Thursday, March 16, 2023

IMBESTIGASYON SA PAG-RECYCLE NG DROGA AT SISTEMA NG PABUYA, IPINAGPATULOY

Ipinagpatuloy ng House Committee on Dangerous Drugs na pinamunuan ni Surigao de Norte Rep Robert Ace Barbers ang kanilang motu proprio investigation sa diumano'y pag-recycle, sistema ng pabuya, at ang umano’y komisyon na natatanggap ng mga impormante, o non-organic intelligence na tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). 


Sinabi ni Rep. Barbers na ang nasabing pamamaraan, gaya ng inihayag ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo ay isang indikasyon na ang ating law enforcement agencies ay may mga unscrupulous na mga empleyado na patuloy pa ring ibinibenta ang kinabukasan ng ating mga kabataan at ng ating lipunan para lamang sa kanilang personal na kapakinabangan 


Ayon sa kanya, these people are a menace to our society, at idinagdag pa niya na ang mga taong ito ay mas masahol pa … sa mga drug dealers na hinuhuli. Nagmumukhang ligal at government sponsored ang ating mga drug deals. Kaya pala hindi matapos tapos at maubos ubos ang iligal na droga sa ating kalsada.


Binigyang-diin ni Director General Lazo na walang polisiya ang PDEA na nagbibigay ng 30 porsiyento ng mga nakumpiskang iligal na droga sa mga impormante bilang pabuya. 


Nilinaw niya na ang kaniyang isiniwalat sa publiko na may mga fixer na naghahanap ng mga nakumpiskang droga bilang pabuya ay isinagawa nang walang masamang hangarin. 


Pinuri naman ni Rep. Barbers si PDEA Director General Lazo sa pagharap at tiniyak nito sa kaniya ang "lahat ng suporta at proteksyon kung kinakailangan sa pagsisiwalat ng katotohanan upang iligtas ang ating bansa" ng Komite. wantta join us? sure, manure...

PANUKALANG LILIKHA NG MGA KONSEHO LABAN SA DROGA, INAPRUBAHAN NG KOMITE, IPRUBADO NA SA KOMITE NG KAMARA

Inaprubahan ng Komite ng Dangerous Drugs sa Kamara, na pinamumunuan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, ang panukalang lilikha ng mga anti-drug abuse council (ADACs) sa lahat ng mga lalawigan, lungsod, munisipalidad, at barangay sa buong bansa. 


Ang mga panukalang batas ay iniakda ni Rep. Barbers at iba pang mga solon.


Sa deliberasyon ng komite, iminungkahi ni Batanes Rep. Ciriaco Gato Jr. na isama ang kinatawan ng distrito ng lungsod o lalawigan bilang permanenteng ex-officio na kasapi ng ADAC. 


Ipinunto naman ni Leyte Rep. Richard Gomez na hindi lahat ng mga mambabatas ay nakikipag-ugnayan sa mga alkalde ng lungsod.  wantta join us? sure, manure...

PAGPAPATUPAD NG RBH NO. 6 AT RIGHTSIZING NG PAMAHALAANG NASYONAL, APRUBADO SA IKATLONG PAGBASA

Matapos ang makasaysayang pag-apruba ng Resolution of Both Houses (RBH) No. 6, ay inaprubahan ng Kamara de Representantes kahapon (ngayong Martes) ang House Bill 7352 sa Ikatlo at Huling Pagbasa. 


Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pag-apruba ng panukala, na nakakuha ng 301 pabor na boto at pitong kontra. 


Sasakupin ng panukala ang implementasyon ng RBH 6, na nananawagan ng isang Constitutional Convention, na siyang magpapanukala ng mga amyenda o rebisyon ng 1987 Saligang Batas. 


Isinasaad sa HB 7352 ang komposisyon ng Constitutional Convention, na kabibilangan ng mga hinalal at hinirang na mga delegado mula sa bawat lehislatibong distrito. 


Ang halalan ng mga delegado ay idaraos sa ika-30 ng Oktubre 2023. Isinasaad rin dito kung sino ang magpapatawag sa mga delegado, ano ang kanilang mga kwalipikasyon para sa ihahalal at mga sektoral na delegado, at kung kailan mag-uumpisa ang sesyon. 


Magkatuwang na pangungunahan ng House Speaker at Senate President ang pagbubukas-sesyon ng convention. 


Samantala, ang HB 7240 o ang "The National Government Rightsizing Act" ay inaprubahan rin sa Ikatlo at Huling Pagbasa, na may 292 pabor na boto ay tatlong kontra. 


Layon ng panukala na gawaran ng kapangyarihan ang Pangulo na bawasan ang mga operasyon ng mga ahensya, kagawaran, pangasiwaan, tanggapan, komisyon, mga boards, mga konseho, at iba pang mga opisinang may kaugnayan sa Ehekutibo. 





Ang iba pang mga panukala na pasado sa ikatlong pagbasa ay ang mga: 1) HB 7006, na kilala rin bilang panukalang "Automatic Income Classification Act for Local Government Units" na may 300 pabor na boto; 2) HB 7210, na nagdedeklara sa ika-7 ng Pebrero ng bawat taon bilang "National Religious Freedom Appreciation Day" na may 302 pabor na boto. 


Ipinasa rin ng Kapulungan ang mga panukala sa ikalawang pagbasa. Ito ay ang mga: 1) HB 4605, paggagawad ng karapatan sa mga may-asawang kababaihan na gamitin ang kanilang mga apelyido sa pagka-dalaga; 2) HB 6772, na maggagawad ng kapangyarihan sa Pangulo na suspindihin at ayusin ang nakatakdang pagtataas ng premium na halaga ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa mga direct contributors; 3) HB 7577, na lilikha sa hiwalay na distrito ng tanggapan ng engineering sa Second Legislative District ng Lungsod ng Zamboanga, na inamyendahan; at 4) HB 7387, na nagpapalawig sa serbisyo ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) at humihikayat ng partisipasyon ng pribadong sektor sa paseguro sa agrikultura, na inamyendahan. Pinangunahan din ni Deputy Speaker Ronaldo Puno ang sesyon sa plenaryo ngayong araw. wantta join us? sure, manure...