flagging. The flagging is spelled flagged, what you are doing is flogging. Do not just flag. And then no one gets jailed, nothing happens,” sabi pa noon ni Duterte.


Ang supercoalition ng Kamara ay binubuo ng Lakas-Christian Muslim Democrats, Nationalist People’s Coalition, Nacionalista Party, National Unity Party, PDP-Laban, Party-list Coalition Foundation Inc., at iba pa.


Inulit ng partido na ang desisyon na ilipat ang confidential fund ng mga civilian agency patungo sa mga ahensya na kasama ang mandato sa pagbibigay ng proteksyon sa West Philippine Sea ay alang-alang sa kapakanan ng bansa.


“It is essential to understand that this decision was made for the benefit of the nation and not as a personal affront to any individual, including Vice-President Duterte,” sabi pa ng mga ito. (END) wantta join us? sure, manure...

Naniniwala si  Committee on Civil Service and Professional Regulation  Chair at Bohol  3rd  District Rep. Kristine Alexie Tutor na posibleng hindi parehas ang hacker sa website ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth at House of Representative


Ngunit  ayon sa mambabatas , ang lebel ng hacking skills na ginamit ng hacker ay mas malapit sa nang-hack sa website ng Department of Science and Technology at Philippine National Police 


Kung saan una nang  sinabi ng Department of Information and Communication Technology   o DICT na walang nakuhang pribadong impormasyon at small scale type lamang ang nangyaring hacking sa dalawang ahensya


Samantala, ikinabahala naman ng mambabatas ang naging pahayag ng  DICT na nasa 3,000 kaso ng hacking ang kanilang iinimbestigahan na naiulat sa kanilang tanggapan   mula January hanggang  August 2023 ngayong taon


Bunsod nito naniniwala ang kongresista na panahon na siguro para magpasaklolo ang Pilipinas sa cybersecurity specialist mula sa Interpol, ASEAN, Estados Unidos at Japan upang madagdagan ang nasa 200 certified cybersecurity expert ng Pilipinas


Matatandaang kahapon lamang nang magbalik operasyon at muling ma-access ng publiko ang website ng kamara matapos ma-hack nitong linggo , ngunit may mga ulat pa ring hindi mabuksan ito kapag gamit ang cellphone o kaya nama’y computer o laptop.


Habang patuloy ang paggulong ng imbestigasyon upang matukoy ang nasa likod ng hacking. wantta join us? sure, manure...

Kamara hahanapan ng paraan para maitaas ang budget ng DICT sa harap ng sunod-sunod na hacking sa website ng ilang ahensiya kabilang ang Kongreso…



Pabor ang Kamara na dagdagan ang budget ng Department of Information and Communications Technology para maiwasan ang mga cyber security attacks.


Ginawa ang pahayag ni Ako Bicol Partylist Representative Elizaldy Co, chairman ng House Committee on Approprations dahil sa magkakasunod na pag-hack sa ilang government agencies.


Paliwanag ni Co, ang idadagdag sa pondo ng DICT ay kukunin mula sa “unprogrammed funds” sa ilalim ng 2023 national budget.


Kapag sinabing  “unprogrammed funds”, ang budget items ay mapopondohan kung may sobrang target revenues ang gobyerno sa kasalukuyang taon depende sa pag-apruba ng Department of Budget and Management.


Ayon kay Co, kailangan ng DICT ang dagdag na pondo para malabanan ang cyber at ransomware attacks.


Bukod sa Philhealth na biktima ng ransomware, na-hack din ang website ng DOST, PNP, PSA at ang ponakahuli ay ang House of Representatives. wantta join us? sure, manure...